CHAPTER 014 - They Just Had No F*cking Idea
"TINGNAN MO 'TONG TIYAN KO, lumo-lobo." Humagikhik si Trini matapos yukuin ang namumukol na tiyan. Katatapos lang nilang kumain matapos bumili ng sari-saring pagkain sa halos lahat ng madaanang kanto.
They grabbed two large chicken burgers and fries from a fastfood restaurant, 2 servings of lugaw as discussed, and two fried tofu with sawsawan from the next kiosk. After which, they drove to the nearest concrete bridge connecting the towns of San Nicolas and Ramirez. Sa ilalim ng tulay ay may malawak na kalsada na ginagawang jogging lane ng mga taga-Ramirez tuwing umaga. Mababaw lang ang ilog at may barandilyang naka-harang sa gilid ng jogging and biking lane. Katulad iyon ng baywalk sa Roxas Boulivard; minus the bridge, that is.
Alas dies na ng gabi subalit buhay na buhay pa rin ang kalsadang iyon—may iilang naglalako ng balot, may mga magkakaparehang nagja-jogging, mayroong nagde-date at nakaupo sa mga concrete benches na nasa gilid ng barandilya at nakatanaw sa ilog. Mayroon namang nagbi-bisekleta at ilan pang mga nagtitinda ng kung anu-anong kakanin sa gilid ng kalsada.
It was a road, but vehicles were not allowed to enter. It was as if the lane was made for people to use.
Ni-park ni Gene ang truck nito sa parking space ng tulay, doon sa mataas na bahagi at nakatanaw sa service lane. Doon na rin sa hood ng kotse nila kinain ang mga pagkaing binili sa daan habang pinanonood ang mga tao sa ilalim ng tulay na abala sa kani-kanilang mga trip. Matapos nilang kumain ay nagyaya pa si Trini na bumaba at maglakad-lakad; nakatakip pa rin ang jacket ni Gene sa pang-upo nito kaya komportable na itong magkikikilos. Habang pababa sila sa service lane ay may nadaanan silang sorbetero. Trini bought the biggest cup of cheese and ube flavored dirty ice cream, and she ate it while they walked along the bay.
"Paanong hindi lu-lobo iyan, eh pati ang parte ko ay kinain mo?" pambubuska ni Gene.
Bumungisngis si Trini bago dinala sa bibig ang maliit na ice cream spoon upang sumubo. "Ang sabi mo kasi doon sa burger ay hindi masarap, tuloy, ako na ang kumain."
"You eat too much fastfood; mahihirapan kang tunawin lahat ng mga pagkaing binili natin."
Napa-ismid si Trini at sinubuan ng ice cream ang kaibigan na kaagad namang ngumanga. "Magja-jogging na ako simula bukas, h'wag kang mag-alala."
"That's good to know." Nilunok muna ni Gene ang ice cream bago muling nagsalita. "Ano nga pala ang nangyari sa date ninyo ni Deewee? Kanina pa tayo magkasama pero hindi ka pa rin nagku-kwento."
Nagkibit-balikat muna si Trini bago sumagot. "Nagkaroon ng aksidente sa daan papunta rito sa Ramirez; hindi makausad ang mga sasakyan kaya pinabalik ang mga biyaherong tulad ni Deewee habang ang mga pauwing Ramirez naman ay pinaghintay nang matagal. He had no choice but to turn back and cancel the date. Buti na ring hindi natuloy 'yon, ano; nakakahiya kung kasama ko siya tapos may nangyaring ganito."
Napatitig si Gene sa kaibigan. "Are you still traumatized by what happened back in high school? Iyong araw na una kang... dinatnan?"
"Yes, laging bumabalik sa utak ko 'yon sa tuwing tinatagusan ako." Muling sumubo si Trini, at pagkatapos ay umi-scoop ulit para naman i-subo kay Gene. "Kung hindi dahil sa'yo ay baka hindi ako nakalabas doon hanggang sa mag-close ang resto at magsiuwian ang mga tao."
"You should try to at least seek help from others, Trini. Hindi lahat ng babae ay katulad ng mga nam-bully sa'yo noon. Paano na lang kung wala ako rito sa Ramirez? O kung nasa ibang bansa ako? Paano ka?"
Nahinto si Trini sa akmang pagsubo at hinarap ang kaibigan. "Aalis ka?"
"What if?"
"I won't let you! You stay here or I'm coming with you!"
Sandaling natigilan si Gene bago natawa. Itinaas nito ang kamay at dinala sa tuktok ng ulo ng kaibigan upang masuyong guluhin ang buhok nito. Si Trini ay nanulis lang ang nguso, naghihintay ng sagot.
"I was asking you a hypothetical question and I was giving you the chance to think of a proper answer. Kasi gusto kong sa susunod ay hindi ka na maghintay nang matagal sa banyo hanggang sa makarating ako. I want you to start trusting people again and not depend on me. Dahil hindi sa lahat ng oras ay nariyan ako para sa'yo." His voice was so tender as if he was talking to a child.
"But didn't you promise that you'll always be there for me? Papaano akong hindi magdi-depend sa'yo kung nangako ka?"
"I promised to support you and be there for you if you needed me, but that doesn't mean I would be there 24/7. Paano kung nagkaasawa ka na at muling nangyari iyon? Ako pa rin ba ang tatawagin mo?"
Lalong nanulis ang nguso ni Trini, at bago pa nito napigilan ang sarili ay ini-sawsaw nito ang hintuturo sa ice cream saka pinahid iyon sa mukha ni Gene.
Napasinghap ito at pinandilatan siya. "Why, you—"
"Kahit abutin pa tayo ng otsenta, sa'yo at sa'yo pa rin ako tatakbo kapag nangangailangan ako. And I have this feeling that I wouldn't trust someone else as much as I trust you kaya magtiis ka." Itinuloy ni Trini ang paghakbang saka muling sumubo ng ice cream.
Si Gene ay napailing sa pagkamangha. "Geez, Trinidad. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa'yo."
Lumingon si Trini at paatras na naglakad. Ngumisi ito at hindi na muling nagsalita pa. Si Gene ay itinuloy na rin ang paghakbang saka pailing-iling na itinaas ang kamay upang sana ay pahiran ang ice cream na ipinahid ni Trini sa mukha nito nang biglang huminto ang dalaga at itinaas din ang kamay upang pigilan ang kaibigan.
"Hep, hep, hep! Akin na 'yan. Lumapit ka."
Nagsalubong ang mga kilay ni Gene. "What? Why?"
"Didilaan ko ang ice cream sa mukha mo." Humakbang pabalik si Trini.
Si Gene naman ngayon ang paatras na naglakad upang makalayo. "Gusto mong sapakin kita, Trinidad?"
"Apaka-arte nito! Parang hindi ko dinilian 'yan mukha mo nang napuno ng chocolate icing noong 7th birthday mo, ah?"
"We were just seven then!"
"Ahh, so may malisya na ngayong 29 na tayo?"
"Walang malisya; I just think it's inappropriate—"
"Inappropirate mo'ng mukha mo. Hali ka na, akin na 'yang ice cream sa pisngi mo."
Gene turned his back and walked faster, hoping to get away from her. "Subukan mo at duduguin 'yang bibig mo sa'kin."
Malakas na tumawa si Trini bago humabol. Doon na tumakbo si Gene dahilan upang lalong magpursige si Trini at tumakbo na rin. They ran in circles like kids playing tag.
It was always like this for them. Life was always rainbows and butterflies when they were together. As if nothing could go wrong, as if everything was gonna be okay for the both of them. Their friendship was beyond perfection; it was as if they were born in this world to meet and be friends forever. They were soulmates, and they couldn't live without each other.
Nagpatuloy ang dalawa sa pag-habolan. Parehong walang kamalay-malay na sa susunod na dalawang linggo ay magkakaroon ng malaking pagbabago sa buhay nilang pareho. Pagbabagong maglalagay sa pagkakaibigan nila sa bingit ng pagtatapos.
They just had no fucking idea...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top