CHAPTER 087 - Can't Promise The Same
APAT NA ARAW NA MALAMIG ANG PAKIKITUNGO NI TRINI KAY GENE. She was always cranky, always tired, and not in the mood. But Gene said nothing; he understood. He did his best to understand her situation despite knowing less.
Sa umaga, hindi tulad dati, kapag nagigising si Trini ay kaagad itong babangon upang maligo at maghanda sa pagpasok sa facility. Gene would wake up finding out that Trini had already left. Kahit pagbu-brew ng kape ay hindi na nito ginawa. Gene would call her, but Trini would just answer through text. She wouldn't take the call.
Sa hapon ay susunduin ni Gene si Trini, pero dahil dala ng huli ang sasakyan nito'y magkahiwalay siyang magmamaneho ng sasakyan pauwi. He tried to invite her out for dinner, but in the past four days, Trini did nothin but decline. Doon na lang sila sa bahay kumakain ng pagkaing in-order nila online. At kapag kumakain sila ay pilit na nagbubukas ng topiko si Gene na sasagutin lang ni Trini ng tango o kibit-balikat.
Ayaw ni Gene na muli nilang pagtalunan ang tungkol sa pag-alam nito ng tunay na nararamdaman ni Trini, kaya kahit na hindi na ito komportable ay pinahaba pa ni Gene ang pasensya at pag-iintindi. He thought that it might be best to give Trini more time to think things over; to gather her thoughts until she was ready to make amends.
At hanggang sa dumating ang araw na muli silang bumalik sa dati, ay gagawin ni Gene ang lahat ng makakaya nito upang suyuin ang dalaga.
*
*
*
KINUNUTAN NG NOO SI TRINI NANG MAKITANG BUKAS PA RIN ANG WORKSHOP NI GENE PAGKAUWI NIYA. It was already 6:30PM. At kahit na nag-o-overtime si Gene ay nakasara na dapat ang roll up door ng workshop pagdating ng alas seis.
Matapos niyang igarahe ang kotse sa tapat ng bahay niya ay pinatay na niya ang makina at kinuha ang mga gamit na nakapatong sa ibabaw ng front seat. She bought Gene's favorite dessert; chocolate truffle. Kahit man lang doon ay makabawi siya sa mga tantrums niya nitong nakalipas na mga araw. Although, walang pagbabago sa nararamdaman niya, ay gusto niyang kahit papaano'y makabawi sa mga ipinakita niyang moodswings nitong nakaraang apat na araw.
Pilitin man niya ay hindi niya magawang maging masaya.
And although she had already told Gene what she and Doctora Vergel had spoken about, there was still another thing she hasn't told him.
At iyon ang bagay na mas mahalaga.
Bitbit ang mga pinamili ay dumiretso siya sa gate. Kapag nakita ni Gene ang kotse niya sa harap ay siguradong magsasara na ito ng shop at lilipat. Hindi pa niya alam kung papaano babasagin ang pader na inilagay niya sa pagitan nila nitong nakalipas na mga araw; pero gusto niyang umpisahan sa masarap na dinner.
Dire-diretso siya sa bahay; nakabukas na ang mga ilaw. Dinala niya sa kusina ang biniling dessert at ipinasok sa fridge. Naghugas siya ng kamay, naglabas ng karne mula sa freezer upang i-defroze. Gene had been eating nothing but take-out food these past few days; gusto niyang ibalik ang dating gawi sa gabing ito.
Naghahanap siya ng mga gulay sa chiller nang makarinig ng tunog ng motorsiklo. She knew it wasn't Gene's motorcyle; she had memorized the sound of its engine. Tuwid siyang tumayo at humakbang patungo sa bintanang nakaharap sa workshop, at doon ay sumilip siya.
Napatda siya sa nakita.
Babae ang nakasampa sa motorsiklong lumabas mula sa workshop ni Gene.
And it wasn't just another woman.
It was Chona!
Sa ganitong oras?
Umusok ang ilong niya, at bago pa niya napigilan ang sarili ay nagdadabog na humakbang siya palabas ng kusina at patungo sa front door. Dire-diretso siya hanggang sa makalabas ng bahay.
Hindi na niya inabutan pa si Chona. Usok na lang na nagmula sa tambutso ng big bike nito ang inabutan niya nang lumabas siya sa gate ng bahay niya, at ang roll up door ng workshop ni Gene ay unti-unti nang bumababa. Si Gene ay nakatayo sa harap niyon at hinihintay ang tuluyang pagsara ng pinto, and when it did, he turned around and walked over her house.
Nahinto ito sa paghakbang nang makita siyang nakatayo sa gate. Ngumiti ito bago nagpatuloy.
"Hey."
"Was that Chona?" Her voice was as cold as the expression on her face.
"Yeah, she had her motorcycle checked—"
"Bakit hindi mo sinabing pupunta siya?"
Gene chuckled nonchalantly. "I didn't know I had to report my schedules to you?"
"Hindi lahat, pero ang tungkol lang kay Chona."
"Come on, Trin. We kept it professional this time." Nawala ang ngiti sa mga labi ni Gene, napabuntonghininga. "I may be a lot of things, but I would never cheat on you—"
"Noong si Jerome Sison ang nakaschedule na pumunta sa facility ay sinabi ko sa 'yo to prevent misunderstanding, pero ikaw ay hindi ginawa nang si Chona naman ang pumunta sa workshop mo?"
"She came unannounced, okay? Kasama kita noon sa restaurant nang sinabi niyang pupunta siya sa shop anytime this week—"
"You should have told me still."
Bumuntonghininga muli si Gene bago lumapit. Nang makalapit ay masuyo siya nitong hinapit at akmang yayakapin kung hindi lang siya pilit na kumawala.
"H'wag mo akong daanin sa ganito, Heneroso." Tumalikod siya at bumalik sa loob ng bahay.
Damn it. Kung kailan pinlano niyang kahit papaano ay bumawi kay Gene sa gabing ito at ganito naman ang nangyari.
At sa totoo lang, hindi rin niya alam kung bakit ginawa niyang malaking bagay ang tungkol sa pagpunta roon ni Chona, samantalang naniniwala siyang hindi siya tatarantaduhin ni Gene. But there was a demon inside her head, driving her mad, and forcing her to start a fight.
Because deep inside, she knew she needed to get out of this situation-- of this relationship.
As early as she could.
Bago pa tuluyang masaktan si Gene.
Nagulat siya sa itinatakbo ng isip. Nahinto sa paghakbang.
Ano ba iyong naisip niya ngayon lang?
Natigil siya sa pag-iisip nang maramdaman ang pagyakap ni Gene mula sa likod. Napa-igtad siya nang maramdaman naman ang mga labi nito sa balikat niya.
"I'm sorry, okay?" he said in a gentle tone before planting another kiss on the side of her neck. "I was in shock when she appeared at the door, pero dahil kliyente ko naman siya ay hindi ko siya pwedeng ipagtabuyan. I was planning to tell you about it over dinner. H'wag na nating pagtalunan ito, she's not worth it."
Pumihit siya paharap at tiningala ito. Para siyang nakakita ng multo habang nakatitig sa mukha ni Gene.
"S-Sorry din, I wasn't... thinking straight," ang sinabi niya. Pero hindi ang tungkol kay Chona ang ini-hihingi niya ng dispensa kung hindi ang itinakbo ng isip niya kani-kanina lang.
About letting him go before causing him so much pain.
Ano ba iyon?
Where did it come from?
She cleared the lump in her throat before adding, "I didn't mean it, Gene."
Ngumiti si Gene at yumuko upang halikan siya sa noo nang umiwas siya at banayad na inalis ang mga kamay nitong nakayakap sa kaniya.
"L-Let's go inside and prepare dinner. Ako ang magluluto."
Bago pa man makasagot si Gene ay tumalikod na siya. Sa malalaking mga hakbang ay tinungo niya ang front door at pumasok sa loob. Gene followed, and she pretended busy when she got into the kitchen.
Sa gilid ng kaniyang tingin ay nakita niya si Gene na sumandal sa kitchen entry. Hands across his chest, eyes on her. Sandali siya nitong sinundan ng tingin hanggang sa magsalita itong muli;
"I missed you, Trinity Anne."
She froze.
Gene continued, "I missed waking up in the morning and seeing you still sleeping next to me. I missed having coffee with you at the breakfast table while having small talks about your day-to-day plan. I missed kissing you and hugging you tight. I missed holding you in my arms as we drowse to sleep at night. I miss everything about you, love."
Dahan-dahan siyang humugot nang malalim na paghinga. Ramdam niya ang emosyong bumabalot sa bawat tinagang binitiwan ni Gene, at gusto rin niyang sabihin dito na pareho lang sila ng nararamdaman. But she couldn't tell him what was the real reason of her actions. She couldn't tell him why she was feeling down, or why she was acting strange these past few days. She couldn't tell him because she was scared of his reaction.
"Gusto kong itanong kung kumusta ka na dahil ilang araw tayong hindi halos mag-usap," dagdag pa ni Gene. "Gusto kong itanong kung ano na ang pakiramdam mo pero ayaw kong pagtalunan na naman natin ang tungkol sa bagay na iyon. I just want us to go back to how we used to, Trin. Because I missed seing you smile and laugh."
Mariin siyang napalunok. Pakiramdam niya'y kumipot ang daluyan niya ng hangin; pakiramdam niya'y sumikip ang kaniyang dibdib.
She cleared her throat and opened her mouth to respond to Gene. Pero ano ang sasabihin niya?
She pressed her lips and bent her head down.
Pinili niyang manatiling tahimik.
"Let's have a trip, Trin," sabi pa ni Gene nang walang nakuhang sagot mula sa kaniya. "Let's go somewhere remote. Let's have a short break."
Break, ulit niya sa isip.
Yeah. I think we need that.
Ibang break nga lang ang gusto niya sa gusto ni Gene.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at minura ang sarili. Hindi na talaga niya nagugustuhan ang direksyong tinatakbo ng isip niya.
Muli siyang humugot nang malalim na paghinga bago sumagot. "Busy ang facility sa susunod na mga linggo, I can't afford to leave my staff yet."
"The facility will function even without you around. Besides, we will only be away for what—three, four days?"
"Maybe next time, Gene." Itinuloy niya ang paghihiwa ng patatas. At habang ginagawa iyon ay kinunutan siya ng noo.
Hindi niya alam kung saan gagamitin ang gulay na iyon—she was gonna cook tinola for f*ck's sake!
Tinigilan niya ang paghiwa sa patatas at inisunod ang okra.
Muli siyang napamura sa isip.
Ano ba itong mga gulay na inilabas niya sa fridge? All she needed was papaya and luya! Nasa bakuran naman niya ang malunggay!
Huminga siya nang malalim at binitiwan ang kutsilyong hawak. Itinukod niya ang mga kamay sa sink at mariing ipinikit ang mga mata.
Maybe she really needed a break. Baka nga kailangan lang nila ni Gene na lumayo sandali ay magliwaliw para makapag-isip siya nang maayos. Baka kapag pinagbigyan niya ang sarili na magliwaliw muna at alisin sa isip ang dinadalang problema ay baka mawala na ang demonyong bumubulong sa likod ng isip niya. At baka magawa niyang makapag-isip nang matino.
At kapag handa na siya ay babalik siya sa Asteria para sumailalim sa ilang mga medical tests base na rin sa payo ni Doktora Vergel.
Nang muling maisip ang kasalukuyang sitwasyon ay muli siyang pinanghinaan ng loob. Muling bumigat ang kaniyang dibdib. And she felt like bursting to tears.
"Trini..."
Napa-igtad siyang muli nang maramdaman ang kamay ni Gene sa balikat niya. Para siyang tangang umiwas at hinarap ito sa nanlalaking mga mata.
Kinunutan ng noo si Gene. "Trini, you are restless. Kailangan mong magpahinga. Stop stressing yourself and let's have a break. Gusto mo bang sa Bali tayo pumunta? O sa Singapore? Thailand? We never had the opportunuity to travel abroad together, have we? Now's the time, so let's do it."
Itinaas niya ang kamay at hinagod ang ulo. "I... think you're right, Gene. Marami akong kailangang ayusin sa susunod na buwan, kaya maganda nga sigurong lumabas tayo ng bansa at... sandaling kalimutan ang problema."
"Wala tayong problema, Trin. Wala akong problema. At kung mayroon ka ay narito lang ako para sa 'yo."
Kapag nalaman mo ang problemang kinahaharap ko ay baka umatras ka at bawiin ang sinabi mong 'yan, Gene.
I know you love me, but I also know you love children.
What would you do if I told you that I couldn't give you a child?
And not only that. Ano ang mangyayari sa 'yo kapag iniwan kita... habangbuhay?
Oh, para na namang hiniwa ang dibdib niya.
Bakit ba kasi nananalaytay sa dugo ng pamilya ng mommy niya ang sakit na iyon?
Why did she have to suffer the same fate as her mom?
"Why are you crying, Trin?"
Kung hindi pa sinabi ni Gene ay hindi niya mapagtatantong kanina pa pala pinamumunuan ng luha ang kaniyang mga mata. Itinaas nito ang kamay upang sana ay pahiran ang luhang ngayon ay naglandas na sa kaniyang pisngi nang matigilan ito.
He stared at her crying face for a while, before asking...
"Can I... touch you?"
Lalo siyang naiyak.
Dahil sa ilang araw na pag-iwas niya ay dumating na sa punto si Gene na kailangan pa nitong itanong kung pwede siyang hawakan. And she felt so damn horrible.
Gene didn't deserve to be treated like this.
"I'm sorry, Gene..." ang tanging naisagot niya bago siya yumakap dito.
God, she badly needed his hug. She badly needed to be in his warm embrace.
Gumanti ng yakap si Gene, mas mahigpit. Ini-hilig niya ang ulo sa dibdib nito at doon siya nagpatuloy sa pag-iyak.
Gene kissed the top of her head and said, "It's alright, love. Wet my shirt and cry as much as you want. I will always be here for you, I promise."
Pero lalo lang bumigat ang dibdib niya sa sinabi nito.
I'm sorry, Gene, she said in her mind. Because I can't promise the same to you...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top