CHAPTER 078 - Promises Are Made To Be Broken
"OH MY GOD, THEY ARE SO CUTE!" bulalas ni Trini nang makita ang dalawang asong dinala ni Jerome Lunes nang hapon. Dumating ito nang bandang alas sinco kung kailan paalis na sana ang dalaga.
Yumuko si Trini at hinagod ang makapal na balahibo ng Siberian Husky na ang pangalan ay Ash. The dog excitedly looped around, enjoying the attention it gets from her. Trini giggled and turned her attention to Savior, the bulldog. Ito naman ang nilambing ng dalaga.
"They like you," nakangiting komento ni Jerome, hawak-hawak pa rin sa kamay ang mga leashes ng mga alaga.
"Oh, they are so active. I love them already." Hindi napigilan ni Trini ang pagyakap kay Ash. "God, and his furr feels so soft!"
Ang bulldog naman ay umikot-ikot din, tila naiinggit. Napabungisngis si Trini at ito naman ang binalingan.
"Normally, Savior is a lazy dog and would never move as much as he did with you. He would just ignore people unless you're holding his favorite snack. But I think he also fell in love and he's trying to impress you, Trinity." Hindi mapuknat ang ngiti ni Jerome na gwapong-gwapo sa suot na navy blue pants at puting poloshirt. "And they say animals love kind-hearted people."
"Well, mabait naman talaga ako, ano," ani Trini sabay irap. "And I feel the same with Savior. I think he's a lovely, sweet dog." Tumayo na ito at kinuha ang mga leashes mula kay Jerome. "Don't worry, I'll take good care of them while you're away."
"I know you would." Jerome's smile was gentle. His eyes were filled with many emotions, but Trini refused to read them. Nilingon nito ang isa sa dalawang staff na nakangiting nakatunghay sa dalawang aso. Pinakiusapan ni Trini na kunin nito sina Ash at Savior upang dalhin sa 'playroom'. Kaagad namang sumunod ang staff, at nang tuluyang makaalis ang mga ito'y muling hinarap ni Trini si Jerome.
"So, ngayong gabi ang alis mo papuntang Hongkong?'
"Yep, 10:00PM ang flight ko. I still have time to roam around the town and have dinner. Papayag kaya si Genesis na hiramin kita para samahan akong mag-dinner?"
"Tinatanong mo ba kung nakahanda na ang bala niya para ratratin ka?"
Natawa si Jerome sa sagot ng dalaga. "So, hindi na niya babasagin ang mukha ko this time, pero raratratin ako ng bala. Jeez, that's scary."
It was Trini's turn to giggle. Tumalikod ito at lumapit sa reception counter at kinuha mula sa ilalim na drawer ang booking form. Ini-abot nito iyon kay Jerome.
"Here. Fill in your details and my assistant would put all your records into our system. Pakilagay na rin kung may mga bawal na pagkain para kina Ash at Savior on top of the usual. At kung may paborito silang laruan o blanket, please leave them here."
"Nah, they play with anything you give them." Lumapit si Jerome at pumwesto sa harapan ng counter. He pulled out his Parker pen and started filling in his details. Habang nagsusulat ay nagsalita itong muli. "You look pretty today, by the way."
"Wala ka pang syota sa lagay na 'yan, ha?" sagot naman ni Trini, nakatawa. "You're good at flirting, but it won't work for me."
Ngingisi-ngisi si Jerome at hindi na sumagot pa. Matapos nitong isulat ang lahat ng mga detalyeng kailangan ng form ay muli itong nag-angat ng tingin. "What's your favorite color?"
"Ah, so autobiography naman ngayon?"
"Come on, I just wanna know."
"Hmm... I like yellow."
Pinong ngumiti si Jerome. "Yeah, yellow suits you. Kapag ngumingiti ka ay parang lalong lumiliwanag ang paligid. You are like sunshine after the rain."
"Really, Jerome. Are you flirting with me?" May bahid ng pagkamangha sa tinig ng dalaga.
Jerome chuckled merrily. "Of course, not! Hindi ba kita pwedeng purihin?"
Trini, with a light smile on her lips, just rolled her eyes. Kinuha na nito ang form na sinulatan ni Jerome at itinago sa ilalim ng counter
Muling nagsalita si Jerome. "Your eyes sparkle like diamonds under the heat of the sun, and your cheeks flush whenever you smile. You have this brightness in you that I couldn't explain. And even before then, I already thought you were cute. I just didn't expect you'd grow into this fine, gorgeous woman."
Hindi na nagawang sumagot pa ni Trini nang mula sa pinto ay may narinig silang ibang tinig.
"You're good with words, Jerome Sison."
Sabay na napalingon sina Jerome at Trini sa pinanggalingan ng tinig.
Si Gene ay nakahalukipkip habang nakasandal sa hamba ng entry door, ang tingin ay nakatutok kay Jerome.
Si Jerome ay sandaling natigilan nang makita si Genesis, hanggang sa banayad itong ngumiti at nagsabi ng,
"We met again, Genesis Zodiac. How's it going?"
Gene gave Jerome an empty look before he straightened his back and walked over to Trini. Si Trini ay lumabas sa counter upang salubungin si Gene.
Gene automatically curled his arm around Trini's waist before pulling her gently, and bending his head to give her a kiss. Si Trini na hindi kaagad nakahanda sa gagawin ni Gene ay nagulat. Matapos ang maiksi at masuyong halik na iyon ay bahagyang humiwalay si Gene at nginitian si Trini.
"How's your day?" He asked. Banayad nitong dinama ang pisngi ni Trini na nailang dahil ramdam ng dalaga ang mga mata ni Jerome sa kanila.
"It... was good. By the way, why are you here?"
"Wasn't I supposed to be here?" Gene's eyes squinted in suspicion, at doon umikot ang mga mata ni Trini.
"I thought you need to visit one of your VIP clients for the maintenance check up. Kaya nga ako maagang uuwi sana dahil alam kong wala ka sa bahay at ako ang magluluto ng hapunan—"
"Nakauwi ako nang maaga at dito ako dumiretso magmula roon. What's the fuss? Hindi ba dapat ako dumating nang maaga at hindi ba ako dapat na dito dumiretso?" Lalong lumiit ang mga mata nito sa suspetsyon.
Si Trini ay nagpakawala nang malalim na paghinga bago pinakawalan ang sarili mula kay Gene. Inayos nito ang nagusot na damit dahil sa pagkakahapit ni Gene kanina bago nagsalita. "Kung ano-ano na ang pumapasok sa utak mo. I was just simply asking a question and—"
"And I could feel you aren't glad to see me here. Should I just leave?"
"Come on, Gene. It was a simple, answerable question."
"And I answered it, didn't I?"
"Bakit ka ba namimilosopo?" Hininaan ni Trini ang tinig sa pag-asang si Gene lang ang makarinig. "And why are you picking a fight?"
"I wasn't picking a fight. I was also just asking an answerable question. Bakit parang hindi mo gustong narito ako ngayon?"
"Oh God, Gene, why are you—"
"Excuse me."
Natigil si Trini at tila noon lang naalala ang lalaking naroon. Napasinghap ito at nilingon si Jerome.
Jerome's smile was awkward. "Dapat ba akong umalis muna para makapag-usap kayong dalawa?"
"No," si Gene ang sumagot. "Sorry, Mr. Sison, you shouldn't have seen that."
"Mr. Sison..." ulit pa ni Jerome. "You can drop the formality and just call me Jerome—"
"I'd rather not," Gene fired up. His face was serious, his tone was in-depth. "Let's keep the formality between us because after all, you are my partner's client."
Bago pa nakasagot si Jerome ay niyuko nang muli ni Gene si Trini na napatapik na lang ng noo.
"I was hoping to take you out for dinner tonight para hindi na tayo magluto pag-uwi sa bahay, that's why I went straight here. If you're still working, I can just leave and go home. Magkita na lang tayo mamaya sa bahay."
Trini opened her mouth to protest, but she was not able to do so when Gene lowered his head and planted a soft kiss on her forehead.
"I'm heading off now. H'wag kang magpapagabi."
Tumalikod na si Gene at lumabas ng facility. Si Trini ay muli na lang napatapik ng noo at nagpakawala nang malalim na paghinga.
Dahil gawa sa salamin ang front wall at entry door ng facilty ay sinundan ng tingin ni Jerome si Gene hanggang sa makasakay ang huli sa dala nitong truck.
Later on, Gene's truck drove away. That's when Trini turned to Jerome and said,
"Sorry, kailangan mo pang makita 'yon."
"Lagi ba kayong nagtatalo?"
"Not really, but when we did, laging tungkol lang sa maliit na bagay tulad kanina." Napangiwi ito. "That was just a misunderstanding, we'll sort it out tonight." She breathed in and added, "So... do you wanna see Ash and Savior before you go?"
Tumango si Jerome at muling ngumiti. "Absolutely."
*
*
*
HUMUGOT MUNA NANG MALALIM NA PAGHINGA SI TRINI bago itinulak pabukas ang front door. It was fifteen minutes past seven o'clock, at ginabi ito dahil matapos umalis ni Jerome ay may dumating namang dalawa pang kliyente na kakilala ng dalaga. Hindi ito kaagad na nakaalis kaya inabot ito nang ganoong oras.
Besides, she thought she needed time to gather her thoughts. Nagulat siya sa biglaang outburst kanina ni Gene. Hindi ganoon si Gene dati. Noon, sa tuwing magtatalo sila'y siya ang nag-uumpisa, hindi ito. Kaya naguluhan siya kanina at hindi alam kung papaano aayusin ang sitwasyon.
Maybe Gene was just tired.
Iyon ang paulit-ulit na sinasabi niya sa sarili.
Hindi ito pwedeng mag-selos kay Jerome—which seemed to be what happened earlier—dahil napag-usapan na nila ang tungkol sa bagay na iyon at sinabi nitong hindi magiging issue sa kanila ang presensya ng lalaki.
Well, kailangan nilang mag-usap.
She needed to tell him she didn't like the sudden outburst and he had to tell her what caused him to act that way. They must talk things through—that's how a healthy relationship works.
With that in mind, she entered the house. Nakabukas ang lahat ng ilaw at may naririnig siyang ingay mula sa kusina. On top of that, she could also smell something delicious cooking, kaya sigurado siyang may inihandang hapunan si Gene.
Dire-diretso siya sa paghakbang hanggang sa marating niya ang entry. Humugot muna siyang muli nang malalim na paghinga bago tuluyang lumiko papasok sa kusina. At—bigla siyang napahinto nang bumungad sa kaniya ang nakangiting anyo ni Gene.
"Hey there," anito, nakayuko sa mesa at inaayos ang mga plato. "Tamang-tama ang dating mo, dinner's cooked."
Kinunutan siya ng noo.
Hindi ganito ang inasahan niya.
Inasahan niyang magiging awkward ang sitwasyon tulad ng madalas na mangyari kapag may tampuhan o misunderstanding sila. Inasahan niyang bahaw na pagbati ang makukuha niya rito, hindi ganito.
Gene was acting... all normal. Na parang hindi ito nagtatampong umalis kanina sa facility.
Salubong ang mga kilay na itinuloy niya ang pagpasok sa kusina. Ibinaba niya ang bitbit na handbag at ipinatong sa ibabaw ng cabinet na nasa gilid lang ng kitchen entry, ang tingin ay hindi pa rin humihiwalay sa nakangiting mukha ni Gene.
"Are you... alright?" aniya.
"Of course." Ngumisi ito at sandaling tumalikod upang kunin ang ulam na niluto nitong nakapatong sa sink. He gently placed the bowl on the table. It was chicken adobo with pan fried baby potatoes. Maliban pa roon ay may nakahain ding steamed brocoli and okra—pawang mga paborito niyang gulay.
Ibinalik niya ang tingin dito, patuloy sa pagtataka. "Are we... alright?"
"Of course, love." Hindi na naalis ang pag-ngisi nito. Inalis ni Gene ang suot na kitchen glove, inilapag iyon sa sink, at lumapit sa kaniya. He bent over and kissed her on her cheek.
"Kanina kasi ay—"
"Nagtampo ako?" Lumapad ang ngisi nito. "Was my acting good?"
"Acting?"
Gene chuckled and said, "Totoong dumiretso ako sa facility kanina para yayain kang kumain sa labas. Kaninang umaga ay nabanggit mong ngayong araw pupunta si Jerome para iwan ang mga alaga niya sa facility, so I expected to see him there. You probably didn't remember telling me that because I left early and you were still so sleepy. And then, nang makita ko siya kanina sa facility, hearing his subtle flirtations, hindi ko napigilang umarteng galit. Siguradong matapos niyang makita ang pagtatalo natin ay iisipin niyang napapagod na tayo sa isa't isa at magkakasiraan. Then, babangon ang pag-asa niyang maghihiwalay tayo." He paused and tsked. "Good God; that guy is into you, my love."
Hindi niya pinansin ang huling sinabi nito. Ang kaniyang isip ay natuon sa mga naunang sinabi nito. Bago pa niya napigilan ang sarili ay nahampas na niya ito sa braso. "Oh, nakakainis ka! You got me so worried!"
Gene chuckled all the more. Niyakap siya nito sa likod at hinalikan sa balikat. "I really played it well, huh? Napaniwala kitang nagtampo ako."
"Ugh, don't do that again! Hindi tuloy mapalagay ang isip ko kanina kahit noong dumating ang dalawa ko pang mga kliyente. Nakakainis ka."
Muling ngumiti si Gene at hinalikan siya sa gilid ng kaniyang leeg. Hindi na ito nagsalita pa at ini-giya na siya palapit sa mesa.
"I hate you for doing it, but I'm glad it was just an acting. Hindi ako mapalagay kaiisip na sa simpleng bagay na iyon ay nagtatalo tayo."
"Look who's talking. Sino ba lagi ang naiinis at nagagalit sa mga simpleng bagay? Sino ba ang laging napipikon kapag nakakalimutan kong isara ang backdoor o itapon ang basura? O kapag naiiwan ko ang towel sa sahig ng banyo, o nakalimutan kong itaas ang toilet seat?"
Napanguso siya.
"Baby, you always start the fight, and I am always the first one to make amends, remember?"
Umirap lang siya kaya muling ngumisi si Gene at hinalikan siya sa pisngi. Then, he whispered,
"Don't worry, nothing can break us apart. Kung magtatalo man tayo ay laging tungkol lang sa maliit na bagay. Hindi ang tulad ni Jerome Sison ang sisira sa atin. And I also wont give you any reasons to doubt me because I will be faithful to you. That's a promise."
And promises are made to be broken, they say...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top