CHAPTER 020 - Purrfect


SANDALING PINATAY NI TRINI ANG STOVE nang makarinig ng pagkatok sa labas ng pinto ng bago niyang bahay. Hindi niya alam kung sino ang naroon, pero umaasa siyang ang taong nasa harap ng front door ay ang taong sumira ng umaga niya. And she hoped he went there to apologise for ruining her day.

Sa malalaking mga hakbang ay tinungo niya ang pinto, binuksan iyon, at natigilan nang ang bumungad sa kaniya at siyang unang kumuha sa pansin niya ay ang cellphone niya.

Gene was handing it to her right in front of her face. What a great gentleman he was—and of course, she was being sarcastic.

"Found it in the bathroom. Naiwan mong nakapatong sa rim ng bath thub."

Kunwari ay umirap siya bago iyon hinablot. She checked her phone, at nang makita ang ilang mga messages galing kay Deewee ay nanlaki ang mga mata niya. Gusto niya iyong buksan at basahin, subalit narinig niya ang muling pagsalita si Gene.

"Still angry?"

Nakasimangot niya itong sinulyapan. "Kapag sinabi ko bang oo ay tatantanan mo ako?"

"No." At tulad ng inasahan niya'y bigla na lang itong pumasok sa bahay niya; hinawakan siya sa magkabilang braso at ini-usog upang makadaan ito. Then, he pushed his hands into his jeans' pockets and looked around. "Naayos mo na pala ang lahat. Ano pa ang mga hindi mo naikakabit?"

"Tapos ko nang ayusin ang bahay kagabi." Nilakihan niya ang pagbukas ng pinto. "I want to be alone, Gene. Para makapag-isip tulad ng payo ng magaling na kausap ko kanina. So, if you don't mind?"

Balewala itong naglakad patungo sa kusina, deliberately ignoring what she said. "Kapareho ng layout ang bahay mo sa bahay ko, which means your house and mine must have been designed by the same architech. May kaunting pagkakaiba lang, but almost the same. Alam na alam ko na tuloy kung saan ang papuntang kusina."

"Ugh!" Umikot paitaas ang mga mata niya bago ini-sara ang pinto. She knew this was hopeless. Kapag ganoon si Gene ay ibig sabihin, mangungulit ito hanggang sa kalimutan na niya ang tampo niya.

Sumunod siya sa kaibigan. Nauna na itong pumasok sa kusina, at nang marating niya iyon ay nakita niya ang paglapit nito sa stove. Sinilip nito ang laman ng nonstick pan, kinuha ang spatulla na ipinatong niya sa sink saka hinalo ang creamy scrambled egg na niluto niya. "Kakaunti lang ito, Trinidad. Kakasya ba ito sa dalawang tao?"

"Niluto ko 'yan para sa sarili ko, Heneroso. Good for one person only."

"Akala ko ba ay iimbitahan mo si Deewee sa almusal?"

"Well, iyon ang plano ko. Pero nakalimutan mo bang nasa bahay mo pa rin ang cellphone ko kanina? But now that I have it, I might as well call him and--"

"Na parang nakatira lang si Deewee sa kabilang subdivision." Napailing ito at muli siyang hinarap. "So, talagang magre-resign ka na?"

Humalukipkip siya at sumandal sa hamba ng pinto. "Mukha ba akong nagbibiro nang sabihin ko 'yon kanina?"

"If your answer to my question means yes, then let's go. Doon tayo sa pancake house sa kabilang bayan mag-breakfast. My treat."

"Ayaw ko ng pancake." Gusto niya, actually. Pero gusto rin niyang panindigan ang tampo niya kay Gene sa pambabalewala nito sa mga plano niya.

"What do you want, then?" he asked, trying to be patient with her. At alam niyang sinusuyo siya nito upang tigilan na niya ang pagtatampo.

"I want to eat my scrambled eggs alone. Iyon ang gusto ko, Gene."

Huminga ito nang malalim saka ibinalik ang hawak na spatulla sa sink. "Listen. Ang sinabi ko sa'yo kanina ay para rin sa ikaaayos ng plano mo, Trini. Malinaw ko namang sinabi sa'yo na makikipag-sosyo ako, pero pag-isipan mo munang mabuti kung ano ang tamang negosyo para sa'yo. What do you like? What are you passionate about? I'm sure na hindi automotive, so scratch that out of the options. Ikaw ang magpapalago ng negosyong iyon, Trinidad, kaya dapat ay ang negosyong sa tingin mo'y doon ka magaling ang itayo mo. I will only be a business partner, an investor. But you will be the boss."

Nagpakawala na rin siya ng malalim na paghinga bago ibinagsak ang mga balikat at humakbang palapit dito. Ipinatong niya ang cellphone sa mesa bago lumapit sa cupboard at kumuha ng plato. "I am passionate about cats and numbers. Now, tell me. Anong negosyo ang uumpisahan ko sa mga iyon, Gene?"

Sandaling natahimik si Gene. Siya naman ay hinarap ang scrambled eggs at sinandok mula sa pan upang ilipat sa platong hawak niya. And while she did that, Gene spoke,

"Then how about you own and run a cat-related business?"

"Like what?"

"There are several options you can choose from, Trini. You can open a cat supply retail store, or a pet sitting and boarding house where you have a facility set up for dogs and cats being dropped off and looked after while their owners are gone to work or travel. Maraming mga tao rito sa Ramirez ang may mga alagang aso't pusa na naninirahang mag-isa at nagta-trabaho sa buong araw or isang buong linggong nag-ta-travel para sa trabaho. Kadalasan ay kumukuha sila ng tao para bantayan ang mga alaga nila habang wala sila.But if you have a pet sitting and boarding facility, it would be a lot easier for them, don't you think?"

Natigilan siya; sandaling nag-isip.

Tama si Gene, tulad niya'y marami ring mga nagsosolong working furr moms and dads sa area nila sa Ramirez. Ang bayan na iyon ay katabi ng bayan kung saan mayroong domestic airport. May condominium units malapit sa bayan kung saan ang mga occupants ay pawang mga nagta-trabaho sa airport, kabilang na ang ilang mga flight attendants. She knew because one of her co-workers has a sister who works as a stewardess, at minsan na siyang naimbitahan sa birthday party nitong idinaos sa condo. Also, marami siyang nakikita at nakikilalang pet owners sa tuwing bibisita sila ng mga alaga niya sa vet; kaya alam niyang maliban sa kaniya ay marami ring pet lovers sa bayan nila.

Parang may bombilyang sumindi sa utak niya ng mga sandaling iyon. Napangiti siya, binitiwan ang spatulla at inilapag ang plato sa sink bago hinarap ang kaibigan.

Her smile was so bright it lightened up Gene's face.

"You're right! That's a purrfect idea!"

Napangisi ito. "I'm glad it all made sense to you now. Kung nakikita mo lang ang excitement sa mukha mo ngayon, Trini..." Itinaas nito ang kamay at banayad na ginulo ang kaniyang buhok. "Kung kinausap kita tungkol sa automotive business ay wala kang maiintindihan at siguradong hindi ka makararamdam ng ganitong excitement. See the difference between simply putting up a business to doing what you're passionate about and earning from it at the same time?"

"Oo na, gets ko na," nakangiti niyang wari bago lumapit sa kaibigan at niyakap ito. "Thank you, Gene. For the support and for making me understand things a little bit better."

"A little bit better?"

Umikot paitaas ang mga mata niya. "Fine. A lot better."

Muli itong ngumisi saka hinagod siya sa likod. And oh, how his touch felt so good she couldn't help but sigh. Ang bawat paghaplos nito sa kaniya ay nagdadala ng kaginhawan, na tila ba sinasabi ng mga haplos nitong magiging maayos ang lahat at wala siyang kailangan ipag-alala.

"Just let me know kung uumpisahan mo na. Marami kang kailangang asikasuhin bago ka makapagtayo ng negosyo. Start looking for a prospect place to rent, then set up your website para makapagpromote ka online, then business permit and many more others. The next few weeks are going to be hectic for you."

Tumango siya, nanatiling nakayakap dito.

"And by the way... speaking of pets. Nakauwi ba si Bulingling?"

"Yes, she did. Nasa ibabaw ang bruha ng sofa kanina nang makauwi ako. She smelt like a fish, siguradong may pinasok na kusina ang lukaret na 'yan at may inagawan ng ulam."

Gene chuckled. "I'm glad she's back. So..." Hinawakan siya nito sa magkabilang braso at bahagyang inilayo. "Ready for breakfast?"

Muling umikot ang mga mata niya. "Fine. I'm cool with pancakes."

Lumapad ang ngisi nito. "Okay. Go and wash your face. May hulma pa ng laway 'yang pisngi mo."

Nanlaki ang mga mata niya. "Hoy, nakapaghilamos at toothbrush na ako, baliw!"

Lalo itong natawa. "Magbihis ka na lang pala, kung ganoon. I'll wait here." Binitiwan na siya nito at kinuha ang platong pinaglagyan niya ng nilutong itlog. "I'll eat this while I wait."

Sinundan niya ito ng tingin nang lampasan siya ni Gene upang kumuha ng tinidor sa isa sa mga drawers.

"Hey. Would you be so kind to fix my kitchen window?"

Salubong ang mga kilay na nilingon siya nito. "What?"

"Alam kong hindi ito ang una at huling beses na maglalayas si Bulingling. Hanggang hindi naaayos ang sirang net sa bintana ng kitchen area ay muling tatakas ang lokang 'yon, at ang masama pa ay baka ayain niya ang mga kapatid niyang sumama sa susunod. Pwede mo bang ayusin ang net habang nagbibihis ako sa itaas?"

"So hindi lang ako best friend, utusan mo na rin?"

"Bakit, kusinera mo rin naman ako, ah?"

Nagkibit-balikat ito bago itinusok sa itlog ang nakuhang tinidor at dinala sa bibig.

"Come on... Alam kong love mo rin ang mga furrbabies ko at hindi mo ako mahindian..."

Ngumuya muna ito at ini-sandal ang sarili sa lababo bago nagsalita, "Fine. But in return, you will cook for dinner tonight at my house."

"Deal." She grinned before walking out of the kitchen.

Magluto lang naman, eh. Hindi naman sinabi ni Gene na sasabayan niya ito sa pagkain.

Because she couldn't.

And that's because she and Deewee were seeing each other again that night.



TO BE CONTINUED...


Don't forget to FOLLOW / COMMENT / VOTE / SHARE

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top