CHAPTER 041 - Or What?


LALONG NAPABUNGISNGIS SI TRINI NANG MAKITA ANG PAGDILIM NG ANYO NI GENE MATAPOS MARINIG ANG HULING SINABI NIYA. Sigurado siyang lalo itong napikon. Lagi naman, eh. Kapag ganoon ang sinasabi niya rito ay laging umiinit ang ulo ni Gene hanggang sa ipagtabuyan siya.

At base sa anyo ngayon ni Genesis, mukhang iyon ang mangyayari.

"Be careful what you wish for, Trinidad..." ani Gene makaraan ang ilang sandali. Ang tinig nito ay mababa, subalit naroon ang diin sa bawat salitang binitiwan nito.

"Why would I?" sabi pa niya. "Ilang buwan ko nang inu-ungot sa'yo ang tungkol sa bagay na iyan. Sabi ko sa'yo dati, kapag hindi pa talaga ako nakapag-asawa hanggang sa lumampas ako ng treinta ay anakan mo na lang ako, 'di ba?"

Sa loob ng mahabang sandali ay natahimik lang si Gene, habang siya naman ay pigil-pigil ang pagbungisngis.

"Don't joke about something like that, Trinidad." Walang pagbabago sa tinig ni Gene. "It's not funny; it's nerve-wracking."

"Come on," aniya sabay tawa. Sabi na nga ba at mapipikon na naman ito. "Parang binibiro lang, eh. Ang sensitive naman. Marami akong nakitang mag-best friends na nagkaanak dahil ayaw nilang maputol ang connection nila sa isa't isa. I mean, nakita sa mga teledrama. And I know na sasabihin mo sa aking wala tayo sa teledrama para sabihin iyon sa'yo, but you know how desperate I was the past few months? I was worried about my eggcells and my uterus; mabubulok nang hindi man lang napakinabangan. At bago man lang mabulok ang mga iyon ay gusto kong maka-buo ng isa, ano. At sino pa ba ang pinaka-perfect na maging tatay ng anak ko? Mamamatay akong masaya kung ang magiging anak ko ay kamukha ng bestfriend ko; mas mainam kung makuha niya ang kulay ng mga mata mo."

"Stop asking for things you couldn't handle."

"Oh, I could handle it for sure." Lumapad ang pagkakangisi niya, lalo nang makitang umigting ang panga ni Gene sa inis.

"And here I thought Deewee is the one. Ano ang iisipan niya kapag nalaman niyang sa iba mo gustong magkaanak?"

Doon na siya humagalpak ng tawa. Lumangoy siya pabalik sa pwesto niya kanina, nagsalin ng gin sa shot glass, at iyon ay tinungga.

Si Gene ay nakasunod lang ang tingin sa kaniya; ang anyo ay nagdidilim pa rin.

Muli siyang ngumisi. "Why are you taking my jokes seriously now?"

Hindi ito sumagot at nanatiling nakatitig sa kaniya.

"Fine. Nangangako akong hindi mag-a-upload ng kahit anong mga pictures mo online nang walang pahintulot. There, wala nang kondisyon kaya kumalma ka na at ituloy na natin itong game."

"I don't want to continue the game anymore." Tumagilid si Gene at itinuon ang tingin sa ibang direksyon sabay halukipkip.

Lumabi siya at muling nagsalin ng gin sa shot glass. "Sige, eh 'di h'wag. Uubusin ko na lang 'tong alak, at kapag nalumbay ako mamaya ay si Deewee naman ang yayayain ko." Diniretso niya ang shot at muling nagsalin.

She was about to drink the third shot when Gene caught her arm and took the shot glass from her. Hindi niya namalayan ang paglapit nito at ang pagyuko. Ito ang tumungga niyon. Matapos ibaba ang shot glass at muli siya nitong niyuko. This time, his face shifted back to normal.

"I promised to take the shots. Give me three more."

Ngumiti siya at sinalinang muli ang glass. Bago tinungga ang ika-lawang shot ay naupong muli si Gene sa dating pwesto at ini-lubog ang mga binti sa tubig. Nang mailagok nito ang pangalawang shot ay muling humingi ng isa, at isa pa.

He took four shots in a row as promised.

"There, wala na akong utang." Pahampas na ibinalik ni Gene ang shot glass sa sahig at lumusong din sa tubig. Tulad kanina ay ipinatong nito ang mga braso sa gilid ng pool at ini-hilig ang ulo roon. He closed his eyes and let out a deep breath.

Tumabi siya rito at ginaya ang posisyon nito. Sa loob ng mahabang sandali ay matagal silang ganoon bago siya muling nagmulat at sinulyapan ang kaibigan.

Gene's side profile was something that could be seen on the front page of a man's sexy magazine. His face had perfect curves and angles—thick brows and lashes, deep-setting eyes, a high-bridged nose, thin and delectable lips, and a chiseled jaw. He had a model-like face that women around Gene would just gape at him and wonder if he was real. He was so gorgeous just some women would think he was just a figment of their imagination.

Maliban pa roon ay mabuti itong tao— gago lang pagdating sa pakikipagrelasyon. He wanted nothing from women but s*x.

Ang swerte ng babaeng mamahalin ni Genesis kung saka-sakali. At maswerte siyang kaibigan niya ito. Their friendship was pure and powerful. Alam niyang kahit ano'ng mangyari ay hindi sila maghihiwalay, hindi sila mawawala sa buhay ng isa't isa.

Naramdaman yata ni Gene ang pagsuri niya ng tingin sa mukha nito dahil nagmulat ito at lumingon sa kaniya. Maagap naman siyang umiwas ng tingin at muling hinarap ang alak. Nagsalin siyang muli at binalasa ang mga cards. Ilang sandali pa ay,

"Ituloy na natin ang laro. Nararamdaman ko na ang init ng katawan ko hindi dahil dito sa hot spring kung hindi sa alak." Itinaas niya ang kamay at inilapit sa kaibigan. "Let's go, bato-bato-pick na ulit tayo."

Walang salitang tinanggap ni Gene ang kamay niya, and she noticed that his grip was a little tightier this time.

They did another round of rock, paper, scissors— Gene had paper and she got a rock.

"Again!"

Ngumisi ito saka pumihit paharap sa mga baraha. He took one and read it. Ilang sandali pa ay malakas itong tumawa.

"Oh, shit."

"What is it?"

Natatawa pa ring nagsalita si Gene. "What is your favorite part of your body?"

"And then? Kompletuhin mo ang tanong, ano ba?"

"I can't. Ang sabi dito sa card, hintaying sumagot ang player bago magpatuloy." Lumapad ang ngisi nito. "Well?"

"Hmmm, this is trouble." Nag-isip siya. "I'd say my feet."

"Your feet?"

"O, bakit? Ang cute kaya ng paa ko?"

Natatawang inabot sa kaniya ni Gene ang card, at binasa niya ang iba pang nakasulat doon.

Lick the best part of your body; if this challenge is impossible for you to achieve, four shots of tequila must be taken.

Napaungol siya, natawa naman lalo si Gene.

"Papaano ko didilaan ang paa ko? Geez." Kinuha niya ang shot glass at tinungga ang laman niyon. Napangiwi siya nang maramdaman ang pag-guhit ng alak sa lalamunan, pero nagpatuloy siya hanggang sa mainom niya ang ika-apat na shot. Kumuha rin siya ng dalawang lemon at nakangiwing sinipsip. The acidity of the fruit somehow overpowered the bitter taste of the alcohol.

"OK, let's move on." Nakangising itinaas ni Gene ang kamay para umpisahan ang panibagong round ng bato-bato-pick.

Rock, paper, scissors— Gene chose scissors and she chose rock.

Napatili siya sa galak.

"Finally!" In-itsa niya nang kung paano na lang ang balat ng lemon at bumunot ng card. Nakangisi niya iyong binasa.

"Get your phone and look for the 7th person on your contact."

Balewalang inabot ni Gene ang cellphone at binuksan ang contact list. Hinanap nito ang ika-pitong nasa listahan.

"Shit, of all the people." Ipinakita nito sa kaniya kung sino ang nasa contact list nito.

Bumunghalit din siya ng tawa nang makita ang pangalan ng nakatatandang kapatid ni Gene na si Quaro.

"You're right," aniya, "of all the people—iyong hindi mo pa mabiro ang kailangan mong i-text."

"I-text?"

Itinuloy niya ang pagbasa ng nakasulat sa card. "Text that person and tell him that you are gay and you have a boyfriend that you would like this person to meet."

"No way!" Kinuha ni Gene ang bote ng gin. "Ilang shots ang kapalit? I'm never gonna say that to Quaro."

"You're no fun." Nakanguso niyang ini-hampas pabalik sa sahig ang card. "Three shots as consequence. Kuuu, kung ako 'yan ay paglalaruan ko si Kuys Quaro."

"Ikaw 'yon, hindi ako. You know how old-fashion that guy is; magbiro ka na sa lasing, h'wag lang sa taong 'yan." Sa pagkagulat niya ay dinala ni Gene ang bote ng gin sa bibig at lumagok mula roon.

Naka-ilang lagok ito bago ibinaba ang bote. "There."

They continued to play the game. Tatlong magkakasunod na rounds at puro si Gene ang natalo. Naroong kailangan nitong sumayaw ng Macarena, pero piniling tumungga ng alak. Naroong kailangan nitong tawagan ang pinaka-matandang tao na nasa contact list nito para makipag-duet ng kantang 'Itsy, Bitsy Spider', pero muling pinili ni Gene na uminom ng alak. On the third one, he was asked to do fifty push ups, and Gene did that effortlessly.

Napatunganga na lang siya sa loob ng ilang segundo habang pinanonood ang pagpu-push up ng kaibigan. She was gaping at his biceps, at his soaking wet body, and his muscle-y arms.

Pero sa sumunod na round ay siya na naman ang natalo.

Malapit nang maubos ang gin at nakararamdam na siya ng pagkahilo. She was getting drunk. At gusto niyang mag-skip muna sa pag-inom kaya kung kakayanin niya ang susunod na challenge ay gagawin na lang niya kaysa ang tumungga.

Nakangising kumuha ng card si Gene at binasa ang nakasulat. Ang ngisi nito'y nawala matapos mabasa ang note. At nang umangat ang tingin nito sa kaniya ay seryoso itong nagsalita,

"I guess you should just take the shot," anito saka ibinaba ang card. "There is no need for you to do this challenge."

"No, let's play fair here. Gagawin ko ang challenge kahit mahirap." Kinuha niya ang card na itinaob nito at binasa. "Take one clothing off and do a sexy dance. Susme, ito lang? Sisiw!" Sa kalasingan ay ngumisi siya at walang ibang salita na binitiwan ang card at dinala ang isang kamay sa likuran ng bikini. She only had two clothing at the moment—so either she take her bikini top off or the bottom.

"Really, Trin. There is no need for you to do that." Lumapit si Gene at hinawakan ang kamay niyang nasa likuran na niya at akma nang hihila sa tali ng bikini.

"Heneroso, ano ka ba? Parang hindi ka nasanay na naghuhubad ako sa harapan mo ah?"

"Sanay na ako at alam kong wala akong makikita kaya hindi mo na kailangang gawin—"

"Kaya ko nga gagawin dahil una—wala kang makikita. Apaka-gago mo, 'no? Lagi mong pino-point out. Pangalawa, this is part of the game so just let me be." Itinulak niya ito at itinuloy ang paghila ng tali ng bikini. "Play me some Neyo or some Usher song there—'yong sexy dance, ha? 'Yong tipong erotic; 'yong sinasayaw ng mga querida sa mga sugar daddies nila, gano'n."

Akma siyang muling aabutin ni Gene, subalit matagumpay na niyang natanggal ang tali sa likuran ng bikini niya. Nakita niya ang pag-iwas nito ng tingin. Hinarap nito ang alak, kinuha iyon at nagsalin sa shot glass. "Here, just take a shot and put on your bikini. Don't expose your chest, baka may hidden camera rito sa resort at--"

Nahinto ito nang isabit niya ang bikini top sa balikat nito bago lumusong sa tubig at lumangoy patungo sa kabilang panig kung saan niya iniwan ang cellphone niya. Kung ayaw ni Gene na patugtugan siya ay siya ang magpapatugtog.

But then, as she swam into the water, she could feel something was off about her body. Parang biglang gumaan ang ulo at katawan niya. Hindi niya naramdaman iyong hanggang sa lumusong siya sa tubig.

Ilang sandali pa ay naramdaman na rin niyang nag-uulap na ang isip niya, at habang nakalusong siya sa tubig ay nag-aagaw ang puti at itim sa kaniyang paningin. Nagba-black-out siya. Ilang segundong magdidilim ang kaniyang paningin at muling babalik upang muli ring mawawala.

At dahil iyon ang nangyayari sa kaniya sa ilalim na tubig ay hindi niya napansing umabot na siya sa dulo. Nabangga ang bumbunan niya sa semento dahilan upang maibuga niya ang natitirang hangin sa dibdib.

Habol ang paghingang umahon siya mula sa tubig. She then gasped for air, filling her lungs, before pulling her body up to the side of the pool. Umahon siya at patihayang humiga. Taas-baba ang kaniyang dibdib habang naghahabol siya ng paghinga.

"Oh God, I thought I was gonna die..." usal niya bago iginilid ang ulo upang sulyapan ang kaibigan sa kabilang panig.

Doon niya nakita si Gene na nakaharap sa kaniya hawak-hawak ang shot glass na akma nitong dadalhin sa bibig. His eyes were wide open in shock. Nabitin sa ere ang shot glaas, ang tingin nito ay bumaba sa hubad niyang dibdib.

And then...

"F*ck it, Trinidad— cover your f*cking self!"

Sandali siyang natigilan sa pagsinghal nito hanggang sa napangisi siya.

Para siyang loka na tumagilid paharap sa kaibigan, ibinatong ang siko sa sahig at ang ulo sa kaniyang kamay.

She displayed herself in front of him, half-naked, and she didn't care.

"Cover my f*cking self or what, Isaac Genesis Zodiac?"



TO BE CONTINUED...


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top