CHAPTER 021 - Tantrums
ALAS SINCO NG HAPON nang matapos si Gene sa ginagawa sa workshop. With his hands all greasy, he pressed the button of the automatic roll-up door to close it down. He was done for the day and was ready to chill. Sa kusina ay nakasalang ang bulalo na inihanda ni Trini; sandali itong nagpaalam sa kaniya para lumipat sa bahay nito.
Nang sumara ang steel door ay saka siya pumasok sa kusina. Dumiretso muna siya sa lababo upang maghugas ng mga kamay, at habang nagsasabon at sinulyapan niya ang may kalakihang boiler kung saan inilagay ni Trini ang karne. Mahina ang apoy, at nakabukas ang takip. Nasa ibabaw pa ng lababo ang mga nahugasan nang sangkap tulad ng yellow corn at pechay. Ibig sabihin ay hindi pa luto ang hapunan; he still had time to shower and change his clothes.
Matapos maghugas ay lumabas siya ng kusina upang umakyat na sa kaniyang silid, subalit bago pa man niya marating ang hagdan ay bumukas naman ang front door at iniluwa si Trini na bihis na bihis.
Nahinto siya. Ang kaniyang mga mata'y bumaba sa suot nito.
She was wearing a white fitting dress and a pair of red stilletos. Ang haba ng damit nito'y isang pulgad lang bago umabot sa tuhod, at walang manggas. Ang buhok nito'y naka-pusod, ang mukha ay may tapal ng make-up. She looked so posh and sexy at the same time.
Nagsalubong ang mga kilay niya.
"Ayos, ah?" aniya. "Kakain lang ng bulalo pero ang porma'y pang-binyag. Ayos ka lang, Trinidad?"
Pangiwi itong ngumiti. "I have to go. I'll be back before midnight."
Lalong lumalim ang gatla sa kaniyang noo. "Where are you going?"
Trini opened her lips to answer when suddenly, they heard a horn. Lumingon si Trini sa nakabukas pa ring front door, at ang tingin naman niya'y lumagpas sa balikat nito.
Sa harap ng bahay ni Trini ay may humimpil na isang sasakyan na pamilyar sa kaniya.
It was Deewee's white Ford Ranger.
"Oh, there he is." Muli siya nitong hinarap. "Timplado na ang bulalo. In ten more minutes, pwede mo nang ilagay ang mais at pechay. Pre-cooked na ang mais kaya pwede mong isabay 'yon sa dahon. Pag nasahog mo na pareho, just let it simmer for another minutes then you can have the soup."
"Wait, wait, wait." Itinaas niya ang dalawang palad sa ere. "May lakad ka pala pero hindi ka nagsasabi?"
"Well, kailangan ko bang magpaalam sa'yo kung makikipag-date ako kay Deewee?"
"No. But--" He stopped. Ano ba ang inaangal niya?
Malapad na ngumisi si Trini, humakbang palapit sa kaniya, at walang ibang salitang tumingkayad upang dampian siya ng halik sa pisngi.
"You stink but I still love you. See you tomorrow morning."
Hinawakan niya ito sa braso bago pa ito tumalikod. "Papaano ko uubusin ang isang kalderong sabaw na iyon, Trinidad?"
He's got nothing to say. Gusto niyang mapikon at hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit.
"Magtira ka para bukas; ulamin natin sa almusal." Tuluyan na itong tumalikod at humakbang pabalik sa front door. Doon ay nakita niya ang estilo ng damit nito sa likod.
Trini's dress had a deep V-line back design, and it was supposed to look good, but it pissed him off.
"Hindi ba parang masyadong provocative 'yang suot mo, Trinidad?"
Trini stopped and looked over her shoulder. "You think so?"
"Yes. And you used to show me all your dresses before going on a date. You used to ask for my opinion. Bakit hindi mo ginawa ngayon?"
Balewala itong nagkibit-balikat. "Because Deewee said I could wear anything and I would still look good in his eyes."
"Don't believe him."
"Why not?"
Bakit nga ba?
Bakit ba niya sinisiraan ang lalaking siya rin naman ang nag-rekomenda?
Ano ba ang problema niya?
Nagpakawala siya nang malalim na paghinga bago ibinaba ang tingin sa suot nitong sapatos.
"Kahit ang sapatos mo'y mataas, Trinidad. Hindi ka ba mapipilay riyan?"
"Oh my God, Heneroso!" Natatawang humarap muli si Trini sa kaniya. "Kung tutuusin ay mas mataas pa ang sapatos na suot ng mga babaeng nakaka-date mo!"
"You're not making any sense. Sila iyon, hindi ikaw. Iba ka. You're not used to wearing these--"
"I wanted to impress my date; a little change won't hurt?"
"A little change won't hurt, alright, but your feet will."
"Eh 'di hilurin mo na lang mamaya pag-uwi ko." Kinindatan siya nito at tuluyan nang tumalikod. Wala na siyang nagawa at nasabi pa; sumunod na lang ang tingin niya sa kaibigan hanggang sa marating nito ang pinto. Bago ito tuluyang lumabas ay kumaway ito saka iyon ini-sara.
Naiwan siyang tulala at nakatitig sa front door.
Things were changing right in front of his eyes. Masaya siyang masaya ang kaibigan, pero hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaiba kanina nang makitang paalis ito at hindi niya makakasalo sa hapunan.
It was a feeling so unfamiliar... and he was affected big time.
Isa pang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya bago tumalikod at nagtungo sa kusina. Nilapitan niya ang dalawang stainless bowl na pinaglagyan ni Trini ng naka-cut nang mais at pechay saka sabay na ibinuhos sa loob ng kaldero. At dahil halos pabalya niyang inilagay ang mga iyon ay tumalsik ang mainit na sabaw at tinamaan siya sa mga braso.
Sunud-sunod siyang nagmura.
Kung pwede lang na hamunin niya ng away ang kaldero ay ginawa na niya. He was so pissed he could murder it.
Shit, usal niya sa isip bago inis na ini-itsa ang dalawang stainless bowl sa lababo.
Nawawala sa ayos ang utak niya.
He needed some beer.
*
*
*
"HI, HANDSOME!" nakabungisngis na bati ni Trini nang pagbuksan niya ito ng pinto bandang ala-una ng madaling araw. Hawak-hawak nito sa isang kamay ang pulang sapatos na suot nito nang umalis kahapon ng hapon.
"What?" salubong niya. Humalukipkip sa harap ng pinto at hindi ito binigyang-daan.
"Ang sakit ng paa ko," anito, nakangisi.
"Not my problem." Hinawakan niya ang handle ng pinto at akma iyong isasara. "Nasa tapat ang apartment mo. Matulog ka na at amoy alak ka."
Humaba ang nguso ni Trini, lumapit, at pinitik siya sa ilong. "Dalawang shots ng scotch on the rocks lang ang tinira ko, hindi ako lasing."
"Wala akong sinabing lasing ka."
"At ayaw kong umuwi. I wanted to talk to you." Banayad siya nitong itinulak sa dibdib upang paatrasin, and when he did, she stepped in.
Tulad ng ginawa niya kahapon ng umaga.
Now, the table had turned. Siya naman ang may tampo at ayaw itong papasukin sa bahay niya. Si Trini naman ngayon ang walang pakialam at pumasok pa rin. Dire-diretso ito sa sofa at doon ibinagsak ang sarili.
"Oh... I'm so tired!" Ibinaba nito ang mga sapatos sa paanan saka inisandal ang sarili sa backrest ng couch. "Bakit pala naka-lock ang pinto mula sa loob?"
"I don't know." He knew, of course. Sinadya niyang i-lock ang pinto dahil naiinis pa rin siya hanggang sa mga sandaling iyon.
"Sinadya mo bang i-lock?"
"Of course not. Why would I do that?"
"Yeah, why would you? Malibang may itinatago ka?" Ngumisi ito. "May kasama ka bang babae sa kwarto mo?" Nalipat ang tingin nito sa itaas.
"Wala akong kasamang babae ngayong gabi." Lumapit siya at naupo sa tabi nito. "How was the date?"
"Meh."
Nilingon niya ito. He was about to ask what happened and why was she disinterested to tell him when suddenly, Trini burst out laughing.
"It was great!" natatawa nitong wari. "Best date I've ever had." She dreamily rested her head on the headrest and stared at the ceiling. "Sasagutin ko na si Deewee sa kaarawan ko, Gene. Siguro na ako sa kaniya."
Sandali niyang pinagmasdan ang anyo ng kaibigan. Trini was looking so happy despite the exhaustion, and he wanted to be happy for his best friend, too. But he was too upset about her leaving him all alone last night without prior notice.
Which was odd, dahil hindi naman siya dating ganoon.
Lihim siyang napabuntonghininga bago rin inisandal ang sarili sa backrest ng couch. Napatitig siya sa nakapatay na TV.
"If you and Deewee would become lovers, ibig sabihin ay mas mapapadalas ang pagkikita ninyo?"
"Well, most likely. Baka nga yayain ko na siyang magsama kami."
Napatuwid siya ng upo. "That fast?"
Trini shrugged her shoulders. "I wanted to have babies, so why not?"
"Having children is not just a walk in the park, Trinity Ann. Pinagpa-planohan iyan tulad ng pagtatayo ng negosyo—"
"Kaya nga. Pagpa-planohan namin ni Deewee. Sa katunayan ay napag-usapan na namin ang tungkol dito kanina. He said he's not getting any younger and that his parents are also looking forward to having grandbabies. So... I guess we're on the same page."
"Oh." Wala siyang maisip na isagot.
Kung si Deewee at Trini nga ay magkakatuluyan, at kung ang dalawa ay tuluyang lalagay sa tahimik, ibig sabihin ay hindi na siya maaaring makihati sa oras ng kaibigan. Hindi na siya maaaring magrequest ditong lutuan siya, o samahan sa almusal at hapunan. Hindi na rin niya ito makakasama sa mga lakad, at wala na siyang makakaramay sa oras na kailangan niya ito.
He was going to be alone.
Ahh, damn it. How boring his life would be without Trinity.
Pero sa nakikita niya ngayon, mukhang kailangan na niyang sanayin ang sariling wala ito. Because Deewee would soon take over his place at the breakfast and dinner table. Deewee would soon take over his place by her side. Deewee would soon own Trini.
He won't be hers anymore.
Shit, bulong niya sa isip. She was never mine to begin with!
TO BE CONTINUED...
Don't forget to FOLLOW / COMMENT / VOTE / SHARE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top