CHAPTER 009 - The Favorite Girl







           "OH, GENE.... OH! YESSS... YOU'RE DOING IT RIGHT, BABY. YESSSS!!!!"

           Sinundan iyon ng malakas na pag-ungol na ikina-ngiwi ni Trini. Dire-diretso siya sa pagpasok sa kusina at kunwari ay napa-duwal na tila ba may mapaklang pagkain siyang ini-lagay sa bibig.

           Abot hanggang sa ibaba ang ingay na nililikha ng babaeng kasama ni Gene sa silid nito sa itaas. Na kung hindi marahil nakasara ang front door ay baka umabot din iyon hanggang sa kalsada.

           It was Thursday afternoon and Gene didn't know she was coming early. Kinailangan niyang magtrabaho overtime dahil nagpasa siya ng vacation leave para kinabukasan; marami siyang trabahong gagawin kaya tumawag siya rito at nagsabing baka gabihin na siya sa pagpunta sa bahay nito. Ang orihinal nilang usapan ay aalis sila ng alas dies ng gabi para bumiyahe pauwi sa Asteria upang daluhan ang kaarawan ng isa pa nitong kapatid na si Leonne kinabukasan. Sinabi niya sa kaibigan ang sitwasyon niya at pumayag itong umalis sila ng madaling araw. Pero natapos niya nang maaga ang mga gagawin sa opisina, at ito ang dinatnan niya.

           Oh well, hindi ito ang unang beses na dinatnan niya ang ganitong ganap sa pagitan ng matalik na kaibigan at sa kung sino man ang flavor of the week nito. Hindi na niya mabilang sa mga kamay ang pagkakataong nahuli niya ito sa akto, o nakarinig siya ng kaparehong ingay sa itaas. She had her duplicate key, hindi niya kailangang kumatok sa tuwing darating siya sa bahay nito. Ilang beses niya itong nahuli sa sala pero kaagad siyang uma-atras palabas at saka maghihintay roon ng ilang minuto hanggang sa bumukas ang pinto at umalis ang babae na tila wala lang. Kahit si Gene ay walang pakialam kung mahuli man niya ito, at nasanay na rin siya.

           Nasanay na siya, pero ang sikmura niya ay hindi.

           Hindi niya maipaliwanag kung bakit tila nandidiri siya sa tuwing naririnig niya ang mga babaeng umuungol na tila sarap na sarap sa ginagawa ni Gene. And she wondered if it was going to feel the same if she was gonna do it with her man?

           Mandidiri ba siya sa sex?

           "Oh my!"

           Napalingon siya nang makarinig ng malakas na pagsinghap at gulat na tinig ng babae. Paglingon niya'y nakita niya ang panibago na namang mukha na napa-atras sa gilid ng kitchen entry; suot-suot lang ay ang pink na panty at itim na crop top. The lady wasn't even wearing a bra, and she couldn't help but wonder if her breasts were real. Tayong-tayo kasi at malaki. Kung totoo ang mga iyon ay hindi tatayo nang ganoon. Silicon, maybe? But damn; those were huge silicon!

           "Who are you?" the woman asked, glaring at her.

           "Calm down," she said, almost rolling her eyes. Sanay na rin siya sa ganitong reaksyon. "I am Genesis' best friend and I'm here to clean his house." Yep, maliban sa grocery ay iyon palagi ang sinasabi niya para hindi na magtanong pa nang magtanong ang mga babae kung bakit naroon siya sa pamamahay ng damuho niyang kaibigan.

           "Sa ganitong oras?"

           "Well, I have other jobs, you know. Pang-gabing trabaho ko lang ito."

           The woman was not convinced. Sinuyod siya nito ng tingin mula sa suot niyang itim na sneakers pataas sa suot niyang maong shorts at moss green shirt na may print ng teenage-ninja turtles.

           Ilang sandali pa'y nagpakawala nang malalim na paghinga ang babae saka itinuloy ang pagpasok sa kusina. Dumiretso ito sa two-door fridge, binuksan iyon at naghanap ng maiinom. Ang napili nito ay ang malaking box ng pineapple juice na binili niya —para sa kaniyang sarili!

           How dare this woman touch her juice???

           Huminga siya nang malalim upang huminahon. Hindi alam ng babaeng ito na kaniya ang inuming iyon. She should calm her ass down.

           "Sabagay," anang babae matapos isara ang pinto ng fridge. Muli itong humarap sa kaniya at pinasadahan siya ng mabilis na pagsuri. "Hindi ikaw ang tipo ni Gene, kaya hindi dapat ako nag-aalala."

           She couldn't help but raise a brow. Alam niya kung ano ang pino-punto nito, pero ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na magsalita nang ganoon na parang magtatagal sa buhay ni Gene? Hindi ba nito alam na one-night-stand lang ang kayang ibigay ng isang Isaac Genesis Zodiac? He would never see any woman twice—kahit gaano pa sila ka-galing sa kama!

And by the way— ano'ng alam nito kay Heneroso?! Kung makapagsalita tungkol sa tipo ng babae ni Gene ay tila ba kilalang-kilala nito ang kaibigan niya!

           "Nasaan pala ang mga baso?"

           Pumihit siya patalikod sa babae upang ikuha ito ng baso sa cupboard na nasa harapan niya. Pagharap ay pinigilan niya ang sariling ibato iyon sa babaeng hindi man lang lumapit upang abutin ang baso.

           She gritted her teeth and slid the glass on the table. Saktong huminto iyon bago mahulog sa kabilang dulo. Inabot iyon ng babae at doon ay nagsalin ng pineapple juice habang ang tingin ay nakapako pa rin sa kaniya.

           May attitude 'tong babaeng 'to, bulong niya sa sarili.

           "My name's Chona, by the way," anito bago ipinatong sa ibabaw ng mesa ang juice box matapos magsalin sa baso.

           Tumango siya. Hindi niya kailangang sabihin dito kung ano ang pangalan niya. They wouldn't see each other again, anyway.

           "And you are...?"

           "You don't need to know my name." Tipid siyang ngumiti bago tumalikod at nagkunwaring abala sa pagpupunas ng lababo kahit malinis naman iyon. Para siyang tanga—ano ba itong ginagawa niya?

           "Okay," tipid na sagot ng babae. "I'm going upstairs now. Sasabihin ko kay Gene na narito ka."

           Napa-ismid siya at lumingon upang makita ang paglabas ng babae sa kusina. At habang naglalakad ito palabas ay bumaba ang kaniyang tingin sa balakang nito. Dahil nakasuot lang ito ng crop top ay nakita niya ang tattoo sa lower back nito na ang haba ay umabot hanggang sa magkabilang dulo ng balakang nito. It was red dragon tattoo that looked so real. Parang gumagalaw sa bawat pag-indak ng balakang nito. 

           And she was... amazed.

           The tattoo looked so hot and sexy—hindi niya akalaing nakadadagdag ng appeal ang ganoon sa mga babae?

           Fine. Maganda ito, malapad ang balakang, at may fake boobs. Pero sanay na siya sa mga babaeng dinadala ni Gene roon at hindi na siya namangha sa ganda ni Chona. Pero nang makita niya ang tattoo nito'y masasabi niyang ito ang pinaka-mainit sa lahat ng mga babaeng ini-kama ni Gene.

           And she couldn't help but pout.

           Kainis ka, Heneroso. Apaka-galing talagang lumandi...

           Ilang sandali pa'y nakita niya ang babaeng umakyat na ng hagdan, at kasunod niyon ay narinig niya ang pagbukas at ang pagsara ng pinto ng silid ni Gene sa itaas.

           Napa-ismid siya at akmang lalabas na rin ng kusina upang doon na maghintay sa sala nang nalipat ang tingin niya sa lamesa. Nanlaki ang kaniyang mga mata.

           Aba'y napakagaling na babae! Iniwan lang ang juicebox at baso sa mesa! Sino ang magliligpit niyan? Ako?!

           Oh, she was triggered. Umakyat lahat ng dugo sa ulo niya dahil sa inis. Gusto niyang magwala, pero bago pa mangyari iyon ay narinig na niya ang muling pagbukas at pagsara ng pinto sa itaas. Then, she heard the familiar steps going down the stairs.

           Umangat ang tingin niya sa hagdan na nakikita niya mula sa kitatayuan. Si Genesis ay pababa nang walang ibang suot kung hindi ang pantalon nito. He was still zipping it up as he went down the stairs. Sigurado siyang sinabi rito ng Chona na iyon na naroon siya.

           Humalukipkip siya at ini-sandal ang sarili sa lababo habang hinihintay ang pagsulpot ng kaibigan sa kusina.

           And when Gene did, she raised an eyebrow and gave him a fish look.

           "Enjoying your night, I see..." tuya niya rito. Hindi niya pinansin ang hubad na dibdib na ibinabalandra ng kaibigan. Wala siya sa mood para ma-mangha sa ganda ng katawan nito.

           "Akala ko ba ay gagabihin ka?" anito.

           "Napa-aga ang uwi dahil maaga kong natapos ang trabaho."

           "Where are you stuff, then? Nagdala ka ba ng mga damit?"

           "Of course not. Umuwi lang ako sa apartment pagkatapos ng shift ko at nagbihis. Dumiretso na ako rito para makaalis na tayo kaagad. I didn't know may booking ka pala ngayon."

           Hindi nito pinatulan ang sinabi niya. "Go back to your house and grab some of your clothes; baka abutin tayo ng dalawang araw doon."

           "Dalawang araw lang naman pala, eh dalawang T-shirt lang at pants ang magagamit ko—"

           "For fuck's sake, Trinity, stop using my clothes. Ginagamit mo ang mga pants ko nang hindi nagsusuot ng panloob— sa tingin mo ba talaga ay nasisiyahan ako roon?"

           "Ha! Pinandidirihan mo talaga ako, Heneroso?!" Oh, bakit ba siya napipikon? Hindi ito ang unang beses na pinagalitan siya ni Gene dahil doon!

           "Hindi sa ganoon— I just feel uncomfortable whenever you use my clothes. Hindi magandang tingnan na—"

           "So pinandidirihan mo nga ako?"

           Napabuntonghininga si Gene.

           "Fine. But here's the deal. Dumaan tayo mamaya sa apartment mo, grab at least some of your undies and bring them with us to Asteria. Hindi mo kailangang dalhin sila pabalik dito; doon mo na iwan sa closet ko para sa susunod na babalik tayo roon ay may magagamit ka. Geez."

           Napa-nguso na lang siya at hindi na nagsalita pa. Ang totoo'y nagtatampo-tampohan lang siya dahil napipikon siya sa bago nitong babae.

           "Now, give me a sec at pauuwiin ko na si Chona." Akma itong tatalikod nang may mapansin. Bumaba ang tingin nito sa kaniyang suot. Ilang sandali pa'y nagsalubong ang mga kilay nito. "Where did you get that shirt?"

           "Nagustuhan mo ba?" Nakalimutan niya kaagad ang pagda-drama at napangisi sa sinabi ni Gene. Hinawakan niya sa laylayan ang damit upang ilahad at ipakita rito ang print. "Remember these characters? We used to love them back in the day. Araw-araw nating pinanonood noon ang show nila, 'di ba? You liked Leonardo, but my favorite was Michaelangelo."

           Nagpakawala ng malalim na paghinga si Gene bago napa-iling at ibinalik ang tingin sa kaniya. "Ito ang dahilan kaya walang nanliligaw sa'yo, Trinidad. You are almost 29 and yet you dress like a high school student."

           Nawala ang ngisi niya at napalitang ng pag-kunot. "Ano ang gusto mong isuot ko? Blusang itim at palda hanggang sakong? Manigas ka, huy."

           "My point is... kaya walang nanliligaw sa'yo ay dahil akala ng ibang lalaki'y estudyante ka pa lang. Kung may manliligaw man, baka mas bata pa sa'yo ng sampung taon."

           "I'll take that as a compliment." Itinaas niya ang noo. "Gusto kong isipin na ang ibig mong sabihin ay nagmumukha akong bata sa suot ko."

           Muling bumaba ang tingin ni Gene sa maong niyang shorts. A grimace crossed his face. "Aren't those a little shorter than usual, Trinity?"

           "My God, ano ba kita? Tatay?"

           "I'm just saying. Hindi ako sanay na ganiyan ka-iksi ang suot mo." Lumapit ito sa fridge at binuksan iyon. He took out a sealed bottled water.

           "I just bought these shorts and this shirt the other day; naka-sale sila sa mall kaya napabili ako ng ilang pares." Umismid siya. "Kaya asahan mo nang sa susunod na mga araw ay peckpeck shorts ang pormahan ko."

           Hindi na ito sumagot pa. Binuksan ni Gene ang bote at diretsong in-inom ang laman. Napatingin siya sa leeg nito—sa adam's apple nito na gumagalaw sa bawat paglagok.

Her best friend was a gorgeous man— that's undebatable— na kahit ang pag-galaw lang ng adam's apple nito'y kay sexy tingnan.

           Lihim siyang napabuntonghininga. Sana ay may mahanap siyang tulad nito. She really wanted to have a man in her life like Genesis. Physically, at least. Pero saan ba siya makahahanap ng katulad ng damuhong ito? Genesis had no Filipino genes in him. He was born in Georgia to a Georgian parents and was adopted by the Zodiac's when he was just a toddler along with his other brothers. Saan siya makahahanap ng kasing pogi at kasing sexy nito sa Pinas?

           "Siya nga pala, saan mo na naman nakilala 'yong flavor of the week mo?"

           Inubos muna ni Gene ang laman ng plastic bottle bago sumagot. "She's a new client."

           Her eyes widened in shock. Napa-tayo siya nang tuwid at nagsabing, "You fucked your client?"

           "Gusto mo pang lakasan para marinig ka niya?"

           Mangha siyang napatitig dito. "I can't believe this. Akala ko ba ay may pader kang inilalagay sa pagitan ng trabaho at libog?"

           Balewalang nagkibitbalikat ang gago bago ni-itsa ang wala nang lamang bote sa trashbin na nasa gilid ng kitchen entry. "I made the rule, I could break it, too."

           "Susme, Isaac Genesis Zodiac! What has gotten into you?"

           Napatitig ito sa kaniya; ang makakapal na mga kilay ay nagsalubong. "Why are you acting as if I've made a sin?"

           "Dahil hindi ka naging propesyonal sa trabaho mo! My God, Heneroso! This is so disappointing!"

           "She's hot, what can I do?"

           Lalo lang siyang na-asar sa sinabi nito.

           Gene continued in his nonchalant voice. "Besides, don't worry about it because she's about to leave the county. Lilipad siya patungong Australia sa Lunes. Wala kang kailangang ikagalit d'yan dahil ngayon lang mangyayari ito sa pagitan ko at ng isang kliyente."

           "Hindi ako galit. Naiinis lang ako dahil ang akala ko'y propesyonal kang tao at hindi gagawin ang ganito sa isa sa mga kliyente mo. Bakit, hindi lang naman ito ang unang beses na nagkaroon ka ng maganda at sexy na kliyente, ah?"

           "Yes, you're right. At lahat sila ay tinanggihan ko. But today, I took the bait and I enjoyed it. So stop nagging; ang mahalaga'y masaya ako. At dahil kaibigan kita, dapat suportahan mo ang kasiyahan ko. Tama ba, Trinidad?" There was a warning in his voice, and she knew what it meant. Ang ibig sabihin niyon ay tapos na ang usapan, at kung hindi siya mananahimik ay makikipagtalo ito hanggang sa matalo siya.

           She leered and crossed her arms across her chest. "Fine. But next time, make it clear to your women that they can only access the bedroom and the bedroom alone. Wala silang lugar dito sa kusina."

           "Why not? The last time I checked, this is my kitchen. Hindi ba at ako lang ang dapat na magpasiya kung sino ang puwedeng magtungo rito?"

           "Because look at what that woman did!" Itinuro niya ang mesa kung saan nakapatong ang basong ginamit nang walang'yang Chona na iyon, pati na rin ang juice box niya. "She didn't even wash her glass! Malibang binawasan niya ang juice ko ay hindi niya rin ibinalik sa ref! Ano'ng akala niya sa akin, maid?!"

           "Well, didn't you tell her that you're here to clean my house?"

           "How the hell did you know that?"

           "Hindi ba at iyon lagi ang sinasabi mo sa mga babaeng dinadala ko rito sa bahay?" He smirked. "H'wag mong sabihin ang ganoon sa kanila kung ayaw mong tratuhin ka nila nang ganoon." Kinuha nito ang juice box at ibinalik sa fridge saka ang baso ay dinala nito sa lababo. Nang daanan siya nito'y itinaas ni Gene ang kamay saka ini-dantay sa ibabaw ng kaniyang ulo, gently patting her head to calm her down.

           And she did calm down.

           For Peter's sake, alam na alam talaga ni Gene ang gagawin kapag naghihimutok siya.

           Nang marating ni Gene ang lababo ay saka pa lang ito muling nagsalita. "And don't worry about your juice, ibibili kita ng isang dosena."

           Hindi na siya nakasagot pa nang marinig ang tunog ng takong mula sa itaas. Nalipat ang tingin niya sa hagdan at nakita ang pagbaba ng babae—suot-suot ang leather boots na may tatlong pulgadang heels, ang crop top nito at black-velvet skirt.

           Damn. The woman was so hot she almost lost her own shit. Hindi niya masisi si Gene kung bumigay ito. Totoong maganda si Chona at sexy. Not the Kim Kardashian type of sexy, but more of a Kendal Jenner plus the big boobs. And she just realized that... Chona has a Kendal Jenner aura in her...

           At kung kliyente ito ni Gene, siguradong mamahaling sasakyan ang ipinaayos nito. A sports car or a luxury car, maybe?

           Nahinto siya sa pag-iisip nang dumungaw ang babae sa kitchen entry.

           "I have to go, loverboy"

           Napalingon si Gene at ningitian ang babae. "Your keys are in my workshop; please wait for me at the door."

           "Okay." Muling nawala ang babae sa paningin niya.

           Si Gene ay lumapit, at sa kaniyang pagkamangha ay nagpunas ito ng basang mga kamay sa suot niyang damit.

           "Oh, you son of a—"

           "No cursing," putol nito sa sinasabi niya habang patuloy sa pagpupunas ng kamay sa Ninja Turtle shirt niya. "Ilalabas ko lang sa workshop ang motorbike ni Chona; won't be long, so just stay here."

           Nawala kaagad sa isip ang reklamo niya nang marinig ang sinabi nito. "Motorbike?"

           "Yeah. She has the newest model of Harley Davidson. May pinaayos na piyesa at ang kaibigan niyang racetrack driver ang nag-suhestiyon na sa akin pumunta. She's a badass and I like her. Sayang at paalis ng bansa."

           Lalo siyang namangha at hindi na nakasagot pa hanggang sa iwan siya ni Gene sa kusina.

           Gene liked someone?

           Kahit kailan, simula nang matapos ang unang seryosong relasyon nito sa isang babae ilang taon na ang nakalilipas, at sa dami ng naging babae nito, ay hindi pa sinabi iyon ni Gene. He would always say he enjoyed the sex, but never did he say he liked the woman.

Until Chona.

           No... it can't be...

           But wait...

           Bakit siya umaalma?


__________________________________________


PLEASE DON'T FORGET TO COMMENT AND SHARE YOUR THOUGHTS ABOUT THE STORY!

Nagwo-work nga ba ang bestfriends turned to lovers relationships?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top