CHAPTER 079 - Getting All The Attention







            "HEY, ARE YOU READY YET?"

            Mula sa pagsuri ng tingin sa sarili sa harap ng full-sized mirror ay nilingon ni Trini si Gene na sumulpot sa pinto ng kanilang silid. He was wearing his usual get-up; a black leather jacket with a white V-neck shirt underneath, a pair of faded blue jeans, and brown Chelsea boots. His hair was brushed up neatly, and his overall aura screamed attention.

Gene was a perfection; no wonder women went gaga over him.

            Nakanguso niyang ibinalik ang tingin sa salamin. She was wearing a black mini-dress na umabot lang hanggang sa ibabaw ng kaniyang tuhod. Longe sleeve iyon, pero mababa at open back ang design sa likuran. Humulma ang damit sa balingkinitan niyang katawan, showing off her shape and curves. Sa kaniyang mga paa naman ay ang pares ng black velvet slim-heel boots na may tatlong pulgada ang taas.

            "I don't like what I see," she complained, pouting still.

            "Baby, I love what I see," sagot naman ni Gene bago tuluyang pumasok.

Muli niya itong sinulyapan. "Bloated ang pakiramdam ko. And I feel like I've gained some weight. Nakakainis."

            "Ano'ng nakakainis doon?" Lumapit sa kaniya si Gene, yumakap mula sa likuran, at sinuyod siya ng tingin sa salamin. His eyes sparkled in admiration. "Wow. Look how gorgeous you are."

            She chuckled and elbowed him. "Tumigil ka nga."

            "Totoo ang sinasabi ko." He bent his head and planted a soft kiss on the side of her neck while still maintaining eye contact. "Never doubt your sex appeal— because it's one of many reasons why I fell for you."

            Napalabi siya. As usual—namumulaklak na naman ang mga salita ni Gene. And as usual, nadala na naman ang marupok niyang puso.

            "Kung hindi lang tayo hinihintay ni Sky ngayong gabi ay mas pipiliin kong manatili rito sa bahay at busisiin ang katawan mo." Ngumisi ito, ang mga kamay ay mapanukso nitong ibinaba sa kaniyang puson. "But we can't skip the party; ilang beses niya akong in-imbita at kung hindi ako pupunta ay baka magtampo 'yon at hindi na magpagawa ng sasakyan sa akin."

Ngumiti siya at ipinatong ang mga kamay sa kamay ni Gene. She lovingly stared at him in the mirror, trying to fight the urge to turn her head and kiss him. Dahil kapag ginawa niya iyon ay baka nga hindi sila makaalis. And they had to, para kay Sky.

            Sky O'Hana—one of Gene's VIP clients and the guy she dated once—was having a party in his house. It was Sky's thirtieth birthday and he invited them personally.

            Isa si Sky sa mga inilakad sa kaniya ni Gene noon dahil nagkaroon daw ng crush sa kaniya ang lalaki nang makita siya nito sa paborito nilang pub. Pinagbigyan niya si Sky ng isang date night, but it didn't turn out good for her. Sky was... somehow a chick magnet. Magandang lalaki, mayaman, sikat. Isa na itong kilala at class A car racer bago pa nito nakilala si Gene. He was a good and sweet guy, pero wala siyang naramdamang atraksyon sa lalaki. Besides, tingin niya rito'y bituin na kay hirap abutin o pantayan man lang. She was intimidated by Sky's popularity and success. Alam niyang hindi ito para sa kaniya, dahilan kaya hindi na nasundan ang isang beses na date nila.

            "Let's get going," bulong pa ni Gene saka siya hinalikan sa sentido. "Bago pa magbago ang isip ko."

            Hinawakan siya nito sa kamay at banayad na hinila. Nagpaubaya siya.

Nasa pinto na sila ng silid nang muli siyang nagsalita. "Are you sure na hindi pangit sa akin ang pagdagdag ng timbang ko? Ramdam ko talagang sumisikip ang mga pantalon at dresses ko, Gene."

            Huminto si Gene at nilingon siya. Nasa mga labi ang masuyong ngiti. "Trini, your gain weight isn't even noticeable. And you look great—believe me. At ngayon pa lang ay nagseselos na ako sa mga lalaking naroon sa party ni Sky. Because you know why? Everyone of them will be glancing at you."

*

*

*

            KANINA PA MASAMA ANG TINGIN NI GENE KAY SKY habang kausap ng huli si Trini na sandaling nagtungo sa bar counter upang kumuha ng panibagong inumin. Kung hindi lang siya hinarang ng isa pa sa mga VIP clients niya na katulad ni Sky ay kilala ring car racer ay baka katabi niya si Trini sa mga sandaling iyon at naprotektahan laban sa kamandag ni Sky.

Although he trusted that Trini would never fall for Sky's charm, hindi pa rin niya napigilan ang pag-alpas ng selos sa dibdib. Alam niyang kung gugustuhin ni Trini si Sky ay noon pa dapat; so there wasn't really any reasons for him to get jealous... nor threatened.

Pero... alam kaya ni Sky ang totoong score sa pagitan nila ni Trini?

If he did, he wouldn't have approachedTrini.

And he wouldn't have flirted with her.

Yes, Sky was fucking flirting with his Trinity Anne. Kilala niya ang lalaki, ganoong-ganoon ito kapag may nilalanding babae.

Papano niya nalaman?

Well, pareho lang sila ng likaw ng bituka ni Sky O'Hana.

Sky must know that Trini is already mine, he whispered in his head. He must know where he stands.

"Are you okay, Gene?"

Maagap niyang ibinalik ang pansin sa kausap. Migs Hermoso was Sky's friend; isa sa mga VIP clients niya at isa ring kilalang car racers sa bansa. "You were saying...?"

Natawa si Migs bago ibinaling ang tingin sa direksyon kung saan siya nakatingin kanina. Nang makita nitong magkausap sina Trini at Sky sa harap ng bar counter ay tumaas ang mga kilay nito.

"Isn't that your best friend? What was her name again? Trinity?"

"Yes, that's correct." Humugot siya nang malalim na paghinga. Kailangan niyang huminahon. Kaarawan ni Sky ngayon at ayaw niyang masira ang mood nito sa pagsita rito tungkol sa pakikipag-usap lang naman sa syota niya.

"Sky was so into her. Why don't you set them another date together?"

Nagsalubong ang mga kilay niya. Ibinalik niya ang tingin kay Migs na ang pansin ay nanatili sa dalawang nag-uusap sa harap ng bar counter.

"Hindi ba nasabi ni Sky na minsan na silang nag-date ni Trini and it didn't work out?"

"Oh, he did mention that. But after that date, I heard him talking to another girl about Trini. He likes her a lot, at kung single pa iyang best friend mo, bakit hindi mo ilakad muli kay Sky? Malay mo, the result would be different this time."

He secretly gritted his teeth in annoyance. "Trinity is in a committed relationship right now, Migs, kaya imposible iyang suhestiyon mo."

Gulat siyang binalingan ni Migs. "Really? She's in a relationship? That's a first."

He couldn't help but smirk. "Tingin mo ba'y imposibleng may magkagusto sa kaniya?"

"No, that's not it. But you have been around her for so long na nag-umpisa nang maniwala ang mga lalaking sadya mong binabakuran ang kaibigan mo para hindi malapitan. Hindi ako makapaniwalang may lumusot." Migs chuckled before adding, "Gaano na sila ka-tagal ng syota niya?"

"Six months. And I'm—" He was intending to tell Migs about him and Trini when his words were suddenly cut short.

"So, Trini is in a committed relationship at the moment, and you still hang around with her? Hindi ba nagseselos sa 'yo ang lalaki?"

Ako ang lalaki, he wanted to say, but before he could even begin to speak again, Migs quickly added,

"Kung sino man ang lalaking ka-relasyon ngayon ni Trinity ay kailangan na niyang bilisan. Your best friend is a gorgeous woman. Kung hindi ka laging naka-bakuran sa kaniya ay baka hindi lang si Sky ang lumapit at dumiskarte sa kaniya sa gabing ito. And God, look at those curves! She's really a hot woman, pare."

            Akma niya itong sasagutin upang sabihing may karapatan siyang i-bakuran si Trini dahil kaniya na ito— kung hindi lang may lumapit na mga kakilala si Migs at doon natuon ang pansin ng huli.

Again, he gritted his teeth in irritation. Dinala niya sa bibig ang hawak na basong may lamang imported whiskey at nilagok. Inubos niya ang laman niyon na halos ika-punit ng lalamunan niya dahil sa tapang.

            He grunted at the bitter taste of alcohol, and he was about to turn his back and walk away when one of the two men standing next to Migs started talking to him. Hindi niya kliyente ang mga ito, subalit kakilala niya dahil mga kaibigan ni Sky at laging kasama sa pub kung saan din sila madalas na naroon ni Trini. They were apprentice car racers, and they were talking about this new car they wanted him to check out. Nagtanong din ang mga ito tungkol sa mga services ng shop niya, at nang tumagal pa ang usapan ay tuluyan nang nawala ang pagkairita niya.

            Makalipas ang ilang minuto ay saka siya lumingon sa bar counter upang tingnan si Trini. She was now sitting on one of the tall chairs, and Sky O'Hana was sitting next to her. They were too close for comfort—at masayang nag-uusap!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top