CHAPTER 057 - She Has To Stay







"SALAMAT SA ALMUSAL, LAWRAH. NABUSOG AKO," ani Trini matapos kumain. Bitbit ang plato ay tumayo na ito at lumayo kay Gene na habang kumakain ay nasa ilalim ng mesa ang kamay ay nanunukso.

Hindi alam ni Trini kung ilang beses itong muntik nang mabilaukan sa tuwing napapadiin ang pagdama ni Gene sa binti nito. She would jump, shiver, or gasp everytime Gene's hand would go up to her thigh, closer to the danger zone.

Hindi sa ayaw ni Trini ang ginagawa nito. But Lawrah was already noticing, and she wasn't comfortable. Kaya gustuhin mang magtagal pa ni Trini sa tabi ni Gene ay minabuti nitong bilisan ang pagkain at mauna nang tumayo.

"You only had a slice of French toast and a few bites of omelet," sabi naman ni Gene, nasa mga labi ang pigil na ngiti.

Dinala muna ni Trini ang plato sa lababo bago sumagot. "Naalala kong may gagawin pa ako sa bahay."

"Really?"

"Yeah, really. There was a mess on the carpet and I need to clean it up."

Ang akmang pagsubo ni Gene ay nahinto nang marinig ang sinabi ni Trini. Napalingon ito sa direksyon ng dalaga. "You need help?"

Trini, who was now washing her hands at the sink, looked over her shoulder and met Gene's eyes. "If you want?"

Gene understood what it meant.

It was an invitation.

And he was up for it.

Muli itong ngumisi at tumayo na rin. Isinubo muna nito ang omelet na nasa tinidor bago hinarap si Lawrah na patuloy sa pagkain subalit ang tingin ay palipat-lipat muli sa dalawa.

"It was nice of you to cook breakfast, Lawrah. Ako na ang bahala sa hugasin."

Maagap na umiling si Lawrah, tumayo na rin. "Ako na rin sa hugasin, Sir Gene. Kung may gagawin pa po kayo sa bahay ni Ma'am Trini ay--"

"Just call us Gene and Trini, hindi mo kami amo," sabi pa ni Gene bago humakbang patungo sa lababo. "And I insist. I'll take care of the dishes."

Nalipat ang tingin ni Lawrah kay Trini nang humakbang naman ang huli pabalik sa mesa bitbit ang kitchen tissue na ginagawang pamunas ni Gene doon. "Ako na ang magliligpit ng mesa, Lawrah. You can go to the living room and relax. Maybe watch the rain through the window, or watch movies on the TV."

"Nasa... living room po ba si Sir Aris?"

"Well, pagpasok ko kanina ay nasa sala siya." Nahinto si Trini sa tabi ni Lawrah. "Are you scared of him?"

Napayukong muli si Lawrah. "Lagi siyang nanininghal at galit siya sa akin. Hindi ko pa siya gaanong kilala at hindi ko alam kung kaya niyang manakit ng babae, pero natatakot ako sa kaniya."

Si Gene ay napalingon sa kinaroroonan ng dalawang dalaga. Saktong napatingin din si Trini rito kaya nagsalubong ang mga mata nila. But they weren't flirting this time. They were both concerned about Lawrah.

"Hindi ka sasaktan ni Aris," panigurado ni Gene sa seryosong tinig. "He would scold you, but never would he physically hurt you. Inamin mong may kasalanan ka, kaya siguro naman ay naiintindihan mo kung bakit galit siya sa 'yo?"

Tumango si Lawrah.

Nagpatuloy si Gene. "His rage will pass, so don't worry. Kung tutulungan mo siyang mahanap ang kapatid mo ay baka magbago ang isip niya at pakisamahan ka nang maayos. I won't stick my nose into your issues, but just in case Aris hurts you, let me know. I'll give you my number."

Muling tumango si Lawrah.

Ibinalik ni Gene ang pansin sa lababo at inumpisahan na ang paghuhugas. He wanted to get this done with so he could go back to Trini's house.

Binuksan ni Gene ang tubig sa lababo at unang hinugasan ang non-stick pan na ginamit ni Lawrah. Sa likod ay naramdaman nito ang pagligpit ng dalawa sa mesa.

Ilang sandali pa ay,

"Hey..."

He froze when Trini's warm breath fanned his nape. Sadya itong nagsalita malapit sa tenga niya. He smiled and glanced at her.

"Hi," he said.

Tumabi si Trini sa kaniya nang ilapag nito sa lababo ang ilan pang mga hugasin. "I have a question..." bulong nito.

"What is it?"

Tumingkayad itong muli at bumulong muli sa tenga niya. "Nagawa bang makalakad agad noong mga flings mo pagkatapos niyong mag-sex?"

Sandali siyang natigilan bago lumingon upang tingnan kung nasa tabi lang si Lawrah. But Lawrah was busy taking the trash out of the backdoor, and didin't hear anything. Ibinalik niya ang pansin kay Trini. "Ano'ng klaseng tanong yan? And why are we talking about other women again, Trinity?"

"Iwas just asking. Gusto kong malaman kung paano ka nila kinaya."

Doon siya muling napangiti. "I'll take that as a compliment."

Trini bit her lower lip and rubbed her arm on his as she stood next to him. "You're huge, Gene. Pakiramdam ko kanina ay nahiwa pati kaluluwa ko... Do it gentler next time, okay?"

"And when is next time, Trinity?"

"Right after that." She puckered her lips, pointing at the dishes.

He couldn't help but grin. He lowered his head and planted a soft kiss on her temple. "Did you know that I almost forgot how to breathe when you walked into the kitchen just a while ago? You make me lose my mind, Trin..."

Lumapad ang ngiti ni Trini, muling tumingkayad at bumulong nang...

"So... how long do I need to wait until I touch you again? I wanna be in your arms now, so hurry up."

"Oh God, shush your beautiful mouth at baka hindi ako makapagpigil."

Trini made a face and said, "Ganiyan ka rin ba sa mga dati mong babae sa tuwing nilalandi ka nila? Hindi ka rin makapagpigil?"

Ang ngiti sa mga labi niya ay nalusaw nang muling buksan ni Trini ang topiko tungkol sa dating mga babaeng dinadala niya sa pamamahay niya. Since she started talking about it last night, parang kay sakit na sa tengang pakinggan. And it was ruining his mood...

"Stop talking about my previous women, Trinity. They aren't like you."

Naitikom ni Trini ang bibig nang makita ang seryoso niyang anyo. Nawala na rin ang ngiti sa mga labi nito, at tulad niya'y naging seryoso. He stopped what he was doing and met her eyes. While Trini just stood there next to him, gaping.

Sa sumunod na ilang segundo ay nanatili silang magkatitig lang, nagsusukatan.

Hanggang sa muling nagsalita si Trini. "You are not going to treat me like them, are you, Gene?"

"I fucking won't. You are way more special than any of those women."

Doon pa lang nagbawi ng tingin si Trini. She looked down and said, "Kahit... wala akong karanasan at hindi ako kasing-galing ng mga babaeng iyon... did I satisfy you somehow?"

"More than I could ever handle, Trin. I was very satisfied that I wanted to take you over and over and over. Kung hindi lang ako nag-alalang baka hindi kayanin ng katawan mo ay baka hindi kita tinigilan. I am so into you, Trinity Anne. Don't think otherwise."

Trini opened her mouth to answer him when suddenly,

"You left your phone on the couch and it was ringing, Acky."

Sabay silang napalingon ni Trini sa kitchen entry, at doon ay nakita nila si Aris na nakatayo hawak-hawak sa isang kamay ang cellphone ni Gene.

"It stopped ringing now, but I'm sure it would ring up again later. The caller ID says it was Mr. Romero."

Ibinalik ni Trini ang tingin sa kaniya. Muli siyang tiningala. "Baka trabaho. Ako na r'yan."

Kinuha ni Trini ang sponge mula sa kaniya at hindi na siya naka-tanggi pa nang muling nag-ingay ang cellphone niya. He secretly groaned and walked towards Aris. Kinuha niya sa kapatid ang cellphone at nang makita ang pangalan ni Mr. Romero sa screen ay humakbang siya palabas ng kitchen at kinausap ang isa sa mga VIP clients niya.

Makalipas ang halos sampung minuto ay bumalik siya sa kusina kung saan niya inabutan sina Aris at Trini na magkaharap sa mesa at nagkakape. Lawrah was out of sight. Napalingon ang dalawa sa kaniya.

Kay Trini siya bumaling.

"One of my clients is on his way—I need to open the shop in twenty minutes. I'll just have a quick shower upstairs. See you later?"

Sa gilid ng kaniyang tingin ay nakita niya ang pag-ngisi ni Aris kasabay ng pansandal nito sa upuan. His brother placed his arm on the backrest of the chair and put the cup of coffee to his lips. Pilit niyang ni-ignora ang mapanuring tingin nito.

"I have some work to do in my house, too." Tumayo na rin si Trini at hinarap si Aris. "Thanks for the coffee, Kuys. Lipat na muna ako sa bahay."

Habang nakatayo si Trini at nakaharap kay Aris ay kusa namang bumaba ang kaniyang tingin sa suot nitong fitted black leggings. It was so fitted that it shaped her butt so perfectly.

At hindi niya napigilan ang mapabuga ng hangin.

"See you later, Trin," ani Aris nang magpaalam na si Trini.

Ibinalik niya ang tingin sa mukha ni Trini nang humarap itong muli sa kaniya. She gave him a sweet smile before walking toward his direction. Huminto ito sa harapan niya.

"Come over for lunch; I'll be cooking."

Hindi na siya nito hinintay pang sumagot. Nilampasan siya nito at nagtuluy-tuloy sa front door.

Wala siyang nagawa kung hindi sundan lang ito ng tingin.

And while looking at her walking away, his chest suddenly felt so empty.

Right then and there, he realized that... he didn't want to lose her.

He wasn't prepared to lose her before-- mas lalo na ngayon.

At ngayon ay nakapag-desisyon na siya. He would make sure Trini stays in his life.

Forever.


TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top