CHAPTER 024 - Life Was Meaningless Without Her



MAAGANG NAGISING SI TRINI KINABUKASAN. She opened her eyes, stretched her arms up, and stared at the ceiling of the room, wondering where she was. Ilang segundo muna ang lumipas bago niya napagtantong nasa silid siya ng bago niyang bahay.

It's been a week since she moved in to the house and she's still getting used to it. Sa tuwing gigising siya ay nagtataka siya kung saan siya naroon. Ilang taon din siyang nanirahan sa apartment niya malapit sa bayan at iyon ang lugar na nakasanayan niya.

But she knew she'd get used to it. To this room. She had already paid the full amount and she would be waking up in this room for the rest of her life. She had to get used to it.

And while thinking about it, she remembered Gene.

Gene once said that he was still getting used to this new set-up; her not being there at the breakfast and dinner table. Nasanay itong siya lagi ang kasama sa ganoong mga oras, at nang dumating si Deewee ay hindi na madalas na mangyari iyon. Gene said it wasn't easy to get used to it and that he was still adjusting.

Ganoon din siya ngayon sa bago niyang kwarto.

At nakakapanibago pala. Para siyang nawawala sa gitna ng dilim.

Ibig sabihin ay ganoon din ang nararamdaman ni Gene?

Nang maisip iyon ay mabilis siyang bumangon at hinanap ng tingin ang cellphone. Nakapatong iyon sa bed side table; madali niya iyong hinablot at binuksan. She tried to ring her bestfriend. The phone was ringing on the other side, but Gene wasn't picking it up.

Damn it, bulong niya sa sarili bago tinapos ang call at lumipat sa messaging app. She typed a message:

Call me when you get a chance. I just really wanna hear your voice. Been a while now. Missing you so badly. Xx

She hit send and re-read her message.

Masyado bang clingy ang message niya? Did it sound like she was a girlfriend who was missing her lover? Hindi naman siguro? O medyo?

Umungol siya at ini-itsa ang cellphone sa kama. Hindi ganoon ang mga text messages na pinapadala niya kay Gene, pero alam niyang hindi iyon bibigyan ng ibang kahulugan ng kaibigan.

Tumayo siya at humakbang patungo sa banyo upang maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos ay nagpalit siya ng T-shirt at itim na tattered shorts bago lumabas ng silid. Nasa kabilang silid si Deewee at gusto niya itong ipagluto ng almusal. It was only 6:30AM; may oras pa siyang magluto ng masarap na breakfast.

Maybe Deewee would like pancakes with strawberry or maple syrup and crispy bacon on the side? Tumagal si Deewee sa Canada at baka iyon ang mga nakasanayan nitong almusal. May dalawang kilo siyang orange sa fridge niya; she'd probably squeeze some of them para may fresh juice sila sa mesa. With that in mind, madali siyang bumaba.

Kahit ang hagdan ay nakakapanibago. Hindi pa niya ramdam na bahay niya iyon. Pakiramdam niya ay... nasa bahay siya ni Gene. Dahil nga may pagkakapareho ang interior design pati na ang mga materyales na ginamit sa hagdan.

Pagdating niya sa gitna ng hagdan ay sandali siyang nahinto nang may maamoy na masarap na aroma. Ilang segundo siyang natigilan bago rumehistro sa isip kung ano ang mayroon. Mabilis siyang bumaba at dumiretso sa kusina kung saan niya nakita si Deewee na nakatayo sa harap ng stove at may niluluto.

"Deewee!" gulat niyang wari. Akala pa man din niya'y nasa silid pa ito at tulog.

Deewee looked over his shoulder and gave her a sweet smile. "Morning!"

"What are you... doing? I mean, I know you're cooking, pero—"

"I hope you like Chinese fried rice?"

Napamaang siya. Natawa naman si Deewee.

"I am a cook, too, Trini. Nakalimutan ko bang sabihin?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Ang sinabi mo lang ay may Filipino restaurant ka sa Vancouver! I didn't know you can cook—let alone a chef!"

Muli itong natawa. "I thought I already told you. Nag-aral ako ng culinary arts for two years bago ako nagtayo ng resto. I also cooked chicken adobo; ilalagay ko sa mesa. And oh, nasa mesa na rin ang kape mo."

Lalo siyang walang nasabi. Hindi siya makapaniwalang kay aga nitong nagising para magluto. At lalong hindi siya sanay sa ganito. She's used to cooking meal for people, at kung may kakainin siyang niluto ng iba, iyon ay sa restaurant na nakakainan niya, fastfood, o sa bahay ng pamilya ni Gene. Si Gene ay pinagluluto rin siya, pero madalang. At madalas ay pawang ramen noodles lang.

"O, luto na." Pinatay na ni Deewee ang stove saka inilapit ang malaking plato upang ilipat doon ang niluto. Makalipas ang ilang sandali'y bitbit na nito ang plato at nakangiting dinala sa dining table. Nakamaang siyang sumunod at inabutan itong nagsasalin ng kape mula sa percolator. Then, lumapit ito at ibinigay sa kaniya ang mug. Tulala niyang itinaas ang mga kamay, at nang akma na niya iyong tatanggapin ay may umagaw sa kaniyang pansin.

Sa labas ng salaming bintana kung saan tanaw ang bahay sa harapan ay nakita niya ang pagdating ni Gene sakay ng motorsiklo nito. Huminto ang motorsiklo sa harapan ng workshop/garage, bago ito bumaba mula roon upang buksan ang roll up door.

Nanlaki ang kaniyang mga mata. At bago pa niya napigilan ang sarili ay tinalikuran niya si Deewee at sa malalaking mga hakbang ay tinungo ang front door. Binuksan niya iyon saka patakbong lumabas.

Nasa kalsada na siya nang binalikan ni Gene ang mototrsiklo matapos nitong buksan ang roll up door. Nang makita siya nito'y nahinto ito at napatitig sa kaniya. Hindi siya huminto, patuloy lang siya sa lakad-takbo hanggang sa marating ito. At bago pa niya muling napigilan ang sarili ay patalon siyang yumakap sa kaibigan.

And without her realizing it, she was already shedding a tear.

"I missed you!"

*

*

*

NATIGILAN SIYA SA BIGLANG PAGYAKAP NI TRINI SA KANIYA. Awtimatikong pumulupot ang mga kamay niya sa bewang nito dahil kapit na kapit ito sa leeg niya't naka-lutang ang mga paa sa ere. Ayaw niyang masakal kaya upang alalayan ito'y hinawakan niya ito sa bewang at bahagyang ini-angat sa ere.

"I missed you!" Trini said in a shaky voice.

"I was only gone for four days," he said, trying to be as nonchalant as he could.

"But it's like forever to me. Ni hindi ka tumawag o nagtext!"

Hindi siya kaagad na nakasagot. Trini's powdery and soapy scent assaulted his nose. Sandali niyang ipinikit ang mga mata saka hinigpitan ang pagkakahapit dito. Sa loob ng ilang sandali'y magkayakap lang sila na parang ilang taon silang hindi nagkita. Pero nang pumasok sa isip niya ang dahilan kung bakit apat na araw siyang hindi umuwi ay nagmulat siya ng mga mata at niluwagan ang pagkakahawak dito.

"I was busy," he said.

"You were never busy for me!" Inilayo nito ang ulo upang titigan siya nang diretso sa mga mata. "Bakit wala kang paramdaman nitong nakalipas na mga araw?"

"Dahil hindi naman ako multo para magparamdam?" It was a lame joke, he knew. But he's got nothing to say to her. He missed her, too, but he was too prideful to admit it. Lalo ngayon na nakikita niya si Deewee na nakatayo sa nakabukas na pinto ng bahay ng kaibigan.

"Hindi nakakatawa ang joke mo, pero dahil na-miss kita ay pagbibigyan kita r'yan."

Ibinalik niya ang tingin kay Trini at nakita ang pag-irap nito.

"Nakakatampo ka, pero dahil mahal kita ay bati na tayo," sabi pa nito.

Hindi siya sumagot. Ang kaniyang pansin ay muling nalipat kay Deewee na hindi umalis sa kinatatayuan. Unti-unti niyang ibinaba si Trini.

"Did Deewee spend the night in your house?"

Tumango ito at nilingon ang bahay. Doon ay nakita rin nito si Deewee na napangiti sa paglingon ng kaibigan. "Yes. Ginabi na siya nang ihatid ako kaya inimbitahan ko na siyang dito matulog. Don't worry, he slept in the guest room—"

"Why do you always assume that I would worry about stuff like that, Trinidad?"

Ibinalik ni Trini ang tingin sa kaniya. "Eh 'di ba nga, ikaw rin ang may sabi noon na h'wag muna akong bibigay?"

"Yeah, pero hindi ko hawak ang buhay mo. Ikaw pa rin ang magde-desisyon para sa sarili mo, at—"

"Ang aga mong magsungit." Hinawakan siya nito sa kamay, at bago pa siya makapalag ay hinila na siya nito patungo sa bahay nito. "Sabayan mo na lang kaming mag-almusal. Nagluto si Deewee."

"No thanks, kumain na ako—"

"Imposible. Hindi ka kumakain ng almusal nang mas maaga pa sa alas seis. Come on, just join us." Nilingon siya nito. "I'll make you coffee. With love, of course."

Hindi na siya sumagot at pumalag pa. Hindi dahil sa sinabi nito kung hindi dahil sa butil ng luhang nakita niya sa mga mata ng kaibigan.

If Trini only knew how he hated the last four days that he didn't see her. Para siyang tandang na hindi mapakali kaiisip dito.

At sa sandaling pagkakalayo nilang iyon ay may napagtanto siya.

His life was meaningless without her.




TO BE CONTINUED...


Don't forget to FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top