CHAPTER 023 - Something Annoying...
10 MINUTES PAST ELEVEN O'CLOCK. Dalawang oras na halos na naghihintay si Gene sa paghimpil ng puting Ford Ranger ni Deewee sa harap ng bagong bahay ni Trini subalit hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa rin.
Bandang alas otso ng gabi nang huling nagpadala ng mensahe si Trini at nagsabing hindi na ito makasasabay sa hapunan sa kaniya dahil nasa San Nicolas pa rin daw ito kasama si Deewee, na-cancel daw ang lakad nito kinabukasan kaya nagpasyang mag-extend. The two were having Italian dinner, habang siya naman ay padabog na nagluto ng instant ramen sa kusina niya.
Fuck. Masyado siyang nasanay na si Trini ang nagluluto, tuloy... heto siya. Hindi alam kung ano ang kakaining mag-isa. Sure, he could order his meal. But he always lost his appetite in the middle of his meal whenever he eats it alone. Hindi siya sanay.
Sanay siyang kasama si Trini.
Isa sa mga dahilan kung bakit hindi rin siya kumakain ng lunch ay dahil wala siyang kasabay. He would often drink his protein shake at lunch, or an apple or sometimes, a banana. Lagi niyang inihahanda ang tiyan sa hapunan kung kailan laging may bidang recipe na niluluto si Trini, kung hindi man ay umo-order sila at kumakain sa labas.
And double fuck, nangako itong uuwi bago ang hapunan!
Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan niya bago siya tumayo mula sa pagkakaupo sa harap ng front door at umunat.
Nangako rin siya sa kaibigan na hindi magtatampo sa kakulangan nito ng oras sa kaniya. Well, he had her all his life. It's time for his best friend to focus on her lovelife. It's time to hand her over to the man she liked.
Kaya kahit na naiinis siya sa hindi nito pagtupad ng pangako sa gabing iyon, at hahabaan niya ang pasensya at iintindihin niya dahil may ipinangako rin siya nito!
And he really had to get used to this now. He really had to.
Sinulyapan niya ang oras sa hawak na cellphone. Kanina pa niya gustong lumabas na lang at pumunta sa pub na madalas nilang puntahan ng kaibigan, pero naisip niyang baka umuwi na naman ito ng lasing at baka kung ano pa ang mangyari. Kaya naroon siya sa harap ng kaniyang pinto at naghihintay sa pag-uwi ng mga ito na parang tanga. Kanina pa siya nilalamok doon. Kanina pa siya parang ulol na kinakausap ang sarili at pinapayuhang huminahon, magpasensya, umintindi.
At nag-aalala siya sa maaaring mangyari kapag hindi siya naghintay roon, hindi dahil wala siyang tiwala kay Deewee. He was more worried about Trini.
She could be reckless sometimes. Paano kung sa sobrang desperasyon nitong makapag-asawa at magkaanak ay tuksuhin nito si Deewee hanggang sa hindi makapag-pigil ang isa at bumigay? Trini was a beautiful woman with a nice body. She may not be as gorgeous as other women he met, but he could confidently say that his best friend got the looks men would remember for a long time.
At duda siya kung alam iyon ni Trini.
Lagi nitong idina-daing na kung mas malaki sana ang hinaharap nito'y baka may nanliligaw rito. Na kung maputi sana ito, na kung mas matangos pa sana ang ilong... and many more excruciating complaints about her body that sometimes pisses him off. Hindi nito alam na kaya walang nanliligaw rito ay hindi dahil hindi ito maganda—sa sarili nitong pananaw—kung hindi dahil sa pagkakaroon nito ng malakas na personalidad.
Yes, Trini has that. She has a strong personality that some men would probably find scary... and intimidating. She didn't smile a lot unless she was with him. Her eyes were big and slanting; tila mga mata ng tigre. Her lips looked like she was always smirking, at isa iyon sa mga bagay na hindi nito sinasadyang gawin pero nakasanayan lang dahil siya ang laging kasama. She would always smirk at him hanggang sa nakasanayan na nito at gawin sa lahat ng makausap.
Kung hindi sila magkaibigan at kung hindi niya ito lubos na kilala ay baka isipin niyang gusto nitong tumandang dalaga. Because Trini didn't know how to flirt with men! Kahit kapag nasa pub sila'y balewala rito ang makipagkilala sa mga lalaki. Minsan na rin niya itong ipinakilala kay Sky O'Hana, ang race car driver na kliyente niya. Sky was attracted to Trini but his damned best friend wouldn't even look at Sky when they were at the pub. Inisip tuloy ng isa na may attitude problem si Trini, kaya hindi na ito nagpursige pa.
Sinayang din iyon ni Trini.
Sky wasn't only a professional popular race car driver, he was also one hell of a class-A man.
But Trini was too picky...
Too picky for her own good.
Isang pamilyar na makina ng sasakyan ang gumising sa malalim niyang iniisip. Napatuwid siya ng tayo at lumingon sa kalsada. Doon ay nakita niya ang Ford Ranger ni Deewee na dumating at pumarada sa harap ng kalsada. Pero hindi sa harap ng bahay niya, kung hindi sa tawid. Doon sa bahay ni Trini.
Thank God, she's home.
Akma siyang hahakbang patungo sa kotse nang makitang umikot si Deewee at pinagbuksan si Trini ng pinto. He stopped and stood on his ground. Ayaw niyang sirain ang diskarte ni Deewee kaya pinanatili niya ang sarili sa kinatatayuan. Deewee was being a gentleman trying to impress Trini, and he thought it was cute so he stood there and watched the two.
Tinanggap ni Trini ang kamay ni Deewee saka maingat na bumaba. She was smiling from ears to ears, mukhang naging maganda ang buong araw nito kasama si Deewee.
Mabuti kung ganoon, bulong niya sa sarili. Kahit na may munting tinig sa likod ng kaniyang isip na sumusulsol na mainis ulit siya. Na magtampo siya dahil hindi ito tumupad sa pangako. Na kalimutan niya ang pangakong binitiwan niya sa kaibigan, tutal ay hindi rin nito tinupad ang pangako sa kaniya ngayong gabi.
Damn it. He pushed those thoughts to the deepest section of his brain and stepped back to the dark corner of his house to hide. Ayaw niyang mapansin siya ng mga ito doon. Kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag dahil mukhang hindi lasing si Trini. Hindi niya kailangang mabahala.
Sandaling nag-usap ang dalawa hanggang sa yumuko si Deewee at hinalikan sa pisngi si Trini.
Nagpakawala siya nang malalim na paghinga. Hindi niya alam kung bakit siya nairita nang makita iyon.
Well, at least hindi pinahintulutan ni Trini na halikan ito ni Deewee sa mga labi. At mabuti dahil sinunod ng kaibigan ang payo niyang maglagay ng distansya hanggang sa maging opisyal ang mga ito. He didn't want Deewee to think Trini was like any other women.
Ilang sandali pa'y nakita niya ang pag-alalay ni Deewee kay Trini hanggang sa marating ng mga ito ang front door. Muling nag-usap ang dalawa hanggang sa tumalikod si Deewee at nakangiting humakbang pabalik sa kotse nito.
Si Trini ay hindi umalis sa kinatatayuan hanggang sa tuluyang umalis ang sasakyan ni Dee at mawala sa paningin nito.
He stepped forward in an attempt to show himself and raised his hand to get Trini's attention. But then... she turned her back, opened her front door, got in, and closed it again.
Salubong ang mga kilay niya habang ang kamay ay naka-angat pa rin sa ere. Sandali siyang natigilan hanggang sa unti-unti niyang ibinaba ang kamay saka bumulong nang...
"Did she not see me?"
Hindi na madilim ang bahaging kinatatayuan niya ngayon. Nasa harap na siya halos ng kalsada at may poste sa hindi kalayuan kaya may liwanag sa kinaroroonan niya. Imposibleng hindi siya makita nito?
"She deliberately ignored me then?"
Hindi siya makapaniwala.
At sa huling naisip ay umusbong ang hindi niya maipaliwanag na negatibong damdamin.
Something he had never felt before.
Something... that annoyed him.
*
*
*
NAKANGITING IBINAGSAK NI TRINI ANG SARILI SA IBABAW NG KAMA SA BAGONG SILID. Nangangarap na napatitig siya sa kisame habang binabalik-balikan sa isipan ang mga pinuntahan nilang lugar ni Deewee at mga kinainan nila. She was so glad that she and Deewee had the same taste buds! Lahat ng paborito niyang pagkain ay paborito rin nito!
And oh, was he gentleman the whole day! He never tried to take advantage of or show her disrespect. He was nice as always. At lalo niya itong nagugustuhan.
Habang iniisip si Deewee ay napa-piksi siya nang maring ang tunog ng cellphone niya. She sat on her bed and grabbed her purse on the side table, taking the phone out expecting to see Deewee's name on the screen. Pero hindi si Deewee ang tumatawag.
Nang makita ang pangalan ni Gene ay napangiti siya. She placed the phone onto her ear and said, "Hey—"
"Nakita ko ang pagdating ninyo. How was the date?"
Kinunutan siya ng noo nang may mahimigang mali sa tinig ng kaibigan. Sandali niyang inalis ang cellphone sa tenga at tinitigan iyon na tila ba makikita niya mula roon ang mukha ng kaibigan. Muli niyang ibinalik ang cellphone sa tenga at nagsalita,
"Are you alright?"
"Of course. Why would I be not?"
"I don't know. You sound different."
Sandaling natahimik si Gene sa kabilang linya, habang siya naman ay muling ngumiti at nangangarap na tumitig sa kisame. "I had a great time today, Gene. May nahanap na akong location at may nakilala akong agent na mag-aasikaso ng mga papeles para hindi na ako mahirapan pa. I'm not gonna rent the space, I'll buy it."
Nanatiling walang kibo si Gene. Nagpatuloy siya sa pagku-kwento ng tungkol sa space na nahanap niya nang bigla nitong putulin ang mga sinasabi niya nang muli itong nagsalita,
"I'm hungry. Do you mind joining me for a midnight snack?"
Muli niyang ibinagsak ang sarili sa kama at banayad na umungol. She was dead tired, at gusto na lang niyang magbabad sandali sa shower at matulog pagkatapos.
"I'm just tired. Parang hindi ko na kayang bumaba."
"I see..." Muli itong natahimik. Hanggang sa narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "By the way, uuwi ako ng Asteria sa Byernes. Do you wanna come?"
Friday. Friday... Friday... She mentally checked her schedule and when she realized that she already promised Deewee another date on Friday, a loud groan came out of her throat.
"Hindi ako makakasama this Friday. Sorry."
"May lakad kayo ni Deewee?"
Tumagilid siya at ipinatong ang siko sa kama habang ang kamay ay naka-alalay sa ulo niya. "Yeah. May kaibigan siyang darating mula Canada na magdiriwang ng kaarawan dito sa Pinas. Sa Maynila kami patungo ni Deewee sa Byernes. He booked a hotel room at Sabado na kami makababalik. Don't worry, hindi ko isusuko ang Bataan." She chuckled at her own joke, at inasahan niyang si-sermonan na naman siya ni Gene, subalit...
"Okay. Have a great time on Friday. And... good night."
Then, the busy tone.
Napatitig siya sa cellphone.
Bigla na lang siyang binabaan ni Gene ng cellphone? Well, it wasn't the first, but it was off. Parang may mali.
Ilang sandali pa niyang tinitigan ang cellphone bago nagkibit-balikat at bumangon upang ilapag iyon sa ibabaw ng sidetable. Tumayo siya at nagtungo sa banyo. Mabilisan siyang naligo, at nang makapagbihis ay bumalik sa kama at muling nahiga. She checked her phone one more time, and when she saw a new message coming in from Deeewee, she smiled brightly. Binasa niya ang mensahe, pero imbes na magtype ng reply ay tinawagan niya ito dahil alam niyang nagmamaneho ito.
Alas-tres ng madaling araw na siya nakatulog dahil sa pakikipag-usap kay Deewee.
Ang hindi niya alam, ay lumabas ng bahay si Gene saka ng motorsiklo nito at hindi nakauwi kinabukasan.
*
*
*
APAT NA ARAW NA HINDI NAGKITA SINA TRINI AT GENE. Sinubukan ni Trini na tawagan si Gene kinabukasan matapos ang huling pag-uusap nila subalit nakapatay ang cellphone nito. Naka-lock din ang pinto ng bahay nito at gamit ang duplicate key pumasok ang dalaga upang silipin kung naroon ang kaibigan. But Gene was nowhere to be found.
The next day, muling tumawag ang dalaga upang ipaalam sa kaibigan na nakahanap ng mas maganda at mas malaking lokasyon sa San Nicolas. She decided to buy it, but the space needed reconstruction. Gene's phone was ringing, but he didn't answer. Kinagabihan ay nakatanggap na lang ang dalaga ng text message mula rito, saying that he will be back on Sunday, at saka na lang sila mag-usap pagdating ng araw na iyon.
Pagdating ng Byernes ay nagkita namang muli sina Trini at Deewee. They drove to Manila and attended the party as planned. Nag-club hopping din ang mga ito, at nang bandang alas once ay pumunta na sa hotel kung saan nag-book ng dalawang magkatabing kwarto si Deewee. Like usual, Deewee was a gentleman who never forced his way to Trini. Maingat itong hindi magkaroon ng bad record sa pamilya Zodiac.
Sabado ng gabi nang maihatid ni Deewee si Trini sa Ramirez, at dahil gabi nang masyado at dalawang oras pa ang biyahe pabalik ng Maynila ay inimbitahan ng dalagang doon na sa guest room matulog si Deewee.
She cooked for dinner and they ate together. She was enjoying Deewee's company but at the back of her mind, she knew that something was amiss.
Parang may kulang.
Parang may kaunting sagabal kaya hindi niya magawang maging lubos na masaya.
At habang magkasama silang kumakain sa harap ng mesa ay parang may kakaibang nararamdaman si Trini. Parang... may mali.
At sa tuwing napapangat ang tingin nito sa kaharap ay tila ibang mukha ang nakikita ng dalaga.
Mukha ni Gene.
Kumakain at pinipintasan ang niluto niya kahit masarap naman. Laging may sinasabi, pero nagagawa namang ubusin ang lahat na inilalagay sa plato at magri-request pang bukas ulit. At sa susunod pang bukas... at sa susunod pa.
She was used to cooking food for her bestfrined. Now, she was cooking for her future boyfriend. And she felt so differently seeing someone else eat with her at the table in her house. Nasanay siyang si Gene ang laging kasamang kumain kapag nasa bahay lang siya. Kapag nasa isang fancy restaurant sila ni Deewee ay hindi niya naiisip o nararamdaman iyon, pero kapag ganitong nasa bahay siya... it felt weird.
And oh, she missed Gene. Sa loob ng apat na araw na hindi sila nagkita ay parang bumigat ang pakiramdam niya. Ni hindi ito tumawag at nag-send ng mensahe matapos ang huli nitong message noong Huwebes ng hapon. Alam ng dalagang nasa Asteria ito, pero hindi pa rin magawang matahimik ni Trini.
Sa loob ng ilang taong pagkakaibigan nila ay ito ang unang beses na hindi sila nagkausap ni Gene nang ganito ka-tagal. And she missed him. So damn much she'd go crazy.
Habang patuloy sa pagkukwento si Deewee sa harap ng mesa ay napalingon naman siya sa glass window kung saan natatanaw ang harapang bahay. Nakapatay pa rin ang ilaw ng bahay ni Gene, ibig sabihin ay hindi pa rin ito nakauuwi.
Isang mahabang paghinga ang pinakawalan ni Trini bago ibinaba ang tingin sa plato.
Sana bukas ay makauwi na si Gene. She wished she'd see him first thing in the morning. Kung hindi ay baka maloka na siya kaiisip dito.
TO BE CONTINUED...
Don't forget to FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top