CHAPTER 017 - Pampered Each Other


15 MINUTES PAST 7'OCLOCK. Lumabas si Gene mula sa banyo matapos ang mabilisang pagligo. Inabot na siya ng dilim sa pag-aayos ng sasakyan pero hindi pa rin iyon natatapos. He aimed to work on it for another 10mins, pero nawala na naman sa isip niya ang oras hanggang sa nagtuluy-tuloy na. It wasn't really a rushed job, so he would probably continue working on it the next day. Isang linggo ang usapan nila ng may-ari niyon.

Sa gabing iyon ay lalabas siya at magtutungo sa pub sa kabilang bayan na madalas nilang puntahan ni Trini. Naging abala siya nitong nakalipas na ilang linggo kaya hindi na siya gaanong nakalalabas, dagdagan pang naging abala na rin si Trini kay Deewee kaya walang nagyayaya sa kaniya.

Nang maaalala ang kaibigan ay may namutawing ngiti sa mga labi niya. Sa buong maghapon, matapos itong mainis sa ginawa niya, ay hindi na nagpakita pa si Trini. Pasado alas seis na nang makaalis ang truck at alam niyang abala si Trini sa pag-aayos ng mga gamit sa katapat na bahay.

Matapos manggaling sa workshop ay dumiretso na siya sa itaas. He soaked himself in the tub for fifteen minutes to remove all the dirt and grease on his body, before showering to wash his oily hair. He'd go to the pub to eat his dinner and maybe find someone to hook up with. It had been over a week since he last had some tumble in bed...

He couldn't help but smirk at himself.

How lonely his life could be sometimes.

Kailangan na rin kaya niyang mag-asawa tulad ng dalawa niyang nakatatandang kapatid para hindi siya parang gago na pumupunta sa mga kilalang pub para maghanap ng babae?

Damn this life. Kasalanan nina Quaro at Phill 'to, eh.

Itinuloy niya ang paghakbang patungo sa closet niya na malapit sa bintana. He opened it and looked for something to wear.

Baka hindi na rin muna siya umuwi ngayong gabi. Tutal ay paalis din naman si Trini at mukhang gagabihin na ring umuwi, he would probably just spend the night somewhere.

With a woman, of course.

He took out a black cotton shirt, jeans, and brown leather jacket. Ipinatong niya ang mga iyon sa silyang nakaharap sa bintana at akma naman sanang kukuha ng boxers at medyas sa ibabang drawer nang sandali siyang nahinto matapos mapatingin sa nakabukas na bintana. Sa tapat ng bahay ay nakita niya ang sasakyan ni Trini na naka-bukas ang makina dahil sa usok na nagmumula sa tambutso. Napa-iling siya—ilang beses na niya itong pinaalalahanan na kailangan nang linisin ang fuel filter ng sasakyan nito, pero laging nakakalimutan. He even offered to do it for her, but she always tend to just shrug it off. Ngayon ay heto, nagdadala ng polusyon sa hangin ang sasakyan.

Nilipat niya ang tingin sa nakasarang bintana ng driver's side. Nakapatay ang interior light, pero nakikita niya ang mga dashlights at alam niyang nasa loob niyon ang kaibigan.

She's probably about to leave for her dinner date, bulong niya sa sarili.

Akma na niyang aalisin ang tingin upang ituloy ang pagkuha ng boxers nang makita ang sunod-sunod na pag-ilaw ng headlights ng kotse ni Trini. It was as if she was giving him signal.

Wait...

Giving signals?

Did Trini wait for him to appear at the window just so she could say goodbye before leaving?

Desidido itong hindi siya pansinin buong gabi dahil hindi raw sila bati, at dahil hindi ito makapag-paalam sa kaniya sa text, o tawag, o nang personal, ay dinaan na lang sa signal?

Yes. That seemed to be like Trinity.

And he appreciated that.

Napangiti siya at hindi inalis ang tingin sa bintana hanggang sa makitang umalis ang sasakyan at tuluyang mawala sa kaniyang tingin. Doon na siya nagpatuloy sa pagbibihis. Makalipas ang tatlumpong minuto ay bumaba na siya bitbit ang susi ng bike niya, cellphone, at wallet.

Dire-diretso siya patungo sa kusina kung saan naroon ang pinto patungong workshop. Ilalabas niya mula roon ang big bike niya. Nang marating ang kusina ay hindi na siya nag-aksaya pa ng panahong buksan ang ilaw. He was about to continue his steps to the connecting door when something caught his attention.

Napatingin siya sa island table nang may mapansing naka-patong sa ibabaw. Salubong ang mga kilay na binalikan niya ang switch ng ilaw at iyon ay binuksan. Sumabog ang liwanag sa paligid, at sa ibabaw ng mesa ay nakita niya ang isang malaking paperbag. Ang tatak niyon ay ang logo ng paborito niyang Filipino restaurant sa bayan.

Nagsalubong muli ang mga kilay niya.

He didn't remember ordering this food?

And his thoughts stopped when he realized something.

Did Trini order him some food to eat? At dinala nito iyon doon sa kusina habang nasa taas siya?

"Sweet as always," nakangiti niyang wari bago humakbang palapit sa mesa at binuksan ang paperbag. Doon ay nakita niya ang dalawang magkapatong na styro bowl; at kahit hindi niya buksan ay kaya niyang hulaan kung ano ang laman ng mga niyon.

Isa-isa niyang nilabas ang dalawang styro bowl at tinanggal ang plastic lid ng mga iyon. Sa isang bowl ay ang mainit-init pang sinigang soup, at sa isa naman ay cheesy kaldereta.

Lumapad ang ngiti niya. Bigla siyang nagutom. Pero bago niya tikman ang mga pagkain ay dinukot niya ang cellphone sa backpocket at hinanap ang numero ni Trini.

He waited for her to answer.

Makalipas ang anim na ring ay sumagot ito, subalit bago pa man niya nagawang magsalita ay tuluy-tuloy na ang kaibigan.

"Inis pa rin ako sa'yo kaya h'wag mo akong kausapin, Heneroso. Just eat your dinner and rest early!" And just like that, Trini hung up.

He grinned and swiped the screen of his phone to the messaging app. He then looked for Trini's contact and typed her a message.

You are still pretty kahit na may grasa ka sa mukha. Bati na tayo bukas, okay?

And then, he pressed send.

Muli niyang sinuksok ang cellphone pabalik sa likurang bulsa ng suot niyang pantalon saka kinuha ang dalawang bowl at dinala sa microwave upang initin. He was going to eat before leaving.

He appreciated Trini's effort in buying him a meal regardless of what he did to her. She was always the sweetest...

And this was only one of many reasons why he wasn't used to not having her around. Of why he missed her so bad.

Trini pampered him... and he got used to it.

And he also did the same to her.

They both pampered each other. Because that was how they showed each other their appreciation.

At kahit siguro makahanap silang pareho ng kakasamahin nila habang-buhay, they would still pamper each other.

For how long, nobody knows.


TO BE CONTINUED...

PLEASE DONT FORGET TO:

✔ ADD THIS STORY IN YOUR LIBRARY

✔ FOLLOW MY ACCOUNT

✔ LEAVE A COMMENT

✔ SHARE TO YOUR FRIENDS

❤🤞


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top