CHAPTER 037 - Not So Fair Fight







PARASAILING, JET SKIING, AND BANANA BOATING were a couple of activities that Gene and Trini tried when they got to the activity area. Inaliw ni Gene si Trini upang hindi nito maalala si Deewee na sandyang iniligaw ng binata.

He encouraged Trini to do the parasailing with him, at noong una'y nagsabi itong mamaya na kapag dumating si Deewee, pero kalaunan ay nakombinsi niya ito nang sabihin niyang pagdating ni Deewee ay ang mga ito naman ang sunod na sasakay roon. She conceded, at nang makababa ay naging hyper hanggang sa tuluyan na ring nawala sa isip nito ang isa.

Pagkatapos ng parasailing ay nag-karera naman silang dalawang sakay ang jetski. Trini won the race and bragged about it. She was so proud of herself because she beat him, and he couldn't help but laughed at her. Kung alam lang nito na sadya siyang nagpatalo upang maligayahan ito. Alam niyang kapag natalo ito ay hahamunin siyang muli at hihilinging ulitin ang laban, and it would go on and on until she succeeds. Matapos ang jetski race ay nag-banana boat naman sila. She was screaming in excitement; para itong bata na dinala sa isang amusement park sa labis na tuwa.

Makaraan ang mahigit dalawang oras, noong akma na silang sasakay sa isang maliit na bangka at hawak-hawak na niya ang sagwan, ay bigla silang may narinig na tinig mula sa malayo. Si Trini na inaalalayan niyang sumampa sa bangka ay napalingon, at nang makita si Deewee na hangos na lumalapit sa kinaroroonan nila'y pinanlakihan ito ng mga ito.

"Oh my God, we forgot about Dee!"

Napa-ismid siya at ibinaba ang kamay na may hawak sa sagwan. Mukhang nahanap na sila nito.

Bad trip, ang tanging naibulong niya sa sarili.

Nang makalapit si Dee ay tinapunan siya nito nang masamang tingin. Hindi na siya nagtataka kung bakit. Sinagot na lamang niya ito ng ngisi.

"Where have you been? What took you so long?" tanong ni Trini na hindi napansin ang masamang tinging ipinukol ni Dee sa kaniya.

"Naligaw ako," maiksing sagot nito na lalo niyang ikina-ngisi. Hinarap nito si Trini at doon pa lang nagbago ang anyo nito. "I was told to go to Station 4 when in fact, you two went here."

"That's odd," sabi naman ni Trini; nagsalubong ang mga kilay. "Sinabihan ni Gene ang waitress na dito kami sa Station 2 pupunta. You told you otherwise?"

"Right," sabat naman niya at nagpanggap na nagtataka. "Baka nagkamali lang siya ng dinig noong sinabihan ko."

"And you expect me to believe that, Genesis?" Muling umasim ang mukha ni Deewee nang sulyapan siya.

Pinaglipat-lipat ni Trini ang tingin sa kanilang dalawa nang makahalata; ang noo nito'y lalong kumulubot. "What's going on?"

"Itanong mo sa magaling mong kaibigan."

Napahalukipkip si Trini at hinarap siya; nasa anyo nito ang pagdududa.

"Ano na naman ang ginawa mo, Isaac Genesis?"

"Ginawa ko? Geez, Trinidad. I don't do pranks. Hindi na tayo bata."

Trini narrowed her eyes in suspicion. "Kung ganoon ay papaano mo ipaliliwanag ang pagkaligaw ni Deewee?"

"I don't know? Bakit ko naman siya ililigaw?"

Si Deewee naman ang sunod na binalingan ni Trini. "Gene is right; I don't see any reason for him to give you the wrong direction. And why are you so pissed, anyway, Dee? This is so unlike you."

Napabuntonghininga si Deewee at nagbawi ng tingin. Tinalikuran siya nito nang tuluyan at itinuon ang buong pansin kay Trini. Umangat pa ang mga kilay niya nang makitang banayad nitong hinawakan sa magkabilang mga kamay si Trini. "Sorry, Trin. Nataranta ako nang hindi ko kayo mahanap sa Station 2."

Bahagyang natawa si Trini. "Ano ka ba, malaki na kami. And besides, bakit ka naman namin iiwan? I mean, nag-umpisa kami sa mga activities habang naghihintay sa'yo at inaamin kong naaliw ako. If you want, gagawin ko ulit ang mga activities. But this time, ikaw ang kasama ko."

Napa-ismid siya. "Mainit na sa balat ang sikat ng araw, Trinidad--" Naputol ang pagtutol niya sa sinabi ni Trini nang magsalita si Dee.

"Of course, Trin. I would love to parasail with you."

"Okay, balik tayo doon sa parasailing section; mabait ang mga staff."

Wala na siyang nagawa nang hilahin ni Trini sa kamay si Dee at inigiya patungo sa maliit na kubo kung saan naroon ang mga staff ng resort na siyang namamalakad sa mga water activities.

Nang makalayo ang dalawa ay inis niyang inihagis ang hawak na sagwan sa loob ng bangka at nakasimangot na sinundan ng tingin ang mga ito. Bago tuluyang marating ng dalawa ang kubo ay muling lumingon si Dee sa kaniya at ningisihan siya.

He could do nothing but just grit his teeth in annoyance-- and jealousy.

*

*

*

SAKTONG ALAS-DOSE NG TANGHALI NANG MATAPOS SINA TRINI AT DEEWEE SA PARASAILING AT JET SKI RACING. Habang ginagawa ng dalawa ang mga iyon ay nahiga lang si Gene sa isa sa mga wooden lounges malapit sa kinaroroonan ng mga ito at pinanonood ang mga ito.

Dakilang thirdwheel ang tawag ng iba sa ganoon; and Gene hated it. Pero ayaw nitong makahalata si Trini na may namamagitang hindi maganda sa pagitan nila ni Dee kaya nanatiling kalmado si Gene. And as he waited, he ordered a can of beer from the resort's bar. Naka-tatlong can ito hanggang sa matapos ang dalawa.

Nang balikan ni Trini ang kaibigan ay kaagad na nagyaya si Gene na mag-boating. Gamit ang maliit na bangkang iyon ay pupunta sila sa buntot na isla ng resort kung saan naroon ang hotspring na para lang sa mga VIP.

Sina Gene at Deewee ang sumagwan, magkaharap at nasa magkabilang dulo. Si Trini ang nasa gitna at walang kaalam-alam sa palitan ng masamang tingin ng dalawa. Abala si Trini sa pagtanaw sa malinaw na dagat. She was talking about something she wanted to do for the night. Marami itong baong ideya; maraming gustong gawin habang nasa bakasyon sila.

Makalipas ang kalahating oras na pagsagwan ay narating nila ang isla. Malaki iyon sa malapitan; sa hula ni Trini ay kasinglaki iyon ng buong street nila sa subsivsion. Sa gitna ay naroon ang maliit na restaurant na gawa sa kawayan at nipa. It was designed like a bar; may counter sa harap kung saan naroon ang dalawang babaeng staff na naghahanda ng mga inumin ng mga naroong guests. Sa harap ng counter ay naroon ang tatlong magkakahiwalay na round table. Gawa rin sa kawayan ang mga bilog na mesa at upuan.

Nang makababa sila sa bangka ay maagap na inalalayan ni Deewee si Trini. Si Gene ay napa-ismid na lang at nakasimangot na sinundan ng tingin ang dalawang humayo na patungo sa restaurant. Inis itong bumaba at hinila ang bangka paahon sa buhanginan.

Nang makalapit si Gene sa mga kasama ay may staff nang nakalapit at kumukuha ng orders. Hinila ng binata ang upuan sa tabi ng kaibigan at padabog na naupo. Hindi iyon napansin ni Trini dahil ang pansin nito ay nakatutok sa staff na inililista ang mga inumin na ni-order nito. Si Deewee ay napa-ismid sa ginawa ni Gene. Hindi iyon pinatulan ng huli at ni-ikot na lang ang tingin sa paligid.

Sa kabilang kabilang bahagi ng isla ay may mga lounges na nilililiman ng mga puno ng niyog. There were only four pairs of them. Sa kabilang dulo naman ng isla ay naroon ang mga naglalakihang mga bato. Maliban sa dalawang staff ng mini restaurant, isang nasa loob ng kusina, at sa isang pares ng turista sa kabilang table ay wala nang ibang taong nakikita si Gene doon.

Makaraang ang ilang sandali ay umalis na ang staff upang ihanda ang mga ni-order ni Trini. At nang maiwan silang tatlo ay saka nagsalita ang dalaga.

"Hey, Gene. Why are you so quiet?"

Hinarap ni Gene ang kaibigan. "Nothing. Iniisip ko lang kung ano ang maaari nating gawin dito sa isla pagkatapos kumain."

"Well, the staff said they have four private cottages on this island. Nasa likurang bahagi raw ng isla, at bawat cottage raw ay may pribadong hotspring. Dalawa pa lang daw ang okupado. Let's stay here tonight. Gusto kong subukan ang hotspring."

"Anything else other than that?"

Ngumiti si Trini. "Let's find out after lunch."

Hindi kaagad nakasagot si Gene nang magsalita si Deewee. "Do you like the beach, Trin?"

Ito naman ang hinarap ng dalaga. "I mean, who doesn't like the beach? it's peaceful and refreshing. Nakakawala ng stress ang tunog ng alon, nakagagaan sa baga ang sariwang hangin, at maganda sa balat 'yong paminsan-minsan ay naiinitan." Masuyong ginagap ni Trini ang kamay ni Deewee. "Thank you for inviting me here to celebrate my birthday; I am trully gratefull, Dee."

Pleased, Deewee gave Trini his sweetest smile. "That's good to hear, Trin. Masaya ako at nagustuhan mo. We will surely have so much fun here." Then, Deewee's eyes shifted to Gene. "It would have been more fun if it was just the two of us, though."

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Gene sa pagka-uyam. Pero imbes na patulan nito ang sinabi ni Deewee ay hinarap ni Gene ang kaibigan.

"Let's have some drinks tonight while we bathe in the hot spring. We're sharing the room as usual, right? I mean, just you and I."

Trini opened her mouth to answer when Deewee beat her off,

"Anong kalokohan 'yan? Why are you sharing a room with Trini? Hindi magandang tingnan na—"

"Depende sa pananaw ng ibang tao," kaagad na sagot ni Gene. "In our case, Trini and I have slept together in the same room countless of times at walang malisya. Walang nagbigay ng malisya. Besides, sino ba ang mga narito ngayon? Surely, walang pakialam ang mga staff?"

"Still. I don't think it's proper for you two to share a room."

"Hindi ba parang wala ka sa lugar na magdesisyon para sa kaibigan ko, Deewee?"

"Acky, you know my intentions to Trini. Hindi ka ba nag-aalala sa iisipin ko? Sa mararamdaman ko?"

"I don't--" Gene stopped and pressed his lips to prevent himself from saying stuff he shouldn't say. Muntik na nitong sabihin na wala itong pakialam sa magiging damdamin ni Deewee sa harap ni Trini. "Look, Dee. Alam mo ang relasyon namin ni Trini bago ka pa dumating sa eksena. Normal sa aming matulog sa iisang silid-- o kama-- nang walang malisya--"

"Talaga ba, Gene?" panunubok ni Deewee; nasa himig ang pag-tuya. "Talaga bang walang malisya?"

Hindi kaagad na nakasagot si Gene, at dahil hindi na nito nais na sagutin ang sinabi ni Dee ay ibinaling na lang nito ang tingin kay Trini na ngayon ay magkasalubong ang mga kilay sa pagtataka. Palipat-lipat ang tingin nito sa dalawa; naguguluhan sa tensyong namamagitan kina Deewee at Gene.

"Well, Trinidad? You and I are sharing the cottage, right?"

Napatitig si Trini kay Gene, ang kunot sa noo ay naroon pa rin.

Makalipas ang ilang sandali ay nagpakawala ito nang malalim na paghinga saka tumayo.

"Kayong dalawa ang magsama sa cottage ngayong gabi. Sosolohin ko ang isa." Tumalikod ito at nagtungo sa bar counter upang magtanong kung nasaan ang banyo. Nang makalayo ito at muling hinarap ni Gene si Deewee. Ang huli ay sumandal sa kinauupuan saka umismid.

"Just because you are friends with Trini for more than two decades doesn't give you the right to decide for her. Buti na lang at marunong pa siyang magdesisyon para sa sarili niya; I would be very disappointed if she chose you."

Sandaling napatitig si Gene kay Dee, hanggang sa nauwi ito sa pag-ngisi. Ipinatong nito ang mga braso sa mesa, dumukwang, at sa mariing tinig ay sinabi sa kaharap na,

"Don't worry, Dee. Trini will definitely choose me in the end; kahit itaga mo pa sa bato."


TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top