CHAPTER 070 - Infinite



NAKANGISING IBINALIK NI TRINI ang cellphone sa ibabaw ng bedside table sa silid ni Gene. She was done texting. Hindi na nakasagot si Gene sa huling text niya kaya ang ibig sabihin ay papunta na ito.

She was just playing when she said she wasn't wearing anything. Naku, takot lang niyang mapasukan ng mga kapatid ni Gene o ng Tita Feli niya na naka-hubo, ano! Kilala niya ang mga ito. Kapag may emergency, o kapag may biglang nais ipakipag-usap ay basta-basta na lang ang mga ito papasok sa silid.

Oh well, dati iyon. Noong best friends pa lang ang label nila ni Gene.

Baka sa pagkakataong ito, dahil alam na ng mga ito ang relasyon nila ni Gene, ay magdalawang-isip na ang mga itong basta na lang pumasok sa silid ng may silid.

Itinaas niya ang kumot na nakatakip sa kaniyang katawan. She was wearing Gene's white shirt and sleeping pants. Kung mayroon mang totoo sa sinabi niya kanina, iyon ay wala siyang suot na underwear sa ilalim ng mga kasuotang iyon.

Muli siyang napangisi at ibinalik ang pagkakatakip ng kumot sa katawan. Patagilid siyang humiga at humarap sa pinto upang antabayanan ang pagpasok doon ni Gene. She can't wait to kiss him again...

Five more minutes have passed.

Wala pa ring Gene.

Doon na nagsalubong ang mga kilay niya.

Surely, mula roon sa fireplace sa likuran ng bahay paakyat sa second floor ay hindi aabutin si Gene ng limang minuto, lalo kung magmamadali itong panhikin siya.

Did she give herself much credit by thinking Gene would excitedly go to her just because of her lame seductions? Masyado lang ba siyang feelingera para isiping nang dahil sa mga dirty text messages niya ay iiwan talaga ni Gene ang mga kapatid para makipag-plokplokan sa kaniya?

Pero...

Napalingon siyang muli sa cellphone niyang nakapatong sa bed side table.

Kung pagbabasehan niya ang mga sagot ni Gene sa mga text messages niya, sigurado siyang nananabik na rin ito ngayon. Knowing him, Gene was probably having a hard-on now.

But where the hell was he?

Bigla siyang napabangon at pahablot na kinuha ang cellphone. She opened it and typed another message to Gene.

Ain't coming yet...?

She waited for another three minutes and there was still no answer. Muli siyang kinunutan ng noo.

"Nasaan na ang lalaking 'yon?"

Hindi niya alam kung bakit, pero para siyang hinihila ng sariling mga paa. Bumaba siya sa kama at bago pa niya namalayan ay humahakbang na siya patungo sa pinto. And before she could stop herself, she was already stepping out of the room.

Madilim ang hallway ng buong second floor at ang tanging liwanag ay mula sa wall lamp na nasa gilid ng malaking hagdan. Gene's room was in the middle, at alam niyang wala pa ang magkakapatid sa kani-kanilang silid. Napalingon siya sa silid nina Phillian at Quaro—alam niyang nasa silid na ang mag-iina ng mga ito. Kahit si Sacred ay maagang umakyat upang samahan ang anak. And they were probably sleeping by now, so she had to be quiet.

Maingat niyang ini-sara ang pinto at humakbang patungo sa hagdan dala-dala pa rin sa kamay ang cellphone. Nang marating niya ang puno ng hagdan ay akma na sana siyang bababa kung hindi lang niya nakita mula sa landing sa ibaba si Gene; he was standing there but facing another direction.

Gusto niya itong tawagin, pero ayaw niyang lumikha ng ingay kaya pinanatili na lamang niya ang sarili sa kinatatayuan at hinintay na maramdaman nito ang kaniyang presensya.

Huli na nang mapagtanto niyang kaya nakatayo roon si Gene ay dahil may kausap ito roon.

And he looked... irritated.

"Nang mag-usap kami ni Trini kanina sa kusina ay sinabi niyang pareho pa kayong hindi handang magpakasal. Did that girl really think she could lie to me? I could see pain in her eyes, Isaac Genesis. You are hurting your best friend—"

"She is no longer my best friend, Ma—"

"What, can't lovers stay best friends? Your Pops and I remained best friends until he drew his last breath."

Natigilan siya.

Kausap ni Genesis ang ina sa ibaba. At ang pinag-uusapan ng mga ito ay siya.

Kaya pala natagalan bago nakaakyat si Gene.

His mother was probably waiting for him—for this chance— to speak to him.

Ipinako niya ang sarili sa kinatatayuan. Hindi niya alam kung tama ang ginagawa niyang pakikinig doon, pero hindi rin niya magawang umatras.

"Hindi ako mapalagay, Gene," wari pang muli ni Felicia. "Dahil hindi ko maintindihan itong ginagawa mo— itong plano mo. Your relationship with Trini wasn't the same as Quaro and Kirsten's when your brother first brought Kirsten into our house. He denied his romantic involvement with her at first because he wasn't sure about his feelings. But when Quaro finally understood what he felt for her, he owned up and asked her hand for marriage. Phillian was the same. He was so sure about his feelings that he considered marrying Calley even before he learned who she really was. Hindi nagdalawang-isip ang mga nakatatanda mong kapatid na pakasalan ang babaeng mahal nila—"

"Just get straight to the point, Ma."

"Kahit hindi ko diretsuhin ay alam mo kung ano ang nais kong sabihin, Isaac Genesis Zodiac. If you really love Trini—you wouldn't hurt her feelings—"

"Kayo lang ang nag-iisip na nasasaktan siya. She is happy. We are happy—"

"Iniisip mo 'yan dahil iyan ang gusto mong paniwalaan, Genesis. Oh, hindi mo alam dahil hindi ka babae. Alam ng isang babae ang nararamdaman ng kapwa nila babae, at alam kong hindi komportable si Trinity sa set up ninyong ito. I'm sure she's also wondering why you wouldn't take her as your bride. Sigurado akong kinakain siya ng insecurity, at malamang na madalas niyang itanong sa sarili kung ano pa ang kulang sa kaniya? Ano pa ang kulang sa relasyon ninyo? Hindi mo ba siya ganoon ka-mahal? O mahal mo ba talaga siya bilang babae at hindi lang basta parausan—"

"You know that isn't true, Ma." Ang tinig ni Gene ay kamado, subalit naroon ang diin. Alam niyang napipikon na rin ito, pero dahil ang ina ang kaharap ay hindi ito makapagtaas ng tinig.

Ang knowing how calm and sweet Felicia was, nagtataka siya sa biglaang komprontasyon na ito.

And it made her think...

Ganoon ba ka-laking bagay para kay Felicia ang pagpapakasal?

Kanina nang mag-usap sila ay magiliw pa ito at nagbibiro pang hindi nito lilisanin ang mundo nang hindi siya mapapakasalan ni Gene. They were laughing and cracking jokes; hindi niya inasahan na seryoso ito— which she appreciate, pero tulad ni Gene ay ayaw rin niyang pangunahan sila ng ninoman sa relasyon nila.

"Noong mga nakaraan ay hiniling ko sa langit—at sa puntod ng inyong ama—na sana ay makita mo ang tamang daan at mapagtantong walang saysay ang papalit-palit mo ng babae dahil ang babaeng para sa 'yo ay nasa harapan mo lang. I just knew deep in my heart that you and Trini love each other to destruction, hindi lang ninyo napagtanto pa ang totoong damdamin ninyo sa isa't isa. Noong dumating kayo kanina at nakita ko ang magkahawak ninyong mga kamay ay halos lumuhod ako sa labis na saya. You just made my dream come true, Gene. Pero anong dismaya ko nang sabihin mong hindi ka pa handang magpakasal. And I thought you just needed time to reconsider, pero nang makita ko ang determinasyon sa mga mata mo habang tinutukso ka ng mga kapatid mo tungkol sa pagpapakasal ay nakaramdam ako ng takot. I don't know what this dread feeling is, but it is worrying me. May palagay akong seryoso kang hindi mo pakakasalan si Trini, and this is bothering me because Trini deserves better."

"Trini deserves better, you're right Ma. Kaya nga ako ang pinili niya; kaya nga magkasama kami ngayon. Napag-usapan na namin ito at pareho kaming nagkasundo na hindi namin kailangan ang kasal."

"Hindi mo ba naisip na baka napilitan lang siyang tanggapin iyon dahil mahal ka niya at ayaw niyang salungatin ang gusto mo?"

"Ugh, you know her. Hindi siya sasang-ayon sa akin kung hindi niya gusto ang mga sinasabi ko. Trinity would never submit to me."

"But what is it about marriage that really scares

you, Gene?"

Napabuntonghininga si Gene, itinaas ang mga kamay sa ere, bago sumagot. "Paikot-ikot lang tayo, Ma. Sinabi ko na sa inyo ang dahilan—"

"Pero hindi magkakapareho ang lahat ng tao, Gene. Totoong madalas kaming magtalo noon ng Pops ninyo, pero hindi ibig sabihin na hindi na namin mahal ang isa't isa—"

"You were crying every time you and Pops would fight. Sa maraming pagkakataon ay magtatago ka sa laundry area para umiyak nang umiyak. Nakita ka isang beses ni Sage—he was only four and he barely understood what was happening. I was behind the door and you didn't know. Sinabi mo kay Sage na gusto mo nang sumuko at iwan si Pops dahil hindi na ninyo maintindihan ang isa't isa. You were pouring your heart out to the four-year-old Sage, and that boy had no idea what you were talking about. But I was older and I understood, Ma."

Narinig niya ang pag-singhap ni Felicia—hindi ito kaagad na nakasagot sa mga sinabi ng anak.

Nagpatuloy pa si Gene. "You said you wanted to leave Pops and bring us all with you because you're tired of the endless fights and misunderstandings. Then I remember you saying something like... if it's only that easy, you would already have done so. You also said you couldn't leave Pops because you are married to him and that you vowed to stay by his side forever. The pain in your voice when you were saying those words carved in my memory, Ma."

Naiyakap niya ang mga braso sa sarili. Kahit kailan ay hindi nagkwento si Gene tungkol sa bagay na iyon, and she didn't know that it was such a big deal to him.

And here she thought she knew everything about her best friend...

"That's the main reason why I didn't want to trap Trini in a stupid marriage arrangement. Alam kong hindi ako perpekto at kahit gawin ko ang lahat ng makakaya ko para pasiyahin siya at darating din kami sa puntong may hindi kami mapagkakasunduan. Kahit iwasan ko, alam kong darating ang araw na mapapagod si Trini sa akin, at gusto ko siyang bigyan ng pagkakataong gumawa ng desisyon para sa sarili niya pagdating ng araw na iyon, Ma. I don't want her to obliged herself to stay by my side kahit na nasasaktan na siya. It would hurt me, but I don't want to keep her if I would only cause her pain and suffering. Gusto kong kapag dumating siya sa puntong napagod na siya at hindi na niya kayang manatili sa tabi ko, ay mayroon siyang kalayaang magpasiyang umalis nang hindi nao-obliga sa pangakong binitiwan niya sa harap ng Panginoon, o sa pinirmahan niyang kapirasong papel." Muling napabuntonghininga si Gene bago nagpatuloy, "I am not marrying her because for me, marriage is just a prison cell. And I don't want to lock her up into it."

Oh, Gene...

Kahit pa dumating tayo sa puntong gusto ko nang sumuko ay hindi ako aalis sa tabi mo.

So, let's just get married already and make your mother happy.

"And don't get me wrong, Ma. I love Trinity with all my heart. I would die if I lost her. Siya lang ang babaeng nakikita kong makakasama ko hanggang sa pagtanda, ang magiging ina ng mga anak ko, ang magiging kabiyak ko. I would never give her up. At gusto ko na ring magkaroon ng sarili kong pamilya kasama siya. I would definitely give my name to my children, hindi mahalaga kung ano ang magiging estado ng kapanganakan nila, basta ang mahalaga ay naroon ako sa kanila beinte-cuatro oras hanggang sa kaya na nilang tumayo sa sarili nilang mga paa."

Lalong walang nasabi si Felicia; nakatitig lang ito sa anak. At dahil nakatagilid pareho ang mga ito ay hindi rin niya gaanong naaninag ang emosyong nakapaloob sa anyo ng mag-ina.

But if there was one thing she was certain at that moment, it was the love Gene had for her.

Ang lahat ng mga narinig niya kanina ay nawala na sa kaniyang isipan, ang tanging namayani sa kaniya sa mga sandaling iyon ay ang narinig niya tungkol sa kung gaano ito ka-seryoso sa relasyon nila at sa pagmamahal nito para sa kaniya.

"I know this isn't something that you approve of, Ma. But please... please respect our relationship—our set up. This is where I am happy, this is where Trini and I are comfortable. Masaya kami ngayon at iyon ang mahalaga. Just... please. Suportahan ni'yo na lang kung saan kami masaya ni Trini."

Matagal bago nagawang makapagsalita ni Felicia, at nang sumagot ito ay garalgal na ang tinig.

"For the record, anak, gusto ko lang malaman mo na mahal ko rin nang labis ang inyong ama. He was the only man I have ever loved, and I still love him kahit na wala na siya. Kung dumating man ako noon sa puntong halos bumitiw na ako sa pagsasama namin, iyon ay dahil sa napagod ako hindi sa kaniya, kung hindi sa sarili ko. I was... emotionally and mentally unstable at the time. I was still not over the death of our biological son. Naging masaya ako nang dumating kayong lahat sa akin, but I was overwhlemed. It wasn't easy to raise twelve boys whose age were so close to each other. Napagod ako at pakiramdam ko'y nawalan ako ng oras sa aking asawa. I struggled to balance my time, I wanted to love all of you at the same time, pero nabuhos ko ang lahat ng oras ko sa inyong magkakapatid at sa tuwing magkaharap kaming mag-asawa ay pakiramdam ko, pagod na pagod ako. I blame no one but myself, anak. Ang mga pagtatalo namin noon, ako lagi ang nagsisimula. Pero nakaraos ako sa panahong iyon. Your father and I got through everything." Lumapit si Felicia kay Gene at yumakap. "I'm sorry you had to witness that moment, anak. Nang dahil doon sa nasaksihan mo ay nag-iba ang tingin mo sa ilang mga bagay."

Muling napabuntonghininga si Gene at niyakap din nang mahigpit ang ina. "I know you love Pops so much, Ma. Pero mahirap alisin ang paniniwalang noong bata pa lang ako'y nakatatak na sa isip ko. But you know what? I admire how Pops loved you, at sa tingin ko'y nakuha naming magkakapatid ang paraan ng pagmamahal ni Pops para sa iisang babae lang..." Gene pulled away and lovingly stared at his mother's face. "Don't worry, gagawin ko ang lahat para maging masaya si Trini. At kahit hindi kami legal na mag-asawa ay mananatili akong tapat sa kaniya at sa relasyon namin. Pops will guide me, I'm sure."

May pinong ngiti sa mga labi niya nang tumalikod siya at tahimik na humakbang pabalik sa silid ni Gene.

*

*

*

NAHINTO SI GENE SA PAGPASOK SA SILID NANG MAKITA SI TRINI NA NAKA-UPO SA paanan ng kama niya, suot-suot ang damit at pantulog niya, nakayapak, at nakaharap sa pinto na tila sadyang hinihintay ang kaniyang pagdating.

He smiled before walking in and closing the door behind him. "I have to say, I am a bit disappointed."

"Why is that?" she asked.

"Because you made me believe I would come here and see you naked."

Ngumisi ito bago tuwid na tumayo at dahan-dahang humakbang patungo sa kaniya.

The lights in his room were switched off, at ang tanging tanglaw nila ay ang liwanag na nagmumula sa night lamp na nakapatong sa bed side table.

"At least totoo ang sinabi kong wala akong suot na underwear..."

"Madaya ka pa rin," aniya, pinanatili ang sarili sa kinatatayuan upang hintayin ang tuluyang paglapit ni Trini.

Trini did stop, but three feet away from him. He could smell her flowery scent combined with his minty bath soap. Oh, she smelt so fresh and sweet, and he couldn't wait to take her in his arms.

"Gene..."

Ibinalik niya ang pansin kay Trini nang marinig ang mahina nitong pagtawag sa pangalan niya. Her grin was gone, and her face turned serious.

"What is it?" he asked.

"How would you define the kind of love you have for me?"

"Hindi ba at parang nasagot ko na ang tanong na iyan noon?"

"I want a different answer this time. I want a precise answer. Straight to the point. Isang salita lang. Papaano mo ilalarawan ang pag-ibig na mayroon ka sa akin sa iisang salita lang?"

Ahh, God.

He had been looking forward to this privacy with her, but Trini wanted nothing at the moment but talk about cheesy stuff.

Well, okay. Pagbibigyan niya ito.

"Inifite," he answered. "The single word that best describes my love for you is infinite. Walang kapatusan—habang-buhay."

"Paano kung dumating ang araw na hindi ka na masaya sa relasyon natin? Paano kung hindi mo na maramdaman ang infinite love na sinasbai mo?"

"Love will always be there, Trinity Anne. Kahit na magtalo tayo, o dumating tayo sa puntong parang gusto na nating bumitiw, I will still choose to love you. I will never... ever stop loving you. Kung hindi man bilang partner ko, ay bilang matalik na kaibigan. Dahil naging matalik muna kitang kaibigan bago naging kasintahan. You have been a part of me since we were just five years old. Nothing would ever change no matter what happens."

Napangiti si Trini at itinuloy ang paglapit sa kaniya. Ang mga kamay nito'y awtomatikong dumantay sa kaniyang dibdib.

"Such a great response after a few beers with your brothers, huh?"

"Hindi ako lasing."

"Wala akong sinabi."

"Nakainom man ako o hindi, my response would be the same."

"And I believe you," she whispered before leaning on his chest, hugging him.

Ipinulupot niya ang mga kamay rito upang gantihan ito ng yakap. He then planted a soft kiss on top of her head before bending down to kiss her shoulder. Ang damit niyang suot nito ay lumaylay sa kanan nitong balikat dahil malibang malaki talaga iyon ay luma na rin.

"Let's play another game..." she suggested after a while.

He groaned and pulled away. "Not another game..."

Trini chuckle.d "Why not?"

"Dadayain mo na naman ako, eh."

"Not this time, no." Her grin was devilish. "You will surely love this game..."

Gene sighed in surrender. "Fine, pagbibigyan kita. What is the game you wanted us to play?"

"A role play..."

"What? A role play?"

Her eyes sparkled in silent laughter. "Let's pretend you don't love me and you just want me for my body. Would you fuck me hard?"

Natigilan siya.

Nagpatuloy si Trini. She tiptoed, stuck her tongue out, and licked the outer part of his ear. "Let's play master and slave. You pretend the master, and I'll pretend—"

"The slave?"

"No. The prostitute. Sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mo, and I'll willingly do it for you."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top