CHAPTER 012 - She Always Needed Him
WALA SA LOOB NA NAPASULYAP si Gene sa wallclock na nakasabit sa pader ng workshop upang alamin kung anong oras na. Madilim na sa labas subalit ang ingay na madalas niyang inaasahang marinig pagdating ng ganoong oras ay hindi pa rin niya naririnig.
Buong maghapon siyang abala sa inaayos na sports car at hindi niya namalayan ang oras.
Sabagay, hindi na rin bago iyon. Palaging ganoon ang sistema sa tuwing may minamadali siyang trabaho. Kahit sino naman, kapag may tinatapos na deadline ay tutok na tutok sa ginagawa at ang oras ay mabilis na tumatakbo.
In his case, he woke up at six in the morning, did his usual routine starting with an hour jog around the subdivision, having his coffee the minute he was back, and normally, while he had his coffee, Trinity would arrive and prepare breakfast.
Not today, though.
Kaninang umaga'y maaga itong tumawag upang sabihing late nang nagising at hindi na makakadaan sa bahay niya upang mag-almusal. It wasn't the first, kaya hindi siya nagtaka. Madalas itong ma-late kaya madalas na nakatatanggap ng memo mula sa manager nito.
So, without Trini, he made a sandwich and head to his workshop to start working on the sports car. Nagpahinga lang siya nang tanghalian upang kumain, pero pagkatapos ay bumalik na siyang muli sa ginagawa at hindi na muling huminto hanggang sa dumating ang oras na iyon.
At nahinto lang siya dahil may bigla siyang napantanto.
Trinity was supposed to be in his house already, making some noise while she prepared dinner.
Pero wala pa rin ito.
At ano'ng oras na!
Hindi na siya nakatiis pa. He's done for the day.
Kaya itinigil niya ang ginagawa saka humakbang patungo sa shelf upang ibalik doon ang hawak na wrench. He was using it to fix the engine. Matapos ilapag nang maayos ang gamit ay hinila niya ang hand towel na naka-suksok sa kaniyang backpocket saka nagpunas muna ng kamay na napuno ng grasa. Nang masigurong malinis na ay ang towel naman ang ni-itsa niya sa kung saan na lang saka inabot ang cellphone na naka-patong sa working table niya.
His forehead furrowed all the more after seeing there was no message from Trini for the whole afternoon. Nasanay na siyang napupuno ang inbox niya ng mga mensahe nito, subalit ngayon ay wala.
Hindi kaya...
Sa pag-aakalang baka may nangyaring masama sa kaibigan ay madali niyang ni-dial ang number nito. Trini's phone rang.
But she didn't answer.
Muli niyang sinubukan. At sa pagkakataong iyon ay may sumagot sa kabilang linya.
"Hey."
Nakahinga siya nang maluwag nang marinig ang tinig ng kaibigan. "Working overtime tonight?" Humakbang siya patungo sa backdoor ng workshop; ang pintong iyon ay konektado sa kusina niya. Sa gilid niyon ay may button na diniinan niya bago pumasok sa pinto. Ang button na iyon ang control system nagsasara at nagbubukas ng roll up door sa harap ng workshop.
"No, nasa bahay na ako. Sorry kung hindi ako kaagad na nakatawag; I was in a hurry—oh shit."
"What happened?" Tuluyan na siyang nakapasok sa kusina, at bago tuluyang ini-sara ang pinto niyon ay lumingon muna siya upang siguraduhing nakababa niya ang roll up steel door ng shop.
"Nabangga ko ang balakang ko sa edge ng mesa. Damn these shoes— masakit sa paa!"
Nakapatay pa ang mga ilaw sa loob ng bahay niya dahil buong maghapon siya sa trabaho. He opened the kitchen light and walked straight to the fridge. Naghanap siya ng maiinom mula roon. "Take them off then. Nasa bahay ka na pala, bakit hindi ka pa naghuhubad ng sapatos? At bakit ka nga pala hindi nakadaan sa bahay? Have you had dinner yet?"
"What? Hindi ka pa ba nagdi-dinner ngayon? It's almost eight, Gene. Don't tell me na katatapos mo lang magtrabaho?"
"I was asking the questions, Trini. Why didn't you drop by and have you had dinner already? And what's happening? No messages the whole afternoon? This isn't like you."
Matagal bago nakasagot si Trini mula sa kabilang linya. Tila ito naglalakad, may hinahanap dahil bubulong-bulong, hinihingal. Natataranta.
"Damn it, I am so late for my date."
"Your date?" She has a date? And I didn't know? What the--
"Sorry, Gene. Give me a sec." Sandaling nawala sa ere si Trini at sa loob ng ilang segundo'y nanatili siyang naka-antabay. May hawak na siyang isang lata ng root beer subalit hindi niya mainom dahil sa pagtataka. Ilang sandali pa'y muling nagsalita si Trini sa kabilang linya. "OK, I'm back here now."
"What date? And what the hell is happening?"
"Nagpalit ako ng sapatos. Bago kasi iyong suot ko kanina at mukhang hindi ako magiging komportable. Oh, sorry I forgot to tell you that I wouldn't be able to drop by to your house tonight—I was going to order and send you dinner pero nawala sa isip ko dahil na-traffic ako pauwi at male-late na ako sa date. I am meeting Deewee tonight."
Nang marinig ang mahabang paliwanag ni Trini ay naunawaan na niya kahit papaano ang mga nangyayari. Napailing siya at napa-ismid. "Don't worry, ako na ang mag-o-order ng dinner ko; hindi na ako bata. Just enjoy your night with Deewee. And remember—Trinidad—get to know him first."
"I know..." He could imagine her rolling her eyes upward. "I really need to hang up now, Gene. Late na ako at siguradong nasa daan na rin papuntang Ramirez si Deewee. I don't want to be late. Bye for now—"
"Okay, bye. And by the way, don't stay up late."
He was expecting to hear more from her, pero kay bilis na tinapos ni Trini ang tawag.
Sandali siyang napatitig sa cellphone bago nagkibitbalikat saka iyon inilapag sa mesa. Inubos niya ang laman ng lata at ini-itsa iyon sa trashbin. Muli niyang binuksan ang freezer at naghanap ng karne. He saw a packed stirloin. He took that out and placed it on the sink. Idi-defroze na muna niya habang naliligo siya sa itaas. He'd cook simple steak for dinner.
Matapos niyang ibabad ang karne sa lababo ay humakbang na siya palabas ng kusina.
Mahigit dalawampung minuto ang lumipas nang bumaba siyang muli; nakaligo na. Nasa hagdan pa lang siya nang marinig ang ringtone ng cellphone niya. Madali niyang ini-suot ang puting T-shirt saka binilisan ang pagbaba. Hindi niya alam kung sino ang tatawag sa kaniya sa mga oras na iyon, pero sana ay hindi importante dahil pagod siya at gusto nang magpahinga.
Nang marating ang kusina at makita kung sino ang caller mula sa phone screen ay lalong nagsalubong ang mga kilay niya.
It was none other than Trini.
He was about to answer it when the ring stopped.
At lalo siyang nagtaka nang makitang 12 missed calls na ang mayroon siya mula rito.
Mabilis siyang nag-return call. He could sense that something wrong was going on...
Matapos ang apat na ring ay sumagot si Trini mula sa kabilang linya, her voice was low and frantic.
"Gene..."
"What happened?'
"I have a red alert."
Sandaling nagsalubong ang mga kilay niya; pilit niyang inalala sa isip kung ano ang ibig sabihin niyon. The code was familiar—pero dahil sa tagal na hindi na nila nagagamit ni Trini ang coding na iyon ay hindi na niya maalala pa kung ano ang ibig sabihin.
"Hello?"
Hindi siya mapalagay sa nanginginig nitong tinig.
"I repeat—this is a red alert and I need your assistance, Gene. Please. Please come over."
Red alert... Red alert... Red alert...
Paulit-ulit niyang inusal ang mga katagang iyon hanggang sa pumasok sa isip niya ang nangyari noong highschool sila, mahigit isang dekada na ang nakararaan.
Trini had a crush on this guy from the same batch, at unang umamin si Trini habang nasa loob ng locker room ng soccer team kung saan kabilang ang lalaki. While she was confessing, the guy noticed a red stain on her skirt and because of that, he made fun of her. Trini was so embarassed she just ran away. Pumasok ito sa girl's bathroom at doon nagkulong. Then, she phoned him.
He was on the rooftop of the school building making out with his current fling. Napa-bangon siya nang wala sa oras nang tumunog ang cellphone mula sa kaniyang uluhan. Nang makita niya ang pangalan ni Trini sa screen ay napa-ungol siya. Ang kasama niyang nakapaibabaw sa kaniya at akma na sanang maghuhubad ng blusa ay nahinto nang sagutin niya ang tawag.
"What?" iritado niyang sambit. He could already see Tessa's huge boobs peeking out of her blouse, and he couldn't wait to touch them. But then here comes his best friend, ruining the mood.
"I have... I have that red spot on my skirt, Gene."
Kinunutan siya ng noo. Ayaw niyang makausap muna si Trini sa mga sandaling iyon. He was busy—at ayaw niyang magalit si Tessa sa kaniya. "I can't talk right now. I'm going to switch off my phone, so—"
"Please!"
At bumangon ang pag-aalala niya sa dibdib nang marinig ang paghikbi nito. Sa background ay may naririnig siyang mga tawanan. Laughters from women that echoed around the room.
Tuluyan siyang napa-upo at balewalang pinaalis si Tessa sa ibabaw niya.
"Where are you?'
"N-Nasa female restroom ako ngayon, s-sa west wing ng school building..."Muli itong humikbi. Sa background ay narinig niya ang pagsalita ng isang babae at nagsabing,
"Ang lakas ng loob na magtapat kay Jerome, pero may tagos ka pala sa puwet. Geez, saan ka kumukuha ng lakas ng loob, Trinity?" Sinundan iyon ng malakas na tawanan.
"What did you mean by red spot?" Hindi niya gusto ang mga narinig sa kabilang linya. Maagap siyang tumayo at itinaas ang zipper ng pants. Bahagya na niyang nakita ang pagdadabog ni Tessa sa gilid ng kaniyang tingin.
"M-May... dugo sa likod ng palda ko." Muling napasinghot si Trini. "Just please, Gene. Just come already. Pinagtatawanan ako ng mga babae rito at wala akong mahingan ng tulong..."
"Okay, I'll be there." Tinapos niya ang tawag at inisuksok ang cellphone sa bulsa ng pantalon. Niyuko niya si Tessa na matalim ang tingin sa kaniya. "I have to go—"
"Go and I'll break up with you, Genesis Zodiac! Mamili ka sa amin ng matalik mong kaibigan!"
Kinunutan siya ng noo—at bago pa niya napigilan ang sarili ay pigik siyang natawa. "I would choose my best friend over and over, Tessa. Plus—hindi ko alam na tayo pala? I thought we were just experimenting..."
Malakas na napasinghap si Tessa. "Oh, you—"
"Goodbye, Tessa. You kiss great, by the way. Sayang." Iyon lang at tumalikod na siya. Bago siya tuluyang makapasok sa pinto pabalik sa school building ay narinig pa niya ang malakas na pagsigaw sa kaniya ni Tessa.
Halos talunin niya ang mga baitang ng hagdan pababa. Limang minuto makalipas ay narating niya ang lobby ng school building. Alas tres na ng hapon at ang ibang klase ay tapos na kaya maraming estudyante ang naroon. Ang ibang mga kakilala niya'y binabati siya subalit hindi niya pinansin ang mga ito. He hurriedly walked towards the west side of the building where Trini said she was at.
Ilang sandali pa'y natanaw na niya ang dalawang magkatabing restrooms. Sa kaliwang bahagi ang para sa mga babae, at sa labas niyon ay nakita niya ang apat na mga estudyante—mga kaklase nila ni Trini—na nagtatawanan habang nakasilip sa kung ano man ang naroon sa loob.
Ang isa sa mga iyon ay nakita siya, at sinenyasan nito ang mga kasama. Nahinto ang mga ito sa pagtawa nang makalapit siya.
"Oh, hey there, Gen—"
"Nasa loob ba si Trini?"
Hindi na nagawa pang sumagot ng mga ito nang lumampas ang kaniyang tingin sa pinto ng lady's room. Nakabukas iyon at sa loob ay may nakita siyang dalawang senior students na babae, pilit na binubuksan ang pinto ng isang cubicle; nagtatawanan. Hindi na niya kailangan pang alamin kung sino ang nasa likod ng cubicle. Mabilis siyang pumasok sa ladies room sa panggilalas ng mga ka-klase niya. Ang dalawang senior students ay nanlaki ang mga mata nang makita siya.
"Genesis Zodiac?" anang isa. Of course they knew him—malibang ka-klase ng mga ito sina Taurence at Aris ay kaibigan din ng mga ito si Tessa.
Hindi niya pinansin ang dalawa at kinatok ang pinto ng cubicle na pilit na binubuksan ng mga ito kanina.
"Please—leave me alone!" ani Trini mula sa loob—patuloy sa pag-iyak.
"I'm here," aniya bago nilingon ang dalawa at tinapunan ng masamang tingin. Nagkibit-balikat lang ang mga ito bago humakbang palabas ng ladies room. Ilang sandali pa'y bumukas ang pinto ng cubicle na kinaroroonan ni Trini, at ang bumungad sa kaniya ay ang luhaan nitong mukha. Hawak-hawak nito sa nanginginig na kamay ang cellphone.
"What are you doing?" tanong niya; labis na naaawa sa itsura ng kaibigan.
Imbes na sumagot ay tumalikod si Trini at ipinakita sa kaniya ang pulang mantsang nasa likuran ng suot nitong puting skirt. Iyon ang uniporme nitong skirt na ginagamit para sa tennis practice game.
Nagpakawala siya nang malalim na paghinga. Wala siyang babaeng kapatid pero alam na alam niya kung ano ang ibig sabihin ng pulang mantsang iyon. And he felt terribly sorry for Trini.
Lumapit siya at masuyo itong hinawakan sa pisngi. "Is this the first time?"
Tumango ito, ang mga luha'y patuloy sa pagdaloy.
"Stop crying. Kukunin ko ang PE pants mo sa locker at uuwi na tayo—"
"Please don't leave. Babalikan ako ng mga babaeng iyon at—"
"Kung ganoon, kaya mo bang lumabas nang may ganito?"
Umiling ito.
Muli siyang nagpakawala nang malalim na paghinga bago hinubad ang suot na puting uniporme. Sapat ang laki ng size niyon upang maitali niya ang mga manggas paikot sa bewang ng kaibigan.
"You're lucky I always wear a white shirt inside my uniform," usal niya matapos buhulin ang mga manggas. Tuwid siyang tumayo at hinawakan sa kamay ang kaibigan. "Those girls bullied you instead of helping you. Why did they do that?"
"B-Because I confessed to Jerome Sison..."
"You confessed to that gorilla? I didn't know you had a crush on him."
"Tutuksuhin mo ako kapag sinabi ko sa'yo." Napayuko ito at hinigpitan ang pagkakahawal sa kamay niya. "L-Let's just go, bago pa... magsulputan ang mga kasama ng dalawang senior students na iyon dito..."
Napabuntonghininga siya at hinarap ito. Hinawakan niya ito sa magkabilang braso. "Don't worry, Trini. I won't let them bully you ever again. I'll protect you and I'll always be here for you." Muli niya itong hinawakan sa kamay at hinila na palabas.
Sa labas ng pinto ng ladies room ay nakasilip ang mga babaeng estudyante. Nagbigay-daan ang mga ito sa kanila nang papalabas na sila, at nang tuluyan na silang nakalayo ay muli siyang tiningala ni Trini.
"Bawal pumasok ang mga lalaki sa ladies room—baka bukas ay ipatawag ka sa principal's office—"
"I don't care." Yumuko siya at ningitian ito. "Sasabihin ko na lang na ikaw ang nagpapasok sa akin. Ididiin kita."
Sandaling natigilan si Trini bago napahagikhik. "You're such a bad friend."
"I know. That's why you love me."
Trini's smile widened. "That's right. I love you, Gene."
*
*
*
"Shit." Ang tanging naiusal niya nang maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Trini sa salitang Red Alert. Kahit kailan ay hindi niya malilimutan ang araw na iyon noong nasa third year high school sila ng kaibigan. At mukhang nangyari na naman ngayon ang kaparehong nangyari mahigit isang dekada na nang nakararaan.
And Trini wouldn't ask for help from any women because she was traumatized by what happened back that day.
Sa malalaking mga hakbang ay tinungo niya ang front door. Dinaanan niya ang pader kung saan nakasabit ang mga susi at hinablot niya ang para sa truck niya. He then took the coat hanging on the hook behind the door and went out.
Kailangan niyang magmadali.
His best friend needed him.
A/N:
Salamat sa paghihintay! Nagkasakit ako these past few weeks kaya hindi ako nakapag-sulat. I am okay now and back to writing. Tuluy-tuloy ang regular update dito, but...
>> Advanced updates are already posted on Tala Natsume VIPs (Facebook). If you wish to become a member, just PM me on my Facebook account (Tala Natsume).
RISE ABOVE THE ZODIAC SERIES
(In order)
#1. JAN QUARO ZODIAC (Aquarius) - Free and completed here on Wattpad.
#2. FREE PHILLIAN ZODIAC (Pisces) - Pay to read (VIP) and completed on Dreame/Yugto/AllNovel
#3. CERLANCE ZODIAC (Cancer) - Free and completed on Dreame/Yugto/AllNovel
#4. ISAAC GENESIS ZODIAC (Gemini)
#5. ACE TAURENCE ZODIAC (Taurus)
#6. LEE BENEDICT ZODIAC (Libra)
#7. LEONNE ZODIAC (Leo)
#8. ARISTON GHOLD ZODIAC (Aries)
#9. VIREN GHALE ZODIAC (Virgo)
#10. SACRED ZODIAC (Scorpio)
#11. SAGE THADDEUS ZODIAC (Sagittarius)
#12. CAPRIONNE ZODIAC (Capricorn)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top