CHAPTER 043 - The Start Of Awkwardness



(GO BACK TO CHAPTER TWO; IT WAS THE MORNING TRINI WOKE UP, DISCOVERING WHAT HAD HAPPENED THE NIGHT BEFORE. After re-reading Chapter 002, go back here.)

*

*

*

"BUMALIK SI GENE SA MAINLAND?" gulat na sabi ni Deewee nang magkita ito at si Trini kinaumagahan. Alas dies ng umaga nang kumatok ito sa cottage upang yayain ang dalaga na mag-brunch.

Si Trini na hindi alam kung papaano tatakpan ang nga pulang marka sa leeg ay napabuntonghininga at itinuloy ang paglabas ng cottage bitbit ang malaking tote bag. She was wearing her shirt and shorts. Ang buhok ay itinakip nito sa leeg upang itago kay Deewee ang bagay na hindi dapat nito makita.

"Yeah. Mauuna siyang umuwi sa atin."

"Why? Did something happen?"

Mariing napalunok si Trini. Oh yes, something did happen. Pero tulad ni Gene ay hindi rin maalala ni Trini kung ano ba talaga ang nangyari at kung hanggang saan ang ginawa nila ng kaibigan.

"N-Nothing. May emergency lang na... kailangang ayusin si Gene."

"I see..." Hindi alam ni Trini kung na-kombinsi si Deewee sa sinabi nito, but Dee said no more.

Matapos umalis si Gene sa cottage nang umagang iyon ay matagal na natulala lang si Trini sa kawalan. She was trying to remember what they did last night, pero dahil sa naubos na alak kagabi ay nananakit pa ang ulo nito at hindi malinaw ang alaala sa mga nangyari.

Her mind couldn't remember anything, but her body did.

Sa tuwing naiisip nito ang pulang mga marka sa katawan ay nagtatayuan ang mga balahibo ng dalaga at nag-iinit ang katawan. At tila ba may kung anong damdamin sa kaloob-looban nito na nais kumawala. Tila may kung anong sasabog na hindi magawang pangalanan ni Trini. It was something... so unfamiliar. So intriguing. Something... spectacular.

"Are you okay?"

Nahinto sa pag-iisip si Trini kasabay nang marinig ang tanong ni Dee. Nahinto ito sa paghakbang at sinulyapan ang kasama.

What would Deewee feel if he learned that something peculiar happened between her and Gene last night? Nag-aalala si Trini na baka mag-isip si Dee nang hindi maganda tungkol dito.

But did it really matter now? Wala nang ibang gustong isipin si Trini sa mga sandaling iyon kung hindi ang kaibigan.

Trini couldn't help but smirk at herself. Nakakatindig balahibo na ngayon na tawagin pa nitong 'kaibigan' si Gene matapos ang nangyari kagabi.

"Are you with me?"

Napakurap siya. "Uh... yes?"

"May iniisip ka."

Hindi alam ni Trini ang isasagot. Lumampas ang tingin nito sa likuran ni Dee at nakita ang maliit na restaurant sa isla na iyon. Hindi namalayan ng dalaga na nakarating na sila roon. Ibinalik nito ang pansin kay Deewee na sa mga sandaling iyon ay salubong ang mga kilay, nasa anyo ang pagtataka at pag-aalala.

Pilit na ngumiti si Trini. "N-Naparami ang inom namin ni Gene ng alak kagabi, kaya... lutang ako ngayon."

"Oh, my hangover ka."

Tumango ang dalaga. "At masama ang pakiramdam ko pag-gising. I don't think I could eat breakfast or lunch."

"Did you throw up this morning?"

"N-No."

"I see. Tinanong ko lang dahil kung sumuka ka ay pipilitin kitang kumain kahit sabaw lang para magkalaman ang sikmura mo. But since you didn't, I urge you to at least have a cup of coffee para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam mo..

"Bumalik na rin siguro tayo sa mainland pagkatapos magkape?"

"Sure. Magpahinga ka na rin muna sa hotel room mo at mamayang hapon na kita gigisingin para sa inihanda kong dinner. And by the way, happy birthday, Trini."

Yeah, it was her birthday.

And it was supposed to be a happy day for her.

Pero dahil sa nangyari kagabi at sa pag-iwan ni Gene sa kaniya roon ay iyon na ang pinaka-malungkot na kaarawang naranasan ng dalaga. And Trini couldn't help but feel bad... and lonely for not having Gene around that day.

*

*

*

ISANG GABI PANG NANATILI SA RESORT SINA DEEWEE AT TRINI BAGO ANG MGA ITO UMUWI. THE ROMANTIC DINNER WENT FINE, SUBALIT SA DURASYON NA MAGKASAMA ANG DALAWA ay hindi nawala sa isip ni Trini ang matalik na kaibigan.

Sa buong araw na iyon ay hindi nawala sa isip ni Trini si Gene, at sa loob ng maraming beses ay sinubukan ni Trini na tawagan ang huli o padalhan ng mensahe. Pero hindi nito magawa; naisip nitong mas maiging personal silang mag-usap tungkol sa nangyari. At tama si Gene, they needed more time to think things over.

Hindi normal ang nangyari sa pagitan nila ng gabing iyon. At nag-aalala ang dalaga na baka badya na iyon sa nalalapit na pagtatapos ng pagkakaibigan nila.

It was something she didn't want to happen, but if things went south after that drunken night, she had no choice but to accept the fact that things between her and her best friend would never be the same again.

May lamat na.

"We're here."

Napatingin si Trini sa direksyon ni Deewee nang marinig ang sinabi nito. Nasa kotse sila, at nakahinto na iyon sa tapat ng bahay niya.

Hindi niya namalayang nakarating na sila. They left Batangas early in the morning and now she's back home.

Wala sa sariling napalingon siya sa kabilang kalsada, sa bahay ni Gene. Sarado ang garahe at gate ng bahay nito. She wasn't sure if he was in his house, or he left. But one thing was for sure—she couldn't face him yet.

"Are you okay?"

Ibinalik niya ang tingin kay Deewee nang marinig ang sinabi nito. Nagpakawala siya ng pilit na ngiti. "Y-Yes, napagod lang ako sa byahe."

Lumampas ang tingin ni Deewee sa kaniya at natuon sa bahay ni Gene na nasa kabilang kalsada. "Mukhang wala si Gene, ah? Nagsasara ba ng workshop 'yon tuwing Lunes?"

Lumingon siyang muli roon. "Baka may pinuntahang kliyente."

"I see. Hindi ko napansing tumawag siya sa'yo habang nasa Batangas tayo. I appreciate him for giving us some space, pero hindi ko maiwasang magtaka."

"Don't worry about him." Ibinalik niya ang tingin dito. "Baka naging abala lang dahil sa... emergency na binalikan kahapon."

Tumango si Deewee. "We were supposed to visit Phil at his house, pero dahil pansin kong parang wala ka sa mood ay hindi ko na itinuloy ang pagpunta natin doon."

"Yeah, sorry if I ruined your plan, Dee. Ayaw ko ring magpakita kay Kuys Phil kung ganitong wala ako sa tamang huwisyo."

"You didn't ruin my plan, Trin." Ginagap ni Deewee ang kamay niya at banayad na pinisil kasabay ng pinong ngiti. "I'm happy I was able to spend time with you the whole weekend, and that you allowed me to be there on your special day. I couldn't be happier."

Deewee holding her hand with emotions in his eyes just felt so wrong. Bumabalik sa isip niya ang namulatang eksena noong umagang iyon ng kaarawan niya, at pakiramdam niya ay hindi siya naging patas kay Deewee. The man was sincere with his intentions, she could tell it by the way he treated her and the way he gazed at her. Sa loob ng ilang buwang nagdi-date sila ay masasabi niyang totoo ito sa damdamin sa kaniya at alam niyang handa na rin itong lumagay sa tahimik kasama siya. And at first, she was also ready to take him into her life and move to the next chapter.

Not until lately.

Not until what happened that night.

"I hope one of these days, malaman ko na ang sagot mo."

Sagot ko? bulong niya sa isip. Oh, ang ibig ba niyang sabihin ay ang magiging desisyon ko sa panunuyo niya?

Lihim siyang napangiwi.

Hindi na siya sigurado ngayon.

"If you allowed me to be part of your life, Trini, I promise that I will make you the happiest woman on Earth. I promise that I'll do my best not to make you cry, and I promise that I will be devoted to our relationship. Sana ay... nalalapit na ang pagbibigay mo ng sagot sa akin."

Pilit siyang ngumiti; ang isang kamay ay ipinatong niya sa kamay ni Deewee na nakahawak sa isa niyang kamay. "I'll think it over this week, Dee."

"Thank you, Trin." Lumapad ang ngiti ni Deewee at saka pa lang bumitiw. Tuwid itong naupo sa upuan. "I have to go back to Manila now; may mga aasikasuhin ako. Are you gonna be fine?"

Tumango siya. "Of course. Magpapahinga ako buong araw sa bahay. And Dee... Thank you for your birthway treat. I enjoyed the weekend getaway with you..."

And of course, that was half-lie. She did enjoy the weekend, not until...

She mentally shook her head and smiled again. "Drive safely."

Makalipas ang ilang sandali ay nagpaalam na si Deewee. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa lumiko ang sasakyan nito palabas ng street nila. Nang tuluyan nang mawala sa paningin niya ang sasakyan ni Dee ay ibinalik niya ang pansin sa bahay ni Gene, sandaling napatitig doon, saka siya nagpakawala nang malalim na paghinga.

Pumasok siya sa bahay niya at binuksan ang mga ilaw. Kaagad na sumalubong sa kaniya ang mga pusa at sandaling nawala sa isip ang kaibigan nang makipaglaro siya sa mga alaga.

Tanghalian nang umakyat siya sa kaniyang silid at naligo. Pagkatapos patuyuin ang buhok at natulog siya, at nang magising ay madilim na sa labas.

Bumangon siya para maghanda ng hapunan; she thought of having ramen for the night. Uminat siya at humakbang patungo sa pinto, pero sandali siyang nahinto nang tumapat siya sa bintana. From there she could see Gene's house, at sandali siyang napako sa kinatatayuan nang makitang nakabukas na ang ilaw sa loob niyon.

Gene was home.

And she couldn't explain the shiver that ran through her spine.


TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top