CHAPTER 029 - Feelings Change


"O, LOKO. AYAW RING UMIWAS, O!"

Napakurap si Gene matapos marinig ang sinabi ni Trini. Pero bago pa rumehistro sa isip niya ang sinabi nito'y sinundan iyon ni Trini ng pagpitik sa kaniyang noo.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig; biglang natauhan.

At bilang depensa sa sinabi nito'y itinaas niya ang kamay at kunwari ay pinisil ang ilong nito. "Hindi ako umiwas dahil alam kong hindi mo rin gagawin. And even if you did, I will shove this pizza into your mouth."

"Pfft!" Umikot ang mga mata ni Trini bago siya binitiwan at sumandal sa kinauupuan. Muli nitong inabot ang slice ng pizza na inilapag nito pabalik sa box kanina saka iyon dinala sa bibig, biting off a big chunk. "I was really going to kiss you, pero naisip kong baka lalo kang magalit sa akin. Wala pang isang linggo nang magbati tayo, ayaw kong hindi mo na naman ako pansinin."

"Buti naisip mo 'yan." Paiwas niyang ibinalik ang pansin sa TV at inisandal din ang sarili sa upuan. God, but he was so close to submitting himself and throwing away their twenty-four years of friendship.

Ano ba ang nangyayari sa kaniya? Ano ba itong nagiging reaksyon ng katawan niya?

Why was he acting weird these past few weeks?

"So..." Ninguya muna ni Trini ang laman ng bibig at nilunok bago nagpatuloy, "Kung hinalikan kita, magagalit ka bang talaga sa akin?"

Patagilid niya itong sinulyapan. Mamamatay muna siya bago niya aminin ang totong nasa isip. "Kailangan pa bang itanong 'yan, Trinidad? You know you can't do that. Not with me." Kunwari ay kumuha rin siya ng isa pang hiwa ng pizza.

"Kahit friendly kiss lang?"

"You don't kiss your friend on the lips."

"Kahit smack lang?"

"Kahit pa."

"Eh, may nakikita ako sa mga movies, girl best friends sila at hinahalikan nila nang smack sa lips ang isa't isa."

Mangha niya itong hinarap, kunwari ay nainis. "Babae ba ang tingin mo sa akin?"

"Well, kung ang pagbabasehan ko ay ang size niyang manok mo, tingin ko ay lalaki ka."

"Size ng..." He trailed off. It took him some time to understand what she meant.

Si Trini naman ay ibinaba ang tingin sa bagay na nasa pagitan ng mga binti niya. "'Yan. Manok."

Ibinaba niya rin ang tingin doon na parang gago. "Manok?"

"Cock. 'Di ba manok-panabong ang Tagalog ng cock? And cock also means penis. Hindi ba?"

Ibinalik niya ang tingin dito sa pagkamangha. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis, lalo at sinabi iyon ni Trini na parang balewala lang. Lalo at muli itong sumubo ng pizza habang inosenteng nakatitig sa kaniya, waiting for his response.

"How could you talk about my cock so nonchalantly, Trinidad?" mangha niyang tanong dito, tuluyan nang nawala sa isip ang tungkol sa muntikan nang halik.

Nagkibit-balikat ito, muling ngumuya, at habang puno pa ang bibig ng pizza ay sumagot, "Why not? Hindi ba noong nagpatuli ka ay ako ang tumulong sa'yong gamutin 'yan?"

"You only handed me the bandage, I never allowed you to touch nor see it?" Lalo siyang namangha. Paano bang napunta roon ang usapan nila?!

"But I saw it with my own two eyes, nagtago ka nga pero nagawa ko pa ring silipan ka. Paano, nag-alala akong baka hindi mo alam kung papaano ia-apply ang cream sa namamaga mong longganisa."

Gustong sumabog ng ulo niya sa mga naririnig dito. "Damn you. So what if you saw my cock? Why are we talking about it now?" Shit, he's pissed. At hindi niya alam kung dahil sa topiko o dahil sa hindi natuloy na halik.

"Well... nakita kong malaki."

"My size doesn't give you the right to talk about my cock so nonchalantly. Have some tact!"

"Ano ba, ako lang 'to! Bakit hindi mo na lang isiping isa ako sa mga kapatid mo? That way, hindi ka naiilang na pag-usapan ang tungkol sa—"

"My brothers and I never had a cock-discussion! And I can't—" think of you as one of my brothers! Let alone a sibling anymore!

Shit.

He was so close to declaring that. He was so close to admitting that his views about their friendship were changing... little by little, in a surprisingly instantaneous way.

"Really?" pukaw ni Trini sa kaniya. "You and the boys never talked about who has the biggest cock? Hmm, let me think." Muli itong kumagat at ngumuya. "Hindi ba si Kuya Aris? He is the tallest amongst all of you, at siya rin ang may pinaka-malaking katawan, not to mention the most womanizer, too. Pwede ring si Kuya Qua—"

Nahinto ito nang tumuwid siya ng upo saka napipikong ini-hampas pabalik ang hiwa ng pizza na hawak saka tumayo. "This discussion is making me feel uncomfortable. Drop it, Trinidad." Naglakad siya patungo sa kusina. Hindi siya nagsa-stock ng beer o kahit anong alak sa fridge niya, pero susubukan niyang maghanap. Baka sakaling may naitabi si Trini roon na hindi lang niya napansin.

Pakiramdam niya, sa takbo ng usapan nila ng kaibigan ay kakailanganin niya ng alak sa kaniyang sistema.

Gustuhin man niya itong itaboy para matigil na ang walang kwentang usaping iyon ay hindi niya magawa. He didn't want her to go. He liked her to just stay there. By his side.

"Saan ka na ba pupunta?" ungot nito habang naglalakad siya palayo. "Fine. Hindi na tayo mag-uusap tungkol sa bagay na iyon, bumalik ka na rito."

"Talagang hindi, Trinidad." Huminto siya at hinarap ito. "Girl-boy friendships are supposed to have boundaries. At isa ang discussion na iyon sa mga boundaries na dapat ay itinatatak mo sa utak mo. How would you feel if I start talking about your—" Muli siyang tumigil. Gusto niyang sapukin ang sarili.

Si Trini na nahulaan ang kasunod sana niyang sasabihin ay napangisi. "About my vagina?"

"Oh, shush!" Muli siyang tumalikod at itinuloy ang pagpunta sa kusina. Si Trini naman ay napahalakhak na lang.

Inis niyang hinarap ang fridge at naghanap ng maiinom. Sa pagkamangha niya'y may nahanap siyang isang canned beer na nakasiksik sa pagitan ng mga energy drinks niya sa gilid. Kinuha niya iyon, binuksan, saka diretsong dinala sa bibig. Pakiramdam niya'y uhaw na uhaw siya kaya halos ubusin na niya iyon.

But then, even before he was able to finish the whole can, Trini just suddenly appeared at the kitchen entry. Bitbit nito sa isang kamay ang pangalawang hiwa ng pizza. Inalis niya sa bibig ang lata.

         "What?"

           Sumandal ito sa hamba ng pinto saka nakangusong nagsalita. "Madaya ka. Ikaw lang ang nagbi-beer."

"Finder's keepers," aniya bago muling dinala ang lata sa bibig.

Mabilis na lumapit si Trini, at bago pa niya mainom ang natitirang laman ng lata ay bigla nito iyong inagaw mula sa kaniya at siya namang dinala sa mga labi. Mangha siyang napatitig sa leeg nito habang sunud-sunod nitong nilagok ang beer.

Nang maubos ni Trini ang laman ng lata ay nakangisi nito iyong ibinalik sa kaniya. Muli itong sumubo ng pizza; ang tingin ay nanatili pa rin sa kaniya.

"O hayan," anito habang ngumunguya. "Para na rin tayong nag-kiss. D'yan nga lang sa lata dumikit ang mga labi natin."

Natigilan siya, at hindi na nakasagot pa nang tumalikod ito at ngingisi-ngising bumalik sa sala.

Sandaling napako ang kaniyang tingin sa pinto ng kusinang nilabasan ni Trini. Matagal bago rumehistro sa isip ang huli nitong sinabi.

           Makalipas ang ilang segundo ay niyuko niya ang hawak na lata at napatitig sa bibig niyon habang binalikan sa isip ang huling sinabi ng kaibigan.

And then,

Damn you, Trinidad. Kung hindi ka titigil ay tototohanin ko 'yang biro mo.

*

*

*

"SUSME, LUMAKI NA NAMAN 'TONG PUSON KO!" ani Trini matapos nitong ubusin mag-isa ang natitirang taltlong hiwa ng pizza sa loob ng box. He only had three large slices while she got herself five. She also ate four chicken slices out of six, at inubos din nito ang laman ng bagong bukas na litro ng pinapple juice. Tumayo siya at niligpit ang mga kalat sa ibabaw ng center table.

"It's late, lumipat ka na sa bahay mo," pagtataboy niya rito.

"Kumalma ka naman, hindi pa nga ako maka-kilos dito," anito saka itinaas ang suot na oversized T-shirt upang ipakita sa kaniya ang puson. Hinimas-himas nito iyon na parang tambay sa kanto. "Isa pa, tamad akong umuwi ngayong gabi."

"Tatawid ka lang sa kabilang kalsada, Trinidad. Ano ang nakakatamad doon?" Napailing siya saka ibinalik ang pansin sa ginagawa, totally ignoring what she did. Kung dati ay wala siyang pakialam kahit maghubad o magbihis ito sa harapan niya, ngayon ay nakararamdam na siya ng pagkailang.

"Bakit ba ayaw mo akong patulugin dito sa bahay mo?"

"Hindi sa ayaw ko. Ang kaso, magkaiba noon at ngayon. Dati, malayo ang bahay mo. Ngayon, nasa tawid lang ng kalsada. Ano ang silbing binili mo ang bahay sa tapat kung hindi mo titir'han?"

"Fine. Nagsusungit ka na naman, por que ako ang kumain ng chicken breast na paborito mo ay gan'yan mo na ako tratuhin." Nakalabi itong tumayo saka naglakad patungo sa hagdan.

"Narito sa kabila ang front door, wala r'yan."

"CR lang ako sa kwarto mo."

"Wala ka bang CR sa bahay mo?"

"Eh sa gusto kong mag-CR sa bahay mo, eh, bakit ba?" Nilingon siya nito at sinimangutan. "Malala ka pa sa babaeng dumaranas ng hormonal change kung magsungit, Isaac Genesis Zodiac. Kailan ka ba huling nakipag-sex? Kinulang ka na naman ng haplos ng babae."

Hindi na siya sumagot pa at pailing na ibinalik ang pansin sa pagliligpit ng mga kalat sa mesa. Si Trini ay bubulong-bulong na itinuloy ang paghakbang patungo sa hagdan. Nang tuluyan itong makaakyat at makapasok sa silid niya ay saka naman tumunog ang cellphone nito. Lumingon siya sa sofa kung saan niya nakita ang cellphone na nakapatong sa armrest.

Normally, he would just ignore it. Hindi niya ugaling mangialam ng cellphone ng kaibigan. But something within him whispered that he should check it.

Na walang mali kung sisilipin lang niya. Who knows, baka importante?

Muli siyang napatingin sa hagdan bago tumayo at nilapitan ang cellphone. Nang makita sa screen ang pangalan ni Deewee—with a heart at the end of his name— ay napa-ismid siya.

Hindi na siya nagdalawang-isip pang kunin iyon at sagutin.

"Hey, beautiful!" bati nito. "How's your night?"

"It's Gene," malamig niyang tugon.

"Oh, Acky!" gulat na sambit ni Deewee, using his nickname. "Magkasama ba kayo ngayon ni Trini?"

"Yeah, nasa bahay ko na naman siya."

Deewee chuckled on the other line. "Ginulo ka na naman?"

"No, hindi ko kinokonsiderang panggugulo ang pagdalaw ng matalik kong kaibigan sa bahay ko."

Sandaling natahimik si Deewee, tila nahimigan ang malamig niyang pakikipag-usap.

He didn't mean to sound cold, kahit siya ay nagulat sa inaakto. Pero huli na bago pa niya naisipang ayusin ang pakikitungo rito. Dahil nang muling nagsalita si Deewee ay pinantayan na nito ang malamig niyang tono.

"Where is she, Gene? Can I speak to her?"

"No."

"No?"

Damn it. Mapipikon sa akin si Trinidad sa ginagawa kong ito. "Yeah, sorry. Tulog na si Trinidad."

"Oh, I see. Kaya pala hindi na siya nakapag-reply sa huling text message ko." Bumuntong-hininga si Deewee bago nagpatuloy. "Sorry, Gene. But is this alright?"

"What's alright?" Gusto na niyang tapusin ang tawag na iyon.

"This. Missing her."

Lihim siyang napa-ismid siya. "Yeah, I think it's alright. Actually..." He trailed off and glanced at the stairs to make sure Trini wasn't there to hear what he was about to say next. "...Trini likes it when the man she was dating would act so clingy and overprotective. And she also likes to be served. Ang sabi niya ay natutuwa siya sa iyo dahil tinatrato mo siyang parang reyna. We spoke about you the whole night; she's happy."

"Oh, Im glad!"

He couldn't stop grinning so devilishly.

Nang muling nagsalita si Deewee ay malumanay na ang tono nito. "Thank you for making this happen, Gene. Kung hindi dahil sa'yo ay hindi kami magkakakilala ni Trini. I think she's a wonderful person, so fun to be with. And I could tell she's the one for me."

Nawala ang ngisi niya at muling napa-ismid. Gusto niyang bagsakan ng cellphone si Deewee.

"Well then, tatawag na lang ulit ako bukas sa kaniya. Please tell her that I called."

"Okay."

"Have a good night, Gene. And see you next week."

Nang matapos ang tawag ay kaagad niyang binuksan ang contacts at binura ang registered call ni Deewee sa gabing iyon. Then, he opened the messaging app and removed Deewee's text message.

Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa iyon, but one things for sure;

He didn't want Trini to find out that he spoke to Dee on the phone and lied to him about her true feelings.

Saktong inilapag niya ang cellphone pabalik sa sofa nang lumusot si Trini sa puno ng hagdan sa itaas. "Done! Uwi na ako."

Tumingala siya. "I changed my mind. You can spend the night here."

Nahinto ito sa pagbaba, ngumisi. "Really?"

"Yeah. Go back to my room, doon tayo matutulog."

"Tabi tayo?"

"Of course not. Sa sahig ka, sa kama ako."

"Neknek mo! Ang mauna sa kwarto ang siyang makakakuha ng spot sa kama!" Mabilis itong tumalikod at bumalik sa kaniyang silid. Napangiti siya saka pailing-iling na tinapos ang pagliligpit ng kalat sa mesa. Matapos iyon ay humakbang siya dala-dala ang mga basura patungo sa kusina, at matapos ilabas ang mga iyon at pinatay niya ang ilaw sa ibaba at umakyat na rin sa silid niya, leaving Trini's phone at the living area unattented.

He decided to keep her the whole night in his room.

Nang sagayon ay hindi na ito makipag-telebabad pa kay Deewee.


TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top