CHAPTER 075 - Desired By Many


I CAN'T DECIDE IF THE BEST PART of my day is waking up next to you, or going to sleep with you. Hurry home so I can compare the two again.

Napangiti siya nang mabasa ang ipinadalang text message ni Gene bandang alas seis ng gabi. Buong maghapong hindi ito nagparamdam at ngayon lang muling nag-text. Hindi rin niya naalalang i-text ito dahil may dumating na mga kliyente sa facility matapos siyang maihatid doon. From then on, she became extremely busy.

Nang bandang alas sinco kanina ay nagulat siya nang bumalik sa facility si Jerome Sison. Noong hinatid siya nito ay napag-usapan nila ang plano nitong pag-book ng service nila sa susunod na linggo. Kailangan daw nitong magtungo sa Hongkong para daluhan ang isang conference meeting. She learned that Jerome owned a small real-estate company and that the biggest condo unit near the airport was just one of his properties. Alam niya ang condo unit na tinutukoy nito dahil ang ilan sa mga kliyente niya sa facility ay doon nakatira. Karamihan sa mga iyon ay flight attendants at mga staff sa airport.

Sinabi nitong dadalhin nito sa kaniya ang dalawang mga aso nito para doon iwan habang nasa business trip siya. He even already paid for a deposit. Kung hindi ito nakatanggap ng importanteng tawag ay hindi pa sana ito aalis.

Pero pagdating ng alas sinco ay muli itong nagbalik upang tingnan kung may mga produkto siyang maaari nitong bilhin para sa mga alaga. At habang umiikot sila sa kabuoan ng studio ay namalayan na lang niya na isa-isa na niyang ipinakikilala rito ang mga aso't pusang naroon upang bantayan at alagaan nila. At nasobrahan yata siya sa excitement habang ipinakikilala ang mga naroong pets dahil sa paglingon niya'y nakita niya itong nakangiti na sa kaniya.

Nakaramdam siya ng pagkailang sa presensya ni Jerome Sison, pero hindi niya binigyan ng malaking kahulugan. Inisip na lang niyang baka siya ang may problema dahil minsan siyang nagkagusto rito. Maybe Jerome was really just happy to meet someone he knew from fifteen years ago.

At dahil hindi na niya binigyan ng malisya ang pagpapakita nito ng interes ay pumayag siyang ihatid siya nito nang magpaalam na siyang aalis sa dalawang staff niya.

And oh, Jerome Sison did invite her out, pero tumanggi siya.

I'm planning on seducing you tonight, just FYI. So, be ready.

Muli siyang napangiti nang muling nagpadala ng mensahe si Gene bago pa man siya makasagot sa nauna nitong text message.

Ang galing mo talagang lumandi... aniya sa isip habang nagta-type ng isasagot dito.

I'm on my way now, she responded. I forgot to call you earlier. Nasiraan ako ng kotse sa harap ng café.

Kay bilis ng sagot nito.

What? Bakit ngayon mo lang sinabi? Did you just get a taxi?

She bit her lower lip and thought of a better answer. Simula nang maging sila ni Gene ay hindi sila nagkaroon ng problema sa ganitong bagay. She never got into somebody else's car—let alone a man from her past. Hindi na rin sila bumalik sa pub kung saan laging nakikilala o nakikita ni Gene ang mga babaeng nakaka-one-night-stand nito, dahilan kaya kahit kailan ay hindi sila nagkaroon ng pagkakataong magselos sa ibang tao.

Pero ngayon... bakit niya hinayaang mangyari ito?

Pero wala naman akong ginagawang masama? Jerome is a potential client. Surely, hindi magagalit si Gene?

With that in mind, she began to type her answer.

I asked someone to drive me home. - Message sent.

Malapit na ako— see you when I see you! - Message sent.

Ang ikatlong padala niyang text message ay tatlong red hearts.

"Magkaibigan pa rin ba kayo ni Genesis Zodiac?"

Napaangat siya ng ulo at napalingon kay Jerome na ang tingin ay nasa daan.

"Huh?"

Ngumiti ito at bumaling sa kaniya. "I asked if you and Gene are still friends."

Humugot siya nang malalim na paghinga bago sumagot. "No, we are no longer friends."

Ibinalik nito ang tingin sa daan. "He was a hot-tempered guy. Jeez, I could still remember kung gaano ka-sakit 'yong ilong ko matapos niya akong suntukin."

Itinuon niya ang tingin sa harapan at inisandal ang sarili sa malambot na leather seat. Lihim siyang napangiti nang maisip kung ano ang ginawa ni Gene noon para ipaghiganti siya.

"But really, Trin. That day, I didn't mean to laugh at you. Natawa ako noon dahil hindi ko inasahang maglalakas loob kang pumasok sa locker ng mga lalaki para magpahayag ng damdamin mo. Noong tumalikod ka ay saka ko napansin ang mantsa sa palda mo. It was a misunderstanding—and I hope I was able to apologise. Pero uminit na rin ang ulo ko noon kay Gene kaya hindi na kita nakausap pang muli. Besides, he warned me that if I tried to approach you, he and his brothers would beat the hell out of me. Heck, sino ang gustong makabangga ang magkakapatid na 'yon?"

Napangiwi siya at itinaob ang cellphone. She heard her phone ding, which meant Gene had responded to her last message.

"You two were so close back in the day, hindi ba?" sabi pa ni Jerome. Ang pansin ay muling ibinaling sa daan. "Akala nga ng marami noon ay mag-syota kayo."

"Well..."

Sandali siya nitong nilingon. "Some of my team members had a crush on you, pero hindi sila gumawa ng move dahil kay Genesis."

Umawang ang bibig niya sa pagkamangha. She didn't know that!

Akala pa man din niya noon ay ang pangit-pangit niya kaya ni isa ay walang nagtangkang manligaw sa kaniya.

Oh well, kahit papaano ay ramdam niyang may kinalaman ang presensya ni Gene kaya walang nagtangkang ligawan siya noon, pero iba sa pakiramdam na marinig niya ang kompirmasyong iyon sa ibang tao. And Jerome Sison just confirmed that.

At hindi niya napigilan ang ngumiti.

Nakita ni Jerome ang pag-ngiting iyon, kaya nakangiti nitong ibinalik ang tingin sa daan. "Kaya h'wag ka nang magtaka kung bakit kilala at naaalala pa rin kita. Lagi kang laman ng usapan sa locker room dahil ilan sa mga team members ko noon sa soccer team ay malaki ang pagkakagusto sa 'yo."

"Jeez, stop that. Nahihiya na tuloy ako." Kunwari pa siya, pero sa mga sandaling iyon ay pakiramdam niya, ang ganda-ganda niya.

"Are you still single, Trinity?'

Lumapad ang ngiti niya. "No. Not anymore, Jerome." Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone. "I am actually in... a committed relationship."

Sandaling natahimik si Jerome bago nagpakawala nang malalim na paghinga. "Such a shame."

Nawala ang ngiti niya at napatingin dito. "Why?"

Nilingon siya nito nang may pilit na ngiti sa mga labi. "Sorry, nadismaya lang nang kaunti."

Nadismaya?

"Because I thought I could ask you out, that's all."

Ask me... out?

Oh.

She was too overwhelmed to say a word.

Malinaw ang ibig sabihin ni Jerome Sison.

"Sorry, nagulat ba kita?"

Tumikhim siya at muling umayos ng upo. "Yes. I mean..."

Pinong ngumiti si Jerome, ang tingin ay pinanatili nito sa daan. "You are an attractive woman, and no man would ever ignore such beauty, Trinity. Nagdududa ka bang may lalaki kang makadadaupang-palad na kaagad na mahuhulog sa 'yo sa unang pagkikita pa lang?"

Lalo siyang walang masabi.

Was Jerome implying that he fell in love at first sight?

No, he couldn't be serious, could he?

"Kaya ako na-dismaya." Jerome chuckled softly. "Sayang noon, ano? Bakit kasi bigla kang pumasok noon sa locker room at doon napiling kausapin ako? Kung nakita mo lang ang itsura ng mga team members kong may gusto sa 'yo, they were shock at what they heard and was pissed because you liked me. Kung hindi lang nila ako captain ay baka pinagdiskitsahan ako ng mga iyon." Jerome paused and glanced at her. "Nasa locker room din ang mga syota ng iba naming team members, and they heard your confession. Ang ilan sa kanila ang mga tumawa sa 'yo. I'm really sorry about that, Trinity. I could have done something, kaya lang ay naunahan ako ng takot na muling makaharap ang magkakapatid na Zodiac. I was a scholar athlete, hindi ako pwedeng pumasok sa gulo kaya gustuhin ko mang kausapin ka noon ay hindi ko na ginawa."

Ano ba ang gustong iparating ni Jerome Sison?

"If Genesis Zodiac didn't threaten me that day, I would have approached you and apologized for what happened. It would have been nice if we were able to get to know each other. Lagi kitang naririnig sa mga team members ko noon, and I was curious." Jerome smiled and sighed at the same time. "That's why I was thrilled to see you again."

Napa-igtad siya nang lingunin siya nitong muli at ngitian. Napatitig lang siya sa gwapong mukha ni Jerome Sison. "Married yet?"

Muling humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone. Nag-uumpisa na talaga siyang mainis sa usapin tungkol sa kasal.

Si Jerome, nang walang narinig na sagot mula sa kaniya, ay bumaba ang tingin sa kaniyang mga daliri. "Hmm. I guess not?"

Imbes na mainis sa lalaki ay napabuntonghininga na lang siya at ipinatong ang kanang braso sa bintana ng kotse saka roon nangalumbaba. Ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana.

"No," she answered. "We are not."

"Jeez, if I were that guy, I would have proposed already. Sinong lalaki ang may gustong pakawalan ka pa?"

Definitely not Gene, pero ewan ko ro'n... Napahugot siya nang malalim na paghinga. "Actually... the guy who I am in a relationship with is Gene."

Sa narinig ay marahas na napalingon si Jerome. Halatang nagulat. "Really?"

She smirked and glanced at the guy. "Mahirap bang paniwalaan?"

"I mean..." Bahaw na natawa si Jerome bago ibinalik ang pansin sa pagmamaneho. "I mean, how long have you been together?"

"Well, halos dalawang dekada nang naging parte ng buhay namin ang isa't isa, pero anim na buwan pa lang simula nang magkaroon kami ng... relasyon. We decided to move in and live like a normal couple."

Natahimik si Jerome, nasa anyo pa rin ang pagkamangha. Pero makaraan ang ilang sandali ay tumikhim ito at nagsabing,

"Well, ano pa ang hinihintay ni Genesis?"

Muli siyang napatingin sa labas ng bintana, muli rin niyang ipinatong ang siko roon at nangalumbaba.

She sighed in resignation. "Ewan ko ro'n," aniya na hindi lang si Jerome ang kausap kung hindi pati na rin ang sarili. "Naghihintay pa yatang sulutin ako ng iba."

Jerome chuckled before stepping on the accelerator. "Mag-iingat 'ka mo siya at baka masulot ka nga."

She puckered and said, "Well, that'd be a lesson learned for him."

Hindi na kumibo pa si Jerome at ngumiti na lang.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top