CHAPTER 008 - Friends For Life







           "AALIS KA?" tanong ni Trini nang sa pag-dating dito sa bahay ni Gene ay nakita ang kaibigang ini-lalagay ang mga tool box sa likuran ng truck. Sa harap ng workshop ini-parada ni Trini ang kotse kaya nakita kaagad nito ang ginagawa ng kaibigan sa loob.

           "May pupuntahang kliyente," tipid na sagot ni Gene. "I won't be back until 9PM."

           Sinulyapan ni Trini ang relos. "It's only 5PM. Ilang sasakyan ang aayusin mo at ganoon ka ka-tagal mawawala?"

           "Masyadong mahirap ayusin ang nasirang makina kaya nagbigay ako ng ganoon ka-habang time frame." Natapos na nito ang pagkarga ng mga gamit sa sasakyan. Kinuha nito ang towel na nakasabit sa balikat at nagpahid ng kamay. "Umuwi ka na lang at magpahinga."

           "Dito ako matutulog," aniya bago tumalikod at naglakad patungo sa trunk ng kotse. Binuksan niya iyon at kinuha ang dalawang plastic bags na puno na naman ng groceries.

           "Ano na naman 'yang mga pinamili mo?" ani Gene na sumunod sa kaniya. Muli nitong ini-sampay ang puting towel sa balikat saka inabot ang mga plastic bags mula sa kaniya. "What are these?"

           "Panibagong stock ng pagkain. Paubos na ang huling binili ko."

           "Stock ka nang stock ng pagkain dito, pero 'yong fridge mo noong huling pumunta ako sa apartment mo ay walang laman. You only have instant ramen and canned goods in your cupboard."

           "That's the point; tutal ay dito naman ako kumakain ng almusal at hapunan, dito na lang ako magsa-stock ng mga pagkain, hindi ba?" Nauna na siyang naglakad patungo sa front door ng bahay nito.

           Sumunod si Gene. "Bakit hindi ka na rin mag-dala ng mga damit mo rito nang hindi mga damit ko ang inisu-suot mo sa tuwing narito ka? Iniiwan mo pa talaga ang labada sa akin."

           "Eh gusto kong isuot ang mga damit mo, eh. They smell better, and they all smell like you." She looked over her shoulder and smiled at Gene who just gave her a bored look.

           Itinuloy niya ang paghakbang hanggang sa marating niya ang pinto ng bahay ni Gene. She opened the door and went in. And like always—she kicked off her shoes, stretched up, and walked directly to the kitchen.

           Nakasunod lang si Gene at doon naman ito dumiretso sa fridge upang ipasok ang mga pinamili niya.

           "Magluluto ako ng hapunan—dito ka na kumain, hihintayin kita."

           "Don't wait up for me, hindi ko alam kung makauuwi ako ng eksaktong alas-nueve. I might get stuck in traffic."

           "I don't care. Nakakawalang ganang kumain mag-isa. Isa pa, nilagang baka ang lulutuin ko ngayong gabi. Matatagalan ang pakulo no'n."

           Isa-isang inilagay ni Gene ang mga karne sa freezer at mga gulay sa chiller. "What are you going to do while you wait?"

           "Watch movies, ano pa nga ba?"

           "H'wag kang matulog habang nakasalang ang niluluto mo, do you understand?"

           Napangiti siya saka sumandal sa island counter. "That's so sweet. Nag-aalala kang mapabayaan ko ang nakabukas na kalan at baka mauwi sa sunog at may mangyaring masama sa akin?"

           "Nag-aalala ako sa kahihinatnan ng buhay ko kung masusunog mo ang bahay ko, that's all."

           Napasimangot siya—dinakma ang kitchen tissue na nakapatong sa mesa at ibinato kay Gene na naka-iwas kahit nakatalikod. Tila ba nakita nito ang ginawa niya. May mata ba ito sa likod ng ulo? Ilang sandali pa'y inituwid nito ang sarili saka hinarap siya.

           "So, iiwan na muna kita rito. Magwalis ka para matuwa naman ako sa'yo."

She just smirked and said nothing.

           Si Gene naman ay tinungo na ang pinto ng kusina, subalit bago ito lumabas ay muling nahinto at hinarap siya.

           "By the way, I remember something." Inisuksok muna nito ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot na pantalon bago nagpatuloy. "It's Leonne's birthday on Friday. I will be closing the workshop to come to Asteria. I'll leave Thursday night. Are you coming with me?"

           "Siyempre 'no! Iiwan mo ako rito? Ano ka, sinu-suwerte?"

           "Pack up some clothes, then. Hindi kita pahihiramin ng mga damit ko roon."

           Umikot paitaas ang mga mata niya. "Eh 'di h'wag. Na parang may nagagawa siya kapag naisuot ko na mga damit niya."

           Napailing si Gene at tuluyan nang lumabas ng kusina. Humakbang siya pasunod at hinatid ito ng tingin hanggang sa marating ni Gene ang front door. Bago ito tuluyang nakalabas ay nagpahabol pa siya ng,

           "Bring me a large cup of iced coffee on your way back!"

           Gene just waved his left hand without looking back.

           "Drive safely! Luv you!"

           Gene said nothing and closed the door.

*

*

*

           "NAAALALA MO NOONG NASA FOURTH YEAR HIGH SCHOOL TAYO, nagka-crush ako sa isang soccer player sa kabilang school. Pinadadalhan ko pa siya noon ng take-out food tuwing lunch, tapos pinadadalhan ko ng mga love letters only to find out na ikaw pala ang gusto."

           Gene chuckled merrily after hearing what Trini had just said. Nakaupo sila sa sahig ng sala niya, nakasandal sa sofa, at nakaharap na naman sa malaking flat screen TV habang nanonood ng isang crime-thriller film na halos patapos na.

           Trini was holding her large cup of iced coffee that he managed to order from Trini's favorite coffee shop while he had a bottle of root beer in his hand.

           It was almost ten o'clock when he reached home, and Trini was waiting at the front door, holding a cup of hot coffee. Suot-suot na naman nito ang puting sando niya at pajama pants. Tinawagan niya ito nang malapit na siya kaya naghintay ito sa labas. Saktong kaluluto lang ng nilagang baka kaya sabay silang kumain. After which, he washed the dishes and they went to the living room to watch another movie—like usual.

           It was their routine, at tila ba hindi kompleto ang gabing magkasama sila nang hindi nakakapanood ng at least isang pelikula.

           "Ang shoklang 'yon, type na type ko pa man din, pero ayaw pala sa talaba," dagdag pa ni Trini bago muling sumipsip sa straw ng iced coffee nito. "Kaya pala tinatanggap ang mga padala kong snack; ang akala niya'y sa'yo nanggaling."

           He chuckled again and said, "I turned him down, no need for you to be bitter about it."

           "Hindi ako bitter, 'no. Natatawa nga ako kasi... kahit papaano, ramdam kong normal ang friendship natin. There are times na ang mga magkakaibigang babae kasi ay nagkakagulo dahil sa lalaki, and I thought I would never experience that because I have a guy-best friend. Iyon pala'y mangyayari rin sa atin."

           Hindi na siya sumagot at dinala na lang sa bibig ang bote ng root beer. Ang tingin niya'y nanatili sa screen, hinihintay ang paglitaw ng killer sa pelikula.

           Si Trini naman ay umusog pa palapit sa kaniya. Sadya nitong ini-dikit ang braso sa braso niya, ikiniskis, bago nito ini-hilig ang ulo sa kaniyang balikat. And he knew what it meant. She was cold again.

           "Turn the AC off if you're cold," he suggested.

           "I'm fine. Basta nakadikit ako sa'yo, I'll always be fine..."

           Ngiti lang ang inisagot niya bago ibinalik ang pansin sa pinanonood. They were watching a horror film called Hostel 2, at naroon na sila sa puntong makatatakas na ang bidang babae. He continued to watch and wait for the woman to get away or get caught again. He was so engrossed in the movie when suddenly, Trini said something again,

           "If ever na makapag-asawa ako at ganoon ka rin, tumira tayo sa isang lugar na magkalapit lang. Like... dito sa bahay mo at sa katabing bahay, ganon."

Pigil siyang natawa. "Ayaw ko. Dahil baka sa bahay ko lang din ikaw makikikain at manggugulo. I don't want to be that close to you."

"You didn't mean that," Trini said, pouting. Ibinaba nito ang large transparent cup ng iced coffee sa sahig at ini-yakap ang mga braso sa braso niya. "I'm sure na gusto mo ring magkalapit tayo ng bahay, that way, nata-track mo ako at ang mga ginagawa ko sa buhay ko. Besides, gusto kong kapag nag-aaway kami ng asawa ko ay nasa katabing bahay ka lang at nakikinig sa pagtatalo namin. At kapag sa tingin mo'y nagkakapisikalan na kami, you go ahead and call the police."

           He couldn't help but chuckle. "Why the police and not the ambulance?"

           "Because I probably have already murdered the man. Subukan niyang saktan ako at dudukutin ko ang mga eye balls niya."

           "And if you failed to kill the bastard, I will make sure to finish the job. I won't let your future husband—or any men hurt you, Trinity."

           Tumingala si Trini sa kaniya at matamis na ngumiti. He looked down and smiled back. They were so close together yet they were in a wholesome mood. He knew he would die for her—walang kahit na sino ang mananakit dito. They need to pass over his dead body first. At alam niyang gagawin din ni Trini ang lahat para sa kaniya; she would even catch a bullet for him, that's for sure.

           They had been friends for as long as they could remember, and they loved each other like family. Kahit nagbabangayan sila'y alam niya na malalim ang samahang mayroon sila na walang kahit ano ang makapagtitibag.

           Ilang sandali pa'y nagbaba ng tingin si Trini at hinigpitan ang pagkakayakap sa braso niya. She then laid her head on his shoulder and sighed. Hindi na muli silang nag-usap pa. Sa ganoong posisyon ay tinapos nila ang palabas, hanggang sa maramdaman niya ang banayad na paghinga ni Trini at ang pag-luwag ng kamay nito sa braso niya.

           Then, when the movie ended, he tried to shake her arm. Pero humihilik na ito kaya hindi na niya pinilit pang gisingin ito.

           Maingat siyang kumilos saka inabot ang throw pillow na nasa maliit na sofa. May nakalatag na matress sa sahig kung saan sila naka-upo, at kadalasan ay doon siya natutulog kapag naroon siya sa bahay nito. Doon niya ini-higa si Trini na kahit anong galaw niya'y hindi nagigising. Pinagmasdan niya ito habang tulog at napailing na lang siya. Kapag nakatulog ito'y tulog-mantika na. Kahit nga siguro magbagsak ng bomba ang mga Amerikano roon ay hindi ito magigising lalo kung bagong tulog lang.

           Matagal niya itong pinagmasdan bago niya inabot ang remote control mula sa glass table at gamit iyon ay pinatay niya ang TV. He then attempted to stand so he could clean up the table when Trini's hand caught his arm. Napatingin siya rito at nakita ang pagkibot ng mga labi nito. Her eyes were closed when she said, "Stay. Tabihan mo na lang ako."

           "Kailangan kong ligpitin itong kalat sa mesa."

           Trini pouted; ang kamay nito'y dahan-dahang humulagpos sa braso niya. Then, she mumbled something until she fell back to sleep again.

           Napangiti siya at bago pa niya napigilan ang sarili ay nahiga siya sa tabi nito. He then moved to his side, facing her, just so he could watch her sleep.

           Ilang sandali pa'y nakatulog na rin siya.

           Nakatulog siya habang pinanonood ang kaibigan sa pagtulog.



*

*

*

>> Advanced updates are posted on Tala Natsume VIPs (Facebook). If you wish to become a member, just PM me on my Facebook account (Tala Natsume).


RISE ABOVE THE ZODIAC SERIES

(In order)

#1. JAN QUARO ZODIAC (Aquarius) - Free and completed here on Wattpad.

#2. FREE PHILLIAN ZODIAC (Pisces) - Pay to read (VIP) and completed on Dreame/Yugto/AllNovel

#3. CERLANCE ZODIAC (Cancer) - Free and completed on Dreame/Yugto/AllNovel

#4. ISAAC GENESIS ZODIAC (Gemini)

#5. ACE TAURENCE ZODIAC (Taurus)

#6. LEE BENEDICT ZODIAC (Libra)

#7. LEONNE ZODIAC (Leo)

#8. ARISTON GHOLD ZODIAC (Aries)

#9. VIREN GHALE ZODIAC (Virgo)

#10. SACRED ZODIAC (Scorpio)

#11. SAGE THADDEUS ZODIAC (Sagittarius)

#12. CAPRIONNE ZODIAC (Capricorn)


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top