CHAPTER 031 - He Just Wanted An Alone-Time With Her
TATLONG ARAW MAKALIPAS AY LALONG NAGING ABALA SI TRINI. Maaga pa lang ay umaalis na ito upang puntahan ang facility na ginagawa ni Capri kasama ang dalawa nitong assistants, at pagdating ng gabi ay bagsak na 'pag nakakauwi. Dahil nasa bahay ni Gene si Capri tumutuloy tuwing weekdays ay hindi na muna nakikisiksik ang dalaga roon. Ang dalawang tauhan ni Capri ay doon naman sa mismong facility natutulog dahil malibang may maayos namang silid sa second floor ay may pakiluran at maliit ding kusina.
On the fourth night, Trini went to Gene's house to prepare dinner. Nagpahinga ito buong araw kaya nagawang mag-presentang magluto. Capri and Trini spoke about work for the duration of dinner, and Gene listened curiously as he let the two speak the most.
Mas matanda sina Gene at Trini ng isa't kalahating taon kay Capri, pero dahil mas matured mag-isip si Capri ay tila magkakaedad lang ang mga ito mag-usap. Capri was even acting as if he was older than the two, at kapag pinupuna ni Gene ay nambubuska; kesyo raw immature pareho ang dalawa; isip-bata minsan. Puro laro at kalokohan lang ang alam. But Capri was actually right; he was more matured compared the two-- and compared to his other older brothers. Kung magsalita ito at umakto ay parang mas matanda pa sa panganay na si Quaro.
Matapos ang hapunan ay sandaling lumipat si Trini sa sariling bahay para magpalit ng damit dahil natapon nito ang sauce ng kaldereta sa damit. Naiwan nito ang cellphone sa ibabaw ng mesa, kaya nang tumunog iyon ay kaagad na lumapit si Gene upang tingnan kung sino ang tumatawag.
Tulad ng inasahan nito, pangalan ni Deewee ang nasa screen.
"This guy..." bulong ni Gene sabay iling.
Si Capri na siyang nagpresentang maghugas ng pinagkainan nila ay napalingon din sa nag-iingay na cellphone.
"What's up?"
"Nothing." Kinuha ni Gene ang cellphone at sinagot ang tawag sa pagtataka ni Capri.
"Hey Dee."
"Hey," ani Deewee sa kabilang linya. Nasa tinig ang pagtataka. "Is Trini with you?"
Sandali siyang nag-isip ng isasagot. "Not at the moment, no. Why?"
"Uh, why is her phone with you?"
"Naiwan niya sa bahay matapos maghapunan. She's on a videocall with the web developer. You need something? Papunta rin ako sa bahay niya para ihatid itong cellphone niya."
"Nah, it's alright, Gene. Kung abala siya ay hindi ko siya i-istorbohin. Pakibanggit na lang na tumawag ako. I have something to say to her."
"Hmm." Tumango-tango siya. "Sure, sasabihin kong tumawag ka."
"Thanks, Gene. And oh, see you on Friday."
"Right. Bye." Nang matapos ang tawag ay kaagad niyang ibinalik ang cellphone sa ibabaw ng mesa. Doon ay narinig niya ang tanong ni Capri.
"What do you think you're doing, Acky?"
Nilingon niya ang kapatid. Si Capri ay salubong ang mga kilay na nakaharap sa kaniya. Nasa mga kamay ang platong hinugasan; pinunasan nito iyon ng puting towel.
Balewala siyang nagkibit-balikat. "What do you mean?"
"Why did you lie?"
"I didn't lie. Talaga namang wala si Trini rito, ah?"
Capri narrowed his eyes in suspicion. Pero hindi na ito muling nakapagsalita pa nang lumusot si Trini sa entry ng kitchen.
"I'm back! Who wants some ice cream? Lalabas ako para bumili sa convenient store sa kanto."
Sinuyod niya ng tingin ang kaibigan. Trini was wearing a white oversized tees and floral sleeping pants. Lumapit siya rito at inakbayan ito palabas ng kitchen. "Let's go, I'll come with you."
"Sa kanto lang ang convenient store—"
"May bibilhin din ako." Nilngon niya ang kapatid na nakasunod ang tingin sa kanila. Naroon pa rin sa tingin nito ang pagdududa. "Are you coming, Capri?"
"Do you want me to?" panunubok ni Capri na sinagot niya ng ngisi.
"We won't be back for a while. Ikaw na muna ang bahala sa bahay."
Capri smirked and turn his back on him. Si Trini naman ang niyuko niya. "Let's go."
"Teka, saan tayo pupunta?"
"You'll see."
*
*
*
KANINA PA GUSTONG SABUNUTAN NI TRINI SI GENE. Kaninang-kanina pa simula nang dumating sila sa pub na madalas nilang puntahan. Sakay ng motorbike nito ay nagtungo sila roon— nang wala siyang kaalam-alam!
She was wearing nothing but sleeping clothes, at ang pub na iyon sa San Nicolas ay isa sa mga high-end pubs na tambayan ng maraming mga turista at race car drivers. Para siyang naligaw roon; hiyang-hiya siya.
"Damn you!" she hissed, smacking Gene's arm. "Wala akong bra!"
"Hayaan mo na, hindi naman halata," sagot ng loko bago ningitian ang waiter na lumapit para ihatid ang ni-order nitong drinks para sa kanilang dalawa.
Lalo siyang napikon sa sinabi nito at muli itong hinampas sa braso. "Ah gano'n? Hindi halata? Por que maliit, hindi halata?"
He couldn't help but chuckle. Ibinaba nito ang tingin sa suot niyang T-shirt na pantulog. "Come on. Kanina nang suyurin kita ng tingin ay hindi ko nahalata— and that was because you're wearing an oversized shirt. Hindi dahil flat ang harapan mo."
Nilakasan niya ang muling paghampas dito. "Ang sabi ko 'maliit', hindi flat! Gago ka talaga."
"What's the difference? Hindi ba pareho lang ang definition ng mga 'yon?"
"Oh!" Lalong nag-init ang ulo niya at akma itong hahampasin muli nang maagap siya nitong hinawakan sa kamay. Ngingisi-ngisi itong muling nagsalita.
"Why worry about your clothes? Walang pakialam ang mga customers dito kahit magsuot ka pa ng sako."
"Kahit na! Nagsabi ka man lang sanang dito tayo pupunta, hindi naman ako tatanggi. Gusto ko lang magdamit nang maayos."
Gene's grin disappeared and was replaced with a tender smile. Yumuko ito saka siya binulungan. "Don't worry, you still look expensive kahit naka-pantulog lang."
Lumabi na lang siya at hindi na sumagot pa. Iniusog niya ang sarili sa tabi nito upang itago ang sarili sa ibang mga customers na naroon. Tama naman ito; walang pakialam ang mga tao sa isusuot niya roon. Ang hindi maintindihan ni Gene ay babae siya, dalaga for that matter, at mahalaga sa kaniyang magmukhang maganda at disente sa harap ng marami.
Ang nakakabwisit pa ay doon ito kumuha ng mesa sa gitna ng pub. Buti na lang at hindi pa happy hour at weeknight, kakaunti lang ang mga customer. But nonetheless, pakiramdam niya'y nakatingin sa kaniya ang ibang mga customers. She was not comfortable. Gusto na lang niyang umuwi.
Ang pub na iyon ay paboritong hangout place ng mga race car drivers at doon nakilala ni Gene ang ilan sa mga naging exclusive clients nito. Sa San Nicolas kasi naroon ang isa sa mga domestic airports sa rehiyon na iyon, pati na rin ang bagong tayong racing circuit. Sa mga sandaling iyon ay iilang mga pamilyar na mukha ang nakikita niya dahil tulad nila'y suki na rin ng pub. Ayaw niyang makita siya ng mga ito na walang ni bahid ng lip balm sa mga labi! She probably looked like a ghost in her sleepwear now!
Muli niyang binalingan ang kaibigan na nakangising sinimsim ang alak. "Isang order lang at uuwi na tayo."
Gene looked over his shoulder and stared at her. "Oh, come on, Trinidad. We haven't had proper nightlife for more than a month. Ngayon lang tayo nakabalik dito."
"Hindi ko kayang manatili rito nang ganito ang suot—"
"So what? Tulad nga ng sabi ko, you still look—"
"Manahimik ka kung ayaw mong isaksak ko 'yang baso ng Jack 'N Coke sa bibig mo."
Hindi na nga ito sumagot at ngumisi na lang. Naghihimutok na inabot niya ang basong may lamang alak saka dinala sa bibig. Sa inis ay sunod-sunod niya iyong nilagok hanggang sa maubos. Si Gene ay pinanlakihan ng mga mata nang makita ang kaniyang ginawa. Mangha itong napatitig sa kaniya, ang muling pagdadala ng alak sa bibig ay naudlot.
"Whoa! Dinala kita rito para mag-enjoy, hindi para maglasing—"
"Shup up! Napipikon ako sa'yo!" Pabagsak niyang ibinaba ang baso sa ibabaw ng table at lumingon sa bar counter kung saan saktong napatingin din sa direksyon niya ang isang waiter na naghihintay ng alak mula sa kasamahang bartender. Itinaas niya ang basong walang laman at sumenyas na bigyan siya ng isa pa.
Tumango ang waiter sabay thumb-up.
Ini-atras niya ang upuan ay inilayo kay Gene. "Maglalampaso ka ng suka ko mamaya, Heneroso. Watch our for it."
*
*
*
"NO, HINDI AKO MAGLALAMPASO ng suka mo dahil sisiguraduhin kong hindi ka malalasing." Umiling si Gene saka dinala ang baso sa bibig. "Besides, I know your limit. Bago ka pa tuluyang malasing ay iuuwi na kita."
Humalukipkip si Trini at inisandal ang sarili sa upuan. "Ito ang unang beses na lumabas akong hindi nakadamit nang maayos. Pinag-bra mo na naman sana ako."
"Bakit hindi mo naisip na magsuot no'n kung plano mo ring pumunta sa convenient store para bumili ng ice cream?"
"Dahil hindi naman halata—" Natigilan ito.
Ngumiti siya.
"See? Hindi halata. So stop complaining and just enjoy the night." Tuluyan na siyang sumimsim ng alak.
Si Trini ay lalong nanulis ang nguso. "Hindi tayo bati."
"Come on." Ibinaba niya ang baso. "Kailangan bang ikagalit kung hindi ka nakasuot ng magandang damit at makapal na make-up? I told you already. Hindi mo kailangang magsuot ng magandang damit at magmukhang maganda kung ang kasama mo ay ang tamang lalaki—"
Nahinto siya, natigilan sa sinabi.
Pero buti na lang at wala sa kaniya ang pansin ni Trini kung hindi sa papalapit na waiter bitbit ang ni-order nitong pangalawang baso ng Jack 'N Coke. Madali niyang dinala ang baso ng alak sa bibig saka umiwas ng tingin.
Shit. Ano ba ang pinagsasasabi niya?
Was he losing his mind?
Tamang lalaki? Siya? Really?
"Here's your order, Ma'am." Inilapag ng waiter ang bagong baso sa harap ni Trini.
"Thanks, Paulo. Dalhan mo nga rin ako ng apat na shots ng Kamikaze."
Muntik na niyang maibuga ang iniinom. Ibinaba niya ang baso at marahas na hinarap ang kaibigan. "I won't be taking those shots, Trinidad!"
Tinaasan siya nito ng kilay. "Sinabi ko bang para sa'yo ang iba roon? Those are just for me; umorder ka ng iyo, hindi tayo bati."
"What? Why would you even take those shots?"
"Gusto kong malasing kaagad nang sagayon ay iuwi mo na ako. At kapag hindi mo pa ako inuwi kaagad matapos ang mga shots na iyon ay mag-o-order pa ako ng karagdagan nang sagayon ay mahirapan ka sa akin mamaya—"
"Fine! Uuwi tayo pagkatapos ng huling orders mo." Dinala niya ang alak sa bibig, inubos ang laman niyon, saka ini-abot ang baso sa naghihintay na waiter. "Give me another one, Pau."
Tumango ang waiter at umalis upang kunin ang mga orders nila. Nang muli silang naiwan doon ay nababagot niyang hinarap ang kaibigan. "Ano nga ang lagi mong sinasabi sa akin? Pangit ka-bonding? Yeah, that's right. Ikaw ang pangit ka-bonding ngayon, Trinidad. Simula nang magkakilala kayo ni Deewee ay hindi na tayo nakadalaw rito, and when we finally did, gusto mo namang umuwi. Sheesh. You're no fun."
Umikot paitaas ang mga mata ni Trini. "At sinisi pa si Deewee."
Humalukipkip siya, inisandal ang sarili sa upuan, saka ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Siya naman ngayon ang napikon. Pakiramdam niya'y ayaw lang ni Trini na makasama siya sa oras na iyon at gumagawa ng dahilan para makauwi kaagad. At habang nagdadamdam siya sa tabi ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone sa backpocket niya.
He took it out and checked the screen.
It was Capri.
Dinala niya sa tenga ang cellphone at sa kapatid ibinunton ang inis. "What?"
"Don't just 'what' me. Where are you?"
"None of your business."
"Such a childish response," tuya ni Capri. "What time are you coming home?"
"I don't know. We're at the pub."
"Dinala mo si Trini sa pub?"
"What do you want, Caprionne?"
"Kailangan kong umalis ngayong gabi. Tinawagan ako ng assistant ko sa workshop, nagkaproblema raw sa isang bahay na ginagawa niya at kailangan niya ako bukas ng umaga. Ngayong gabi ako aalis; I'll see you the day after tomorrow."
"Trini and I won't be in Ramirez the day after tomorrow. Na sa'yo ang duplicate key ng bahay, ikaw na ang bahala." Napatingin siya sa entry ng pub nang may pumasok na isang grupo. Those were the group of race car drivers that he was doing business with. Tumuwid siya ng upo. "Hey, I'm hanging up. Be careful on the road and call me when you got home."
"Hindi na ako bata, Gene. Hindi ko na kailangang magreport sa'yo kung nakauwi ako nang ligtas sa bahay ko."
Napailing siya at hindi na nagsalita pa. Ito ang dahilan kung bakit ayaw niyang kausap si Capri. He and his brother didn't get along. Si Cerlance lang ang kasundo nito kahit noong mga bata pa sila.
"I gotta go now. Say my goodbye to Trini."
Tuluyan nang tinapos ni Capri ang tawag. Saktong pagbaba niya ng cellphone ay siyang pagdaan naman ng grupong kilala niya sa mesa nila ni Trini. Isa sa mga iyon ay napansin siya at bumati,
"Genesis, my man!"
Nakangiti siyang tumayo at hinarap ang mga ito. Ang cellphone niya'y sandali niyang inilapag sa mesa. He wanted to introduce Trini to them, pero nang sulyapan niya ang kaibigan at makita itong tumalikod ay hindi na niya sinubukan pa. He knew why Trini looked away. She was embarassed. At ayaw niya itong inisin lalo.
Nang magyaya ang isa sa mga kakilala niya na pumunta sa mesang ini-reserba ng mga ito ay nagpaunlak siya. They were his clients; he had to mingle with them and ensure they maintain a good business relationship.
*
*
*
NAPA-ISMID SI TRINI NANG SANDALI SIYANG IWAN NI GENE SA MESA NILA. Sadya niya itong tinalikuran nang mag-akma itong ipakilala siya kanina. Ayaw niyang humarap sa mga class-A nitong kakilala na ganoon ang itsura!
Bago sumunod si Gene sa mga kakilalang race car drivers ay hinawakan siya nito sa balikat at banayad na pinisil doon. Alam niyang ginawa nito iyon upang sandaling magpaalam.
Nang makaalis si Gene ay bumaba ang tingin niya sa cellphone na nakalimutan nitong dalhin. Inabot niya iyon at binuksan; of course she knew the code. He always used the same code. His mother's birthday.
Nang mabuksan niya ang screen ng cellphone ay kaagad siyang dumiretso sa messaging app at nag-type ng message:
Hey. It's Trini. Where you at?
She sent that text message to Deewee's number. Mabuti na lang at magaling siya sa numbers; madali niyang nami-memorise ang mga numero, lalo na phone numbers. At dahil iniwan siya ng magaling niyang kaibigan ay makikihiram muna siya ng cellphone nito para makipag-text kay Dee.
Muli niyang inilapag ang cellphone sa ibabaw ng mesa at hinarap ang waiter na bumalik bitbit ang lahat ng orders niya. Nagpasalamat siya at tinungga nang diretso ang isang shot ng Kamikaze. At nang tutunggain na rin sana niya ang isa pang shot ay nakita niya ang pagtawag ni Deewee. Ibinaba niya ang pangalawang shot glass, tumalikod sa direksyon ni Gene, at sinagot ang tawag.
"Hey! Been trying to reach you," ani Deewee sa kabilang linya.
"Sorry, nakalimutan kong dalhin ang cellphone ko. Nasa isang pub kami ni Gene."
"Pub? What pub?"
Sinabi niya ang pangalan ng pub.
"I'll be there."
Kinunutan siya ng noo at bahagyang natawa. "How? Nasa Contreras ka't nasa bahay ni Kuys Phill, hindi ba?"
"No, I'm not. I have been trying to call you the whole night because I wanted to let you know that I'm in Ramirez. Nasa isang hotel ako at mukhang malapit lang ito sa lugar na sinasabi mo. Wait for me, I'll be there in a jiffy."
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top