CHAPTER 033 - I Love You


MATAGAL NA TINITIGAN NI TRINI ANG SCREEN NG CELLPHONE KINABUKASAN. Nakahiga siya sa kama at hawak sa isang kamay ang cellphone. May hinihintay siyang text message—o tawag.

Hindi galing kay Deewee, kung hindi kay Gene.

Matapos siyang ihatid ni Deewee kagabi ay kaagad siyang lumipat sa kabilang bahay upang silipin kung naroon ang kaibigan. Mahigit isang oras pa silang nanatili sa pub bago niya niyaya si Deewee na umuwi na.

Base sa narinig niyang usapan nina Gene at Capri sa telepono kagabi ay aalis si Capri kaya hindi niya inasahang may tao. Gamit ang duplicate niya ay pumasok siya sa bahay ng kaibigan at hinanap ang cellphone. She found it in the kitchen, and she was about to go upstairs to check on Gene when she heard an odd sound coming from his room.

Ungol. Halinghing. Iyak.

Galing sa babae.

At hindi lang iisa. Dala-dalawa pa!

At talagang doon dinala ni Gene ang mga babaeng kasama nitong lumabas kagabi!

Pikon siyang lumabas at inihambalos ang pinto nang marinig ang mga ingay na iyon. Saktaong nakapasok siya sa bahay niya nang mapalingon siya sa glass window at nakita ang pagbukas ng ilaw sa porch ng bahay ni Gene. Ilang sandali pa'y lumabas ito mula sa front door, wearing nothing but a towel wrapped around his waist. Nagpalingon-lingon ito, hinahanap kung sino ang humambalos sa pinto. He probably thought someone broke into his house. Paismid siyang umakyat sa kaniyang silid. Subalit bago pa man siya tuluyang makapasok doon ay narinig niya ang pagtunog ng kaniyang cellphone.

It was Gene calling. At kaagad niya iyong sinagot.

"Were you planning to break my door?" anito, nasa tinig ang inis.

"Bakit ka naiinis? Naistorbo ko ang pakikipaglampungan mo?"

Natahimik ito sandali. "Is Deewee with you?"

"Hindi ako katulad mo na nagdadala ng lalaki sa bahay no!"

"I have never brought a man in my house, Trinidad."

"I mean, a lover! Gah! You know what I mean!"

Muli itong natahimik. Ilang sandali pa'y may narinig siyang tinig sa kabilang linya. Babae, tinatawag si Gene.

"Well, I'm glad na hindi ka gaanong nalasing. Go and sleep now, I'll see you tomorrow."

Iyon lang at tinapos na ni Gene ang tawag. Naka-ismid siyang pumasok sa kaniyang silid.

At ngayon ay heto nga. Hinihintay niya ang pagtawag ng kaibigan. Kanina pa niya gustong bumangon dahil may plano siyang umalis at bisitahin ang facility, subalit hindi niya magawa dahil pakiramdam niya'y pagod na pagod siya at walang gana sa araw na iyon. Gutom na rin siya, at ayaw niyang magluto ng breakfast sa bahay niya; gusto niya roon sa bahay ni Gene. Pero hindi niya magawang lumipat sa kabila dahil baka naroon pa rin ang mga babaeng kasama nito kagabi. O baka magtalo lang ulit sila.

Kaya niya hinihintay ang tawag o text nito. Gusto niyang ito ang unang mag-reach out. Makipag-bati sa kaniya. Mag-sorry dahil iniwan siya.

Subalit makalipas pa ang labinlimang minuto na wala pa ring paramdam mula sa kaibigan ay nakasimangot niyang in-itsa ang cellphone sa ibabaw ng side table saka naupo sa kama. Ginulo niya ang buhok saka impit na tumili. Ito talaga ang ayaw niya kapag hindi sila bati. Ayaw niyang mag-initiate ng pakikipagbati dahil masyadong mataas ang pride niya, at kaya rin siya nitong tiisin lalo at kung may issue rin ito sa kaniya.

Fine. Inimbita niya si Deewee nang hindi nito alam. Itinaboy niya ito sa mesa at sinabihang lumipat sa mga babae. So, fine. May fault din siya. Pero ito rin naman ang nagsimula! Dinala siya nito sa pub nang ganoon ang itsura! Plus, he left her alone at the table while he spoke with his clients. Mas malaki ang atraso nito kaysa sa kaniya, dapat ito ang unang makipagbati!

Nahinto siya sa pag-aalburoto nang marinig ang pag-ding ng cellphone. Tumuwid ang likod niya saka maagap na hinablot ang device.

Pero para siyang apoy na binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang pangalan ni Deewee sa screen. He sent her a morning text, and she was not in the mood to reply!

Muli niyang ni-itsa ang cellphone sa ibabaw ng side table saka tumayo na. Tinungo niya ang banyo at naligo. Gugugulin na lang niya siguro ang buo niyang araw sa facility, at dadaan na lang siya sa fastfood para bumili ng breakfast.

Kalahating oras ang lumipas nang matapos siya sa pag-aayos. Lumabas siya sa kaniyang silid bitbit ang original Gucci sling bag niya; ang cellphone niyang nasa ibabaw ng side table ay hinablot niya't muling sinuri sa pag-asang makita roon ang pangalan ng kaibigan, subalit maliban sa dalawa pang text messages ni Deewee ay network alert lang ang natanggap niya sa umagang iyon.

Nakabusangot siyang bumaba at lumabas ng bahay niya.

At pagdating sa labas ay bigla siyang nagpreno nang makita si Gene na naghihintay sa harap ng gate niya. Naka-sandal sa big bike na nakaparada sa tapat, ang mga braso'y nakahalukipkip. He was wearing a pair of ripped jeans, white sneakers, and white shirt. His face was fresh, his hair was brushed up-- tila bagong ligo.

Kinunutan siya ng noo. Mukhang hindi magtatrabaho ang loko sa araw na iyon...

"Been waiting for you," anito.

Umikot paitaas ang mga mata niya at itinuloy ang paglabas ng bahay. Matapos i-lock ang bahay ay lumapit siya rito. Pagkalapit niya'y saka ito tumuwid ng tayo at kinuha ang isa sa dalawang helmet na nakapatong sa upuan ng bike. Iyon ang kulay dilaw na helmet na binili nito para sa kaniya.

"Here. You're on your way to the facility, right?"

"Kaya kong pumunta roon nang mag-isa." Masaya siyang makita ang kaibigan sa tapat ng bahay niya. Masaya siyang ito ang nag-initiate na magkabati sila. Masaya siyang hinintay siya nito. At hindi na siya galit. Hindi na siya nagtatampo. Pero hindi niya mapigilang patuloy na magsuplada.

"Well, wala roon si Capri at hindi ko kilala ang mga tauhang dala niya. Hindi ako matatahimik kung mag-isa kang pupunta roon."

Bago pa siya makasagot sa sinabi nito'y nakalapit na si Gene at ini-kabit ang helmet sa ulo niya.

Napanguso siya upang ikubli ang pagngiti. Her heart was filled with happiness now that they're okay again. Mukhang kinalimutan na rin nito ang nangyari kagabi.

Matapos ikabit ang helmet sa kaniya ay tumalikod ito at umangkas na sa motor. Ikinabit nito ang sariling helmet saka binuksan ang makina. Nang mapansing hindi pa rin siya kumikilos sa kinatatayuan ay muli siya nitong nilingon.

His light green eyes piereced into her soul. Matagal siya nitong tinititigan na tila may nais sabihin pero hindi alam kung papaano magsisimula. And she stood there waiting for him to say that he's sorry.

Aba, dapat na ito ang mag-sorry, hindi siya!

"Let's forget about last night, okay?"

Napakurap siya at muling ibinalik ang pansin dito.

Nagpatuloy si Gene. "Alam kong nagtatampo ka pa rin pero sana ay naisip mong nagdamdam din ako sa bigla mong pagpapapunta roon kay Deewee. I wanted to spend that night with my bestfriend and yet you invited someone else. Hanggang hindi ka kasal sa ibang lalaki, gusto kong makasama ka nang solo tulad ng madalas nating gawin noon. Pero may pakiramdam akong hindi ka na masayang kasama ako, at pakiramdam ko'y pinipilit ko na lang ang sarili ko sa'yo. You keep on saying that you prefer the kind of relationship we have than the one you have with Deewee, pero hindi iyon ang nararamdaman ko kapag magkasama tayo. Naisip ko tuloy na baka kaya sinasabi mo lang iyon ay dahil ako ang kasama mo, at kung si Deewee naman ang kasama mo'y baka iba rin ang sinasabi mo."

Hindi niya gusto ang pag-a-akusa nito sa kaniya tungkol sa bagay na iyon. Para na rin nitong sinabi na balimbing siya. Pero alam niya kung ano ang totoo, and somehow, she felt sorry that she made Gene feel that way.

Napabuntonghininga siya. "Believe it or not, I love you more than anyone else, Gene. Nariyan ka na sa buhay ko bago pa man natin naintindihan ang totoong kahulugan ng buhay. I will forever love you and you will forever remain special to me. Kung mayroon mang makapapantay sa pagmamahal ko sa'yo, hindi si Deewee iyon kung hindi ang magiging anak ko balang-araw. I am sorry that I made you feel this way. Pero hindi totoong hindi ako masaya kapag kasama ka. It just so happened na mas pagod lang ako ngayon kaysa noon, at napapadalas ang pang-ti-trip mo sa akin kaya napapadalas din ang pagka-pikon ko sa'yo. But please don't ever think that I don't enjoy your company anymore. Hindi totoo iyon."

Sandaling natahimik si Gene. Nakikita niya sa mga mata nito ang maraming uri ng emosyon, pero dahil hindi siya magaling sa pag-aanalisa sa ganoon ay hindi niya nahulaan kung ano ang damdamin nito sa mga sandaling iyon matapos ang mahabang salaysay niya.

Then, after a while, he spoke, "I'm sorry if I was making things hard for you, Trin. It's just that... I'm missing you. I miss the old you. The old us."

Lumabi siya. Nararamdaman niya ang pagsikip ng kaniyang lalamunan at ang pag-init ng kaniyang mga mata. Ramdam na ramdam niya ang bawat katagang binitiwan ni Gene, pero hindi niya alam kung papaano tugunan iyon.

"Ako pa rin naman ito, ah?" aniya, ang tinig ay bahagyang gumaralgal. "Kapag natapos ko na ang pag-aasikaso rito sa pet sitting and boaring facility natin ay babawi ako sa'yo."

Masuyong ngumiti sa Gene saka inabot na ang kamay sa kaniya upang alalayan siyang sumampa sa motor. Tinanggap niya iyon at nagpaakay rito. Nang makasampa na siya sa upuan sa likuran nito ay saka ito nagsalita.

"Let's stop fighting over silly things. Marami tayong kailangang asikasuhin sa susunod na mga araw. Plus, your birthday is just around the corner. Ayaw kong may tampuhan tayo sa mahalagang araw ng buhay mo."

Tumango siya at bahagyang yumuko upang ikubli ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata.

"And by the way..." Gene looked over his shoulder, "I love you, too."

Nag-angat siya ng tingin upang titigan ito diretso sa mga mata. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero tila may kakaiba sa paraan ng pagkakasabi nito sa mga salitang iyon.

She and Gene would often say those words, but in a neutral tone and in a tender kind of way. Nakasanayan na nila. Para lang iyong 'Hi, How are you'. Pero bakit... may iba sa paraan ng pagkakasabi nito sa pagkakataong iyon?

What was it?

And why was she bothered?

Si Gene ay kaagad na nagbawi ng tingin at ibinaba ang mga mata sa binti niya. Nakita niya ang pagsalubong ng mga kilay nito nang mapatingin sa maiksi niyang maong shorts.

"Teka nga. Wala na bang mas iikli pa sa suot mo na 'yan?"

Napanguso siya at banayad itong hinampas sa braso. "Meron. Panty ko. Gusto mong magpalit ako?"

Gene chuckled and turned his eyes in front. "Subukan mo at ihuhulog kita rito sa motor ko."

Hindi na siya sumagot pa at ngumiti na lang. They were back to normal, and that made her feel at ease. She didn't like that awkward feeling she felt earlier. Hindi siya sanay sa ganoon.

"Hold on tight, bibilisan ko ang pagpapatakbo."

And she did what she was told. Ipinulupot niya ang mga braso katawan ni Gene at inihilig ang ulo sa malapad nitong likuran. She then closed her eyes and smiled.


TO BE CONTINUED...




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top