CHAPTER 026 - Teach Herself Not To Miss Him
DAMN IT. THIS ISN'T THE FIRST TIME SHE CALLED ME THAT. Bakit binibigyan ko ng ibang kahulugan ngayon 'to?
Sa loob ng mahabang taon na nilang pagkakaibigan ni Trini ay hindi na bago sa kanilang sabihin na mahal nila ang isa't isa. Trini would often say she loved him whenever she wanted to, wherever they were. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit maraming tao na nakakakilala sa kanila ang kumu-kwestyon sa tunay nilang relasyon ng matalik na kaibigan.
Trini calling him Luv used to sound normal to him. Same old, same old.
But why did he feel differently earlier? Why did those words sound like music played by the angels? Like a symphony made for lovers. Bakit parang... may nag-iba?
"Huy."
Napakurap siya nang muli niyang marinig ang tinig ng kaibigan.
Yes. This was his friend. Trinity was his best friend.
Kung ano man ang kalokohang naglalaro sa isip niya ngayon ay kailangan na niyang pigilan bago pa lumala. Bago pa may masira. Bago pa may mawala.
"It was great," sagot niya sa tanong nito. Itinuloy niya ang pagpasok sa kusina. "Diretso akong nakatulog dahil hindi ka umakyat para istorbohin ako."
"Na parang ini-istorbo kita?" nakalabi nitong sagot. "Hindi na kita pinapasok sa kwarto mo simula noong nahuli kitang may ka-sex sa kama. How long has it been? Three years ago? Jeez. Simula noon ay hindi na ako nagtangkang mag-surprise visit doon sa kwarto mo unless alam kong nag-iisa ka lang. Eh, since wala rin ako sa bahay buong araw ay hindi ko alam kung may dumating kang bisita para tabihan ka sa kama mo."
"Ang dami mong sinabi." Humakbang siya patungo sa fridge. The delicious aroma from the food cooking in his oven assaulted his nose. He could smell a pasta dish, and he couldn't wait to eat. Binuksan niya ang fridge at naghanap ng maiinom. "Anong mayroon at nagluto ka?"
"What do you mean? Hindi ba at ito naman talaga ang ginagawa ko?"
Narinig niya ang pag-atras ng upuan at ang pagpatay ni Trini ng apoy ng stove. "Chicken is cooked now. Hintayin na lang nating maluto ang baked lasagna."
Kumuha siya ng naka-selyado pang bottled water bago inisara ang fridge at humarap sa kaibigan. "I forgot; wala pala si Deewee kaya ka narito."
Humarap si Trini at inikutan siya ng mga mata. "Stop that, alright? Akala ko ba ay nag-usap na tayo tungkol dito?"
"We did. Pero hindi ka tumupad sa usapan noong gabing iyon at pinaghintay mo ako ng ilang oras. I was looking forward to a delicious dinner, only to get a call from you saying you and Deewee are having dinner. If you were on my shoes, would you not get disappointed?"
Lalong nanulis ang nguso nito, hindi nakasagot.
Nagpatuloy siya,
"At kahit gustuhin kong lumabas para kumain ng matinong pagkain sa restaurant sa bayan ay hindi ko ginawa dahil inalala kita. I waited till midnight for you to come home because I was worried you'd be drunk again. Nang makauwi ka naman ay hindi ka man lang sumulyap sa bahay ko. At kahit masama na ang loob ko'y tinawagan pa rin kita at inimbitahang kumain pero tinanggihan mo. You were never like that, Trini. Una, you are not the type who breaks a promise. Pangalawa, you don't say no to food. Kahit nakapikit ka na'y lalamon ka pa rin. You've changed a lot, and I am starting to hate the change in you."
Lalo itong natahimik.
Was it too much? Did he say stuff that he shouldn't have said?
No.
Mas maigi nang malaman ni Trini at maintindihan kung ano ang pinaghuhugutan niya.
He let out a deep sigh. "Listen, Trinity. I know you wouldn't have much time for our friendship compared to before, and I am starting to accept that because I want you to be happy. But what pisses me off was you treated that incident like it was nothing. Na parang natural nang hindi ka tumutupad sa usapan. Just because we have already spoken about the big changes that are coming our way didn't mean I wouldn't get hurt or disappointed?"
Shit. Kung iisipin ay maliit na bagay lang naman 'yon. Kaya ano ang ipinuputok ng butse niya?
Napabuntonghininga si Trini, nasa anyo ang lungkot at konsensya. Pero imbes na sumagot sa mahabang pahayag niya'y yumuko ito, kinuha ang pot holder saka inilabas ang pagkaing nakasalang sa oven.
Umuusok pa ang cheesy lasagna na nakalagay sa baking dish nang inilapag nito sa mesa. Matapos iyon ay ang manok naman ang inilagay nito sa mesa. Then, she took a plate and a set of utensils out of the drawers. Maingat nitong inilapag ang mga iyon sa ibabaw ng mesa at nang sa tingin nito'y maayos na ang lahat ay doon pa lang ito nagsalita.
"I'm sorry if I let you down that night. I have no excuse. Totoong nawala sa isip ko ang tungkol sa usapan natin dahil masyado akong nag-enjoy sa mga pinuntahan namin at ginawa ni Dee."
Lalo lang nag-init ang ulo niya. "That's fine. Tanggap ko na kung saan ako nakalugar sa'yo ngayon. I don't even expect you to keep cooking for me or coming here to my house to say hi. From now on, I'll stop being a clingy friend and I'll distance myself just so you could focus on your life with Deewee."
Double shit. The words coming out of his mouth were getting worse. Pero wala na, nasabi na niya. Hindi na niya mababawi pa.
Matagal na napatitig sa kaniya si Trini bago ito muling napayuko. "But I don't want you to distance yourself from me, Gene..."
"And I don't want to be a hindrance to your happiness, so I guess it's better for me to step back and allow you to focus on your romantic relationship with Deewee. Ayaw kitang obligahin na magbigay ng oras sa pagkakaibigan natin kung iyong oras mo ay kulang na kulang na para sa itinatayo mong negosyo at sa lalaking pakakasalan mo."
Trini opened her mouth to say something, pero muli nito iyong itinikom nang magbago ang isip. Humugot ito nang malalim na paghinga saka nagsabi ng,
"Okay."
Okay?
Okay what?
"Sa tingin ko nga ay kailangan kong matuto na kumawala rin sa'yo dahil kahit gaano pa ako ka-tibay sa tingin ng ibang tao, ay madalas pa rin akong kumapit sa'yo. I think having that space between us would teach me how to become independent. Masyado akong naging dependent sa'yo buong buhay ko na pati sanitary napkin at tampon ko ay ikaw pa ang bumibili. Na kahit apat na araw lang tayong hindi nagkita ay pakiramdam ko, para akong batang nawawala sa gitna ng ulan." Itinaas nito ang mukha, halatang pigil-pigil ang pag-iyak.
Shit, why did she have to cry?
"I promise I will learn how to not depend on you, Gene. And I promise that I will teach myself not to miss you."
Iniyuko ni Trini ang ulo at humakbang patungo sa kitchen entry. Nang papalapit na ito ay nakita niya ang tuluyang pagtakas ng luha sa mga mata nito. Doon siya lihim na nagmura. Hinagod niya ng mga daliri ang buhok sa pagka-irita; not to his best friend but to himself.
For being childish.
For making her shed a tear.
At nang dumaan si Trini sa tabi niya'y hindi na niya napigilan pa ang sariling hawakan ito sa braso.
Trini did stop, her head still bent down. Nagpakawala siya ng malalim na pahinga bago banayad na kinabig ang kaibigan at niyakap nang mahigpit.
Trinity froze for a while before she relaxed and hugged him back. Inihilig nito ang ulo sa basa pa niyang dibdib.
"I'm sorry," he whispered after a while. "I didn't mean to say those words... I don't want to distance myself from you. I don't want to put space between us."
Naramdaman niya ang lalong pag-iyak ni Trini. Doon ay hinigpitan niya ang pagkakayakap dito.
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top