CHAPTER 011 - It's Going To Be A Mess




           "DEEWEE!"

           "Trini!"

           Manghang lumapit si Trini sa nakangiting si Deewee. Saktong pababa siya sa hagdan ng malaking bahay ng pamilya Zodiac nang makitang binuksan ni Phillian ang front door at bumungad si Deewee.

           Free Phillian Zodiac was the second eldest, at isa rin ito sa dalawang mga kapatid ni Gene na may asawa na. He was living in a town three hours away from Asteria; malapit sa dagat. Ito ang best friend noon ni Deewee, at kaya marahil naroon ito ay dahil naimbitahan ni Phill.

"I didn't know you're here!" bulalas ni Deewee; hindi makapaniwalang naroon siya.

Napangiti siya habang nakatitig dito. Deewee used to be chubby and baduy. Maraming tigyawat at may braces sa ngipin noong high school ang mga ito. Pero ngayon ay iba na. Deewee had lost his excess fats; fit na fit na ito at magaling manamit. Dati na itong tisoy, pero lalong naging tisoy sa tagal ng paninirahan nito sa States. Ang pisngi ay namumula nang bahagya na kung wala marahil itong manipis na balbas ay baka mahiya siya sa kinis ng mukha nito. His braces were gone, too. And his smile was incredible. Unang kita niya rito noong unang date nila'y namangha siya na hindi niya napigilang titigan ito nang husto sa loob ng unang limang minuto. And now... as she looked at him smiling from ears to ears upon seeing her, she couldn't help but feel the kilig.

Syete... Kinikilig na ako kay Deewee...

           "Morning, Trini," nakangiting bati ni Phill na umagaw sa pansin niya. Binalingan niya ito at nakita ang malapad din nitong pag-ngiti. As usual, suot-suot na naman nito ang blue and white Hawaiian shirt nito at itim na Khaki shorts; pinaninindigan ang pagiging beach-person.

           Tuluyan na siyang nakababa at sandaling nahinto sa puno ng hagdan. Sina Phill at Deewee ay sabay na naglakad palapit sa kaniya.

"Afternoon, Kuys Phill. Alam kong tanghali na kaya h'wag mo akong ma-goodmo-good morning."

Phill chuckled and said, "Tulog-mantika ka nga raw sabi no'ng isa."

"Ugh! Sasapakin ko talaga 'yong si Gene dahil hindi ako ginising para mag-almusal. Nakakahiya kay Tita Feli, baka sabihin nagpapaka-VIP ako."

Malapad itong ngumiti. "You know how our mother adores you, Trinity, at alam kong alam mong hindi siya mag-iisip ng masama tungkol sa'yo. Isa pa, totoo namang VIP ka sa bahay na ito. You are special to our family. Sa tagal ng pagkakaibigan ninyo ni Gene ay naging pamilya ka na rin namin. So do whatever that pleases you. This is your home, too."

Tinugunan niya ang sinabi ni Phill nang matamis na ngiti. "Thank you, Kuys. Kaya isa ka sa mga favorite ko sa inyong magkakapatid, eh."

Phillian chuckled again. "And just so you know, si Ma ang nagsabing h'wag ka nang gisingin at hayaang magpahinga, tutal naman daw ay may dinaanan kayong fastfood chain papunta rito. Don't worry, it was just a usual breakfast; nothing's new kaya wala kang nakaligtaan."

"Pero hindi ko natikman ang masarap na pritong tapa ni Aling Patty..." nakanguso niyang reklamo.

"Well, I can tell her na maghain ng ganoon para sa iyo ngayong tanghalian."

"You will?"

"Of course, Trinity." Muli siya nitong nginitian na sandaling nagpatanga sa kaniya.

Damn all the Zodiac brothers; may taglay na karisma ang bawat isa. Simpleng ngiti lang ay ikalalaglag na ng mga panty ng mga babaeng makahaharap ng mga ito.

           Buti siya'y sanay na.

           Buong buhay ba naman niya'y kasama niya ang mga ito.

           "Well, then. Maghanda na kayong dalawa for lunch. Doon sila Ma naglatag ng mesa sa back yard. I'll meet you two outside." Akmang hahakbang si Phill patungo sa kusina nang muli siyang nagsalita.

           "Nasa labas na rin ba si Gene, Kuys? Wala siya sa kwarto nang magising ako pero iniwan niya ang cellphone niya kaya hindi ko siya ma-contact. May usapan kaming ibibili ng regalo si Leonne sa bayan, naisip kong baka iniwan niya ako at umalis siyang mag-isa."

           "Nah. He never left since this morning. Nasa labas siya ngayon kalaro sina Theo at Quentin." Phillian paused and chuckled again. "Could you please convince your best friend to start looking for someone he could settle down with? Bumuo na rin 'ka mo siya ng sarili niyang pamilya. Magmula kasi kaninang pagbaba namin ay hindi na niya binitiwan ang dalawang bata."

           Pangiwi siyang ngumiti at hindi na sumagot pa.

Papaano ba niya ipaliliwanag kay Phill na siya itong nagsasabi kay Gene na h'wag munang lumagay sa tahimik hanggang sa single pa rin siya? Na h'wag muna itong mag-asawa hanggang sa wala pa siyang asawa. Na siya itong pumipigil sa kaibigan niyang lumagay sa tahimik dahil kailangang mauna muna siya.

Papaano niya sasabihin iyon?

"Anyway..." Hinarap ni Phill si Deewee na kanina pa nakamasid sa kanila. Muntik na niyang makalimutan na naroon ito.

            "Dude, mauna na ako sa likod. Do you still remember the way?'

"Of course, pare."

"Naroon na ang lahat kaya sumunod na lang kayo ni Trini roon."

           Tumango si Deewee, at si Phillian naman ay muli siyang hinarap. "Sasabihin ko kay Aling Patty na ihanda ang paborito mong tapa. Lunch will start in ten minutes."

"Thanks, Kuys."

Ngumiti si Phillian at banayad na tinapik-tapik ang balikat niya bago ito nagpaumanhin sa kanilang dalawa at tinungo ang daan patungo sa back door. Nang tuluyan silang naiwang dalawa ay muli siyang hinarap ni Deewee.

           "So... you and Gene slept in the same room?"

           Sandali siyang natigilan bago natatawang ipinaypay ang kamay sa ere. "Ah, yes. Pero h'wag kang mag-alala, sa couch siya at ako ang nasa kama. Sanay na rin kami at ang buong pamilya Zodiac sa ganoong sistema."

           "Hmm.." Tumango si Deewee at pilit na inintindi ang sitwasyon.

           "W-Well, I didn't know you would be here! Akala ko'y magiging abala ka sa pag-hahanap ng bahay na bibilhin?"

           "I was; pero hindi ko mahindian si Phill nang yayain niya ako rito. I was planning to call you on Sunday to ask you out again. Buti at nagkita tayo rito."

"I was waiting for that call, Deewee." Her voice was so gentle it made Deewee smile. Sa sumunod na mga sandali ay nanatili lang silang nagkatitigan hanggang sa napayuko siya at parang teenager na nahiya sa kaharap. She could feel her blood rushing up to her face.

"Let's go?" ani Deewee makaraan ang ilang sandali.

Tumango siya at sabay silang naglakad patungo sa back door. Habang naglalakad ay kinumusta ni Deewee ang araw niya at ang kaniyang trabaho. They spoke for a while until they reached the door. Ito na mismo ang nagbukas niyon para sa kaniya, and she shyly uttered her thanks which he responded with a smile.

            Paglabas sa backyard ay kay Genesis kaagad natuon ang kaniyang pansin. Nahinto siya nang makita itong nakikipaghabulan sa dalawang mga pamangkin kasama si Lee. Nasa anyo ni Gene ang labis na tuwa at pagkaaliw, at nang mahuli nito ang dalawang taong gulang na si Theo ay binuhat nito ang pamangkin at inikot-ikot sa ere.

Gene was so happy with his nephews around him, and she knew why. 

            Her best friend had always been so fond of kids. Kahit sa mall, kapag napapadaan sila roon ay nakakakita ito ng bata sa stroller ay humihinto ito at kinakausap ang bata kahit hindi ito maintindihan dahil halos baby pa. Minsan naman, kapag nasa restaurant sila at may mga bata sa katabing mesa, makikipagkulitan ito.

Napangiti siya habang pinanonood ang kaibigan.

Deep in her heart, she knew... that Gene's future wife would be the luckiest woman on Earth.

She knew because she was so sure Gene would become a great husband, and a fun, loving father.

*

*

*

           "Trini and Deewee? Really?" Hindi alam ni Taurence kung matatawa habang nakatingin kina Trini at Deewee na masayang nag-uusap sa isang bilong na mesa, magkaharap at tila mga walang kasama. Tatlong metro mula roon ay ang oval wooden table na pinatungan ng picnic blanket at sa ibabaw ay samu't-saring pagkain na inihain ni Aling Patty para sa tanghalian. From Filipino to Western.

           "I was surprised, too," komento naman ni Aris bago dinala sa bibig ang tasa ng tsaa. They were sitting at the balcony overlooking the cornfield after having lunch. Ang kanilang Ma Felicia, sina Calley, Kirsten, ang kasambahay na si Nelly, kasama ang dalawang bata na sina Theo at Quentin, at ang mga syota nina Lee at Aris, ay nasa isa pang bilog na mesa at naghaharutan.

           Ang magkakapatid naman ay nasa balkonahe at nagku-kumustahan nang mabaling ang tingin nila kina Trini at Deewee. Maliban sa apat na laging MIA (Cerlance, Sacred, Sage, at Viren), ay kompleto ang magkakapatid.

           "I set up a date for those two," ani Genesis na ini-sandal ang sarili sa bench paharap sa kinaroroonan ng mga pinag-uusapan ng mga ito. Ipinatong ang mga siko sa sandalan saka ini-patong ang kanang binti sa kaliwa.

           "He did," sabat naman ni Phillian. "And I double-checked if he was serious."

           "Why did you do it?" tanong naman ni Taurence. "How could you trust Trini to someone else?"

           "What do you mean? It's Deewee," sagot ni Gene na sandali lang tinapunan ng tingin si Taurence bago ibinalik ang pansin sa dalawang laman ng usapan nila. "Kakilala siya ni Phillian. At kung may gagawin siyang mali kay Trini ay alam ko kung saan siya hahabulin."

           "Bakit kasi hindi na lang kayo ni Trini ang—" nahinto si Lee sa sinasabi nang magpakawala nang malalim na paghinga si Gene. Inayos nito ang pagkaka-upo saka ipinatong ang mga siko sa magkabilang mga tuhod.

           "I am getting tired of y'all telling me to hit on my best friend. Ilang ulit ko bang dapat sabihin sa inyong kahit kailan ay hindi kami mauuwi sa gusto ninyong mangyari? Trini and I have a platonic relationship, and no romantic feeling would ever break that special bond between us."

Sandaling natahimik ang magkakapatid.

Hanggang sa hindi napigilan ni Phillian na magsalita. "You know, there were times I would see Trini staring at you with something in her eyes. Something that wasn't supposed to be there."

"Something like what?" ani Gene.

"I couldn't explain it, but it's the kind of emotion that a woman shouldn't be feeling toward her best friend."

"You're making up stories."

"No, I'm not. Kaya nga tinanong kita kung sigurado ka sa gusto mong mangyari."

"Kung gugustuhin namin ni Trini ang isa't isa, sana ay noon pa, Phill."

"You never know, Acky," sabat naman ni Quaro na kanina pa tahimik. Ang tingin nito'y nabaling kina Trini na Deewee na patuloy sa masayang kwentohan. "Feelings change. Sa una ay akala mo, wala kang nararamdaman. But wait until she leaves your side, and that's where you'll know."

"Gah!" Napipikon na tumayo si Gene at hinarap ang mga kapatid. Sina Aris, Lee, at Leonne ay napangisi sa naging reaksyon nito, habang sina Quaro, Phill, Caprionne, at Taurence na siyang labis na tinamaan sa sinabi ng nakatatandang kapatid, ay nanatiling seryoso. "You all didn't get it. My relationship with Trinity is special and romance has nothing to do with it. Sure, I love her. Pero iyon ang tipo ng pagmamahal na para sa isang kapatid, sa isang pamilya. Not the kind of love na nararamdaman ninyo sa kama."

"There are many kinds of love, Acky, and you only knew two of them?" sabi pa ni Taurence. Doon naman nabaling ang tingin ni Gene. "Love for family and love for sex are the ones you only knew, but there's more. Like... love for nature. For music. For life per se. For a woman. At tama si Quaro; hindi mo maiintindihan ang totoo mong damdamin sa isang babae hanggang sa umalis siya at iwan ka. I just hope it never happens to you, but it did to me and it was hellish."

"Masyado ninyo akong pinangungunahan; d'yan na nga kayo." Nasira na ang mood ni Gene kaya iniwan na nito ang mga kapatid sa balkonahe. Bumaba ito sa tatlong baitang na hagdan saka nakapamulsang naglakad patungo kina Trini at Deewee.

Ang magkakapatid na naiwan at nakasunod ang tingin kay Gene ay napailing na lang.

"It's going to be a mess if Trini develops feelings for Deewee," ani Quaro makaraan ang ilang sandali.

"How so?" sabi naman ni Aris, ngingisi-ngisi. "Tama naman kasi si Acky, bakit n'yo kasi siya pinangungunahan?"

"It's going to be a mess, believe me." Inisandal ni Quaro ang likod sa sandalan ng bench. "Dahil sa oras na magustuhan ni Trini si Deewee ay mawawalan na siya ng oras kay Gene. There's gonna be no friendly dinners and quality time for the both of them anymore, dahil ang buong pansin ni Trini ay matutuon na lang kay Deewee. At iyang si Acky ay siguradong aalma pagdating ng panahong iyon."





A/N:

Galing maka-advise ni Daddeh Quaro. Paano, naranasan. HAHA!

Sher your tots naman! H'wag na po kayong mahiyang mag-comment! xx





>> Advanced updates are posted on Tala Natsume VIPs (Facebook). If you wish to become a member, just PM me on my Facebook account (Tala Natsume).


RISE ABOVE THE ZODIAC SERIES

(In order)

#1. JAN QUARO ZODIAC (Aquarius) - Free and completed here on Wattpad.

#2. FREE PHILLIAN ZODIAC (Pisces) - Pay to read (VIP) and completed on Dreame/Yugto/AllNovel

#3. CERLANCE ZODIAC (Cancer) - Free and completed on Dreame/Yugto/AllNovel

#4. ISAAC GENESIS ZODIAC (Gemini)

#5. ACE TAURENCE ZODIAC (Taurus)

#6. LEE BENEDICT ZODIAC (Libra)

#7. LEONNE ZODIAC (Leo)

#8. ARISTON GHOLD ZODIAC (Aries)

#9. VIREN GHALE ZODIAC (Virgo)

#10. SACRED ZODIAC (Scorpio)

#11. SAGE THADDEUS ZODIAC (Sagittarius)

#12. CAPRIONNE ZODIAC (Capricorn)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top