CHAPTER 005 - Indecent Proposal
NAHINTO SI TRINI SA PAGHAKBANG NANG SA PAGLABAS niya sa automatic glass door ng pinapasukang insurance company ay nakita si Gene na naghihintay sa labas. Nakasandal ito sa gilid ng kotse niya, nakahalukipkip. He was wearing his brown leather jacket, his favorite black turtle-neck cotton shirt inside, his faded blue jeans, and his boots. Poging-pogi sana, kung hindi lang pamatay ang tinging ipinu-pukol sa kaniya.
Humagikhik siya at itinuloy ang paglapit. "Look who's here. Sinusundo mo ba ako, darling?"
"Don't darling me, damn you. Naubos ang oras ko kahahanap sa sleeping pants na ginamit mo kagabi."
She grinned and stood in front of him. "Nahanap mo ba?"
"No, I did not. At dahil hindi ko nahanap ay nilabhan ko na lang lahat ng mga pants ko. I was so pissed, damn you."
Hindi na niya napigilang humagikhik. "Kung bakit kasi uniform lahat ng sleeping pants mo? Dapat kasi, iba-iba ang kulay at design para na-a-identify mo kung alin ang mga inisusuot ko. Try buying something different. Tulad ng... 'yong mga may teddy bear na print, o hearts kaya? O 'yong mga bulaklakin?"
"I am not buying anything, you will. At ikaw rin ang bibili ng soap detergent na naubos ko sa paglalaba kanina." Itinuwid nito ang sarili, lumapit, at hinablot ang susi ng kotseng hawak niya. "Let's go to the mall. You're buying me new pairs of pants now."
"Wala pa 'yong sahod ko—"
"Don't give me that crap. Let's go." Umikot ito sa driver's side, ni-pindot ang control button upang i-unlock ang kotse, at nang mabuksan ang pinto ng driver's side ay kaagad itong pumasok.
Ngingisi-ngisi siyang sumunod at pumasok sa front seat. Nang maikabit niya ang seatbelt ay saka niya nilingon si Gene. "Bakit pala nilabhan mo ang mga sleeping pants at hindi na lang itinapon tulad ng madalas mong gawin?"
"Because they were too many and I can't afford to just throw them away, damn you!"
Hindi na siya maawat sa pagbungisngis. "Arte mo—hindi naman mabaho ang hinubad ko, ah? Inamoy ko 'yon bago ko isiksik sa pagitan ng mga malilinis mong pants, 'no."
"Mas matutuwa ako kung magso-sorry ka na lang sa kalokohang ginawa mo, Trinidad. Napipikon ako kapag naaalala ko."
"Best friends bully each other, and they don't say sorry, too. Isa pa, hindi ako magso-sorry dahil napikon din ako sa sinabi mo kagabi. Maka-dirty ka, parang naamoy mo keps ko, ah?"
"Can you stop mentioning your vagina?"
Napanguso siya at ini-sandal ang sarili sa upuan. "Pangit mo ka-bonding."
Hindi na nito pinatulan ang sinabi niya at tahimik na lang na inituloy ang pagmamaneho. Malapit lang ang shopping center sa building kung saan naroon ang opisina ng insurance company na pinapasukan niya kaya natanaw niya kaagad iyon. It was rush hour kaya bumagal ang usad ng trapiko patungo sa mall.
"Wait, maalala ko lang. Wala ka bang aayusing sasakyan ngayon?"
"I have, pero hindi ako mapalagay hanggang sa hindi mo pinapalitan ang lahat ng mga pants na utang mo sa akin. You messed with my brain the whole day, pikon na pikon ako sa'yo, Trinidad, at alam kong hindi ka magpapakita sa akin ngayong araw kaya ako na ang pumunta sa'yo."
She chuckled. "You really know me this much, huh?"
"Ilang ulit nang nangyari 'to; kung napipikon ako ay nagpapalipas ka muna ng dalawamput apat na oras bago muling nagpapakita. I won't let you slide this time."
Umikot paitaas ang mga mata niya. "Fine, ibibili kita ng ilang pares ng pajama; gagamitin ko muna ang credit card ko. Pero, may isa akong kondisyon."
Pigik na natawa si Gene; ang tingin ay diretso pa rin sa daan. "At ikaw pa ang may ganang magbigay ng kondisyon?"
"Aba, kilala kita, Genesis Zodiac. Siguradong mamahaling brand ang pipiliin mo at mamumulubi na naman ako sa susunod na mga buwan kababayad ng credit ko sa bangko. Natural na magbigay ako ng kondisyon."
"Okay then, let's hear it."
"Ibibili kita ng ilang sets ng sleeping pants, sa kahit anong brand pa 'yan, basta ako ang pipili ng designs."
"No."
"Come on!"
"No. Dahil kapag pinayagan kita ay siguradong maghahanap ka ng pambabaeng kulay o design. You will pay for all the pants you used in the past, period. You are not in the position to give any conditions." Umusad na ang trapiko at banayad nang pinatakbo ni Gene ang kotse niya. "At ibubuhol ko sa leeg mo ang pants kapag sinubukan mo akong bilhan ng bulaklaking design."
Napanguso na lang siya at hindi na dinugtungan pa ang sinabi nito. Nang makapasok sa lower ground parking area ang sasakyan ay muli siyang nagsalita. "Hindi mo dala ang bike o ang truck mo nang pumunta ka sa opisina ko?"
"I hopped into my client's car. Ni-pick up niya mula sa workshop at nakisabay na ako." Nakahanap kaagad si Gene ng bakanteng spot at doon nito ini-park ang sasakyan niya. "Let's buy some food for dinner after shopping, I'm starved."
"Saan tayo kakain? Dito na rin ba?"
"Nah. Let's eat at my house." Pinatay na nito ang makina ng kotse at hinugot ang susi. Bago bumaba ay muli siya nitong nilingon. "Want some Chinese food tonight? I crave for some wonton soup and steamed dumplings."
"With Kung Pao chicken and spring rolls?"
"Geez. Ang takaw mo. Saan mo ilalagay ang lahat ng pagkaing iyon?"
She giggled and got out of the car. Sumunod na rin si Gene at sabay silang naglakad patungo sa entrance door ng supermarket na siyang tanging daan papasok sa mall mula doon sa parking area.
And just like that, bati na ulit sila.
*
*
*
"KAPAG HINDI AKO nakapag-asawa pagdating ko ng thirty-five, amponin mo na lang ako, Gene," ani Trinity habang ang tingin ay nasa malaking flatscreen TV sa sala.
Gene played a new horror movie where the killer was calling his victims, toying with them, before actually killing them with stabbing. Nakapatay ang ilaw sa sala at ang tanging tanglaw nila ay ang liwanag mula sa TV screen. Sa ibabaw ng glass table nakapatong ang mga food boxes and bowls mula sa Chinese restaurant na dinaanan nila kanina sa mall. Naka-upo silang pareho ni Gene sa carpet at nakasandal sa paanan ng sofa habang nakaharap sa TV, hawak-hawak ang kani-kanilang lata ng flavored beer.
She sat so close to him, rubbing her arms against his to warm herself. Mababa ang temperatura ng AC system dahil sanay sa ganoon si Gene.
"Bakit ba pag-aasawa na naman ang sinasabi mo?" anito bago dinala sa bibig ang lata ng alak. His eyes focused on the screen. "The movie's almost over, watch till the end."
Wala sa loob na ini-dantay niya ang ulo sa balikat ng kaibigan. "I'm turning 29 in three months—wala akong single na ka-trabaho at wala ring matinong nakikilala sa mga dating sites. I really want to get married now and have my own family—"
"You're just worried about the society's judgement, kaya gusto mo nang mag-asawa at hindi dahil gusto mo nang magkaroon ng pamilya. There's a big difference, Trini."
Nagpakawala siya nang mahabang buntong-hininga. "Eh kasi naman, ang mga boss ko, tinatanong ako kung may plano pa raw ba akong mag-asawa at ako na lang ang hindi pa nakakapag-apply ng maternity leave sa opisina. Tapos, sa tuwing may family party sa office, ako lang ang walang dalang asawa at anak. Tapos, iyong mga kasamahan ko, laging nag-uusap-uusap tungkol sa mga asawa at mga anak nila, tapos ako, walang mai-ambag sa topic. Kaya wala akong mga nakaka-close sa kanila, eh. I feel like I don't belong. Ano ba naman kasi ang isi-share ko sa kanila? Hey, I have five cats. I live alone in my house, and I have a bestfriend who likes watching horror movies. Oh, and I am also a virgin because I never had a boyfriend all my life."
Naramdaman niya ang bahagyang pagngisi ni Gene, at nainis siya kaya ni-siko niya ito na ikina-uklo nito.
"H'wag mo akong pagtawanan—sa'yo talaga ako magpapaampon kapag hindi ako nagka-asawa pagdating ko sa edad na iyon."
"Paano kung hindi pumayag ang mapapangasawa ko na amponin kita?"
Inalis niya ang pagkaka-dantay ng ulo sa balikat ni Gene at tiningala ito. Their eyes met.
"Mag-aasawa ka ba?"
"I might," he answered with a shrug.
"Akala ko ba ay ayaw mong makipag-relasyon?"
"Life is uncertain, Trini. Maaaring ayaw ko ngayon, pero baka gustuhin ko bukas. Remember Quaro and Phill? Sinabi rin nilang hindi nila gustong mag-asawa pero tingnan mo sila ngayon? They met their wives and their lives changed in an instant. I might cross paths with my future wife tomorrow... or in two days... or next week. At kapag nakilala ko siya, baka magbago ang gusto kong gawin sa buhay ko. My brothers told me that they didn't know what hit them when they met their wives; isang araw ay napagtanto na lang nilang hindi na nila kayang mabuhay nang wala sina Kirsten at Calley. So, who knows?"
Napanguso siya saka muling ini-dantay ang ulo sa balikat ng kaibigan. "Paunahin mo muna akong mag-asawa bago ka."
"Paano kung cuarenta ka na at wala ka pa ring asawa? Hindi mo ako pwedeng hilahin sa bangin na tatalonan mo, Trinidad."
Inis niyang siniko ang tagiliran nito na muling ikina-uklo ni Gene. "Isang Trinidad pa at iluluwa mo lahat ng kinain mo ngayong gabi."
"You are such a violent woman," he said, grunting. "Kaya walang nagkakagusto sa'yo, eh."
Lalo siyang sumimangot at dinala sa bibig ang lata ng beer. She then curled her arm around Gene's and said, "Sabi ko naman kasi sa'yo, anakan mo na lang ako. Ayaw mo no'n, bestfriend mo na ako, baby-mumma pa ng panganay mo?"
Sa gulat niya'y banayad na ipinukpok ni Genesis ang ibabang bahagi ng lata ng beer na hawak nito sa tuktok ng ulo niya. "There you go again with your indecent proposal. Malapit na talaga kitang itakwil bilang kaibigan."
"You can't do that. Mahal mo ako."
"Kaya lumalaki ang ulo mo, eh, 'no? You know that I care for you and that I love you, kaya ka ganiyan." Napa-iling ito at inubos muna ang laman ng lata bago muling nagsalita. "Stop worrying about your soon-to-expire egg cells and your virginity, may ini-set up na akong bagong blind date para sa'yo."
Napasinghap siya, umayos ng upo at hinarap ang kaibigan. "Really?"
Tumango ito. "Do you remember Phillian's childhood best friend?"
"Huh? Sino?"
"Deewee."
"Deewee?" Pilit niyang inalala kung sino ang tinutukoy ni Gene. Binalikan niya sa isip ang nakaraan—noong mga bata pa sila at noong dumadalaw siya sa bahay ng mga ito sa Asteria. May naalala siyang lalaking madalas na sunduin si Phillian sa bahay ng mga ito; ang sabi noon ni Gene ay ka-klase iyon ng kuya at nakatira lang hindi kalayuan.
Kinunutan siya ng noo nang unti-unting namuo ang imahe ng lalaking iyon sa kaniyang utak. She remembered seeing a short, chubby guy wearing bright colored shirts and sporting 90's style haircut, trying so hard to look like Leonardo Di Caprio. May braces sa mga ngipin at laging pawisan ang leeg. Napangiwi siya.
"Nakalimutan ko bang sabihin sa'yo na gusto ko ng matangkad na lalaki, ha, Gene? Bakit 'yong lalaking iyon ang ini-set up mo sa akin? Pinaglalaruan mo ba akong talaga, ha?"
Bahagya itong natawa saka banayad na pinitik ang ilong niya. She groaned and hit his hand.
Natatawa itong nagsalita. "Hindi mo ba siya nakilala noong kasal ni Phill? You were there and he was, too. Hindi mo lang nakilala sa dami ng bisita."
"Hindi ko siya napansin, lalo at naroon ang karamihan sa mga kapatid mo kaya agaw-atensyon silang lahat."
"He was sitting next to Lee. You didn't notice him because he looked different."
"What, hindi na siya pandak ngayon?"
"Hindi ka rin naman matangkad, so baka hindi rin magkakalayo ang height ninyong dalawa. Just meet him, okay? Nasabihan na siya ni Phill, at dapat ay bukas ko pa sasabihin sa'yo. But anyway, nasabi ko na. You have a date on Sunday night at Mandarin Hotel. Be there at eight."
"Hindi mo muna ako tinanong kung gusto kong pumunta?"
"You asked me to find you a date, didn't you?"
"Yes? Pero hindi iyong lalaking iyon—"
"See the problem, Trinity? Ikaw rin ang may issue rito kaya hindi ka makakilala ng lalaking maka-relasyon mo. You are so picky, and you judge so easily. Tapos ay sa akin ka maghihimutok at ako ang aabalahin mo dahil hindi na naman pumasa ang lalaki sa panlasa mo. Geez, woman. Go to the forrest and marry a monkey." Tumayo si Gene at niligpit na ang mga wala nang lamang lata ng beer sa sahig. Nilinis din nito ang glass table at dinala ang mga kalat sa kusina.
Siya naman ay inubos ang laman ng beer bago tumayo at sumunod sa kaibigan. Inabutan niya itong ini-alis ang itim na plastic bag mula sa trash bin saka initali at dinala patungo sa back door.
Sumunod siya at humawak sa laylayan ng suot nitong T-shirt. Napalingon si Gene.
"Fine, makikipag-kita ako kay Deewee sa linggo ng gabi. Sa isang kondisyon."
Mangha siyang hinarap nito. "Ikaw na itong binigyan ng makaka-date, ikaw pa ang may kondisyon? Aba, Trinidad, maayos pa ba ang utak mo?"
"Ang kondisyon ko ay ihahatid at susunduin mo ako sa gabing iyon. And I'll sleep here on Sunday night so you better not contact any of your girls." Matapos iyon ay pasuntok niyang ini-diin ang wala nang laman na lata ng beer sa tiyan ni Gene na ikina-uklo nito. "Para 'to sa pagtawag mo ng Trinidad sa maraming pagkakataon, Heneroso."
"You witch—" Akma siya nitong dadakmain nang mabilis siyang tumalikod at patakbong lumayo. Bago siya tuluyang makalabas ng kusina at muli niya itong nilingon. "Magtu-toothbrush lang ako sa taas. Habang wala ako ay ayusin mo na ang higaan natin sa sala. H'wag ka rin munang umakyat at magsasaboy ako ng bomba sa CR mo." Napa-ngisi siya bago mabilis na tumalikod at patakbong umakyat sa hagdan. Sa ibaba ay narinig ang pasigaw na sabi ni Gene ng,
"You are the worst, Trinidad! Maghanap ka na ng bagong kaibigan bukas!"
She knew he didn't mean that, so she grinned and walked her way to his room. Erbs na erbs na talaga siya.
*
*
*
>> Advanced updates are posted on Tala Natsume VIPs (Facebook). If you wish to become a member, just PM me on my Facebook account (Tala Natsume).
RISE ABOVE THE ZODIAC SERIES
(In order)
#1. JAN QUARO ZODIAC (Aquarius) - Free and completed here on Wattpad.
#2. FREE PHILLIAN ZODIAC (Pisces) - Pay to read (VIP) and completed on Dreame/Yugto/AllNovel
#3. CERLANCE ZODIAC (Cancer) - Free and completed on Dreame/Yugto/AllNovel
#4. ISAAC GENESIS ZODIAC (Gemini)
#5. ACE TAURENCE ZODIAC (Taurus)
#6. LEE BENEDICT ZODIAC (Libra)
#7. LEONNE ZODIAC (Leo)
#8. ARISTON GHOLD ZODIAC (Aries)
#9. VIREN GHALE ZODIAC (Virgo)
#10. SACRED ZODIAC (Scorpio)
#11. SAGE THADDEUS ZODIAC (Sagittarius)
#12. CAPRIONNE ZODIAC (Capricorn)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top