CHAPTER 042 - Giving In To Temptation



GENE WAS PISSED. So pissed he didn't know whether to leave or stay and play along.

Simula nang mabasa niya ang nakasulat sa huling card ay kumabog na nang malakas ang dibdib niya. He was planning to get another card, but Trini was persistent. Nang tanggalin nito ang pagkakatali ng bikini top ay halos kumawala ang puso niya mula sa kaniyang katawan. Nang lumusong si Trini sa tubig ay muli niyang dinala ang bote ng gin sa bibig at tinungga ang laman niyon.

F*ck it. He was getting drunk. Malapit nang humulagpos ang kontrol niya dahil na rin sa epekto ng alak sa katawan. The gin bottle was a large one and two of them were going to finish it up in just two hours. Sa bilis ng tagay nila ay mabilis din ang epekto ng alkohol sa sistema nila.

Matapos niyang tumungga diretso mula sa bote ay nilingon niya ang direksyon ni Trini nang mapansing natagalan ito sa ilalim ng tubig. The hot spring wasn't that hot, but it could burn if they stayed underwater for more than ten seconds. And it had been ten seconds when Trini plunged in, pero hindi pa rin umaahon. He was about to check on her and see what was happening under the water when suddenly, Trini emerged and pulled her body up to the side of the pool. Lalo siyang namangha at tuluyang kumawala ang kaluluwa sa katawan nang makita ang paghiga nito sa gilid ng pool, not giving a flying f*ck about her nakedness.

Damn this woman, was all he could think at the time.

He clearly saw Trini's breasts before he moved his eyes away, and all he could say about them was they were...

They were so...

Tiny.

Yes, they were tiny yet they also weren't flat. There were humps and curves, at least.

And they also looked so...

So inviting he almost gave in.

Sa mga sandaling iyon ay habol-habol nito ang paghinga. Tumaas-baba ang didbib ni Trini— ang dibdib nitong hindi niya mapigilang titigan.

Damn it, I should look away.

But fuck, why can't I?

"Or what, Gene?" nakangising ulit ni Trini sa sinabi nito kanina. "Kapag hindi ako nagtakip, ano ang gagawin mo?"

"Ilulubog kita sa tubig." This time, his tone was so calm yet his words were firm.

"Papatayin mo ako, ganoon?"

"No, I will just wake you up from this madness." Doon pa lang niya nagawang tumalikod, at nang makatalikod na siya ay saka niya pinakawalan ang malalim na paghinga. Tinungga rin niya ang alak na nasa hawak na shot glass at ipinatong ang mga kamay sa gilid ng pool.

Hindi niya alam kung dahil sa hot spring, sa alak, o sa nakita niya kanina kaya ang katawan niya sa mga sandaling iyon ay nag-iinit. He was uncomfortable and he wanted to do something about it.

"Fine, heto na at magtatakip na."

Naramdaman niya ang pagkilos ni Trini at ang paghakbang pabalik sa kinaroroonan niya.

"Don't come closer, Trinidad," he warned. And he only said that because he was worried about what he might do to her.

He was tipsy from all the alcohol he had consumed that day, and he was feeling uneasy from what he had seen. He couldn't promise to behave.

He just couldn't.

Not now that he realized what he truly felt for his best friend.

Damn it, nakakahiya siya.

Iniisip pa rin niyang kaibigan si Trini sa kabila ng nararamdaman niya. He was an a**hole. Walang matinong lalaki ang pumapantasya sa matalik na kaibigan!

Nahinto siya sa pag-iisip nang marinig ang impit na tili ni Trini bago ang muli nitong pagkahulog sa pool. Akma siyang lilingon upang alamin ang lagay nito, subalit nang pumasok sa isip ang hubad nitong dibdib ay ipinako niya ang sarili sa kinatatayuan.

Ilang sandali pa ay narinig niya ang pag-ahon ni Trini sa tubig. "Damn it, I lost my balance."

"Are you okay?" aniya, hindi pa rin nililingon ang kaibigan.

Hindi sumagot si Trini, sa halip ay lumangoy ito palapit sa kinaroroonan niya. Nang maramdaman niya ang tuluyan nitong paglapit ay yumuko siya at sinapo ang ulo; paraan niya iyon upang hindi makita ang hindi dapat makita.

Sa gilid ng kaniyang tingin ay nakita niya ang pag-abot ni Trini sa bikini top nitong ipinatong niya sa gilid ng pool. Ibinaling niya ang tingin sa kabilang bahagi upang hindi niya ito makita habang inisusuot ang kapirasong tela.

Ilang sandali pa...

"There, natakpan ko na. Kuu, akala ko ba ay wala namang makikita, ba't galit na galit ka?"

Nagpakawala muna siya nang malalim na paghinga bago ito muling sinulyapan.

Si Trini ay ini-sandal din ang sarili sa gilid ng pool at ipinatong ang magkabilang braso sa mga iyon saka inihilig ang ulo. She closed her eyes and took a deep breath.

Sandaling bumaba ang kaniyang tingin sa ini-suot nitong bikini top at kinunutan siya ng noo. Sigurado siyang minadali lang ni Trin ang pagkabit niyon dahil hindi gaanong mahigpit ang pagkakatali. Ni hindi nito naayos ang pagkakasakop ng telang iyon sa dibdib nito na muling ikina-init hindi lang ng ulo niya kung hindi pati na rin ng pakiramdam niya.

He let out an exasperating sigh, and was about to reprimand her when Trini beat him off,

"I'm super drunk, Gene. Ubusin na natin ang alak at magpahinga na tayo."

Napatitig siya sa mukha nito; ang mapusyaw na ilaw mula sa mga outdoor lamps sa bawat sulok ng area na iyon ang tanging tanglaw niya, at dahil sa kulay ng ilaw ay hindi niya masabi kung namumula na ang pisngi ng kaibigan dahil sa pagkalasing. But just by looking intently at her, he could tell she was indeed drunk.

"Muntik na akong mawalan ng malay kanina sa ilalim ng tubig." Nanatiling nakapikit si Trini.

"What do you mean?"

"Kaya ako biglang umahon kanina ay dahil nabangga ang ulo ko sa sementong pader ng pool, at dahil siguro na rin sa init ng tubig. At dahil nabangga ako ay kaagad akong umahon. Showing you off my naked breast didn't really bother me. It's you after all—ano ba ang dapat kong ikabahala sa'yo?"

Damn it.

Marami, Trinidad. Napaka-rami.

Muli ay sunud-sunod siyang nagmura sa isip.

Malaki ang tiwala ni Trini na hindi siya mag-iisip nang ganito. Ang hindi alam ni Trini ay sinisira na niya ang tiwala nito.

If Trini only knew what he was thinking and feeling, she would surely be disgusted with him.

"Ang ikinakabahala ko sa'yo ay itong inaakto mo, Heneroso. Okay ka lang ba?"

Ibinalik niya ang tingin dito. Saktong nalipat ang tingin niya sa mukha ng kaibigan nang magmulat din ito at nilingon siya. Napalabi ito.

"Kay dali mong mapikon; hindi ka naman inaano."

"Hindi ba inaano 'yong maghubad ka sa harapan ko?"

"Hindi naman ito ang unang beses na naghubad ako sa harap mo ah?"

"This is the first time you showed me your breasts."

"Pero hindi ito ang unang beses na naghuabd ako sa harapan mo. Dati ay umiiwas ka lang ng tingin at pinababayaan mo akong gawin ang trip ko. Ngayon, maliban sa panininghal ay may pagbabanta pa. I mean, what did I do? I was just being myself because I was with you. Like... normal. Bakit ngayon ay parang hindi ka normal?"

Doon siya umiwas ng tingin. Muli niyang hinarap ang alak at nagsalin sa shot glass. Sa tantiya niya ay dalawa hanggang tatlong shots na lang ang natitira roon.

"Marami lang akong nainom ngayon," dahilan niya.

"Hmmm... Kung ganoon ay pareho na tayong may tama." Tumuwid ito ng tayo at hinarap na rin ang alak. Matapos niyang salinan ang shotglass ay kaagad iyong kinuha ni Trini at itinungga bago pa man niya ito napigilan. Nang maibaba na nito ang wala nang lamang shotglass ay muli nitong kinuha ang bote ng alak at sinuri.

"Malapit nang maubos ito, o. Isang game na lang at magpahinga na tayo. Ang matalo ay uubusin ang natitirang alak up to the last drop."

"Let's stop the game now, Trinidad. Ako na ang uubos niyan. Magpahinga ka na." Sinubukan niyang agawin ang bote mula rito, subalit kaagad na ini-iwas ni Trini ang kamay. Inilipat nito ang bote sa gilid nito upang hindi niya maabot.

Ang isang kamay nito ay inabot ang cards—kumuha ng isa at pataob na inilapag sa pagitan nilang dalawa.

"Bato-bato-pick?" Trini raised her knuckle and pointed it to him.

He groaned in exasperation, but he did anyway. Nag-bato-bato-pick silang muli.

He lost. He chose paper while Trini chose scissors.

Muling sumilay ang ngisi sa mga labi ni Trini. Inabot nito ang itinaob na card at tahimik na binasa.

Then, she froze.

Pero sandali lang. Dahil ang sandali nitong pagkatigalgal ay napalitan ng malakas na tawa.

"What did the card say?" he asked, trying to snatch the card from her.

But Trini was able to dodge his hand again. Tumigil ito sa pagtawa at nakangising binasa nang malakas ang card,

"Regardless of gender, you must kiss the person in front of you or you will have to take the consequence." She paused to giggle, while he just stood there, staring at her laughing face with uneasiness rising in his chest.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya sa mga sandaling iyon. What was that card trying to do? Sa dinami-rami ng magiging challenge, at kung kailan patapos na sila, iyon pa talaga ang nakasulat doon sa card?

Pinaglalaruan ba sila ng tadhana?

O pinaglalaruan ba siya ni Trini?

Talaga bang iyon ang nakasulat doon sa card? O baka pinaglalaruan lang siya nito?

Hindi sa nagrereklamo siya. Far from it.

Ang problema ay... ayaw ng katawan, isip, at puso niyang tanggihan ang challenge.

He was willing to do it, and that scared him.

Hindi niya alam kung kaya niyang kontrolin ang sarili kapag pinagbigyan niyang gawin ang challenge.

Goddamnit, he was willing to do the freaking challenge and take the shots as well!

Si Trini ay napangisi lalo sa pagkatulala niya. Itinaas nito ang card at ipinakita sa kaniya ang nakasulat. He could see the words, but he could not read them. Hindi sa hindi niya kayang basahin; hindi lang niya magawa dahil naguguluhan ang isip niya.

"O, natulala ka na, Heneroso. Kiss mo raw ako," sabi pa ni Trini na may kasamang panunukso.

Shit—she just had no freaking idea what was on his mind.

Natawa si Trini nang sa muli ay wala siyang naging tugon. At habang nakatawa ito ay parang gago na ibinaba niya ang tingin sa mga labi ng kaibigan.

Damn it. Why do they look so delectable now? Why do her lips look so tasty I couldn't help but...

Natigil siya.

Natigil siya dahil napagtanto niyang habang nakatitig siya sa mga labi ni Trini ay unti-unti na palang bumababa ang ulo niya... patungo rito.

At hindi iyon napansin si Trini. She was laughing so merrily as she stared at him. At dahil may tama na rin ito ng alak ay hindi na rin tuwid ang malay nito sa mga nangyayari sa paligid.

I should retreat, he told himself. I should stop while I still can.

Inulit-ulit niya iyon sa isip. Subalit ang katawan niya ay ayaw sumunod. Nagpatuloy na bumaba ang kaniyang ulo, at bago pa niya napigilan ang mga kamay ay kusa na ang mga iyong kumilos. Ang isa ay bumaba sa balakang ni Trini at humila rito papalapit sa kaniya, habang ang isa naman ay umangat sa batok nito.

And before Trini could understand what was going on, his head lowered down to her. For a split second there, he tried to resist and pull up, but his urge... his desire to make it happen... was too strong for him to stop.

And before they both knew it, their lips locked for the first time in

forever.

Trini's lips parted against his, and his tongue invaded her mouth, penetrating the sweet, soft interior. She then closed her eyes and sighed over the erotic feelings he brought to her. There was hesitation holding her back, so he deepened the kiss, urging her to open up and free herself from something that was stopping her.

He closed his eyes and kissed her again, over and over while he continued to grip her body, pulling it against his. The kiss he was giving her was so intense that held nothing back. Narito na siya, nagawa na niya. Hindi na niya mababawi pa ito. Whatever happens after this kiss, bahala na ang tadhana.

Subalit bigla na lang siyang nahinto at ang mukha'y biglang lumayo nang may naramdaman siyang dumapo sa kaniyang pisngi.

It stung, so he opened his eyes and saw Trini's startled face. Ang mga mata nito ay nanlalaki; ang isang palad nito ay nakaangat sa ere.

Ilang segundo pa muna ang lumipas bago niya napagtantong palad ni Trini ang tumama—dumapo—sa kaniyang pisngi.

She freaking slapped him.

At nang tuluyang rumehistro sa isip niya ang ginawa nito ay napabitiw siya rito at napa-atras ng dalawang hakbang. Doon siya muling bumalik sa kasalukuyan. At upang pagtakpan ang ginawa ay nagkunwari siyang nagalit sa ginawang pagsampal nito sa kaniya.

"Why did you do that?"

"Y-You kissed me!"

"Wasn't it the challenge? Iyon ang nakasulat sa card, hindi ba?"

"B-But you were supposed to get annoyed at me! Hindi ba at iyon ang madalas na mangyari kapag tinutukso kitang halikan mo ako? You either ignore or scold me!"

"It was just a challenge—I don't want to take another shot so I did it. Tsk." Dinama niya ang nanakit na pisngi. May kalakasan ang sampal ni Trini at hindi niya ito masisi.

He deserved that.

Damn it, but he really deserved that slap. Nakalimutan niya ang kontrol. Nakalimutan niyang hindi dapat malaman ni Trini ang damdamin niya hanggang sa hindi pa siya handa. Marami pa siyang kailangang plantsahin, at kailangang ipaalam niya kay Trini ang damdamin nang paunti-unti, Hindi ganito.

Shit, he really needed that slap.

May pa-bahala na ang tadhana pa siya kanina.

Damn it.

Ibinalik niya ang tingin sa mukha ni Trini na mangha pa rin sa nangyari. Napa-buntonghininga siya.

"Fine," aniya saka nagbaba ng tingin. "Sorry, I shouldn't have done that. I was just simply doing the challenge, and I thought we're sports here. Hindi ko alam na mapipikon ka. Go on, take some rest now."

Tumalikod siya at nag-akmang aahon mula sa tubig nang maramdaman ang pagkilos ni Trini. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang paghawak nito sa braso niya. He stopped and turned to her.

Saktong pagharap niya ay nakalapit ito nang husto. At bago pa niya nahulaan ang sunod nitong gagawin ay bigla na lang itong kumapit sa magkabilang balikat niya upang i-angat ang sarili. She then wrapped her legs around his waist and curled her arms around his neck.

The next thing Trini did delight him to the core.

She claimed his lips for a torrid, open-mouthed kiss.



TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top