CHAPTER 038 - Making Her His
"WHAT'S HAPPENING, GENE?"
Ang akmang pagdadala ni Gene sa mug na puno ng beer sa bibig ay nahinto nang marinig ang tinig ni Trini sa likuran. Lumingon ito nakita ang paglapit ng kaibigan.
It was six thirty in the evening. Naroon pa rin sila sa buntot na isla ng resort.
Mag-a-alas dos na nang matapos ang tanghalian nila kanina. Si Trini, nang makabalik sa mesa ay pinasadahan ng masamang tingin ang dalawa dahilan upang tumigil ang dalawa sa iringan. Gene chose to keep quiet as he waited for their food to come, while Deewee digressed Trini's attention by opening up a topic. Ginawa nito ang lahat ng makakaya para makuha ang buong pansin ni Trini at hindi kausapin ang kaibigan.
Si Trini ay nag-uumpisa nang makahalata, and she kept her cool. Pinanatili nitong magiliw ang sarili kay Deewee at neutral naman kay Gene. Kahit na nakikipag-usap ito kay Dee ay naroon ang lihim na obserbasyon ng dalaga sa dalawang mga kasama. She could sense something was off. And from there on, she started to observe the exchange of glares of the two men.
Nang matapos ang tanghalian ay namasyal sina Dee at Trini sa mabatong bahagi ng isla habang si Gene naman ay binalikan ang bangka at sumagwan paikot sa buong isla upang aliwin ang sarili. He didn't want to leave Trini with Dee, but he also didn't want to be near that man any longer. Naisip ni Gene na bigyan ng space ang dalawa para hindi lalong magtaka si Trini. He thought he needed to get his thoughts together; he couldn't afford to let Trini know about what he felt. Para kay Gene ay hindi pa tamang panahon upang ipaalam sa kaibigan ang tungkol sa pagbabago ng nararamdaman.
Alas cuatro ng hapon nang magkita ang tatlo sa mini-restaurant. Pinuntahan nila ang mga cottages at sinilip ang hot spring. Magkatabi lang ang cottages na in-okupa nila, at tulad ng sinabi ni Trini, Gene and Dee would be sharing one. Ang isa ay matutulog sa mattress, ang isa ay sa kama.
Nang mawala ang init ng araw ay nagyaya si Dee kay Trini na maligo, and the two did while Gene watched them in vain. Pumuwesto lang ito sa buhanginan, naupo roon, at naka-ismid na pinanood ang dalawa. Of course, niyaya rin ito ni Trini. Pero nagkunwaring hindi interesadong lumangoy si Gene at parang lokong nanood lang na lalong ikina-bigat ng dibdib nito.
He was so jealous he could drown Deewee.
Matapos ang halos isang oras ay naunang nagpaalam si Gene na babalik sa cottage at magpapahinga. Pinagbigyan nitong masolo ni Deewee si Trini sa araw na iyon, pero sa isip ng binata ay naroon na ang planong kinabukasan—sa mismong kaarawan ni Trini—ay saka ito babawi. He would make sure Trini would choose to be with him than Deewee.
Today was Deewee's day. The big day tomorrow would be his.
Bandang alas seis nang pumasok si Deewee sa cottage, at saka naman lumabas si Gene upang magtungo sa restaurant. He sat in front of the counter and ordered a beer. Wala pa itong sampung minutong naroon nang sumulpot si Trini.
"What do you mean?" Gene replied. Nakasunod lang ang tingin nito kay Trini hanggang sa tuluyang makalapit ang huli at maupo sa tabi nito. Sa likuran nila, ilang yarda mula sa counter kung saan naroon ang mga round tables, ay may dalawang pares ng turista na nakaupo at naghahapunan. Ang isang pares ay hapon nang dumating doon, habang ang isa ay ang nauna sa kanilang tatlo.
"You know what I mean," Trini said. Sinulyapan nito ang babaeng bartender na naglilinis ng counter, ningitian, saka umorder na gin tonic.
"Well, I don't. So I need you to ellaborate for me." Itinuloy ni Gene ang pagdadala ng beer sa bibig at iyon ang nalingunan ng dalaga.
Napangiwi ito. "Geez, Heneroso. Pang-ilang beer mo na iyan sa araw na ito, ha?"
Napangiti si Gene habang nasa kalagitnaan ng paglagok. Ibinaba nito ang mug at pinahiran ang bibig gamit ang likod ng palad. "I'm surprised you even noticed. Akala ko'y na kay Dee ang buong pansin mo."
"Ayan. 'Yan ang ibig kong sabihin, Gene. Why are you acting strange? Lalo kung tungkol o nariyan si Deewee."
Natigilan si Gene. Huli na para bawiin nito ang sinabi. He knew he shouldn't have said that. Doon pa lang ay halata na.
"I was just..." He trailed off. He had no idea what to say. Hindi nito alam kung papaano lulusutan ang sinabi kanina.
Muling nagsalita si Trini. "Kagabi pa kayong ganiyan."
Umiwas ng tingin si Gene, napayuko.
"We've been friends for more than two decades, Gene. Kahit na may kasama akong iba ay mararamdaman at mararamdaman ko ang presensya mo. So of course, I noticed you."
"It didn't feel like it," bulong ni Gene.
Nagpakawala nang malalim na paghinga si Trini nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Pinalipas muna nito ang ilang segundo bago muling nagsalita,
"Alam mo bang kahit na kausap ko si Dee, o kahit na kami ang magkasam, ay tinitingnan kita para siguraduhing nariyan ka lang sa paligid? When Dee and I were parasailing, you had a can of beer in your hand. When we were jet skiing, one of the resort staff was walking in your direction holding another can. That was your second. At nang umahon na kami ay may hawak ka nang pangatlong can—akala mo ba ay hindi ko napansin ang dalawang wala nang laman na lata sa ilalim na lounge na hinihigaan mo kanina?" Muli nitong nilingon ang kaibigan. "You probably didn't feel it, but I really did notice you even if I was with another person."
Muling natahimik si Gene.
"And this isn't like you, Gene. Hindi ka umiinom nang wala sa oras. At beer pa ang in-inom mo, ha? Knowing you who isn't really a fan of beer, lalo akong nagtaka."
"Nasa isa akong magandang resort, thirdwheeling on my best friend; ano ang gusto mong gawin ko habang abala ka kasama ang ka-date mo? Matulog? Of course I would drink my ass off while sunbathing."
Muli ay natahimik si Trini. At nang hindi na ito muling nagsalita ay saka ito nilingon ni Gene.
And there, their eyes met again.
Trini was staring at Gene, confused about whether she would say what was on her mind or keep it to herself.
And Gene stared at Trini's face as if it had been so long since he had last seen her.
Sa loob ng mahabang sandali ay nanatili lang silang nakatitig sa isa't isa, at hindi naiwasan ni Gene na pansinin ang bahagyang pamumula ng mukha ng kaibigan mula sa matagal na pagbilad sa ilalim ng araw.
Trini's face looked as if she was blushing and it suited her.
She was as refreshing as the sun rising up and ethereally stunning as the sun setting down.
Natigilan si Gene sa itinakbo ng isip.
Ito ang ang unang pagkakataong inilarawan nito ang matalik na kaibigan sa ganoong paraan.
"Kahit kami ni Dee ang magkasama ay nakalingon ako sa direksyon mo, hoping you're there watching over me."
Napakurap si Gene nang pukawin ni Trini ang diwa nito.
"Ewan ko ba..." Umayos ng upo si Trini at humarap sa counter. Ang tingin nito ngayon ay nasa bartender na naghahanda ng inumin nito sa kabilang panig ng bar, pero ang isip ay wala roon. She was deep in thoughts... "Ito ang unang beses na nagkasarilinan kami ni Deewee na nariyan ka. I mean, noong nagdi-date kami nang kami lang ay hindi naman ako ganito. Hindi ko hinahanap ang presensya mo. Pero itong kasama ka namin, hindi ko alam kung bakit kapag kaming dalawa lang ang magkasama ay hindi ako mapakali ay hinahanap kita ng tingin. I wanted to ensure you're there. I wanted to see that you're watching us, making sure I was doing okay and having fun. Alam mo 'yon? Or maybe I was just conscious kasi alam kong nariyan ka, at alam kong binabantayan mo kami?"
Nanatiling tahimik si Gene; wala itong ideya kung saan papunta ang mga sinasabi ng kaibigan.
Umiwas ng tingin si Trini bago nagpatuloy, "At kapag umaalis ka ay hindi ko alam kung bakit para akong nag-aalala. Kapag hindi kita nakikitang nasa paligid ay hinahanap kita. Tulad kanina, noong nasa batuhan kami ni Dee—bigla kang nagsabi na hindi sasama sa amin at pinili mong mag-boating mag-isa. Kahit magkasama at magkausap kami ni Dee ay panay ang lingon ko, hoping you'd appear and join us kahit na ramdam kong may pader na namamagitan sa inyong dalawa ngayon. And when we swam this afternoon, you chose to just sit on the sand and watch the waves. Ni hindi ka nakatingin sa amin—"
"I was watching you," he defended abruptly. Gusto ni Gene na siguraduhing alam ni Trini na nakita nito ang masayang pakikipag-usap ni Trini habang nakababad ito sa dagat kasama si Dee. Gusto nitong malaman ni Trini na ang mga mata nito'y nasa kaibigan at na nakita nitong masaya ito. "Hindi ko maintindihan ang sinasabi mong hinahanap mo ako ng tingin para siguraduhing nariyan lang ako, dahil hindi ko nakitang lumingon ka sa direksyon ko habang magkasama kayo ni Dee. You were so engrossed in the moment while you were with him. I felt like a pathetic thirdweel pero hindi ko magawang magreklamo dahil ako ang nagpumilit na sumama rito."
"Hindi mo ako nakitang lumingon dahil alam kong nariyan ka. I could see you through my peripheral vision, and I could sense your presence. Alam ko ang pagkakaiba ng pakiramdam ko kapag nariyan ka at sa wala." Muling nilingon ni Trini ang kaibigan, and their eyes met again. "And when you left again, hindi na naman ako mapakali. Doon na ako nag-umpisang hanapin ka ng tingin at alam kong napansin iyon ni Dee. I don't want to be unfair to him, but I couldn't stop myself."
Nawalan na naman ng sasabihin si Gene.
"Akala ko ba ay babantayan mo ako kaya ka sumama rito? Bakit parang umiiwas kang makita kaming magkasama ni Dee?"
"I was giving you space, ayaw kong mailang kayo sa presensya ko."
"And that's the weird part, Gene. Ang ibang babae ay talagang makararamdam ng pagkailang, pero hindi ako. I feel more secured, more confident with you around watching over me. Ngayon ko lang na-realize na mas magaan para sa pakiramdam na nariyan ka..."
"Are you trying to say that you want me to always go with you whenever you have a date? Parang hindi tama 'yan, Trinidad."
"Yeah, hindi talaga tama. At hindi naman talaga dapat ganoon, kaya nagtataka rin ako kung bakit ganito ang nararamdaman ko." Muli itong napabuntong hininga. "Masyado tayong naging dependent sa isa't isa sa tagal na panahong naging magkaibigan tayo na pati sa pakikipagrelasyon ay parang may lubid na nakatali sa atin. Because of our friendship, you stopped having serious relationships with women. In my case, I feel more secured when you are there while I date a man."
"What do you mean, Trin? Buong akala ko ay masaya ka sa tuwing kasama mo si Dee? You even thought of him as 'the right one'. Tapos ngayon ay sasabihin mong hindi ka pala komportableng kasama siya?"
"Don't twist my words, Gene. Totoo ang mga sinabi ko sa'yo tungkol sa nararamdaman ko kay Deewee noon. Ang ibig kong sabihin ay mas magaan pala sa pakiramdam na nariyan ka at sinisigurong masaya ako at nasa maayos na kalagayan habang kasama ang ka-date ko. I mean, just having you there watching over me and making sure I was being treated right makes me feel more secured and confident. Pakiramdam ko ay may anghel akong gumagabay sa akin, alam mo 'yon?"
Gene couldn't help but smirk in his head. Kung alam lang ni Trini ang hidden agenda nito kaya ito naroon at kung bakit ito nawawala sa eksena ay baka mapikon ang dalaga. Kung alam ni Trini na naghahanda lang ito sa planong pagsira sa special dinner na inihanda ni Deewee kinabukasan ay siguradong madidismaya ang kaibigan.
Nagbawi ng tingin si Gene at muling dinala sa bibig ang mug ng beer. Matapos uminom ay saka nagsalitang muli, "Ano ang mararamdaman ni Deewee kapag nalaman niyang mas gusto mong kasama ako lagi sa susunod na mga date ninyo? At sa tingin mo ba ay magugustuhan niya 'yon?"
"Probably not." Muling humarap si Trini sa counter nang ilapag doon ng bartender ang ni-order nitong inumin. Nagpasalamat si Trini, at nang tumalikod nang muli ang bartender ay saka muling nilingon ng dalaga ang kaibigan. "Now, let's talk about the animosity between you two. What the hell is happening, Gene?"
Ang muling pag-inom ni Gene ay naudlot nang marinig ang sunod na tanong ng kaibigan.
"May hindi ba kayo napagsunduan maliban doon sa suhestiyon mong magsama tayo sa isang cottage?"
"Well..." Gene cleared his throat; he had to quickly think of a reason. Gusto nitong itanggi na walang namamagitang animosity sa kanilang dalawa ni Dee, pero alam nitong hindi maniniwala si Trini.
"Gusto kong sa'yo muna unang marinig dahil kaibigan kita at mas may tiwala ako sa'yo higit kanino man. So tell me, Gene. What is going on?"
"What's going on?"
Lalong walang nasabi si Gene nang marinig ang tinig ni Deewee sa likuran nila. Sabay na napalingon ang dalawa at nakita si Dee na nakangiting naglalakad palapit. Gene let out a moan in his head and turned his attention back to his beer.
"We'll talk about it again, Gene," ani Trini bago tuluyang hinarap si Deewee nang may ngiti sa mga labi. "Hi, Dee! Ready for dinner?"
"Sure." Tuluyan nang nakalapit si Deewee. Ang mga kamay ay ipinatong nito sa sandalan ng high stool ni Trini na gawa sa kawayan. "I'm ready if you are."
"Sige, lumipat tayo roon sa bakanteng mesa." Tumayo si Trini at binitbit ang baso ng alak. Bago tumalikod ay sinulyapan nito si Gene na hindi kumilos at muling sumimsim ng alak. "You're coming, right, Gene?"
Lihim na nagpakawala nang malalim na paghinga si Gene bago bagot na sumagot. "Of course. Mauna na kayo, susunod na ako."
Nagkibit-balikat si Trini at nagpaakay kay Dee patungo sa bakanteng mesa na nasa dulong bahagi ng maliit na restaurant. The area was at the open-window overlooking the beach. At habang naglalakad patungo roon ang dalawa ay naka-ismid na sumunod lang ang tingin ni Gene. Ilang sandali pa'y inubos na nito ang laman ng mug at muling humarap sa bartender na nag-aayos ng mga bote ng alak sa likuran ng counter.
"Hey, Misty."
Kaagad na lumingon ang bartender, ngumiti, at lumapit.
"Yes, sir?"
"Give me another mug of beer and a glass of ginger ale on the rocks. Paki-dala na lang doon sa mesa namin."
The lady bartender smiled charmingly. "Understood, sir."
Gene smiled back and stood up. Other times, he would find the lady pretty and f*ckable. But not this time. Iba ang focus ng binata ngayon. Iba ang gustong gawin sa buhay.
He was done looking for a fling. He just realized that.
What he wanted now was one thing and one thing for sure.
He wanted his best friend.
And he's going to find ways to succeed in making her his; kahit harangan pa ito ng sibat ni Deewee.
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top