CHAPTER 066 - He Would Soon Realize
"TRINI? WHAT ARE YOU DOING IN THE DARK?"
Napalingon si Trini nang marinig ang tinig ni Kirsten sa likuran. Naroon siya ngayon sa parking area na nasa gilid lang ng building na kinaroroonan ng facility at sandaling nagpahangin. It was almost ten in the evening, at isa-isa nang umaalis ang mga guest na inimbitahan niya. Isa sa mga iyon ay inihatid niya sa labas hanggang sa parking space, at nang makaalis iyon ay sandali siyang nanatili roon upang mag-isip.
She was shocked and disappointed about what she and Gene had spoken about earlier. About the marriage. She never knew that Gene didn't believe in it. Wala siyang kaalam-alam.
Bagaman totoo ang sinabi niyang kompiyansa siyang magtatagal ang kung anoman ang relasyon nila ni Gene, at naniniwala siyang mahal siya nito, ay hindi pa rin niya napigilang makadama ng pagkadismaya.
She was happy to be with him. She was happy with what they had. But she would be happier if she and Gene would become a normal couple. Building a normal family—with the sanctity of marriage. Para sa kaniya ay iyon ang normal. Para sa kaniya ay iyon ang nararapat.
"Are you okay?"
Humarap siya kay Kirsten na nakalapit na.
Kirsten was a few years younger than her, pero simula nang makilala niya ito ay hindi niya naramdaman ang malaking agwat sa mga edad nila. Kirsten was a smart woman with insights and broad mind. Minsan ay nagugulat siya sa lalim nitong mag-isip. Matured ito at matapang ang personalidad kaya pakiramdam niya ay magka-edad lang sila.
She smiled at Kirsten and said, "What are you doing here?"
"Ako dapat ang magtanong sa 'yo niyan. Nasa loob ang party pero narito ka sa labas. Are you alright?"
"Yes, nagpapahangin lang ako. Masyado akong napagod sa preparasyon at may hinatid akong bisita papunta rito. Naisip kong magpahangin sandali."
"I see." Ngumiti ito. "Kukunin ko lang ang blanket ni Quentin sa kotse kaya ako lumabas sandali."
"Salamat ulit sa pagpunta ninyo sa launching ng Trinity's Place, Kirsten. Kahit malayo ay dumating pa rin kayo."
"Ano ka ba, wala naman kaming gagawin doon sa bahay, at isa pa'y masaya kaming malaman na nagbukas ka ng negosyo kaya kami narito." Masuyo itong ngumiti. "You know, I also wanted to put up a business of my own, pero ayaw pumayag ni Quaro. Ang sabi niya ay mawawalan ako ng oras sa kanila ni Quentin, at baka mapagod lang daw ako. Isa pa'y kaya naman daw niya akong buhayin at kayang sustentohan ang mga luho ko." Kirsten paused and rolled her eyes. "Na parang may luho ako."
She chuckled at that.
Nagpatuloy ito. "Plus, siya raw ang lalaki at dapat ay siya ang naghahanap-buhay para sa pamilya. Tsk. Some male ego, huh?"
She chuckled all the more.
"My husband is an old-fashioned man—naniniwala pa ring ang lalaki lang ang dapat na magtaguyod sa pamilya at ang mga babae ay nasa loob lang ng bahay at nagluluto. Kung feminist ako ay baka mapikon ako sa kaniya; I mean, if he truly loves me, he would support me in anything I wanna do, 'di ba?"
"Right," natatawa niyang sagot.
Nagpatuloy pa si Kirsten. "But then, I had to look at it in a simpler way. Kung gusto kong gawing komplikado ang lahat ay makikipagtalo ako at ipaglalaban ko ang paniniwala ko. But I should also consider that Quaro is the man in the family, and when we got married, I vowed in front of the Lord that I would respect my husband and that we will be one in heart, body, and mind. Kaya inisip ko na lang na tama siya—sino ang mag-aalaga kay Quentin kung magiging abala ako sa itatayo kong negosyo? When Quaro asked me to marry him, he made it clear that he wanted to have a family with me. Na dahil hindi ako nagkaroon ng buong pamilya habang lumalaki, ay nangako siyang ibibigay ang pagkukulang na iyon sa pagbuo namin ng pamilya. Wala sa usapan namin na mag-aanak ako tapos ipaaalalaga ko sa yaya ang mga bata? Nang maisip ko ang maaaring dahilan kaya hindi siya pumayag sa nais ko ay huminahon ako. And no, I don't think submissiveness ang tawag doon sa ginawa ko. I think it's more of... prioritizing what's important."
Napatitig siya kay Kirsten. May napagtanto.
Kirsten was more mature than her, and she was rational. Buti na lang at nagkaharap sila sa mga sandaling iyon.
"You are the perfect person who I should be talking to right now, Kirsten," usal niya na ikina-kunot ng noo ni Kirsten.
"Why, what's happening?"
Napabuntonghininga siya, at bago pa siya maduwag ay sinabi na niya rito ang tungkol sa kanila ni Gene. Mula umpisa hanggang sa pinag-usapan nila ni Gene kanina. Wala siyang itinago.
At sa pagtataka niya'y hindi niya nakitaan ng pagkagulat si Kirsten matapos ang kaniyang pahayag.
"And he didn't want marriage, huh?" Those were Kirsten's first words.
"Wait, hindi ka man lang nagtaka o nagulat?"
Nagkibit-balikat ito. "I mean, if I were on your shoes, baka hindi ko rin tinigilan si Gene noong araw pa lang na nagka-crush ako sa kaniya. When was it again—when you were thirteen?"
Tumango siya.
"If I were you, baka noon pa kami naging mag-on ni Gene, 'no. Ang nakakagulat ay ngayon lang kayo nagkagusto sa isa't isa."
Napabuntonghininga siya saka iniyakap ang mga braso sa katawan.
Si Kirsten ay pinong ngumiti saka nagsabing, "Gene—like all his other brothers—is a good-looking man. At kung may mga mata't pang-amoy ka'y natural lang na magkagusto ka sa kaniya. Bakit ba kasi natagalan bago may gumawa ng move sa pagitan ninyong dalawa?"
"W-Well..."
"And I'm sure, pansin na rin ng mga kapatid ni Gene na may kakaiba sa inyo. Knowing how sharp those men are, I could tell they were already grilling Gene right at this very moment."
"But the point is, Gene didn't want marriage—"
"And it's totally fine, dahil sigurado akong isa sa mga araw na ito ay magbabago rin ang isip niya."
Napabuntonghininga siya. Mas kilala niya si Gene kaysa kay Kirsten. Alam niyang hindi ganoon ka-bilis magbago ang isip ni Gene. At kapag nakapagdesisyon na ito ay pinal na. "You don't know Gene the way I do, Kirsten."
"Maybe. But did you know that Quaro was just like Gene?"
Muli siyang napatitig kay Kirsten.
"Lahat silang magkakapatid ay pareho lang, Trini. Nakakapagtakang hindi mo pa alam iyon."
Of course she knew. Lumaki siyang kasa-kasama ang mga ito. Pero sa anong paraan?
Si Kirsten naman ang bumungisngis ngayon. Ilang sandali pa ay, "Isa sa mga araw na ito ay kakainin din ni Gene ang mga sinabi niya, kahit pustahan pa."
"What made you say that?"
"Well... when Quaro and I started having a sexual relationship, he told me straight on that he didn't want to be in a serious relationship with me, let alone marriage. He made it clear that he only wanted me for sex, and that he would never offer marriage dahil wala siyang planong magpakasal. Well, tingnan mo kung sino ang kumain sa mga sinabi niya."
Nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya alam na nag-umpisa sa ganoon sina Kirsten and Quaro. Ang alam lang niya ay minsang tumira si Kirsten sa bahay ni Quaro, pero hindi niya inakalang may ganoong set up ang dalawa bago nagpakasal.
At tama si Kirsten-- ang pihikang si Jan Quaro Zodiac ay nagpakasal!
"R-Really?"
"Yes." Ngumiti si Kirsten. "At dahil patay na patay ako sa kaniya ay pumayag ako. Sumugal ako noon, Trini. I was so in love with him I was willing to jump in front of the train for him. He never promised marriage and he said our relationship was only good while it last. Tulad ni Gene ay hindi rin naniwala si Quaro sa pagpapakasal. And oh God, kung alam mo lang kung gaano siya sumamba sa karton-kartong condoms niya. He was determined to ditch me anytime he was ready, kaya maingat siya. But you know what happened next. Naglakad ako sa altar na may laman na ang tiyan. He made it impossible for me to run away."
Hindi niya alam kung bakit, pero kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.
Si Kirsten, nang walang sagot na narinig mula sa kaniya, ay lumapit at dinala ang kamay sa braso niya. Masuyo nitong hinagod ang kamay doon at dinagdagan ang mga sinabi,
"Let Gene find his way to the direction you wanted him to go, Trin. H'wag mo siyang pilitin, let him realize and find his way on his own. Naniniwala akong darating ang araw na magbabago ang isip niya. Maaaring hindi siya naniniwala sa kahalagahan ng kasal ngayon, pero kapag pinakitaan siya ng signs mula sa langit ay magpa-panic din yan."
"Signs? Magpa-panic? What are you talking about?"
Ngumisi si Kirsten. "You are a beautiful woman, Trini. Without a wedding ring on your finger, men would surely still go after you. Kahit ano pa ang itawag ni Gene sa relasyon ninyo, without a marriage registration and a ring on your finger, your beautiful arse is still in the market. May mga lalaking lalapit sa'yo at magpapakita ng interes— at kapag nakita ni Gene na nanganganib ang status ninyong dalawa ay siguradong matataranta 'yon sa paghahanap ng engagement ring. Knowing how possessive those Zodiac brothers are, sigurado akong gagawa ng paraan si Gene para hindi ka na lapitan ng ibang mga lalaki." Kirsten grinned all the more, and added, "Call me when he proposed. I wanna know first."
*
*
*
ALAS ONCE NA NG GABI NANG MAKAALIS ANG LAHAT NG MGA BISITA. Sina Quaro at Kirsten kasama ang anak ng mga ito ay dumiretso na sa hotel sa bayan; tumagal ang kwentuhan at ginabi na ang mga ito kaya nagpasiya na lang na magpalipas ng gabi roon sa hotel. Gusto mang i-alok ni Gene ang guess room sa bahay nito ay hindi magawa ng binata. The guest room became his stock room-- doon nito ini-tambak ang lahat ng gamit na inalis nito sa sariling kwarto. At ang sariling kwarto naman nito ang siyang gagamitin nina Phill, Calley, at Theo. Sina Lee at Leonne ang pinakahuling nagpaalam.
Nang makaalis sina Lee at Leonne ay sandaling nanatili sina Trini at Gene sa harap ng sliding door. Parehong tahimik na tinanaw ang pag-alis ng sasakyan ni Lee kung saan lulan ang dalawa. Nang tuluyan nang mawala sa paningin nila ang sasakyan ay saka pa lang sinulyapan ni Gene si Trini.
"Hey."
Trini glanced at him. "Hmm?"
"Tungkol doon sa pinag-usapan natin kanina—"
"About marriage?" Tuluyan na ring humarap si Trini; ngumiti. "Don't worry about it. Let's take this slow and see where it leads us."
Natahimik si Gene; hindi kombinsido sa mga narinig mula kay Trini.
Muling ngumiti si Trini at kinuha ang mga kamay ni Gene. "Gusto ko rin linawin sa 'yo, Gene, na masaya ako at ikaw ang kasama ko. The absense of marriage wouldn't even affect how much I love you."
Doon na ngumiti si Gene. Hinila nito ang kamay ni Trini na nakahawak dito at hinapit sa bewang ang dalaga. "I need you to define that for me."
"What is?" She curled her arms around his hips.
"The love you have for me."
Lumapad ang ngiti ni Trini. "The love I have for you is the kind of love we make. It is full of trust, certainty, respect, and devotion. This is the kind of love that only you and I understand."
Ngumiti si Gene bago yumuko, at habang papalapit nang papalapit ang mukha nito kay Trini ay saka ito nagsalita. "And the love I have for you is the kind of love that is out of this world, Trinity. Na kung hindi pa ako nahulog sa iyo ay baka hindi ko pa naransan ang magmahal nang ganito."
She smiled, raised her head, and closed her eyes. "Stop talking now and just kiss me."
Ngumiti rin si Gene, ang mga kamay nito'y humigpit ang pagkakahapit sa bewang ng dalaga. "I have been yearning to do this the whole night. Now, I can finally claim your lips again."
And then, their lips locked into the deep kind of kisses that left little room for thought.
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top