CHAPTER 046 - All His







           ISA-ISANG INALIS NI GENE ANG SUOT NA WORKING GLOVES NANG MARINIG ang tunog ng makina ng kotse ni Trini na huminto sa harap ng bahay nito. Lumabas si Gene mula sa workshop at sinilip ang daan.

           Tulad ng inasahan nito'y nakita ang pagparada ng kotse ni Trini sa harap ng gate at ang pagpatay ng makina niyon. Walang garahe ang mga bahay sa subdivision nila at ang mga kotse ay nakaparada lang sa gilid ng daan. Pero ang mga kalsada roon ay idine-senyo na mas malapad sa normal na kalsada kaya kahit papaano ay hindi masikip ang daan. Besides, it was an exclusive subdivision.

           He was done for the day. It was already six in the evening and he was about to close his workshop. Sa katunayan ay sarado talaga dapat iyon sa araw na iyon pero nang bandang hapon ay nagpasiya siyang magbukas dahil nabuburyong siya sa loob ng bahay niya.

           Gusto niyang lumabas—go out for a drink or two. Like usual.

           Pero hindi siya sanay na lumabas na siya lang. He was used to going out with Trini. At kaya siya naka-abang doon sa workshop niya sa pagdating ng kaibigan ay upang yayain itong lumabas. It was Saturday night, anyway. It was a great night for some drinks.

           Si Trini na sandaling nanatili sa driver's seat upang mag-reply sa text message na ipinadala ni Deewee ay napatingin sa harapan at nakita ang nakabukas na roll sheet door ng workshop. Nang makita si Gene na nakatayo roon at nakatingin din sa direksyon niya ay biglang natigilan ang dalaga— ang dibdib ay tumahip nang malakas ang paghinga ay tumigil.

           Sandaling napatitig ang dalaga sa kaibigan bago ibinaba ang hawak na cellphone. Nawala na sa isip nitong sagutin ang text message ni Deewee. Huminga ito nang malalim bago tuluyang pinatay ang makina ng kotse at tinanggal ang seatbelt. Pagkatapos ay binuksan nito ang pinto sa driver's side at lumabas. She did all that without breaking eye contact with Gene.

           Paglabas sa kotse ay marahan nitong inisara ang pinto at ni-lock gamit ang control key. Sandali itong tumayo sa gilid ng sasakyan habang nakikipagtitigan kay Gene bago nagpakawala nang malalim na paghinga at tumalikod.

           Ramdam ni Trini na may nais sabihin si Gene, and she was waiting to hear that. Pero mukhang hindi pa handang magsabi si Gene, at hindi rin naman alam ng dalaga kung ano ang sasabihin. Hindi pa rin mawala sa isip nito ang minulatang sitwasyon nang umagang iyon sa isla, and up until this point, she wasn't sure what really happened.

           Nang marating ng dalaga ang gate ay madali nito iyong binuksan. At this point, she was waitng for Gene to call out her name and asked her to talk.

           Pero... naitulak na ni Trini ang gate at nakapasok na't lahat-lahat, pero hindi pa rin nagsasalita o tumitinag si Gene.

           Naglakad si Trini patungo sa pinto ng bahay, inilabas ang susi sa bag at inisuksok sa keyhole. Ilang segundo muna ang pinalipas nito bago tuluyang itinulak pabukas ang pinto, pero wala pa rin itong naririnig mula sa kaibigan.

           She let out a deep sigh and pushed the door open. Tulad ng madalas mangyari ay sinalubong na naman ito ng mga pusa. She bent down and carried two of them before she pushed her sandals off and closed the door. Nanatili ang dalaga sa likod ng pinto, hoping against hope that Gene would approach her house and knock on the door.

           Pero dalawang minuto mahigit ang lumipas at wala pa ring Isaas Genesis Zodiac na lumalapit.

           Nawalan na ng pag-asa si Trini. Humakbang ito patungo sa sala, at nang marating ang sofa ay inabot nito ang switch ng lampshade na nasa ibabaw ng side table. Saktong binuksan nito ang ilaw sa sala nang tumunog ang cellphone.

           Nagmamadaling inilabas ni Trini ang cellphone mula sa bag sa pag-aakalang si Gene ang tumatawag. Pero nang makita ang pangalan ni Deewee sa screen ay pakiramdam ng dalaga ay bigla itong napagod.

           The excitement was not there anymore whenever she received messages or calls from Deewee; hindi tulad noong unang buwan. Sa halip ay napapagod ito at nawawalan ng gana. Pilit na pilit na lang ang pakikitungo nito sa binata. And sometimes, she felt sorry for Dee for feeling this way.

           Hinayaan muna ni Trini ang cellphone na tumunog nang tumunog hanggang sa tumigil iyon. Then, she tossed it on the sofa before standing up and walking over to the kitchen. Magluluto ito ng ramen bilang hapunan. Damn. She has lost interest in cooking decent meal these past few days. Puro ramen at tinapay na lang ang kinakain nito sa nakalipas na mga araw.

            Nasa kalagitnaan pa lang si Trini ng paglalakad nang mahinto matapos marinig ang muling pag-ring ng cellphone.

           Trini wanted to ignore that again thinking it was the same caller. Pero naisip ng dalaga na kung hindi nito sasagutin iyon ay siguradong hindi rin titigil si Deewee. Baka isipin ni Dee na may masamang nangyari sa kaniya; and worse case scenario, baka puntahan siya nito.

            Trini made a U-turn and walked back to the sofa. Hinablot nitong muli ang cellphone at sinagot ang tawag,

           "Deewee, can we talk some other time? I'm tired and I don't feel like talking to anybody. And also..." Huminga nang malalim ang dalaga bago nagpatuloy. "Let's stop seeing each other. I don't think this is gonna work between us."

           "Really?"

           Natigilan si Trini.

           Hindi tinig ni Deewee ang nasa sa kabilang linya.

           It was Gene's.

           "G-Gene..." anang dalaga. Sandali nitong inalis ang cellphone sa tenga at sinulyapan ang screen. It was indeed Gene; naroon ang pangalan at picture nito sa screen ng cellphone. Tarantang ibinalik ni Trini ang cellphone sa tenga. "Ano'ng... kailangan mo?"

          "Isn't it weird?" ani Gene. "Dati ay pwede kitang tawagan nang hindi kailangang magpaliwanag kung bakit. At noon ay sinasagot mo ang mga tawag ko nang hindi itinatanong kung ano ang kailangan ko. You just knew what I wanted—you always knew."

           "Not now, I don't." Dahan-dahang ibinalik ni Trini ang sarili sa sofa. Naupo ito roon at humugot nang malalim na paghinga. "Do you need anything? I'm tired and starved and I don't know kung sa kusina ako pupunta o sa kwarto ko."

           Gustong sapukin ni Trini ang sarili. Kani-kanina lang ay hinihintay nito ang paglapit ni Gene. Now, she was shooing him away again.

            "Did you just jilt Deewee?"

           "Jilt..." ulit ng dalaga. "Isn't that a strong word?"

           "Busted, then. Bina-basted mo na si Deewee?"

           "Why are we even talking about this?"

           "Because I happen to hear what you said thinking it was him on the other line. So, did you just reject him?"

           "In a way, yes." Napakagat-labi si Trini.

           "Why did you think it's not gonna work for both of you? Akala ko ba ay gusto mo siya?"

           Inisandal ni Trini ang sarili sa sandalan ng sofa, ipinikit ang mga mata at hinagod ang sentido. "Let's not talk about Deewee, Gene. Kung may iba ka pang sasabihin ay sabihin mo na, otherwise, I'm hanging up."

           But she did not.

           Naghintay pa si Trini ng ilang segundo, iniisip na magsasalita pa si Gene. She was waiting for him to stop her and tell her that he was sorry. Not for what happened on the island, but for making things even more awkward. Sa maraming pagkakataon, sa tuwing may hindi sila napagkakaunawaan ay si Gene ang laging gumagawa ng paraan upang magkausap o magkaayos sila. Pero sa pagkakataong ito ay nakipag-iwasan din ito, at doon lalong naguluhan ang dalaga. Lalong nailang. And Trini wanted Gene to apologise for that.

           Isa pa... hindi alam ng dalaga kung papaanong naatim ni Gene ang araw-araw na hindi sila magkausap? Tulad noong gabing pumunta ito sa bahay ni Trini para yayain ang dalaga na maghapunan. Imbes na mag-sorry at makipag-usap tungkol sa nangyari ay nagyaya lang itong kumain na parang walang tensiyon na nangyayari sa pagkakaibigan nila.

            Ilang araw ba ang kailangan nito para mag-isip? Ilang araw ba ang kailangan nitong space? Naghihintay lang din si Trini rito. But Gene seemed to not be interested in sorting this issue. May palagay si Trini na plano ni Gene na umusad nang hindi inaayos ang gusot.

           "Good night, Trinity."

           Trinity.

           He was damned serious.

           Tinatawag lang nang ganoon ni Gene ang kaibigan kapag seryoso ito o galit.

           Napabuntonghininga si Triny at ibinaba na ang cellphone saka pinatay. Mukha nga yatang wala pang balak si Gene na pag-usapan ang tungkol sa nangyari sa isla...

            Well, if that was the case, hindi rin siya kikibo.

            Muling inisandal ni Trini ang sarili sa sofa at ipinikit ang mga mata.

        Hanggang sa makatulog ito roon. Katabi ang mga pusa.

*

*

*

           "ARAY NAMAN, MGA ANAK..." reklamo ni Trini nang magising matapos marinig ang pagtatalo ng dalawa sa mga pusa nito. Nag-ramble sina Bulingling at Dexter. Nagkalmutan at nagsagupaan sa paanan niya. "Tumigil na kayo!"

           Pero syempre pa, hindi tumigil ang mga pasaway. Patuloy na nag-ramble ang dalawa sa tabi niya. Inis siyang nagmulat ng mga mata at hinablot ang throw pillow upang itakip sa mukha nang may maamoy.

           Ano 'yon? tanong niya sa sarili bago salubong ang mga kilay na sinulyapan ang kitchen entry. She knew she fell asleep in the living area with her cats beside her. Nasa couch siya at nakalaylay ang isang paa sa sahig, suot-suot pa rin ang damit na suot niya buong araw kahapon.

            Shit, she felt itchy all over.

           Hindi siya sanay na matulog na hindi nakakapaghugas ng katawan malibang lasing na lasing siya. Pero hindi niya napigilang magpahila sa antok kagabi dahil sa labis na pagod. She did nothing the whole day but decorate the facilitty and had meetings with two of the staff. Bukas na niya bubuksan ang website para sa promotion. Sa Biyernes naman ang grand opening.

           Sa loob ng isang linggo ay inabala niya ang sarili sa bubuksang negosyo, at ang totoo ay kailangang-kailangan niya ang tulong ng kasosyo niya.

           But then... they were not in good terms, kaya si Deewee ang inabala niya.

           At ngayong tapos na ang lahat ng mga inaasikaso niya at hindi na niya kailangan ang tulong ng pobreng lalaki ay saka naman niya ba-basted-in.

           Oh, she was such a cruel lady. Buti na lang at si Gene pala ang nasa kabilang linya kagabi.

           Nang maisip si Gene ay muling parang bumigat ang dibdib niya. Hindi talaga niya gusto kapag hindi sila bati—mas mahirap ngayon dahil seryoso ang nangyari.

           Muli niyang naramdaman ang pagtatalo nina Dexter at Bulingling sa kaniyang paanan kaya binalingan niya ang mga ito at akmang sisinghalang muli upang patigilin nang muling maamoy ang mabangong aroma mula sa kusina.

           Muli siyang napatitig sa kitchen entry.

           Hindi siya maaaring magkamali— galing sa kusina niya ang aroma!

           Pero... sino ang naroon?

           Napasinghap siya. There was only one person who had a duplicate key and had access to her house.

           Nang maisip kung sino ang naroon ay madali siyang bumangon. Nagulat sina Dexter at Bulingling sa biglaan niyang pagkilos kaya tumigil ang mga ito at sinundan siya ng tingin. Sa malalaking mga hakbang ay tinungo niya ang kusina habang inaayos ang nagulong buhok, at pagdating sa entry ay natulos siya sa kinatatayuan nang makita si Gene na nakatalikod sa direksyon niya—nasa harap ng stove at may niluluto.

           Bumaba ang tingin niya sa malapad nitong likod. He was only wearing his black sando top— iyong ginagamit lang nito sa tuwing mag-ja-jog— at ang sleeping pants nito. Suot-suot nito ang apron niya na kulay yellow, at ang matitipuno nitong braso ay namumukol habang naghahalo.

           Hindi niya alam kung ano ang nagbigay sa kaniya ng dahilan para mapabuntonghininga at sumandal sa hamba ng kitchen entry.

           Ang nakakaloka pa ay buntonghininga iyon nang may panghihinayang.

           And at the same time, a dreamy one.

           Susme, ang aga na namang naging aktibo ng pantasya ko—

           Nahinto siya sa pag-iisip nang biglang lumingon si Gene.

           Pareho pa silang nagkagulatan, pero nauna itong nakabawi. Gene let out a light smile.

           "I knew it. I could tell if someone was looking at my back."

           Tumuwid siya ng tayo at nag-alis ng bara sa lalamunan. Shit, hindi pa siya nakakapag-toothbrush; ayaw niyang tumabi rito.

           And shit, why the fuck not? Ilang beses na ba silang nagising na magkatabi? Ilang beses nang naamoy ni Gene ang morning breath niya dahil sa kakapalan niya ng mukha noon ay lagi niyang sadyang ipinaaamoy rito.

           Now, she was conscious?

           Damn it. Something was going on with her brain!

           "I cooked fried rice—natirang kanin 'to sa bahay. Dito ko na niluto para hindi ka makatanggi."

           "Bakit naman ako tatanggi..." mahina niyang usal bago iniyakap ang mga braso sa sarili. It was a defensive gesture— at hindi niya alam kung saan niya pino-protektahan ang sarili.

           "I don't know. I just knew it was possible for you to decline. Kaya para hindi ka makatanggi at may kasabay na naman akong kumain ay dito na ako nagluto. I didn't know you slept in the living room with your outside clothes still on. Hindi ba nangati ang katawan mo?"

           "It did, pero pagod na pagod ako kahapoon na matapos nating mag-usap sa cellphone ay nakatulog na kaagad ako."

           Well, it was a good start. They were having a normal conversation like usual. Ang hindi lang usual ay ang paraaan ng pag-uusap nila. They both could feel the wall between them—the disconnection, the awkwardness.

           "I pre-heated the grilled chicken I order yesterday afternoon. Nakalimutan kong maghapunan kaya hindi ko nagalaw. I also fried some eggs." Ibinalik ni Gene ang pansin sa iniluluto.

           "So, nagluluto ka na rin ngayon?"

           "Dati naman akong nagluluto ah?"

           "You only cook ramen for us, Gene." Hindi niya napigilan ang pag-alpas ng pinong ngiti sa mga labi.

           Muling lumingon si Gene, at doon niya inalis ang ngiting sumilay sa mga labi. "Because I thought that's the only food you want me to cook for you. Well anyway, you can try this. Kung magugusuthan mo ay ipagluluto na rin kita araw-araw. I mean, not everyday, but often—"

           "Why are you doing this, Gene?"

          Please don't tell me that you're only doing this because of guilt. Mas maiging pagtawanan na lang natin ang nangyaring iyon sa isla kahit na may ibang damdaming pinukaw sa akin ang nangyaring iyon kaysa ang sabihin mong nagi-guilty ka kaya mo ito ginagawa... 

           "Well, I thought you would be lonely, lalo at hindi mo na mayayaya si Dee sa agahan, tanghalian, hapunan, at lahat ng mga lakad mo."

           "Why not?"

           "Because you're planning to ditch him, are you not?"

            Kinunutan siya ng noo. "Why do you look so excited thinking that I was gonna ditch him?"

            Nagkibit-balikat si Gene. "Because I am, Trini. I am excited that he will be out of the picture soon."

            "Why is that?"

            Teka, bakit lumalakas ang kabog ng dibdib niya?

            Hindi kaagad na nakasagot si Gene. Sa halip ay umangat ang isang sulok ng labi nito sa pag-ngiti, at doon ay parang nakalimutan niyang huminga.

            "Because without Dee in the picture means I could have you all by myself."





TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top