CHAPTER 062 - Where She Belongs
GENE BOUGHT A KING-SIZE BED AND DISPOSED OF THE WATER BED THAT HE HAD IN HIS ROOM. He disposed of it right away as per Trini's request.
If that wasn't dedication, what is?
Matapos nilang bumili ng bagong kama ay kumain sila sa isang Greek restaurant na nasa loob lang din ng mall. Ang in-order ni Trini na Chinese food na dumating ilang minuto matapos nilang pumasok sa shower ay itinago na lang nila sa fridge upang i-almusal kinabukasan.
Matapos ang mahigit isang oras na pananatili nila sa restaurant ay bumalik sila sa furniture shop na pinagbilhan ni Gene ng kama. He gave the staff his address for delivery; the bed will be delivered before the shop's closing hour.
Pag-uwi nila ay sandali silang naghiwalay. Gene would be cleaning up his room to prep for the new bed. Si Trini naman ay umuwi sa sariling bahay para tapusin ang ilang mga mahahalagang gawain para sa official opening ng facility, like online promotions and sending invitations to everyone she knew. Kinailangan din nitong mag-post sa official social media page ng facility para i-remind ang mga followers tungkol sa nalalapit na opening party.
Alam ni Gene ang ilang mga trabahong gagawin ni Trini sa gabing iyon kaya hindi ito umabala. He kept himself busy as he waited for Trini's signal that she's done with what she was doing.
*
*
*
It was 11PM when Trini stretched her back and leaned on her working seat.
Natapos na rin niya sa wakas ang mga kailangan niyang tapusin sa gabing iyon, and she was ready to hit the bed.
Tumayo siya at muling umunat, at dahil nasa harapan lang din ng working table niya ang bintana ay kaagad niyang natanaw ang bahay ni Gene. Nakapatay ang ilaw sa buong bahay maliban sa kusina.
What is he up to?
Tapos na kaya siyang linisin ang kwarto? Siguradong dumating na ang kama at siguradong na-set up na niya.
Napa-iling siya nang maalala ang tungkol doon. Nagpalit si Gene ng kama nang wala sa oras para lang makatabi siya nitong muli sa pagtulog sa kwarto nito.
Kung bakit kasi kailang pa nilang magpalipat-lipat...
Hindi niya alam kung paano ang magiging set up nila, pero gusto na niyang tumira sila sa iisang bahay na lang. She was just waiting for him to ask her to live with him, and she would quickly move her stuff into his house. Or his into hers. Kahit saan, basta magkasama sila sa iisang bubong.
Dapat lang.
Dahil sa nakalipas na limang araw ay doon na natutulog si Gene sa bahay niya at lumilipat lang sa umaga upang magtrabaho sa shop. Doon naman sila kumakain sa bahay nito tulad ng madalas na mangyari. It would be convenient if they just live in one house. Tutal ay parang seryoso naman ang relasyon nila kahit wala pang definite label.
Tumalikod siya at humakbang patungo sa kama. It was unmade. Naroon pa ang hulma ng mga ulo nila ni Gene sa dalawang magkatabing unan. She was not able to fix her bed that morning because she woke up late. Hindi rin siya ginising ni Gene dahil alam nito kung anong oras na siya nito pinatulog.
Nang bumalik sa isip ang mga ginawa nila ni Gene kaninang madaling araw ay sinalakay siya ng kakaibang init sa buong katawan. It was as if the temperature in her room just spiked up. Sira ba ang aircon niya?
Sinulyapan niya ang AC sa ibabaw ng isa pang bintana ng silid niya. It was running perfectly at an average temp.
Hindi sira ang aircon.
Talagang bigla lang siyang nag-init... dahil sa mga alaalang pumasok sa isip niya.
She was aching.
And she knew what her body was asking for.
Itinuloy niya ang paglapit sa kama at hinablot ang cellphone na bed side table. She then sat on the bed, stretched her feet, and laid down before dialling Gene's number. Habang hinihintay ang pagsagot nito sa tawag ay nakipagtitigan siya sa puting kisame ng kaniyang silid.
Para siyang loka na ngumisi.
Kung nakakapagsalita lang ang kisame, siguradong marami nang kwento iyon. It was one of the witnesses of what she and Gene had been doing in that room in the past five days...
"I have been anticipating this call..."
Malapad siyang ngumisi nang marinig ang tinig ni Gene sa kabilang linya. "Hey there..."
"Did you just finish working on those promotions?"
"Yep, just a minute ago. What are you doing?"
"I'm doing my laundry. Kanina pa ako tapos maglinis ng kwarto, at habang hinihintay kita ay naghanap ako ng ibang gagawin."
"I see." Isa-isa niyang tinanggal ang butones ng suot na sleeveless polo shirt. Mula sa kabilang linya ay naririnig niya ang ugong ng dyer.
"Why are you still there, anyway? I thought you were coming back to my house after working on your promotion. I can't wait to show you the new bed, so come back pronto. I missed you already."
Ngumisi siya saka bumangon. "Tinatamad na akong lumipat sa bahay mo kaya tumawag na lang ako."
"Ahhh... So, ngayon ay tinatamad ka nang lumipat sa bahay ko? Masyado ka nang nasanay na ako ang lumilipat d'yan, ganoon?"
She chuckled; naglakad siya patungo sa banyo habang patuloy na hinuhubad ang suot. Makalipas ang ilang sandali ay, "Malapit na bang matapos ang ginagawa mo?"
"A minute or two."
"Ugh, that's too long." Sinabayan niya iyon ng mahinang ungol.
"Why?"
"I'm horny."
Natahimik si Gene, habang siya naman ay nakangising ipinatong ang cellphone sa ibabaw ng sink sa loob ng banyo at doon itinuloy ang paghuhubad. She pressed the loudspeaker button.
"Would you like to come over in my house instead? And I mean... now?"
"You didn't need to ask twice. I'll be there in a jiffy."
And the call ended.
She chuckled before taking off her pants. Nang mahubad ang lahat ng saplot ay humakbang siya patungo sa shower; binuksan niya iyon at in-adjust hanggang sa makuha ang tamang temperatura ng tubig. Limang minuto ang lumipas at nagtapis na siya ng tuwalya. The water on her wet hair was dripping off her face and neck. Her hair blower was in her closet, lumabas siya upang kunin iyon. Pagbukas niya ng pinto ng banyo ay nakatayo na si Gene sa harapan, naghihintay.
She couldn't help but chuckle. "What happened to the laundry?"
"Who cares about the laundry?"
Lalo siyang natawa. Ilang sandali pa ay inabot niya ang damit nito at hinila ito palapit sa kaniya.
Gene's head automatically lowered, crushing his smiling lips on hers. Ang braso nito'y pumaikot sa kaniyang katawan, curling them around her so he could press her body into his. Nanginig ang buo niyang katawan nang dumikit ang kaniyang dibdib sa katawan ni Gene, kasabay niyon ay ang pagdampi ng mga labi nito sa kaniya.
She closed her eyes in surrender, then she opened her mouth to allow him to deepen the kiss.
Each time she was in Gene's arms, she felt like she was in paradise. There was no place like in his arms. This was home for her, and this was where she belonged forever.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top