CHAPTER 022 - Getting Used To It
"WHY ARE YOU ACTING WEIRD, ANYWAY?" Salubong ang mga kilay ni Trini nang humarap kay Gene. Nasa mga labi ang pinong ngiti.
"It's nothing." Umiwas ng tingin si Gene. Itinaas ang dalawang kamay sa likod ng ulo at humilig sa sandalan ng couch. "I just realized that I'm losing my bestfriend now that she's busy with her new man."
Sandaling natigilan si Trinity-- at ganoon din si Gene. Hindi nito napigilan ang sariling sabihin iyon. He thought he was still talking to himself, but what he didnt realized was that he was actually talking loudly and Trini was able to hear what he just said.
"Wait, what?" Manghang napangiti si Trini. "Are you getting—"
"Jealous?" dugtong ni Gene. "No. I'm just worried na baka mawalan ka na ng oras sa pagkakaibigan natin."
"Hindi mo naisip 'yan nang bigyan mo ako ng ka-date? Matik na 'yon, Gene."
Nilingon ni Gene ang kaibigan. "Hindi ko ginawa iyon noong may syota ako. I balanced my time between you two; at kung iisipin ay mas lamang pa nga ang oras na ginugol ko sa'yo kaysa sa kaniya."
"And you expected me to do the same?"
Muling natigilan si Gene. Hanggang sa napabuntonghininga ito. "No. Sorry, I shouldn't have said that. Hindi ko gustong ilagay ka sa sitwasyon na kailangan mong mamili sa amin ng lalaking makakarelasyon mo tulad ng ginawa ko noon. What I was just trying to point out is that... I'm scared that we wont be able to do things we used to do. I'm worried to lose my bestfriend."
"Oh, Gene..." Umusog pa si Trini palapit sa kaibigan at inihilig ang ulo sa balikat nito. "Maaaring mababawasan ang oras ko sa pangungulit sa'yo, at baka hindi na magiging ganoon ka-dalas ang pagsabay ko sa'yo sa pagkain, but you are still and will always be my best friend and my partner in crime. Nothing... and no one could change that."
Isa pang mahabang paghinga ang pinakawalan ni Gene bago ibinaba ang kamay at ini-akbay kay Trini. "Sorry for thinking this way. Nag-umpisa lang ito kahapon. I thought we're having dinner together, tapos ay bigla mo akong iniwan."
Masuyong ngumiti si Trini saka muling itinaas ang mukhan upang titigan ang kaibigan. "You know how much I wanted to settle down and have my own family. Sa tinagal-tagal ng panahon ay nahanap ko na rin ang lalaking gusto kong makasama. And I am happy, Gene. At inaasahan kong magiging masaya ka rin para sa akin—""
"I am happy for you, Trini. I'm probably still adjusting. At kung si Deewee talaga ang lalaking makakatuluyan mo, magiging panatag ako dahil kilala siya nang lubos ng kapatid ko." Niyuko rin nito ang kaibigan. "I'll get used to it, just give me some time."
Tumango si Trini. "Hindi ka na magtatampo kapag hindi ako nakakasabay kumain ng almusal at hapunan?"
Ngumiti si Gene at umiling. "I promise, I won't."
"Ikaw ang magiging best man slash maid of honour ko?"
"Nag-propose na ba?"
"Hindi pa nga kami, eh." Trini chuckled and laid her head back on his shoulder. "Pero ano'ng malay natin? Baka kapag sinagot ko na ay ayain na kaagad akong magpakasal."
Masuyong ngumiti si Gene at kinabig pa nang husto si Trini. Muli nitong ini-hilig ang ulo sa sandalan ng couch at ipinikit ang mga mata. "I'll think about it, then."
Hindi na sumagot pa si Trini, at sa mahabang sandali ay namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
Hanggang sa may naalalang itanong si Gene.
"Do you love him, Trini?"
Matagal bago sumagot ang dalaga, "Not yet. But I'm getting there."
A mixture of relief and panic rose to his chest. Weird, but Trini's answer made him uneasy...
"Magpapahinga lang ako saglit ng mga paa ko, then I'll transfer to my house."
He opened his eyes and bent his head to look at her. "Dapat ay hindi mo na pinilit na isuot ang sapatos na 'yan kung ganitong magrereklamo ka."
Napangiti ito, ang mga mata'y nakapikit. "Feeling sexy ako kanina habang suot ako ang sapatos na 'to. At isusuot ko itong muli sa susunod kahit pa alam kong mananakit na naman ang mga paa ko. You know why?"
"Why?"
"Because they give me confidence. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit maraming babae ang mahilig sa magagandang mga sapatos, at ngayon ay alam ko na rin kung ano ang ibig sabihin ng salitang tiis-ganda."
"Titiisin mo ang sakit para magmukhang maganda sa lalaking dine-date mo?" Gene couldn't help but scoff. "Hindi mo kailangang gawin iyan sa tamang lalaki, Trinidad."
Si Trini, sa labis na pagod at antok, ay napahagikhik na lang. She didn't realize how deep those words meant.
Muling napabuntong-hininga si Gene bago hinawakan sa gilid ng ulo ang kaibigan upang ihilig ito nang maayos sa balikat niya. Makalipas pa ang ilang sandali ay muling nagsalita ang binata.
"You looked so beautiful yesterday, by the way. Your white dress and red shoes suit you well."
Pero... hindi na iyon narinig pa ni Trini.
Because she instantly fell asleep in her best friend's arms. Like usual.
*
*
*
TWO DAYS AFTER THAT MIDNIGHT CONVERSATION...
Alas nueve ng umaga nang binuksan ni Gene ang workshop. He had just finished having coffee and was ready to start working when he turned to Trini's house and saw her walking out of her door.
Sandali siyang nahinto sa akmang pagtalikod upang lapitan ang ginagawang kotse. Salubong ang mga kilay na sinundan niya ng tingin ang kaibigan hanggang sa makalapit ito at makapasok sa workshop.
"Morning!" bati nito.
"Ayos, ah?" aniya, ang tingin ay bumaba sa suot ng kaibigan. She was wearing black poloshirt with sleeves rolled up to her elbows and hem tied up together, then white jeans and black velvet boots with two inches heels. "Sa bayan ka lang pupunta para maghanap ng mare-rentahang area para sa itatayo mong negosyo pero 'yang suot mo ay--"
"Do I look alright?" Umikot ito sa harapan niya na parang modelo, ang kaliwang kamay ay naka-patong sa bewang.
"No," he answered before smiling at her. "You look gorgeous."
"I know, right?" Humagikhik ito. "Feeling ko ay gumaganda ako lalo kapag magandang damit at sapatos ang isinusuot ko. Sa loob ng ilang taon ay puro halos uniform ko sa opisina ang suot ko, at kung weekend naman kasama ka'y tamang porma lang 'di tulad nito. Feeling ko'y bente-uno lang ako ngayon."
Nakangiti siyang umiling sa pagka-aliw. Nahahawa siya sa ngiti ng kaibigan. "Remember, you need to look for a place big enough to cater your customers."
"I know, I know. Napag-usapan na natin ito kagabi." Niyuko nito ang maliit na sling bag at inilabas mula roon ang cellphone. Sandali itong may binasang mensahe bago napalingon sa kalsada. Sumunod ang tingin niya roon at nakita ang paparating na sasakayan ni Deewee.
Nawala ang ngiti sa mga labi niya.
Pero huminahon siya. Napag-usapan na nila ni Trini ang tungkol dito. He need to get used to this. Gusto niyang maging masaya para sa kaibigan.
And with that in mind, he forced himself to smile.
Damn it, he thought. I've never been this fake all my life.
Huminto ang kotse ni Deewee sa harap ng workshop niya na tila alam na doon maghihintay si Trini. Ilang sandali pa ay bumaba ang salaming bintana ng front seat at nakita nila ang pagkaway ni Deewee mula sa loob.
Nalipat ang tingin niya kay Trini at nahuli ang pagkagat nito sa ibabang labi upang pigilan ang sarili sa pag-tili. Napa-iling siya sa pagka-umay.
"Kinikilabutan ako sa'yo, Trinidad."
Ibinalik ni Trini ang pansin sa kaniya, napanguso. "Aw, come on. Ngayon lang ako ulit kinilig, eh."
"So, I guess nagpasama ka kay Deewee na maghanap ng location?"
"Yep. But first, we'll have breakfast at the newest breakfast resto in San Nicolas. Tapos ay saka kami maghahanap ng area sa bayan. Kung wala akong makita sa bayan ay susubukan namin sa San Nicolas. Pwedeng doon ko itayo ang facility dahil mas maraming pet owners doon kaysa rito. But that depends, I'll keep you posted." Lumapit ito sa kaniya at huminto ng ilang dipa bago nagpakawala ng ngiti. "Manonood kami ng movies pagkatapos saka mamamasyal. Don't worry though, hanggang doon lang ang napag-usapan naming gagawin. I'll be back before dinner."
"I'm not worried. Hindi ko lang inasahan na maaga kayong magkikita ngayong araw. And here I thought I'd eat breakfast with you today."
Nawala ang ngiti ni Trini, may napagtanto. "Oh no! Inasahan mo bang magluluto ako ng breakfast ngayong umaga?"
"Well, hindi mo binanggit kagabi na magkikita kayo ni Deewee kaya inasahan kong sabay tayong mag-aalmusal bago ka umalis papuntang bayan ngayong umaga. But it's all good. See you at dinner, then?"
"Yes, I promise to be here before dinner. May importante ring lakad si Deewee bukas ng umaga kaya kailangan niyang umuwi nang maaga ngayon." Lumapit pa ito at nakangiting tumingkayad upang halikan siya sa pisngi. "I gotta go. I'll order breakfast for you while we're on our way to—"
"No need, I can handle myself and my own breakfast. I'm a big boy now." Pilit siyang ngumiti at ibinaling ang tingin sa nakahintong kotse nang makita sa gilid ng tingin ang pagbukas ng driver's door at ang pagbaba ni Deewee. Naglakad ito patungo sa workshop. "Hey, Dee."
"Hi, Gene!" Malapad itong ngumisi. "Wanna join us for breakfast?"
"Nah. Kaya ni'yo nang dalawa 'yan."
"Hindi ka magtatampo, ha?" bulong naman ni Trini na pigik niyang ikinatawa.
"Silly. Napag-usapan na natin 'to noong nakaraan. We're good." He then gently touched Trini's face and said, "Enjoy your day. Let me know if you found a place."
Tumango ito at muling tumingkayad upang halikan siyang muli sa pisngi. "Okay, I'll catch you later. Luv you. Bye!"
Humakbang na patungo sa kotse si Trini, habang si Deewee naman ay sandaling nagpaiwan upang kausapin si Gene.
'I'll take good care of her, Acky. Don't worry."
"Im sure you will." Ngumiti siya. Wala naman talaga siyang problema kay Deewee. He recommended the man and he knew he wouldn't hurt Trini. Sa sitwasyon lang siya pikon, but he knew he would get used to it eventually. "Bring her back safe and sound."
Ngumiti rin si Deewee sabay tango. "Ilang ulit kong inisip ang sinabi mo noong nakaraan na nakikita mong may pag-asa ako kay Trini kaya dalasan ko ang pagpapa-impress sa kaniya. I kept your advise in mind, so I wouldn't do anything bad to her that would disappoint you and the whole Zodiac family. Alam ko kung gaano ka-espesyal si Trini sa pamilya ninyo."
That made him smile, genuinely this time. Mabuti at alam ni Deewee kung ano ang babanggain nito sakaling may ginawa itong hindi maganda sa matalik niyang kaibigan. Itinaas niya ang kamay sa balikat ni Deewee at doon ay marahang timapik-tapik. "Drive safe. And please keep her happy."
Nang makaalis na ang dalawa ay nakangiting ibinaling ni Gene ang pansin sa gagawin. Masaya siyang makausap si Deewee at marinig ang pagpapahalaga nito kay Trini. Mukhang wala siyang kailangang alalahanin; Trini was in safe hands.
It was just a shame that her best friend had started to lose time for him...
TO BE CONTINUED...
FOLLOW / COMMENT / VOTE / SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top