CHAPTER 001 - Best Friends Since 1998




            TRINI AND GENESIS AT FIVE – They became friends.

            "Mrs. Zodiac!"

            Napalingon si Felicia mula sa pagpili ng mga karne sa estante ng meat section ng supermarket nang may marinig na pagtawag. Hinanap nito ng tingin ang kung sino man ang nakakilala rito, at nang makita si Mrs. Valencia na malapad na nakangiting humahakbang palapit bitbit ang grocery basket sa isang kamay ay napa-ngiti na rin si Felicia.

            Si Mrs. Valencia ay nagmamay-ari ng pinaka-malaking agriculture product sa bayan nila at siyang pinagkukunan ng supply ng kaniyang asawa. She and her husband, Arc Zodiac, had become friends with Lanie Valencia and her husband Antony.

            "Mabuti at nakita kita," ani Mrs. Valencia nang makalapit. Sa loob ng basket nito ay mga baking supplies.

            "Magandang hapon, Mrs. Valencia. Dito ka rin pala namimili?"

            "Minsan lang. Ang madalas na pinapapunta ko rito ay ang kasambahay namin. Abala sila ngayon sa bahay kaya kami ng mag-ama ko ang pumunta rito."

            "Oh, kasama mo pala si Mr. Valencia at ang inyong anak?"

            Muling tumango si Mrs. Valencia bago lumingon at ini-turo ang asawang nasa beverage aisle at kumukuha ng mga bottled juice saka inisisilid sa cart na nasa tabi nito. Sa cart ay nakaupo ang limang taong gulang na anak ng mga ito na noon pa lang nakita nang personal ni Felicia.

            "Namimili kami ng kulang na mga sangkap para sa party bukas. Mabuti at nakita kita ngayon. Nais ko sana kayong imbitahan ni Mr. Zodiac kasama ang inyong mga anak."

            "Party?"

            "My daughter's 5th birthday." Ngumiti ito saka humarap. "Pupunta pa sana kami sa bahay ninyo pagkatapos naming manggaling dito para imbitahan kayo. Nakalimutan kasing magsabi ni Tony noong huling beses na pumunta sa store si Mr. Zodiac para mamili ng mga fertilizer."

            "Oh, that's alright. Wala namang pasok ang mga bata bukas dahil Sabado. Ano'ng oras ang party?"

            "Alas nueve ng umaga; kids party kaya sana makasama lahat ng mga anak ninyo."

            "Hindi ba nakakahiyang lahat sila ay dalhin namin, Mrs. Valencia? We have twelve sons at malakas kumain ang mga iyon."

            Humagikhik si Mrs. Valencia sa biro ni Felicia. "Naku, mas maigi nga iyon at maubos ang mga handa. Isa pa'y wala namang ibang bisita maliban sa ilang mga ka-klase ni Trini sa nursery. Aasahan namin kayo, ha, Mrs. Zodiac?"

            Tumango si Felicia; ang tingin ay lumampas nang makita ang paglapit ni Mr. Valencia at ang anak. Binati ni Felicia ang ginoo at ang anak nito, at habang nagkakamustahan ay saka naman lumapit ang limang taong gulang na si Genesis at kumunyapit sa ina.

            "Ma, let's go home. I'm sleepy."

            Nalipat ang tingin ng mag-asawang Valencia sa batang lalaki na naka-pajama lang at puting sando. May hawak itong candy jar sa isang kamay at nakatingala sa ina.

            "Oh, kasama mo pala ang isa sa mga anak ninyo, Mrs. Zodiac?" tanong ni Mrs. Valencia.

            Nakangiting tumango si Felicia. "Kasama ko ang dalawa kong anak ngayon. Each time I come here, two of my sons would come along. Naka-schedule ang araw na kasama ko sila para hindi mag-agawan." Felicia chuckled and looked at her son. "Where is your Kuya Tau?"

            "He went looking for his favorite snack. He said he'll meet us at the counter." Itinaas ni Gene ang hawak na candy jar. "Can you buy this for me, Ma?"

            "Of course, honey." Kinuha ni Felicia ang candy jar mula sa anak bago ibinalik ang tingin sa nakatunghay na mag-asawang Valencia. "By the way, this is one of my sons, Genesis. He just turned five three months ago."

            "Oh, ka-edad ng aming Trini!" bulalas ni Mrs. Valencia bago binalingan ang anak na karga-karga ng asawa. Ang tingin ni Trini ay nakapako naman kay Genesis na napatingin din sa batang babae. Ilang sandali pa'y nagpababa si Trini sa ama, saka hinarap si Gene na kinunutan ng noo.

            Trini was wearing a red jumper with a Minnie Mouse print on it. Sa loob ay white T-shirt at sa mga paa'y cute na cute na red running shoes. Naka-pig tail ang manipis ay tuwid na buhok nito, at ang pisngi'y namumukol dahil sa pagiging chubby. Puno ng kuryusidad nitong sinuyod ng tingin ang batang si Genesis na napatitig sa damit ni Trini.

            Ang matatanda'y nakatunghay lang, ino-obserbahan ang dalawa. Hanggang sa...

            "Isn't that the girl version of Mickey Mouse?" tanong ni Gene na ang tinutukoy ay ang Minnie Mouse print sa jumper ni Trini.

            "No. This is his girlfriend," pagtatama naman ng batang babae.

            "No, it's Mickey's sister."

            "You're wrong. Minnie's his girlfriend."

            "Aren't they just kids? They can't be girlfriend and boyfriend if they are just kids, can they?"

            Sandaling nawalan ng sagot ni Trini. At matiyang naghintay si Gene, hanggang sa...

            "I think you're right," ani Trini bago niyuko ang suot. "They're probably siblings."

            Nagsalubong ang munting mga kilay ni Gene. "Aren't you gonna argue about it more?"

            Ibinalik ni Trini ang tingin sa kaharap. "Argue? What's that?"

            "Fight, honey," paglilinaw ni Mrs. Valencia na hindi na napigilang sumabat sa usapan ng dalawa. Pigil-pigil nito ang ngiti.

            "Oh," ani Trini nang maliwanagan. "I don't like to fight. Fight is bad. So... I'm not gonna argue about it with you."

            Si Gene ay sandaling naguluhan; hindi nito alam kung ano ang iisipin sa batang kaharap. "You're not like one of those girls, are you?"

            "What do you mean?"

            "Girls in my class like to argue a lot. They are so loud and they always insist that pink is better than blue. Do you like pink?"

            Umiling si Trini. "I prefer blue."

            "Same." Ngumiti si Gene.

            Trini smiled back. She then walked closer to Gene, almost touching her face to his. Si Gene ay bahagyang napa-atras sa pagkagulat.

            "What's your name?"

            "Isaac Genesis Zodiac. My brothers call me Acky, but you can call me Gene."

            "Okay, I'll call you Gene." The little girl giggled merrily. "Mine is Trinity Ann Valencia. You can call me Annie, but I prefer to be called Trini."

            "Okay, I'll call you Trini."

            Nang marinig ang tugon ng kaharap ay kinuha ni Trini ang isang kamay ni Gene at nakipag-kamay rito. "Can you be my friend?"

            Napatitig si Genesis sa kamay na hawak-hawak ng batang babae. Sandaling napako ang tingin nito roon bago muling tinitigan si Trini. "Can a girl and a boy be friends?"

            Nagkibit-balikat si Trini. "I dunno. But we both like blue, so maybe you and I can?"

            Sandaling nag-isip si Gene hanggang sa ginaya rin ang pagkibit-balikat ni Trini.

            "Okay. I think I can live with that."  

*

*

*

            TRINI AND GENESIS AT TEN. She developed a crush on him.

            "Arrrgh! What is it this time?" nakasimangot na tanong ni Trini sa sarili nang huminto sa harap ng gate ng school ang pick up truck ni Arc Zodiac at makita ang pagbaba roon ng kaibigang si Gene. Kasabay nitong dumating ang dalawa pang mga kapatid na sina Sage at Sacred; parehong mas bata ng isang taon sa kanila ni Gene ang dalawa. Patakbo ang mga itong pumasok sa gate sukbit ang kani-kanilang mga bags at lunch boxes; nagmamadali dahil nahuli na naman sa pagpasok.

            Si Gene naman ay lumapit sa kaniya habang ini-aayos ang pag-sukbit ng bag sa isang balikat. "Hey. Kanina ka pa?"

            "Isang oras lang naman akong naghintay sa'yo!" reklamo niya. "Why are you late again?"

            "Those two slept in," tukoy nito sa dalawang nakababatang kapatid. "Nauna nang hinatid ni Pops ang iba pa naming mga kapatid, kaming tatlo na lang ang natira sa bahay kanina."

            "Sila ang nahuling nagising pero pati ikaw ay late nang umalis ng bahay?"

            "I was in the bathroom when Pops left with my older brothers. Akala niya'y nakasakay na ang lahat. Why are you nagging, anyway?"

            "Dahil late na rin ako kahihintay sa'yo."

            "But I didn't ask you to wait?"

            "You didn't, pero nakasanayan na nating sabay na darating sa classroom dahil madalas na sabay lang tayong dumarating sa school." Sandaling nalipat ang tingin ni Trini kay Mr. Zodiac nang bumukas ang bintana ng front seat at kinawayan siya.

            "Have a great day, you two! And don't fight a lot, okay?"

            Matamis na ningitian ni Trini ang may edad na lalaki. "Don't worry, Uncle Arc! Nag-uusap lang po kami!"

            Tumawa ang may edad nang 'Merikano. Sa tagal na nitong naninirahan sa Pinas at sa pagkakaroon ng Pilipinang asawa ay natuto nang umintindi ng Tagalog. "If you say so. See you later, Trini! Bye, son!"

            Nilingon ni Gene ang ama at kinawayan.

            "Ingat po!" sabi naman ni Trini.

            Nang tuluyan nang makaalis ang truck ay muling binalingan ni Trini ang kaibigan. Ang pansin ay kaagad na bumaba sa suot nitong white polo. Napansin ni Trini na mali ang pagkakabutones ni Gene kaya naiinis nitong hinampas sa braso ang kaibigan na napa-uklo sa pagkagulat.

            "Sampung taong gulang na tayo pero hindi ka pa rin marunong magbutones! My gosh, Genesis!"

            "Bakit ka ba nang-hahampas? At bakit ka ba nagagalit? Hindi naman kita nanay ah?"

            Inis na tinabig ni Trini ang kamay ni Gene at ito na ang nag-ayos ng butones. "Ilang beses ka nang tinuruan ni Tita Felicia pero hindi mo pa rin kasi alam! Why can't you do it? It's just this simple!"

            "I'm just in a hurry. At wala na tayong oras kaya hayaan mo na—"

            "Shut up and let me fix it." Tinanggal ni Trini ang lahat ng butones at inayos iyon hanggang sa matigilan ito.

            Natigilan ito dahil napatingin ito sa mga mata ni Gene nang ipasok na nito ang huling butones. She stared at Gene's dark green eyes and she was stunned.

            "What's wrong?"

            Nagsalubong ang mga kilay ni Trini. "I just noticed."

            "Noticed what?"

            "The color of your eyes. They are green."

            "I've always had dark green eyes."

            "I thought they were brown. Pero kung ganito pala ka-lapit, saka lang makikita ang tunay na kulay."

            Ngumisi si Gene, at sa pagkagulat ni Trini ay yumuko ito upang i-untog ang noo sa noo ng kaibigan. Trini groaned in pain; banayad nitong hinagod ang noo.

            "Sinasabi mong bestfriend kita pero ang kulay ng mga mata ko'y hindi mo alam. I am utterly disappointed, Trinity Ann."

            Doon pa lang tila natauhan si Trini. "I was never this close to you!"

            Gene faked a gasp. "And here I thought we're super close friends?"

            "I didn't mean that way!" Muling hinampas ni Trini sa braso ang kaibigan. "Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin!"

            Napangisi lang muli si Gene bago kinuha ang bag ng kaibigan at ini-sukbit sa kabilang balikat. "I'll carry this for you."

            Muling napakurap si Trini. "W-Why?"

            "Bayad ko. Dahil inayos mo ang butones ng polo ko, ako na ang magdadala ng bag mo. Quits na tayo, okay?" Hindi na nakasagot pa si Trini nang talikuran ito ni Gene matapos makuha ang bag.

            Si Trini ay nakasunod lang ang tingin sa kaibigan na humakbang na papasok sa school gate. Hindi nito alam kung bakit tila biglang may lumutang na mga puso sa paningin at pumaligid kay Gene. She was lost for words and she didn't know why her heart suddenly thumped so hard.

            Nang lumingon si Gene ay saka pa lang natauhan si Trini. Napatuwid ito ng tayo; nataranta.

            "Akala ko ba ay late na tayo? Are you coming or what?"

            Napalunok si Trini bago humakbang pasunod kay Gene. Nang makalapit ay walang kung ano't ano na itinulak nito ang kaibigan saka tinakbuhan.

            She didn't know why she did that.

            Pero ganti niya iyon sa pagigitang cute ni Genesis.

            Oh! She just realized that Gene was cute. Not just cute, but super cute with those dark green eyes, pinkish cheeks, and light brown hair.

            And her heart pounded mysteriously...

            She was just ten. She had no idea what she was feeling.

*

*

*

            TRINI AND GENESIS AT THIRTEEN. Turn off.

            NAPANGITI si Trini nang makita ang paglabas ng matalik na kaibigang si Gene mula sa classroom. Nahuli ito dahil huli nang natapos ang mga ko-kopyahing notes sa blackboard. Bitbit nito sa isang kamay ang kulay asul na lunch box, at sa isang kamay niya ang tumbler na may lamang cucumber lemon juice. It was Gene's favorite drink, and it became hers too, since she got a taste of it.

            Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa bench na nasa tabi ng footwalk. Nilililiman iyon ng puno ng mangga kaya kahit tanghali at tirik ang araw ay hindi siya nainitan. Inisuksok niya ang hawak ng lip balm sa bulsa saka inayos ang uniporme bago dinampot ang kulay yellow niyang lunch box na nakapatong sa bench. Hinintay niyang makalapit si Gene nang may ngiti sa mga labi.

            She was hoping Gene would notice her lips. Ilang beses niyang ini-kiskis ang lip balm doon upang mag-stand out. She wanted him to notice that she's becoming a lady. Dalawang linggo na lang at magti-thirteen na rin siya tulad nito; malapit na siyang maging teenager.

            Sa mahabang panahon ay hinintay niyang dumating ang araw na iyon. She wanted to hit thirteen before confessing to Gene.

            Yes. She wanted to confess to him.

            Because she had been crushing on him since they were ten. At ipinangako niya sa sarili na sa pagdating niya ng thirteen ay aamin na siya sa kaibigan.

            "I hate writing," reklamo ni Gene nang makalapit. Inabot nito sa kaniya ang lunch box nito at kinuha naman ang hawak niya.

            Routine na nila iyon. Magpalit ng baon. Hindi nila sasabihin sa isa't isa kung ano ang nakahandang baon sa araw na iyon para may element of surprise pagdating ng lunch time. At tulad ng madalas na mangyari, sabay sila nitong kakain sa paborito nilang spot– doon sa playground, sa ilalim na slide.

             Sabay silang naglakad patungo sa playground, at habang nasa daan sila'y panay ang sulyap ni Trini sa kaibigan.

            Gene was slowly becoming a grown man. Thirteen pa lang ito pero sobrang tangkad na. Halos hanggang balikat na lang siya nito at ang tinig ay nag-iiba na rin. Nagiging binata na ito... kaya nagmamadali na rin siyang mag-dalaga.

            Heck, pero hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya nire-regla. Tuloy, hanggang ngayon ay hindi pa rin lumu-lobo ang dibdib niya.

            But it's okay. Tanggap niyang hindi pare-pareho ang katawan ng mga babae. Ang sabi ng mommy niya ay damihan niya ang pag-kain ng mga vitamin C-rich fruits para lumabas na ang regla niya. She had been doing that for months now.

            "You smell like strawberries," komento ni Gene na nagpahinto sa daloy ng isip niya. Nilingon niya ang kaibigan at nakitang nakayuko ito sa kaniya.

            Napangiti siya. She was wearing braces to fix the alignment of her teeth, and normally, nahihiya siyang ngumiti kapag ibang tao ang kaharap niya. But not with Gene.

             "Do you like it?" she asked, smiling widely.

            "I love strawberries— they are my favorite fruit in the world."

            "So, you like what you smell?"

            Tumango ito. "Where is it coming from?"

            She couldn't help but giggle. "What you smell is my lip balm."

            Sandaling nahinto sa paglalakad si Gene at kunot-noong nagtanong. What's a lip balm?"

            "The thing people apply on their lips to prevent them from chapping." She didn't bother stopping. Dire-diretso lang siya at hinayaan itong sumunod.

            And Gene did, walking by her side again. "Are you telling me that your lips are chapping, Trinity? That's so gross!"

            "I was preventing it to happen!" she defended, smacking his arm.

             Gosh! Genesis was such a dense boy. Hindi pa ba halata ang kanina pa niya pag-nguso para ma-pansin nitong hindi lang basta lip balm ang nilagay niya? May kaunting kulay din iyon dahilan kaya namumula nang bahagya ang kaniyang mga labi, and she was doing it for him! She was making herself pretty just for him! Bakit hindi nito iyon mapansin?

            Wasn't she pretty enough?

            Did she need to rub the lip balm more?

            Did she need a blush-on?

            Gah! She was getting obsessed!

            "Seriously. If you got chapped lips, you better drink a much water as you can. Chapped lips are gross. Eww." Kunwari ay lumayo ito sa kaniya na tila ba mayroon siyang nakahahawang sakit.

            Tinapunan niya ito ng matalim na tingin. "Look closely and see if my lips are chapped."

            "Nah, I'm good." Itinuloy nito ang paglalakad sa pagkadismaya niya. "But worry not. At least the strawberry scent smells good." Nahinto si Gene at humarap sa kaniya. Hinintay siya nitong tuluyang makalapit, at nang isang talampakan na lang ang pagitan nila ay yumuko ito at nakangising nagsalita. "But you got me curiuos. Lasang tunay na strawberry rin ba 'yan?"

            That's where she found her chance to take their 'friendship' to a whole new level. Sinalubong niya ang mga mata ni Gene. "Do you want to find out?"

            "Sure."

            Lumapit pa siya lalo, tumingkayad, ipinikit ang mga mata, saka ini-nguso ang mga labi, hoping for Gene to kiss her.

            But he didn't.

            Because instead, he placed his index finger on her lips and rubbed it in Trini's disbelief. Napamulat ang dalagita at doon lang inalis ni Gene ang hintutuo saka ini-subo. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa nakita.

             "Tastes boring," ani Gene matapos literal na tikman ang lips balm na nasa mga labi niya. "It smells good but doesn't really have a taste. No wonder boys don't use it."

            Lalo siyang pinanlakihan ng mga mata at hindi na nagawang magsalita pa. Si Gene naman ay itinuloy ang paglalakad at tuluyan siyang iniwan.

            What... did just happen? she asked herself, staring at the concrete footwalk. Did he just... insult me?

            "Let's go, Trini! I'm hungry."

            Nag-angat siya ng tingin at nakita itong hinihintay ang paglapit niya.

            "Mom prepared an Italian dish this time but I won't tell you what it is. I'll let you guess until we reached the playground, alright?."

            Mangha siya sa mga nangyari na hindi siya kaagad naka-isip ng sunod na gagawin. Ilang metro na ang inilayo ni Gene pero hindi pa rin siya kumilos sa kinatatayuan.

            She had never felt so humiliated... and so disappointed all her life.

            Kaya bago pa niya napigilan ang sarili ay itinaas niya ang hawak na lunch box saka ibinato kay Gene. Tinamaan ito sa batok na ikina-uklo nito.

            "Mag-lunch kang mag-isa mo!" Then, she turned and run away.

            Since then, Trini's crush on Isaac Genesis Zodiac melted like ice cream placed under the hot summer heat. She got over him, and they just remained friends.

            But then... sixteen years after that day, they woke up in the same room, on the same bed, with clothes scattered on the floor. They were both naked.

            They crossed the line.

            And there was no turning back.


*

*

*

>> Advanced updates are posted on Tala Natsume VIPs (Facebook). If you wish to become a member, just PM me on my Facebook account (Tala Natsume).


RISE ABOVE THE ZODIAC SERIES

(In order)

#1. JAN QUARO ZODIAC (Aquarius) - Free and completed here on Wattpad.

#2. FREE PHILLIAN ZODIAC (Pisces) - Pay to read (VIP) and completed on Dreame/Yugto/AllNovel

#3. CERLANCE ZODIAC (Cancer) - Free and completed on Dreame/Yugto/AllNovel

#4. ISAAC GENESIS ZODIAC (Gemini) - Free and ON GOING

#5. ACE TAURENCE ZODIAC (Taurus)

#6. LEE BENEDICT ZODIAC (Libra)

#7. LEONNE ZODIAC (Leo)

#8. ARISTON GHOLD ZODIAC (Aries)

#9. VIREN GHALE ZODIAC (Virgo)

#10. SACRED ZODIAC (Scorpio)

#11. SAGE THADDEUS ZODIAC (Sagittarius)

#12. CAPRIONNE ZODIAC (Capricorn)


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top