CHAPTER 036 - Not Ready To Let Her Go
NATATAWANG SINUNDAN NG TINGIN NI GENE SI DEEWEE NANG SANDALI NAGPAALAM ANG HULI UPANG BUMALIK SA HOTEL. Biglang sumakit ang tiyan nito dahil sa nakaing almusal. Doon nila nalaman na alergic ito sa crustacean, at ang soup na ni-order at pinatikim dito ni Trini ay may crab meat na bawal dito. Hindi iyon nalasahan kaagad ni Deewee dahil sa creamy soup, at saka lang nito nalamang inaatake na ng allergy nang mangati ang katawan at biglang humilab ang tiyan. He had to hurry back to his room before it was too late.
"'Ta mo 'to, nagawa pang tumawa," suway ni Trini kay Gene bago ito umayos sa pagkakaupo. Nagpresenta itong sumama kay Deewee, pero tumanggi si Dee dahil nasa kalagitaan pa lang daw ng pagkain si Trini at ayaw makaabala. Ayon pa rito'y minor lang naman daw ang allergy nito at laging may baong gamot sa bag. Nagsabi itong babalik kaagad kapag nakainom na ng gamot at umayos na ang pakiramdam.
"Deewee doesn't get to enjoy life, and that's what I was laughing about," nakangising sagot ni Gene bago inabot ang basong may lamang cucumber shake at dinala sa bibig. He emptied the glass before adding, "I think he has a boring life. Allergic sa alak at alimango? Geez, what type of blood does he have?"
"Something na wala ka kaya magpasalamat ka't nagagawa mong mag-enjoy sa buhay nang walang inaalala." Inismiran ni Trini ang kaibigan. "I feel sorry for him, you know? Tapos ikaw ay nagawa pa siyang pagtawanan."
"Come on, masyado kang nagiging sensitive sa lalaking iyon."
"Because you were insensitive. At kung magkabaliktad kayo ni Dee at pinagtawanan ka niya ay ganoon din ang gagawin ko sa kaniya. Ayaw ko 'yong pinagtatawanan ang tao habang nakatalikod. If you want to laugh at him, do it on his face para magawa ka niyang supalpalin."
"Hey, bakit ka ba nagagalit?"
"Hindi ako galit." Nagpakawala nang malalim na paghinga si Trini. "Nagi-guilty ako kasi ako ang nagpumilit sa kaniyang tikman itong soup."
"Hindi mo alam na may crab meat ang soup at lalong hindi mo alam na allergic siya sa ganoong uri ng lamang-dagat. Dapat kasi pala, kung ganitong marami siyang allergies ay nagbigay muna siya sa'yo ng listahan ng mga pagkaing hindi niya kayang kainin bago ka niya ni-date."
"Eh ikaw ang nag-recommend sa kaniya, bakit hindi ikaw ang gumawa no'n bago mo kami ni-set up sa isang date?"
Hindi kaagad nakasagot si Gene kaya napa-ismid na lang muli si Trini at itinuloy ang pagkain. Kinuha nito sa plato ang nangangalahati pa lang na chicken burger at kinagat.
"Kung alam ko lang ay hindi ko sana kayo ni-set up."
Ibinalik ni Trini ang pansin sa kaibigan, at nang makita ang biglang pag-seryoso sa mukha ni Gene ay kinunutan ng noo ang dalaga.
Habang ang ngumunguya ay muling nagsalita si Trini, "What did you mean to say? Ano ang ibig mong sabihin sa 'kung alam mo lang'?"
Matagal na nakatitig lang si Gene kay Trini at hindi kaagad na nakasagot. Si Trini ay nilunok muna ang pagkaing nasa bibig bago muling nagtanong,
"What did you mean by that? Sinasabi mo bang nagsisisi kang ipinakilala mo kami ni Dee sa isa't isa?"
Napabuntong-hininga si Gene at inituon ang tingin sa dagat na tanaw mula sa kinauupuan nila. They were in the restaurant's veranda overlooking the blue ocean. Malinaw ang tubig at banayad ang mga alon. Hindi pa masakit sa balat ang init ng araw at malamig ang hangin dahil nasa mataas na area sila ng resort. Sa ibaba naman ay makikita ang white sand beach at ilang makukulay na mga beach umbrella.
Dahil hindi pa bukas sa publiko ang resort ay wala pang masyadong tao sa baybayin maliban sa kanila at sa ilang mga VIPs. Sa dulo ng resort ay may nakikitang buntot na isla na may layong limampung metro mula sa mainland. Maliit lang ang islang iyon subalit ayon sa waitress na nakausap nila kanina ay may resto-bar sa gitna niyon at may private man-made hotspring.
Ibinalik ni Gene ang tingin sa kaibigan at nakita ang salubong na mga kilay nito hawak-hawak pa rin sa mga kamay ang malapit nang maubos na burger. She was waiting for him to answer.
Ngumiti si Gene. "No, actually... I am glad that you dated him. Dahil kung hindi ay hindi ko mapagtatanto ang ilang mga bagay."
"At ano ang mga napagtanto mo?"
Lumapad ang ngiti ni Gene. "I can't tell you. At least not yet."
Trini just smirked and had another big bite off her burger. Matapos iyon ay isang kagat pa ang ginawa ng dalaga, at isa pang muli hanggang sa maubos nito iyon. May mayonaise na naiwan sa daliri nito at niyuko iyon ng dalaga upang dilaan.
Doon nawala ang ngiti sa mga labi ni Gene.
He didn't like what he saw.
Well, he liked the way she licked her finger, and he hated it because he shouldn't be feeling this way. Sa maraming pagkakataong ay ilang beses nang ginawa iyon ni Trini, subalit ngayon lang siya nakaramdam ng kakaiba; ngayon lang naging malikot ang imahinasyon niya. At pakiramdam niya ay mali iyon.
O mali nga ba?
*
*
*
GENE COULD DO NOTHING BUT LET OUT A DEEP SIGH.
Hindi na niya kayang pigilan ang sarili—ang utak.
Ang pagtanggap niya sa hamon ni Deewee ay patunay lang na handa na siyang tawirin ang pagkakaibigan nila ni Trini. And he knew it was going to change everything.
He was going to take the risk.
Kung hindi ay siguradong mapupunta si Trini kay Deewee. At kapag nangyari iyon ay tuluyang mawawalan ng oras si Trini sa kaniya.
Deewee's existence made him realize that he wasn't ready to lose Trini. He wasn't ready to lose her to another man. Not in a million years.
Kaya kung saan man dadalhin itong pagsugal niya ang pagkakaibigan nila ni Trini ay langit na ang bahala. Basta ang alam niya ay hindi niya kayang ibigay sa ibang lalaki ang kaniyang kaibigan.
He just couldn't.
And thanks to Deewee, he realized what he really wanted; what he really felt.
He wanted Trini for himself. He didn't want to share nor hand her over to another man. Just thinking about it breaks his heart. May palagay siyang kung palalampasin niya ang pagkakataon at hahayaang mapunta si Trini sa ibang lalaki ay baka mawala siya sa sarili.
He wasn't ready to lose his only best friend. His life would be so dull if he allowed another man to take her away from him.
"Marunong ka nang magtago ng sekreto sa akin."
Napukaw siya sa malalim na iniisip nang marinig ang sinabi ni Trini. Inabot nito ang basong may lamang orange juice saka dinala sa bibig.
"I'll tell you soon, but not now. And it isn't a secret. It's just something I wasn't ready to let you know."
That was the safest answer. Ayaw niyang magpumilit itong sabihin niya kung ano ang napagtanto niya sa nakalipas na mga araw. It was too soon for Trini to know.
"Fine. Dami mong pakulo." Ibinalik nito ang baso sa mesa at nagpunas ng bibig. "So, where are we heading next?"
"Well..." Muli niyang sinulyapan ang dagat. "Let's go to the beach front. Ang sabi ng waitress ay may ilang mga activities sila rito; boating, parasailing, jet skiing, and the likes. I'm interested to try them."
"Sure. But we need to wait for Deeewee."
"Don't worry about him, magbibilin ako sa waitress na sabihin kung nasaan tayo." Tumayo na siya at inisuksok ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot na Khaki shorts. "Let's got. Doon na tayo sa beach maghintay sa kaniya."
Hindi na nakapalag pa si Trini. Tumayo na rin ito at binitbit ang bag. Sabay silang naglakad patungo sa hagdan pababa ng beach. Nang marating iyon ay nahinto siya. Si Trini ay napalingon sa kaniya at kinunutan ng noo.
"Mauna ka na sa ibaba. Ibibilin ko lang sa waitress na sabihin kay Deewee kung nasaan tayo."
"Oh, right." Trini smiled sweetly it almost melted his heart. "See you at the beach."
Sinundan niya ng tingin si Trini hanggang sa tuluyan nitong marating ang puno ng hagdan sa ibaba. Pagdating doon ay maingat itong naglakad sa buhanginan at napangiti siya nang makitang muntik pa itong matisod nang may maapakang sirang sandcastle. Napailing siya at humakbang pabalik sa mesa kung saan naroon ang isang waitress at inililigpit ang pinagkainan nila.
"Hey," aniya nang makalapit.
Huminto ito sa ginagawa at nilingon siya. Napangiti ito. "Yes, sir?"
"Nakita mo ang kasama naming lalaki kanina, hindi ba?"
"Yes po, Sir. Ang naka-pulang polo po."
"That's right. Tell him to go and meet us at station 4."
Kinunutan ito ng noo. "Hindi po ba ay sa station 2 kayo pupunta, sir? Naroon po 'yong water activity station na sinasabi ko sa inyo kanina—"
Ngumiti siya at dumukot ng pera sa bulsa ng suot na khaki shorts at ini-abot sa babaeng napatulala na lang. "Here's your tip. Make sure you tell him to go to Station 4."
Napakurap ang babae habang nakatulala sa kaniya. Hindi niya alam kung sa tip na ibinigay niya o sa ngiting iginawad niya rito.
"Did I make myself clear?" he added, smiling sweetly still.
Wala sa loob na tumango ang babae, tulala pa rin. "L-Loud and clear, sir..."
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top