CHAPTER 034 - The Winner Gets Her Heart
THE PLACE WAS CALLED SUMMER SALT RESORT. Bagong tayong resort iyon na hindi pa gaanong napupuntahan ng mga turista. Isa si Deewee sa mga naunang nakapag-pa-reserve sa pamamagitan na rin ni Phillian. Nang malaman ng manager ng resort na kapatid ni Phillian si Gene ay nagbigay pa ito ng dinner and drinks on the house.
Alas-sinco ng hapon na sila nakarating doon, Biyernes. At sa Linggo pa ang kaarawan ni Trini.
They had a nice dinner on the balcony of the restaurant, overlooking the white-sand beach along the coast of Batangas.
Habang nasa harap ng hapag ay ramdam ang pagkailang ni Deewee. Wala pa itong ideya sa takbo ng isip ni Gene, pero ramdam nito ang bakod na inilagay ni Gene sa pagitan nila. Trini would often open a topic, si Gene ay tamang sagot lang, at si Deewee naman ay pilit na nagku-kwento upang mawala sa isip ang mabigat na pakikisama ni Gene.
Matapos ang dinner ay pumunta na sila sa kani-kanilang mga silid. Gene's room was between Trini and Dee, tila bantay. Sadya nitong ni-request iyon habang naroon sila kanina sa lobby. Deewee was busy talking with the manager and Gene found his chance.
Alas nueve pa lang ng gabi, at dahil sanay ang dalawa na manatiling gising sa ganoong oras ay nagkayayaan ang mga itong lumabas muli at pumunta sa resort's bar. Si Dee ay napilitang sumama nang yayain ni Trini, at dahil hindi naman ito umiinom ay umorder na lang ito ng pineapple juice.
"I found out that I had allergic reactions to alcohol when I was in college. Malapit na ang graduation at nagkayayaan kami nina Phill at ang isa pa naming kaibigan na uminom. I only had a sip of beer for the first time, minutes later, my body started to itch. I was sent to the emergency room that night. Si Phill ang bantay ko buong magdamag." Nakangiting nagkwento si Deewee nang tanongin ito ni Trini kung kailan nagsimula ang allergy nito sa alak. Nasa beachfront bar sila, nakaupo sa pabilog na mesa. May mabining musika na pumapailanlan sa ere na tila nakikipag-duet sa bawat paghampas ng alon sa hindi kalayuan.
"Hindi ka ba nabo-bore sa buhay mo?"
Napatingin sina Trini at Deewee kay Gene nang marinig ang tanong nito. Ang akmang pagdadala ni Gene ng bote ng beer sa bibig ay nahinto sa paglingong iyon ng dalawa.
"What?" anito, palipat-lipat ang tingin kina Trini at Dee. "I was just asking."
Si Deewee ay pilit na ngumiti. "Depende sa tao kung papaano nila titingnan ang buhay, Gene. Para sa akin, hindi naman alak ang nagpapasaya sa buhay ng tao. So... no. My life isn't boring. It is healthy and fun, because I know I'll live a long life."
Nagkibit-balikat si Gene bago itinuloy ang pagtungga sa alak. Si Trini naman ay ini-usog ang baso ng gin tonic palayo matapos marinig ang sinabi ni Dee. "M-May point ka nga naman, Dee. Hindi sagot ang alak sa kasiyahan—"
"Come on, Trinidad," ani Gene na biglang naibaba ang boteng hawak. "Just because you like the person doesn't mean you have to agree to everything he said. It was his opinion, mayroon ka ring sariling trip sa buhay mo. So, do your own thing. I know you love drinking."
Napangiwi si Trini, muling dinala ang kamay sa baso upang ilapit iyon sa sarili.
Subalit si Deewee naman ang sunod na nagsalita. "People who drink alcohol regularly may develop chronic diseases and other serious problems; one of them is cancer. Plus, alcohol affects women more quickly than men. Women are usually smaller and weigh less than men, and have less tissue to absorb alcohol. As someone who cares truly for you, Trin, I suggest you stop drinking. Hindi makabubuti ang pag-inom, lalo kung plano mong magkaanak in the future."
Nahinto si Trini sa pagdakma sa basong may lamang gin tonic. Nakinig ito sa sinabi ni Deewee, tila biglang nag-alala para sa reproductive system nito lalo nang sabihin ng binata na makaaapekto ang alak sa pagbuo ng anak.
"Ah, so I care less about my bestfriend," tuya pa ni Gene. "I am impressed at how you turned the table so easily, Deewee. Nagawa mo akong pagmukhaing masamang kaibigan."
"No, it wasn't like that, Gene. What I was trying to tell her is to take care of herself if she wished to live longer."
"Nabuhay nga siya nang matagal, hindi naman naging masaya." Napa-ismid si Gene saka muling dinala ang bote ng alak sa bibig. Ang mga mata nito'y nanatili kay Deewee.
Deewee's expression changed. Doon nito na-kompirma na totoong may pader na inilagay si Gene sa pagitan nila sa mga sandaling iyon.
"Alcohol is just a temporary escape from reality, Gene. Papaano natin masasabing masaya ang taong nakapag-consume niyon?"
"Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan?" Gene took Trini glass of gin tonic and slid it towards Deewee. Saktong huminto ang baso sa harap ng binata. "Try it, at saka natin malalaman kung temporary escape from reality ba talaga ang alak."
Hindi kaagad nakasagot si Deewee, kaya dinugtungan ni Gene ang sinasabi.
"While I agree with you that alcohol is bad for one's health, I'd say it also has something that pushes people to step up their game and be confident about themselves. Masaya ang taong nakaka-inom ng alak dahil kahit papaano ay nakatulong iyon para makaramdam sila ng kompiyansa sa sarili nila. They are able to get through their shyness, their awkwardness, and fear. Walang masama kung paminsan-minsan ay uminom ng alak ang isang tao. Ang masamang nakikita ko rito ay ang pagnanais mong kontrolin ang isip nitong kaibigan ko. If she wants to have a drink, let her be. Do not start preaching on her."
"I was not trying to control Trini's mind, Genesis. I was trying to explain the cons if she continued to drink alcoholic beverages. Sa edad ni Trini ngayon, she has to be mindful about her health—"
Biglang natawa si Gene. "Sinasabi mong matanda na si Trini?"
"No. Nasa edad na siya kung saan nagbabago nang mabilis ang katawan ng babae." Deewee pushed the glass back towards Gene's direction, at dahil hindi ito sanay gawin iyon ay natumba ang baso at natapon ang laman sa pantalong suot ng dalaga.
Parehong natigilan ang dalawa. Sinundan ng mga ito ang gin tonic na dumaloy sa mesa patungo sa kandungan ni Trini. Then, their eyes went up to Trini's face. Nagdidilim sa pagka-irita.
Akmang hihingi ng pasensya si Deewee, at akma namang dadaluhan ni Gene ang kaibigan nang itinaas ni Trini ang mga palad sa ere upang sabay na pigilan ang mga ito.
Pareho ngang natahimik ang dalawa, bumalik sa pagkakaupo.
Hanggang sa tumayo si Trini. "Mauuna na ako sa itaas. Bukas na tayong magkita-kitang tatlo."
Nang makaalis si Trini ay napabuntong-hininga si Deewee. Ipinatong nito ang siko sa ibabaw ng counter sa sinapo ng palad ang noo.
"What's the matter, Gene?" anito makaraan ang ilang sandali.
"What do you mean?"
"Why are you acting strange? Noong isang gabi pa ito sa pub."
Ibinalik ni Gene ang tingin sa harapan at muling dinala sa bibig ang bote ng beer. "I don't know what you're talking about. Pagod lang ako nang gabing iyon sa pub, at pagod din ako sa byahe ngayon."
"Ang sabi ni Trini ay hindi mo binanggit sa kaniyang tumawag ako nang gabing iyon bago mo siya dinala sa pub. And that she wasn't in a meeting with the web developer. Why did you lie to me and why didn't you tell her?"
Gene had somehow expected Deewee to confront him about it, that was why there wasn't much of a surprise anymore.
Pinangalahati muna nito ang laman ng bote bago sumagot. "I forgot to tell her. Sorry."
It was the most insincere apology he had ever given to someone.
And Deewee wasn't buying it. Tumayo ito at inisuksok ang mga kamay sa bulsa. "Are you getting jealous of me?"
Gene faked a smirk. Tinapunan nito ng nang-uuyam na tingin si Deewee. "Why would I be jealous of you? Hindi ba at ako ang naging tulay para magkakilala kayo ng kaibigan ko? I recommended you, hindi ako ang tipong nanunulot."
Si Deewee ay napatingin sa kaniya, natahimik, hinanap ang katotohanan sa mga sinabi ni Gene. At matapang ding sinalubong ng huli ang mapanuring tingin ng kaharap. Hanggang sa banayad na natawa si Deewee at nagsabi ng,
"I see. Now I know."
Gene frowned. "Now you know what?"
"You realized that you're losing your best friend and that you're not ready to let her go. Thus, your treatment towards me. I am not a fool, Gene. Lalaki rin ako."
Nagpakawala ng pigik na tawa si Gene bago muling dinala ang bote sa bibig at inubos ang laman. Tumayo rin ito pagkatapos, inisuksok ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot na pantalon, at sa seryosong tinig ay, "Nagkausap na kami ni Trini tungkol sa nararamdaman ko. I am still getting used to her not being around me all the time because you are already in the picture. Nasanay akong nasa tabi ko siya sa loob ng dalawamput apat na taon, at naninibago ako sa tuwing hindi ko siya nakikita dahil kasama ka. That's all it, Deewee. Nakahanda akong tanggapin na hindi ko na makakasama ang kaibigan ko sa anumang oras ko gusto dahil nariyan ka na, pero siguraduhin mong kaya mong punan ang kaligayahang naibibigay ko sa kaniya kapag kami ang magkasama. Dahil kung hindi mo siya magagawang pasiyahin, you will be sorry. I won't show you mercy."
"Are you threatening me?"
"I'm warning you. Hindi ako nagsa-sakripisyo nang ganito para lang sa huli ay maging malungkot ang buhay ng kaibigan ko."
Sandaling natigilan si Deewee. He could sense something. And he had to look Gene straight in the eyes for him to be able to understand what it was.
And when Deewee realized the truth, he exclaimed, "I'll be damned. You are jealous!"
Sandaling natigilan si Gene sa sinabi ng kaharap bago natatawang sumagot, "Of course not!"
"Yes, you are!" Itinaas nito ang hintuturo at mangha siyang itinuro na tila may ginawa siyang krimen na dapat lang parusahan. "You have fallen in love with your bestfriend!"
Muli siyang natigilan. Ang ngisi sa mga labi ay nalusaw.
Si Deewee ay nanlaki ang mga mata sa pagkamangha nang hindi itinanggi ni Gene ang huling inakusa nito. Pareho silang natulala— si Gene ay may napagtanto.
Ilang sandali pa'y sumeryoso ang anyo ni Deewee at pormal na inabot ang isang kamay kay Gene.
"What's that about?" ani Gene, nakatingin sa naka-abot na kamay ng kaharap.
"Let's shake hands for a fair fight, Gene."
"Fair what?"
"Let's fight fairly for Trini's heart."
Gene wanted to smirk and deny Deewee's assumptions. He wanted to tell the guy that he had no intention of crossing the line between him and his best friend. He wanted to tell Deewee that the friendship he had with Trini was a precious one and that he didn't want to ruin it by developing a romantic feeling for her. He wanted to say that Deewee got it all wrong.
But... instead of denying it... he took Deewee's hand and said,
"No hard feelings; whoever wins gets the girl."
Deewee lifted his head and said, "Good luck to the both of us."
Ahh shit.
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top