CHAPTER 084 - The Dilemma




"UNCLE GENE!" bulalas ni Quentin sabay takbo pasalubong nang makita ang pagpasok nina Gene at Trini sa front door ng ancestral house ng familia. Nasa sala ito kasama si Theo at naglalaro. Sa sahig ay nagkalat ang mga laruan ng mga ito, si Nelly na tumayo na ring yaya-ninang ni Theo ay umaliwalas ang mukha.

"Happy bornday, Ser Acky!" masiglang bati nito.

Sandali lang sinulyapan ni Gene si Nelly at kinindatang bago niyuko si Quentin na tuluyan nang nakalapit at napakapit sa binti nito. Si Theo, na nainggit, ay tumayo rin at patakbong lumapit.

"Hello there, little fella," bati ni Gene kay Quentin. Patingkayad itong naupo upang pumantay sa ngayon ay magta-tatlong taong gulang nang panganay ni Quaro.

"It's your birthday today!" anang bata na ikinawit ang mga braso sa balikat ni Gene. "How old are you now?"

"I'm twenty-nine," nakangiting sagot ni Gene; sa gilid ng tingin ay nakita nito ang paglapit ni Theo.

"Man, you're old!" bulalas pa ni Quentin na ikina-bungisngis ni Trini na nakatayo sa likuran ng mag-tiyo.

Gene faked a gasp. "Yo, your words hurt, little man!"

Hindi na nakasagot pa si Quentin nang makalapit na rin si Theo. Yumakap ito sa braso ni Gene sabay sabing, "Let me blow your birthday candle! Please, please, please!"

"No, I wanna do it for uncle!" sabat naman ni Quentin.

"But I said it first!" bulol na pakikipagtalo ni Theo.

"Yeah, but I'm older!" ani Quentin.

"Only by five months!"

"Hey, hey, hey, drop it." Dinala ni Gene ang mga braso sa pagitan ng dalawang pamangkin para paglayuin ang mga ito. "I'm going to have two cakes, and each of them will have candles. Tig-isa kayo mamaya para walang gulo."

Ibinaling ng dalawa ang tingin sa kaniya.

"But Dad only baked one cake for your birthday," ani Quentin.

"He did?"

It was a surpise for Gene. Kailanman ay hindi pa gumawa ng cake si Quaro para sa kahit anong okasyon na idinadaos nila sa ancestral house. Kadalasan ay si Felicia ang gumagawa niyon o umo-order sa cake shop na pag-aari ng isa sa mga kumare nito sa bayan ng Asteria.

"Yes, I did."

Umangat ang tingin ni Gene at nakita si Quaro na naka-sandal sa pader na humihiwalay sa sala at kusina. Nakahalukipkip ang mga braso, nakangiting nakatunghay sa kanila—which was also a surprise because Quaro seldom smiles. Kapag babae o mga customers ng panaderia nito ang kaharap ay madalas na gumuguhit ang ngiting iyon sa mga labi ni Qiaro, but never did when he was facing all his brothers.

"You made it," aniya sa panganay na kapatid. "Akala ko ba ay hindi ka makakapunta dahil hirap nang bumiyahe si Kirsten?"

"Quentin wanted to see you on your birthday. Kaming dalawa lang ang narito ngayon, nasa Montana si Kirsten kasama si Daday at ang katulong na kinuha ko." Masuyo nitong sinulyapan ang anak na naka-hawak na ngayon sa suot na jacket ni Gene. "Quentin asked me to bake you a cake when we got here. Katatapos ko lang gawin."

Ngumiti si Gene saka ginulo-gulo ang buhok ng pamangkin. "Ang lakas ko talaga sa pamangkin ko. This is the first time you made a cake for me, so I appreciate it, Quaro."

"If it wasn't for Quentin, I wouldn't bother."

Gene chuckled at the sarcasm.

Si Quaro naman ay lumampas ang tingin at natuon kay Trini. His face softened all the more, his smile widened, too. "How's it going, Trin?"

"Heto, gorgeous pa rin, Kuys," nakabungisngis na sagot ni Trini bago niyuko ang dalawang batang ngayon ay nakatunghay na rin dito. Trini leaned over and smiled at the kids. "How about I buy Uncle Gene another cake so both of you could blow a candle for him, huh?"

"I want one with a cat or a dog design on top," nakangusong sabi ni Theo na ikinalapad ng ngiti ni Trini. "Of course, Theo. And you know what? Ngayon din ay aalis na ako para umorder doon sa bayan nang sagayon ay umabot mamayang dinner. Just wait for it to arrive, okay?"

Nakangiting tumango si Theo.

Si Gene ay itinuwid na ang tayo; hawak-hawak sa tig-iisang kamay ang mga pamangkin. "There you go, problem solved." Then, he turned to Trini. "Samahan na kita."

"Ano ka ba? Saan ka nakahanap ng birthday celebrant na sumamang bumili ng cake niya? H'wag na, ano. Dito ka na lang kina Quentin at Theo dahil mukhang miss na miss ka ng mga pamangkin mo."

Hindi kaagad na nakasagot si Gene nang magsalita si Nelly na nanatiling nakaupo sa sahig katabi ang mga nagkalat na laruan ng dalawang bata.

"Bakit nga pala hindi pa kayo nag-a-anak, Ser Gene at Ate Trins? Aba, anong petsa na, ah?"

Si Gene ay nakangising binalingan si Nelly. "We're still working on it, Nells. H'wag kang mag-alala, ninang ka rin kapag lumabas na."

Napanguso si Nelly. "Apaka-kupad kasi, Ser. Aba, eh itong si Quentin ay matatas nang magmura, tapos sa susunod na buwan ay magiging kuya na pero ikaw, nganga pa rin. Ano, gan'yan ka na lang, Ser? Galaw-galaw, aba!"

Sina Quaro at Gene ay natawa na lang sa sinabi ni Nelly, pero hindi si Trini.

Nelly's statement didn't offend her, but it did make her feel bad... and insecure.

Wala sa loob na naibaba ng dalaga ang kamay sa tiyan.

Oo nga.

Bakit nga ba wala pa rin?

*

*

*

"OKAY PO, MA'AM. IRA-RUSH po namin ang order ninyo at sisiguraduhing makararating ang cake bago mag-alas siete ng gabi mamaya. Kilala naman po namin si Ma'am Feli, kaya alam na namin kung saan ihahatid ang cake," anang staff ng pinaka-malaking cake shop sa bayan ng Asteria. Iyon ang cakeshop na pag-aari ng kumare ni Felicia at mataas ang kalidad ng mga produkto.

The cake Trini ordered was a customised one; it would be two-layered vanilla cake with a puppy riding a big bike design on top. Siniguro ni Trini na hindi lang si Theo ang matutuwa kung hindi pati na rin si Gene.

Hindi na niya nagawang pumasok pa kanina sa ancestral house dahil kinailangan niyang magmadali para maihabol ang cake order. She drove Gene's truck, at habang nasa daan ay patuloy siyang binagabag ng biro ni Nelly.

Bagaman ilang beses na rin niyang naisip iyon, at matagal na rin siyang nagtataka, ay hindi niya gaanong binigyan ng malaking kahulugan ang hindi pa niya pagbubuntis.

But now it got her thinking, thanks to Nelly.

But really.

What was happening?

Was there a problem?

Pero, sino?

Si Gene?

Siya?

Hell. Why didn't she have herself checked out?

Nagtataka rin ba si Gene kung bakit hindi pa sila nakabubuo sa kabila ng wala naman silang ginagamit na proteksyon? Naisip din kaya niya iyon at hindi lang sinasabi sa kaniya?

O baka talagang walang pakialam si Gene sa ganoong bagay?

Sunud-sunod siyang umiling sa huling naisip.

Gene wasn't like that.

Gene loved kids. He loved his nephews. Kahit hindi nito sabihin sa kaniya ay nakikita niya ang sayang nararamdaman ni Gene sa tuwing uuwi ito sa Asteria at nakakasama ang mga pamangkin. At malapit ang mga pamangkin nito rito; and that was because Gene was spoiling them. He was the coolest uncle for Theo and Quentin.

But maybe Gene was okay to be an uncle, but never as a dad?

No. No. She mentally shook her head.

Gene wanted to build a family with her; sinabi iyon ni Gene sa ina. And he said it to her many times already.

Shit. Maybe Gene was also wondering why and was just skeptical to open the topic about it?

I have to see a doctor.

Sa naisip ay mabilis siyang lumabas sa cake shop matapos i-abot sa kaniya ng staff ang resibo ng order niya. Dire-diretso siya sa parking space at pumasok sa truck. Makaraan ang ilang sandali ay nasa daan na siya.

Asteria had changed a lot through the years, pero alam na alam pa rin niya ang pasikot-sikot sa isa sa pinakamalaking bayan sa rehiyong iyon. She was born and raised here. She lived here for twenty years until she decided to follow Gene to Ramirez. Mas umunlad ang bayan ng Asteria ngayon at mas marami nang establisiyementong nagsulputan, pero magkaganoon man, alam pa rin niya ang daan patungo sa clinic na laging pinupuntahan noon ng mommy niya.

Nang maisip ang ina at ang clinic ni Doktora Hernandez ay napa-preno siya.

Kung hindi siya naka-seatbelt ay muntikan na sana siyang tumalsik sa dashboard. Hindi niya pinansin ang pagkirot ng dibdib nang humigpit ang seatbelt doon matapos ang biglaan niyang paghinto, pati na rin ang malakas na busina ng sasakyang nasa kaniyang likuran.

She stopped the car in the middle of the road after something came to mind. Something... like an old memory that she was forced to forget because it was too painful to remember.

Doktora Hernandez's clinic...

She forgot how many times her mom went to visit that clinic to have herself checked out, yet she could clearly remember the sadness in her mom's eyes whenever she gets home...

Like an old movie in a replay, she remembered the days and nights when she saw her mom cry in the bathroom because of what Doktora Hernandez told her...

And then... the day her mom died.

All those memories came into her mind after remembering who Doktora Hernandez was in their lives. She used to think of her as someone who was sent from hell to deliver bad news. She used to hate that doctor.

And now, just remembering who that doctor was and how she could become a big part of her current life brought shivers all over her body.

Napahigpit ang kapit niya sa manibela. At dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin sa kaniyang tiyan.

Her eyes welled with tears.

Oh God, she shakily uttered in her head.

Please don't do this to me.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top