CHAPTER 003 - Never Gonna Happen




THREE MONTHS BEFORE THAT UNFAITHFUL MORNING...

           "What the fuck is wrong with your brain, Trinidad Valencia? Nababaliw ka na bang talaga?" singhal ni Gene sabay hampas ng malaking wrench na hawak nito sa ibabaw ng metal table.

           Napanguso siya saka kinutkot ang kuko. "Noong nagpaturo ako sa;yo kung papaano ang tamang paghalik, nagalit ka. Noong nagpaturo ako kung papaano ba mag-BJ, napikon ka rin. Noong sinabi kong turuan mo na lang ako ng mga gustong posisyon ng mga lalaki sa sex, muntik mo na akong batukan. Ngayong hiniling ko na lang sa'yong bigyan ako ng anak para hindi ko na kailangang aralin ang lahat ng iyon, nagagalit ka na naman. Saan na lang ako lulugar, Isaac Genesis Zodiac?"

           "Lumugar ka sa dapat na pag-lugaran mo!" muli nitong singhal; kulubot na naman ang mukha ang inis. She could tell that anytime soon, he would throw her out of his workshop—again.

           Nagpakawala siya nang malalim na paghinga. Lumapit siya at tinabihan ito. "Malapit nang ma-expire ang mga egg cells ko, Gene. Wala na akong mga magulang, wala rin akong kapatid. Tapos hindi rin ako magkakaanak? Naka-ilang anak na ang mga pusa ko sa bahay, pero ako ay wala pa ring kontribusyon sa populasyon ng bansa!"

           "Binigyan kita ng ka-date noong nakaraan pero iniwan mo rin lang sa ere. Papaano kang makabubuo kung pihikan ka?" Iniwasan siya nito. Humakbang si Gene patungo sa malaking shelf na naka-dikit sa pader ng shop nito saka hinanap ang tool na gagamitin para ayusin ang nasirang part ng racing motorcycle ng panibago nitong kliyente.

           "Eh, paano kong hindi lalayasan 'yong kumag na businessman na iyon? Wala nang ibang ginawa kung hindi itanong kung naka-ilang boyfriend na ako at kung ilang properties na ang na-invest ko. No in between! Ang boring kausap, offensive pati." Sumunod siya sa kinaroroonan ni Gene at sumandal sa shelf katabi ng hinahalungkat nito. "Dalawang taon na lang at mawawala na ako sa kalendaryo. Gusto ko nang magkaanak bago pa mangyari iyon. Ang kaso ay palpak lahat ng mga naka-blind date ko nitong nakalipas na mga buwan."

           "That's your problem. Lahat ng mga naka-blind date mo ay hindi nakapasa sa'yo. No one knows what your standards are when it comes to men. Kahit ako ay hindi ko alam. Ikaw lang ang nakaalalam kaya ikaw ang maghanap ng magiging tatay ng mga anak mo." Nahanap ni Gene ang tool na kailangan at binalikan ang bike na inaayos.

           Muli siyang sumunod. "Kasalanan mo ito, eh. Kung hindi tayo laging magkasama noong college ay marami sanang nanligaw sa akin. Those college guys thought you were my boyfriend, so none of them took a move on me."

           "Kung pangit ka ay pangit ka, ganoon lang ka-simple iyon. H'wag mong isisi sa iba ang kawalan mo ng lovelife, Trinidad."

           Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ito, at bago pa niya napigilan ang sarili ay inis niyang hinampas sa braso ang kaibigan. "Pasmado 'yang bibig mo, 'no?"

           Gene just smirked at her and continued his work.

           Lalo siyang nainis at muli itong hinampas sa braso. "Una sa lahat, huwag mo akong matawag-tawag na pangit. Dahil iyong baluga mong ex, ni minsan ay hindi ko kinantiyawan! Pangalawa, tigilan mo na ang katatawag sa akin ng Trinidad dahil ang panghi pakinggan! My name is Trinity Ann Valencia—hindi Trinidad, gago!"

           Inihinto si Gene ang ginagawa saka muli siyang hinarap.

           He was sweating all over. Nakabukas ang roll-up door ng workshop nito at may malaking wooden ceiling fan sa kisame subalit hindi sapat iyon upang panatilihing presko ang paligid. Halos bumakat na ang katawan ni Gene sa suot nitong navy-blue shirt; she could already see his abs forming. Ang braso nito'y puno na rin ng pawis—hindi nakatulong ang pag-rolyo nito sa magkabilang manggas ng suot na polo upang ma-preskohan nang kaunti.

           "You get so furious at simple jokes, Trinity. Kaya walang lalaking nagkakagusto sa'yo kahit maganda ka." Napailing si Gene at dinala ang kamay sa ibabaw ng ulo niya. He was wearing his dirty gloves at wala itong pakialam kahit na marumihan ang buhok niya. At tulad ng madalas nitong gawin, he ruffled her hair. "Ikaw na rin ang nagsabi, malapit ka nang lumampas sa kalendaryo. Grow up."

           Inis niyang tinabig ang kamay nito. "Hindi ako umaastang bata, Genesis. Desperation drives me nuts. Sa mga lalaki ay walang kaso kung umabot sila ng cuarenta bago mag-asawa. Iba sa mga babae. Kapag lumampas lang kami sa trenta at wala pa ring sariling pamilya, we get judgments, sometimes sympathy. Ayaw kong pagdaanan ang judgement at simpatya ng mga tao, ano."

           Napailing si Gene at ibinalik ang pansin sa ginagawa. "Ang laki ng problema mo."

           Kumunyapit siya sa braso nito at hindi pinansin ang pawis na pumuno roon. She was used to it, anyway. Walang araw na hindi ito pawisan dahil araw-araw ay nasa workshop lang ito upang mag-ayos ng mga sirang sasakyan o kung hindi man ay nasa service.

           Si Genesis ay nagtapos sa kursong mechanical engineering, habang siya naman ay kumuha ng accounting course. Hindi niya alam kung papaano siyang nakapagtapos, pero nagawa niyang pumasa at ngayon ay nagta-trabaho bilang finance support sa isang insurance company. Nang makapagtapos sila ay kaagad na nagbukas ng negosyo si Gene sa tulong ng perang minana sa ama. Itinayo nito ang talyer/workshop sa katabing lote ng nabiling bahay sa isang subdivision sa bayan ng Ramirez. Doon sa workshop nito tinatanggap ang mga sasakyang nangangailangan ng repair o upgrade. At mapili rin ang mokong, hindi ito tumatanggap ng simpleng sasakyan lang. It has to be a sports car, luxury car, or racing vehicle. Ayon dito'y mas maganda ang makina ng mga ganoong sasakyan at nacha-challenge ito kaya ganoon. Noong una'y madalang ang mga nagpapa-service kay Gene, pero kalaunan ay dumami ang mga kliyente nito nang kinaibigan nito ang isa sa mga maintenance field technicians ng pinakamalaking race track sa kabilang bayan. Then, he was introduced to several wealthy men who owns luxury cars, at ito na ang ginawang resident mechanical engineer ng mga taong iyon. Eksklusibong mekaniko sa ibang termino.

           Gene had a two-bedroom house with a huge garage. Ang garahe na iyon ay giniba nito at ini-dugtong sa pinatayong workshop sa katabing lote upang lalo iyong lumawak. At ito mismo ay may mamahaling motorbike at pick up truck na doon rin nito ini-gagarahe sa loob ng workshop.

           Sa laki ng workshop nito'y kakasya ang tatlong sasakyan maliban pa sa pag-aari nito, at sa paligid ng shop ay may naka-install na mga shelves kung saan naka-organisa ang lahat ng tools, kasama na ang mga spray paints, spare parts, at mga gulong dahil minsan ay nagko-customize din ito ng sports cars. His warehouse was getting crowded, actually... at may gusto siyang i-suhestiyon kay Gene upang mapalawak pa ang business nito.

           Sa umaga, bago pumasok sa trabaho, ay pumupunta siya sa bahay ng kaibigan upang sabay silang mag-almusal. Her job started at 10am, so they still had time to chitchat. Kapag paalis na siya ay saka naman mag-uumpisa sa trabaho nito si Gene. Pagdating ng hapon, pagkatapos ng trabaho niya'y doon din sa bahay ng kaibigan ang destinasyon niya. Siya ang magluluto ng hapunan at sabay silang kakain. They'd watch movie after dinner, then she would come home around 10 or 11 in the evening.

           Same routine the next day.

           Minsan nga ay doon na siya natutulog, at may mga naiwan na siyang damit sa bahay ng kaibigan. At kapag doon siya nag-o-overnight ay sa sala sila natutulog ni Gene; sa couch siya habang nasa matress naman ito katabi ng couch.

Walong taon na silang nakatira ni Gene sa Ramirez. Nang magtapos sila sa kolehiyo at nang nagpasya si Gene na lilipat sa ibang bayan upang magsimula at tumayo sa sariling mga paa ay kaagad siyang sumama. Tuwing Sabado ay umuuwi siya sa Asteria upang dalawin ang ina na naninirahan kasama ang matanda nilang katulong. Huli na nang malaman niyang may sakit ito; and her mother's cancer had gotten worse each day. Simula nang maospital ang mommy niya hanggang sa tuluyan itong namaalam ay hindi siya umalis sa tabi nito. And Gene would also be there for her.

Since her mother's death, hindi na siya gaanong umuwi sa Asteria. Ibinenta na niya ang lahat ng ari-arian nila, kasama na ang luma nilang bahay at ang agri store ng mga magulang. She knew nothing about agriculture, so she decided to just sell the shop and keep the money in the bank.

Matagal na siyang kinukumbinsi ni Gene na gamitin na ang perang iyon upang bumili ng bahay sa subdivision na kinatitirikan ng bahay nito para hindi na siya mangupahan, but she didn't want to touch those funds yet. Not yet.

           Minsan nga ay tinatanong na rin siya ng iba niyang kasamahan sa trabaho kung bakit hindi na lang siya lumipat sa bahay ni Gene at maki-hati na lang sa mga gastusin, tutal ay halos parang bahay na rin niya iyon.

           She actually wanted to.

           Pero ayaw ni Gene.

           At iyon ay dahil may dinadala itong babae sa bahay nito.

           At sa tuwing nangyayari iyon ay hindi siya pumupunta roon.

           Buti pa ito—naka-ilang joyride na sa langit. Samantalang siya ay birhen pa rin hanggang sa mga sandaling iyon.

           "Huli na 'to, Gene..." lambing niya sa kaibigan habang naka-kunyapit pa rin sa braso nito. "Hanapan mo ako ng isa pa sa mga kakilala mo; kliyente man o kakilala na hindi ko kilala. Hanapan mo ako ng kahit sino na sa tingin mo'y magugustuhan ko."

           Bagot siyang niyuko ni Gene. He had become so tall na kailangan pa siya nitong yukuin para salubungin ang kaniyang mga mata.

           "What do I get in return, Trinity?"

           "Lulutuan kita ng kare-kare ngayong gabi."

           "Deal."

Napahagikhik siya sa bilis ng pagpayag nito. Kare-kare o kaldereta lang ang katapat ni Gene; those were his weaknesses.

Si Gene ay binawi ang braso mula sa kaniya. "Now, leave me alone. Kailangan kong tapusin itong motorbike bago matapos ang araw." Inabala na ni Gene ang sarili sa ginagawa, subalit hindi pa rin siya umaalis sa tabi nito. She watched her best friend worked on the motorbike's engine. Ang pawis nito sa gilid ng noo ay bumagsak sa pisngi nito, ang buhok ay napuno na rin ng alikabok at pawis; sigurado siyang amo'y tambutso na rin ang ulo nito.

Si Gene na yata ang pinaka-poging mekaniko na nakita niya sa tanang buhay niya. Not only was he handsome, he was kind and thoughtful and sexy, too.

Gah! Never mind the last part. Hindi niya dapat kino-konsidera iyon. Genesis was her best friend, for Pete's sake! Why was she thinking about sexiness?

           Ini-suksok niya ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot na slacks. Naka-uniporme pa siya dahil kagagaling lang niya sa opisina.

           Muli niyang niyuko si Gene at muling tinitigan ang pawisan subalit poging mukha. "Sure ka bang ayaw mong tayo na lang?"

           Sandali itong natigilan bago siya nilingon at tinapunan ng masamang tingin. "Fuck off, Trinity! Leave me alone now!"

           She puckered and marched out of the workshop. "KJ! Parang isang anak lang ang kailangan ko, eh!"

           Si Gene na naiwan sa shop ay napailing. Tumayo ito at inalis ang mga gloves sa kamay saka nilapitan ang cellphone na ipinatong sa shelf. He dialled a number and waited for someone to pick up on the other line.

A few seconds later...

           "Yes?" It was Free Phillian; one of Gene's older brothers.

           "Need your help."

           "What is it?"

           "Hindi ba at nasa bansa pa rin si Deewee hanggang ngayon?" Deewee was Phillian's bestfriend who migrated to Canada after he graduated from college. Umuwi si Deewee noong kasal ni Phill ilang buwan na ang nakararaan at hindi pa rin nakababalik sa Canada.

           "Yes, that's correct. Wala pa siyang planong bumalik sa Canada. Naghahanap siya ng bahay malapit sa akin. He's planning to invest in my business. Why?"

           "Can you pass me Deewee's number?"

           "What is it for, Acky?"

           Napangiti si Gene nang marinig ang tawag ng kapatid sa kaniya. Acky was short for Isaac, and it was his brothers' petname for him.

           "It's for Trini."

           "For Trini? Why?"

           "She's desperate to find a lover."

           Si Phillian ay matagal na natahimik sa kabilang linya.

           Hanggang sa...

          "Bakit si Deewee pa at hindi na lang ikaw? You two are so perfect together."

           Gene could only smirk at his brother's statement. "I am not romantically attracted to my best friend, Phill. I only see her as a friend and nothing else."

            Napangisi si Phillian sa kabilang linya. "Okay. Sinabi mo 'yan, ha?"

            "Stop teasing, Phill. Kilala mo si Trini. Bata pa lang tayo ay magkaibigan na kami. Para ko na rin siyang kapatid. We can't go beyond best friends."

            Ang ngisi ni Phill ay nauwi sa pinong pagtawa. Makalipas pa ang ilang sandali pa, "Okay, fine. I'll call Deewee and ask for his permission to give you his number. I'll be in touch."

"Thanks, Phill."

Nang matapos ang tawag ay ibinalik ni Gene ang cellphone sa shelf, bumalik sa harap ng motor na inaayos, saka muling inisuot ang mga gloves. And while he was putting his gloves on, his thoughts wandered to what Phillian said on the phone.

Siya na lang daw at si Trinity? Him and his bestfriend?

He got goosebumps all over his body.

That's never gonna happen.


*

*

*

>> Advanced updates are posted on Tala Natsume VIPs (Facebook). If you wish to become a member, just PM me on my Facebook account (Tala Natsume).


RISE ABOVE THE ZODIAC SERIES

(In order)

#1. JAN QUARO ZODIAC (Aquarius) - Free and completed here on Wattpad.

#2. FREE PHILLIAN ZODIAC (Pisces) - Pay to read (VIP) and completed on Dreame/Yugto/AllNovel

#3. CERLANCE ZODIAC (Cancer) - Free and completed on Dreame/Yugto/AllNovel

#4. ISAAC GENESIS ZODIAC (Gemini) - Free and ON GOING

#5. ACE TAURENCE ZODIAC (Taurus)

#6. LEE BENEDICT ZODIAC (Libra)

#7. LEONNE ZODIAC (Leo)

#8. ARISTON GHOLD ZODIAC (Aries)

#9. VIREN GHALE ZODIAC (Virgo)

#10. SACRED ZODIAC (Scorpio)

#11. SAGE THADDEUS ZODIAC (Sagittarius)

#12. CAPRIONNE ZODIAC (Capricorn)


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top