CHAPTER 015 - A Platonic Kind Of Love...
"JUST EMAIL THE INVOICE to my secretary and she'll wire the payment, Gene."
"No problemo, Sky. Drive safe." Si Gene na mismo ang nagsara ng pinto ng mamahaling Mercedes-AMG ni Sky O'Hana – isang kilalang race car driver at masugid niyang kliyente. Ni-pick-up nito ang sasakyan mula sa workshop niya sakay ng isa pa nitong sasakyan na minamaneho ng assistant nang gabing iyon.
"Thanks, man," ani Sky saka ini-muwestra ang index at middle finger sa noo bilang pagsaludo. Ilang sandali pa'y pinaharurot na nito ang sasakyan paalis kasunod ang BMW na minamaneho ng assistant.
Nang mawala sa kaniyang paningin ang dalawang mamahaling sasakyan ay sinulyapan niya ang oras sa relos—9:30PM. Tulad ng madalas mangyari ay naging abala siya sa maghapon at hind na niya namalayan pa ang oras.
Ibinalik niya ang tingin sa kalsada. Dahil iilan pa lang ang nabibiling bahay sa street na iyon ay payapa ang paligid. Iilan pa lang sa mga nakahilerang bahay ang may ilaw—ibig sabihin ay iyon pa lang ang mga nabiling po-priyedad sa bahaging iyon ng subdivision na tinitirhan niya. Wala ring kotseng dumaraan sa kalye lalo sa ganoong oras.
Ilang taon na siyang naninirahan sa subdivision na iyon at naging maayos ang lahat sa kaniya. Payapa dahil kakaunti pa lang ang mga nabibiling unit, mababait ang mga kapitbahay, at secured dahil malibang may nagbabantay na guwardiya sa entry at exit gate ng subdivision ay may rumo-ronta ring isa pa sa buong magdamag. Isa siya sa mga naunang bumili ng property doon kaya isa siya sa pinakamatagal nang naninirahan doon. The fully-furnished house was a little too pricey, he would admit. Pero pulido ang mga bahay doon at medyo malayo sa kabihasnan. At ang malaking halaga ng property doon ang isa sa pumipigil kay Trini na bumili ng bahay sa kaparehong subdivision. Pinilit niya itong doon na kumuha ng bahay, pero ayaw nitong galawin ang perang iniwang ng mga magulang upang bumili ng property at mas ginustong mag-rent na lang ng apartment na mas malapit sa bayan.
Speaking of the devil...
Ano'ng oras na't wala pa rin ito. Wala itong pasabi kung may lakad sa gabing iyon kaya naghintay siya. Kadalasan, kung gagabihin ito ng uwi ay tumatawag sa kaniya upang sabihin na hindi ito makakapagluto at um-order na lang sila ng hapunan.
And he couldn't eat his dinner without her. He was used to having her around during this time.
Muli niyang niyuko ang relos. Kung alas-dies na itong makauuwi ay yayayain na lang niya itong kumain sa labas. Tutal ay Huwebes na rin naman, sarado ang workshop niya bukas at tanghali na ang time in ni Trini sa tuwing ganoong araw. Yayayain niya itong pumunta sa paborito nilang pub ngayong gabi. Maliligo na lang muna siya habang hinihintay ang pag-dating nito.
Tumalikod siya at bumalik sa workshop. Hinubad niya ang suot na puting sando at akma na sanang papasok sa roll-up door nang mahinto siya matapos may marinig na papalapit na sasakyan. Napalingon siya sa kalsada sa pag-asang ang sasakyan ni Trini ang makita, subalit ano'ng dismaya niya nang makitang hindi ang kotse ng kaibigan ang paparating.
Bumagsak ang mga balikat niya sabay buntonghininga.
Damn that woman—she didn't even call to let me know she's going to be late tonight.
Akma siyang muling tatalikod upang bumalik sa workshop nang marinig ang pag-preno ng sasakyan sa mismong harap ng bahay niya. Kunot-noo siyang napalingon.
Wala na siyang inaasahang kliyente sa araw na iyon. At hindi siya tumatanggap ng walang pre-booking. Sino ang naroon sa labas? Sino ang dumating?
Nagtatakang muli siyang humakbang patungo sa kalsada; muling ini-suot ang sando. Dahil open-area ang harapan ng workshop at walang gate ay kaagad niyang nakita ang pamilyar na puting Ford Ranger. Sa malayuan kanina ay hindi niya na naisip na pamilyar ang sasakyang paparating, pero nang tuluyang makalapit ay saka niya naisip na nakita na niya iyon minsan. Pero bago pa pumasok sa isip niya kung saan huling nakita ang kotseng iyon ay biglang bumukas ang pinto sa driver's side. Bumungad sa kaniya si Deewee na nakasuot ng itim na poloshirt at puting pants. Ngumiti ito sa kaniya bago napa-kamot sa likod ng ulo.
Salubong ang mga kilay na lumapit siya.
"Deewee. How did you know my address? And what are you doing here?"
Bago sumagot ay napatingin si Deewee sa sasakyan. "Hindi ko alam na dito ka nakatira, Gene. Dito kasi nagpahatid si—" Nahinto ito nang bumukas ang bintana ng front seat at bumungad sa kanilang paningin si Trini na halos hindi na maimulat ang mga mata; nakangisi at panay ang sinok.
"Dee...weeeee!" anito sa matining na boses. "Nakarating na ba tayo?" Sinundan nito iyon ng pag-sinok.
Napatingin muli sa kaniya si Deewee; nasa anyo ang dispensa. "She ordered a bottle of red wine, Gene. At hindi ako umiinom ng alak kaya siya ang umubos. Ang akala ko ay kaya niya, pero nang tumayo na kami sa mesa ay bigla siyang natumba. She told me to bring her to this address; I thought this was hers. Pasensya na sa abala..."
"No, hindi mo ako inabala. Actually, pasasalamatan pa kita dahil naiuwi mo siya sa akin nang buo." Lumapit siya kay Deewee at banayad itong tinapik sa balikat. "I can handle this, Deewee. Thanks for bringing her home."
Humakbang siya patungo sa sasakyan at binuksan ang pinto ng front seat. Gusto niyang pasalamatan si Deewee sa pagkabit nito ng seatbelt kay Trini, dahil kung wala iyon ay baka nalaglag ang kaibigan sa bigla niyang pagbukas ng pinto.
Napailing siya saka tinanggal ang seatbelt ni Trini. Pansin niyang nakasuot pa rin ito ng damit pang-opisina, kaya sa hula niya'y nagkita ang dalawa matapos ang trabaho ng kaibigan.
"Hmmm..." ungol ni Trini bago ibinagsak ang ulo sa kaniyang dibdib. "I can't... open my eyes."
Muli siyang napa-iling, lalo nang maamoy ang alak sa buong katawan nito.
"Oh, you smell like someone I know, Deewee..." bulong pa ni Trini bago napa-kapit sa isang braso niya. "And oh! Hindi ko akalaing may muscles ka rin pala." Humagikhik ito at tuluyang yumakap sa kaniya. Ang mga mata'y nakapikit pa rin, ang ngiti'y malapad. "You smell like Gene, at ang katawan mo'y tulad din ng sa kaniya. Naliligo ka rin ba sa grasa?"
"Lasing ka na nga'y nagawa mo pang mang-buska."
Subalit alam niyang hindi nito narinig ang sinabi niya. Ang ngiti nito ay lumapad. "Pwede ka na... Deewee. Pasado ka na sa'kin..."
He couldn't help but chuckle. He looked over his shoulder and glanced at Deewee who was looking so worried. "Mukhang may pag-asa ka, Deewee."
Napatingin ito sa kaniya, sandaling naguluhan sa sinabi niya, bago napangiti. "You think so?"
"I think so." Muli niyang binalingan ang kaibigan. Nang maramdamang tuluyan nang lumaylay ang ulo nito at bumagsak na ang mga braso ay binuhat niya ito saka muling hinarap si Deewee. "Thanks again for looking after her. I owe you one."
"Don't mention it, bro. Pero... okay lang ba siya?"
"Yes, she will be. Nakatulog na siya kaya ihahatid ko na sa loob. Just call her up tomorrow."
"Okay." Nag-aalalang sinulyapan nito si Trini bago nagpakawala nang malalim na paghinga. "Nasa backseat ang gamit niya. Isusunod ko na sa iyo."
"Sure. Just follow me."
*
*
*
"ANG SABI KO KASI SA'YO... TULUNGAN MO AKONG LUMAKLAK!" nakapikit na hiyaw ni Trini habang pabaling-baling sa kinahihigaan. Her eyes were closed, and due to intoxication, she had no idea what was happening around her.
Dinala niya ito sa kaniyang silid at doon pinahiga; he then took off her red dress and replaced it with his white shirt and sleeping pants. Nang pinupunasan na niya ito ay saka ito nagbunganga habang tulog.
"Kung tinulungan mo sana ako... Hindi sana ako..." Sandali itong nahinto upang suminok bago nagpatuloy, "...hindi sana ako nagkaganito."
"Who are you talking to?" he asked as he continued to wipe her arm with a wet towel. Amoy alak ito at ayaw niyang mangamoy ang kobre-kama niya kaya napilitan siyang kumuha ng face towel at ilublob iyon sa malamig na tubig na may alcohol para punasan ang kaibigan.
Umungol si Trini nang ang mukha naman nito ang ini-sunod niya. "Bakit kasi takot kang uminom, Deewee... Parang red wine lang 'yon, eh..."
Napailing siya saka ibinaba ang bimpo sa leeg ni Trini. "You can't force someone to do something for you just because they like you."
"Shhh!" Patuloy sa pabaling-baling ng higa si Trini. "Ang ingay mo, ano ba!"
"Shh yourself," balik niya rito na hindi alam kung maiinis o matatawa. Sanay na siyang makita ang kaibigan na lasing—they liked to go out for a drink every now and then, and because he was the who's driving, he had to watch out for his alcohol. That gave Trini all the liberty to consume as much alcohol as she could—at laging siya ang nag-aasikaso rito sa tuwing nalalasing ito... tulad ngayon.
"Deewee..." bulong ni Trini na tumagilid at ngumisi. "Sorry, ha? You are handsome but not as handsome as my best friend."
That's where he chuckled. At bago pa niya napigilan ang sarili at banayad na niyang pinitik ang noo nito dahilan upang mapa-ungol si Trini at muling tumihaya.
"May lamok! Kinagat ako ng lamok sa noo! Deewee! Patayin mo ang lamok!"
Nauwi siya sa banayad na pagtawa. Lumingon siya at hinanap kung saan ini-lagay ang cellphone, and when he found it on the chest of drawers beside the door, he stood up and went to get it. Habang naglalakad pabalik sa kama ay binuksan niya ang camera ng cellphone at ini-lagay sa video recording. Napangisi siya nang ilapit niya sa mukha ni Trini ang lens, at saktong na-capture ng recording ang pag-ngiti nito.
"Stupid," Trini said, giggling in her sleep. "I may be stupid, but I really want to get married now, Deewee..."
Sa pagkagulat niya'y biglang itinaas ni Trini ang isang kamay at ini-tutok ang kamao sa kisame. Napa-atras siya, subalit patuloy pa rin sa pagre-record.
"Promise, ako ang bahala sa bigas at bills— bigyan mo lang ako ng anak!" Then, she put her arm down and hugged the pillow that he placed beside her. Mahigit nito iyong niyakap, at hindi na niya kailangan pang hulaan kung ano ang nilalaman ng panaginip nito sa mga sandaling iyon. Trini was probably thinking about Deewee, and he couldn't help but smile tenderly.
"Let's see kung ano ang masasabi mo bukas kapag nakita mo itong recording," nakangisi niyang bulong bago muling ni-zoom ang video. He focused the lens to Trini's face.
"Pero kung bibigyan mo ako ng anak... dapat kamukha ni Gene. I wanna have kids who look like my bestie..."
"Silly," nakatawa niyang sabi bago ini-lapit ang camera sa mukha ni Trini. Sa ganoong punto ay muling nagsalita ang dalaga... sa mabini at banayad na paraan.
"I really wanna have a child now... But you have to marry me first. Tapos..." Trini paused to yawn. "Tapos... si Gene ang best man slash maid of honor natin. He surely wouldn't wear a gown, but I will force him to stand as my maid of honor. Dahil kung hindi rin lang siya ay hindi na lang ako magpapakasal..."
Sandali siyang natigilan at napatitig sa mukha ng kaibigan, habnggang sa hindi niya namalayang unti-unti na pala niyang ibinababa ang hawak na cellphone. Ilang sandali pa'y banayad siyang napangiti at naupo sa gilid ng kama, malapit sa uluhan ng kaibigan. And Trini must have felt his movement because she lifted her head, and unconsciously placed it on his lap.
Lalo siyang napangiti.
Inilapag niya ang cellphone sa ibabaw ng side table bago masuyong inihaplos ang isang kamay sa buhok ng kaibigan. In the next few minutes, he just lovingly caressed her hair until Trini relaxed and finally fell asleep— with her head still on his lap.
"What would you do without me, Trinity?" he asked as she continued to run his fingers through her long, wavy hair.
"Hmm..." Trini uttered in a dreamy state. "I would probably die, Gene..."
Masuyo siyang muling ngumiti. Hindi siya makapag-desisyon kung tulog na ba talaga ito o ang kalahati ng diwa ay gising pa rin at nagmamatyag. Nonetheless, he remained seated next to her as he watched her drift to dreamland. Later on, he gently removed his hand off her hair and placed the back of his palm on Trini's cheek, softly caressing her skin and sending his love for her.
A platonic kind of love.
At least for now...
TO BE CONTINUED...
PLEASE DONT FORGET TO:
✔ ADD THIS STORY IN YOUR LIBRARY
✔ FOLLOW MY ACCOUNT
✔ LEAVE A COMMENT
✔ SHARE TO YOUR FRIENDS
❤🤞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top