CHAPTER 019 - Not In Good Terms


"OH SHOOT, I'M LATE!"

Naalimpungatang nagmulat si Gene nang marinig ang tarantang bulalas ni Trini. Sumalubong sa kaniyang mga mata ang liwanag kaya itinaas niya ang braso upang itakip sa mga iyon.

"What the heck is going on?" aniya. Lumulutang pa ang diwa niya.

"I'm late! And I can't be late dahil mapapagalitan ako ng boss ko! Pang-ilang late ko na ito ngayong buwan!"

Akma niyang sasabihing huminahon ito nang mapa-uklo siya matapos nitong aksidenteng maapakan ang paa niya. Mariin siyang napapikit saka sunud-sunod na nagmura.

"Nasaan na ba ang cellphone ko? Bakit kasi hindi iyon nag-alarm?"

Dalawang beses na tinamaan ang mukha niya ng throw pillow na sa huli niya'y pinagbababato ni Trini upang hanapin ang cellphone.

Naiirita niyang hinablot ang isa sa mga iyon upang itinakip sa mukha. Sanay na siya sa ganitong eksena. Ilang beses nang nangyari ito. Pero napipikon siya dahil kagigising pa nga lang niya'y bugbog-sarado na ang katawan niya. At kailangan niyang takpan ng throw pillow ang mukha para pigilan ang sariling murahin ang kaibigan.

"I'm late for work!"

Lalo siyang napikon nang matisod si Trini sa isa niyang braso. Hindi na siya nakapagpigil pa; inalis niya ang throw pillow na nakatakip sa mukha, nagmulat ng mga mata saka tinapunan ng masamang tingin si Trini na naka-yuko sa couch na tinulugan nito upang hanapin ang cellphone.

Nasa anyo nito ang labis na pagkataranta at nerbyos, kaya naman ni-kalma niya ang sarili at nagpasensya. Ayaw niyang dagdagan ang init ng ulo at taratanta ni Trini.

"Calm down, okay? Lalong hindi mo mahahanap ang hinahanap mo kung ganiyan ka," he said in his gentlest tone. Hindi makatutulong sa kaibigan kung si-sermonan pa niya ito.

"But where is my damned phone!" galit nitong wari, patuloy sa paghahanap.

Umupo siya at ipinatong ang mga braso sa mga tuhod. "Just go and take a bath, ako ang maghahanap at iaabot sa'yo bago ka umalis." Nilingon niya ang coffee table; sa ibaba niyon ay may compartment kung saan niya initago ang cellphone niya kagabi. Inabot niya iyon at kinapa ang cellphone. Nang mahanap ay inilabas niya at sinulyapan ang oras.

Nagpakawala siya nang malalim na paghinga saka ibinagsak ang sarili sa matress. "It's fifteen minutes past seven o'clock, Trinidad. You are not late."

Natigilan ito; tila naging bato ang katawan.

Hanggang sa unti-unti itong pumihit paharap sa kaniya. Ang anyo ay tila yaong nabunutan ng tinik sa dibdib.

Then, she dropped herself on the couch. Para itong lantang gulay na nahiga at ipinikit ang mga mata.

"Damn it, Gene. This everyday life is so stressful."

He smirked and closed his eyes. "Sabihin mo 'yan sa mga taong walang trabaho at nakahiga sa kalsada. Sasapakin ka nila, sigurado."

"You don't get my point. Ang ibig kong sabihin ay nakakapagod ang gumising sa umaga at mataranta nang ganoon dahil alam mong i-iskoran ka na naman ng boss mong pinaglihi sa sama ng loob. Pakiramdam ko'y may trauma ako na kung hindi ako makakapasok sa tamang oras ay katapusan ko na. Hindi mo ba napansin nitong nakalipas na mga linggo na sa tuwing nale-late ako ay tarantang-taranta ako? I don't like that feeling, Gene. Na parang gumigising na lang ako sa umaga para hindi mapagalitan; alam mo 'yon?"

"No, hindi ko alam."

"Exactly! Because you know why? You are your own boss. And I want that, too."

Napamulat siya at sinulyapan ito. Doon niya nakitang tulala lang itong nakatitig sa kisame; ang anyo ay seryoso.

"Magre-resign na ako sa trabaho."

He didn't expect that. "You will?"

Tumango ito; ang tingin ay nanatili sa kisame. "Nauumay na rin ako doon sa accounting office. Ilang araw ko na ring pinag-isipan 'to. At tulad ng sabi ko kahapon ay magtatayo na lang ako ng negosyo."

Nagsalubong ang mga kilay niya. Bahagya niyang ini-angat ang sarili, ini-dantay ang isang siko sa matress upang pagmasdan ito. "What do you know about business?"

Nilingon siya nito. "Nothing. But you do."

Lalong lumalim ang gatla sa noo niya.

Nagpatuloy si Trini. "Ilang taon na akong nagbabalak na iwan ang trabaho at magnegosyo na lang. Pero tulad nga ng sabi mo'y wala akong alam tungkol sa business, at inaamin kong natatakot akong mag-invest. Ang funds na nagmula sa mga ari-arian ng mga magulang ko sa Asteria ay nakatengga pa rin sa bangko, at gusto kong palaguin iyon. Iyong perang ginamit ko sa pagbili ng bahay sa tapat ay mula sa ipon ko sa nakalipas na mga taon, kaya ang ibig sabihin ay hindi pa rin nagagalaw ang pera mula sa pinagbentahan ko ng mga ari-arian nina Tatay at Nanay. So... what I have in mind is—"

"Wait." Itinaas niya ang kamay at tuluyang bumangon. "Stop right there. I can't process anything you said at the moment."

"Oh come on."

"Kung ayaw mong magtrabaho ay malaya kang gawin iyon. Kung gusto mong mag-negosyo ay rumehistro ka muna at sumali sa mga business seminars para alam mo kung ano ang papasukin mo—"

"I know how to handle finances, Gene. All I need is a front person. At ikaw iyon."

"A front person?" ulit niya.

"Hindi ba at tapos sa management course sina Kuys Phill at Kuys Quaro? Baka pwede tayong humingi ng assistance nila patungkol sa pagtatayo ng negosyo. At ano lang ba ang negosyong itatayo ko sa perang naiwan sa akin nina Tatay at Nanay? Hindi naman kompanya ang itatayo ko, kaya sapat na siguro ang knowledge and ideas na maibibigay ninyong magkakapatid sa akin."

Nagpakawala siya ng ungol saka tinalukuran ito. Humakbang siya patungo sa kusina.

Totoong hindi niya kayang iproseso ang lahat ng mga sinasabi ni Trini sa mga oras na iyon. He had just woken up and he hadn't had his coffee yet. Hindi pa gising ang braincells niya, at pabigla-bigla naman itong kaibigan niya.

"Ilang araw kong pinag-isipan 'to, Gene. Come on, let's try it." Sumunod ito sa kaniya. "Let's be business partners. At tutal, nasa automotive industry ka, bakit hindi tayo magtayo ng business like... selling automotive parts? Pwede ring mag-franchise na lang tayo ng gasolinahan, pwede ring magpatayo ako ng tyre store? O hindi naman kaya ay--."

Huminto siya bago pa man tuluyang makapasok sa kusina, hinarap ang kaibigan saka itinaas ang kamay upang patigilin ito sa pagsasalita. "Don't say another word, please. Allow me to get my cup of coffee first then I'll think about your proposal." Lumagpas ang tingin niya sa balikat nito, at nang makita ang kalat sa living area na nilikha nito sa paghahanap ng cellphone ay napa-iling siya. Ibinalik niya ang tingin sa kaibigan na napanguso na lang. "Sa ngayon ay magligpit ka na muna at bumalik doon sa bahay mo. Pag-isipan mong mabuti kung handa ka na talagang magresign, at saka mo isipin kung ano ang negosyong nababagay sa sipag at diskarte mo. You can't just open an automotive shop without even knowing anything about it. Think of something else and we'll discuss again tonight."

Lalong nanulis ang nguso nito. "Why are you dismissing me?"

"Because I have to. Minsan kasi, sa sobrang excitement ng tao ay hindi na sila nag-iisip nang rasyonal. Bugso ng damdamin, maraming failures kapag sinusunod mo 'yon."

"Fine." Umikot ang mga mata nito. "Pero bakit mo naman ako pauuwiin kung dito naman talaga ako nag-aalmusal at nagkakape sa bahay mo? Dahil ba nakatira na ako ngayon sa tapat ng bahay mo'y hindi na ako pwedeng mag-almusal dito?"

"Dahil kung hindi ka aalis ngayon ay hindi ka makakapag-isip at baka kulitin mo lang ako nang kulitin. Just go, okay? Ngayong umaga lang, Trini." Tumalikod na siyang muli at tuluyang pumasok sa kusina.

Si Trini ay napa-ismid. "Ang dami mong sinasabi; ayaw mo lang yatang maging business partner ko, eh."

Dumiretso siya sa lababo at kinuha ang decanter ng coffee maker saka nilagyan ng tubig. "Alam mong hindi totoo 'yan. You know I am your number one supporter. But just because I give you my full support in anything you do doesn't mean I have to agree on something I know won't work out."

"So wala kang tiwala sa plano ko."

"Sinabi ko na, Trini. Mag-isip ka ng ibang business; iyong malapit sa gusto mo at kaya mong hawakan nang matagal. Iyong alam mong kaya mong palaguin." Binuksan niya ang cupboard at kinuha ang lagayan ng kapeng barako. "Sure, I will invest, I can be your business partner. But you will be the one to manage it and oversee the progress because I have my own thing, too. Kaya dapat ay doon ka sa negosyon--"

"Fine. I'll think about it."

He looked over his shoulder to see how Trini turned her back and walked away. Napailing siya at ibinalik ang pansin sa ginagawa.

"And thanks for not inviting me to have coffee! Siguro simula sa araw na ito'y sa bahay na ako magluluto at si Deewee na lang ang tatawagan ko para samahan akong kumain!"

Sandali siyang natigilan sa narinig bago marahas na lumingon sa entry ng kusina. Hindi na niya makita sa kinatatayuan si Trini pero dinig niya ang bawat pagkilos nito sa sala. Mabilis niyang tinapos ang ginagawa, at nang inumpisahan na niyang i-brew ang kape ay saka siya humakbang palabas ng kusina upang muling kausapin ang kaibigan.

She woke up on the wrong side of the bed-- err couch. At sarado ang utak nitong intindihin ang punto niya. Maybe he needed to elaborate his point on her.

But then...

The moment he got out of the kitchen was the exact time Trini opened the front door and walked out. Bago pa niya matawag ang pangalan nito'y pabalya na nitong inisara ang pinto, at naiwan siyang mag-isa roon.

And he was left alone wondering if Trini was serious about replacing him with Deewee on the breakfast table.


TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top