Chapter 15

"SINUNGALING! Bodyguard ng ninong si Eman! Iyon ang sinabi mo sa akin noong ipinakilala mo siya sa akin!" asik ni Lauri kay Isaak.

"Sinabi ko lang iyon dahil ayaw ipaalam ni Eman ang totoo, Lauri."

Natigilan siya sa narinig. Humakbang si Isaak palapit sa kanya. Hindi siya nakakilos at nasundan niya lang ito ng tingin dahil hindi niya alam kung maniniwala ba siya rito. Pero sa isang bahagi ng puso niya, gustong gusto na niyang paniwalaan ang mga sinasabi nito.

"Maniwala ka sa akin, Lauri. Please!"

Halos magmakaawa ang boses ng binata. Kaya naman ramdam niyang lumalambot ang puso niya.

"Kung gano'n, ano'ng ginagawa mo sa bahay nang araw na 'yon? Kung hindi ikaw ang nagsabi niyon kina mommy, bakit naroon ka, ha?" Hinahaluan niya ng talim ang pananalita. Hindi niya gustong malaman nito na nadadala siya sa boses nito at sa malungkot nitong mukha.

"Nag-aaral din si Eman sa unibersidad noong panahong iyon, Lauri. Marahil ay nakita niyang nasaksihan ko ang ginawa mong iyon kaya naman ipinatawag ako ng mga magulang mo. Pinapunta nila ako roon para mkumpirmahin kung totoo iyon. Pagtatakpan kita, desidido na ako roon kahit hindi mo hiniling na huwag kong sabihin sa kanila, pero bago pa ako makasagot no'n ay dumating ka na."

Marahas siyang napahinga sa mga naririnig.

"At hindi ikaw ang nagsasabi ng mga ginagawa ko kina mommy?"

"Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na hindi ko kailangang gawin iyon? At bakit ko naman gagawin ko 'yon, Lauri?"

"Malay ko ba kung inutusan ka nila mommy na bantayan ako!" pagtataray niya.

Napanganga ito at parang hindi makapaniwalang tumitig sa kanya. "Siguradong hindi nila magagawang utusan ako nang ganoon, Lauri."

Oo nga naman. Bakit nga ba niya naisip na magagawang utusan ng mga magulang niya ang binata. Ito pa talaga na anak ng ninong at ninang niya? At bakit naman ito pa sa lahat ang uutusan ng mga magulang niya kung sakali? Pulis ito at may maayos na trabaho, pero uutusan lang na bantayan siya? Stupid Lauri! Pero ano ba kasing magagawa niya kung ganoon ang mga naiisip niya gayong maya't maya siyang tinatanong nito ng bawat kilos niya. And speaking of... iyon na ang magandang pagkakataon para malaman niya ang tungkol doon.

"At kahit iutos nila, palagay ko ay hindi ko magagawang sundin iyon," sabi pa nito na ikinatigil niya.

Nairapan niya ito nang wala siyang maisagot sa itinuran nitong iyon. Taas-noo niya itong tiningnan muli at inilabas na sa bibig ang isa pang gumugulo sa isip niya, "Kung gano'n, bakit mo inaalam ang bawat lakad ko noon? Ano 'yon, trip mo lang?" Napangiwi siya sa huling tanong.

Natulala ito sa kanya. "Kaya ba naisip mong ako ang nagsasabi sa mga magulang mo ng lahat ng kilos mo?"

Hindi niya ito sinagot. Mariin niya lang itong tinitigan. Napanganga ito, sinuklay ng kamay ang buhok. Mukha pa itong problemado pero agad na nag-iwas ito ng tingin.

"Sagutin mo ako, Isaak!" mariing aniya.

Muli siya nitong hinarap. Pinakatitigan siya nito. Mukhang ayaw pang sagutin iyon. Napanganga ito pero bumuga lang ng hangin.

"Ano, Isaak? Iisipin ko na lang bang baliw ka?" panunuya niya. "O mag-uumpisa na akong matakot? Baka mamaya niyan pinagbabalakan mo na akong ipa-kidnap for ransom?"

Naitikom niya ang bibig. Muntik na siyang matawa sa huli niyang sinabi. Kung anu-ano na lang ang naiisip niya. Dahil nga wala na ang unang naisip niyang dahilan kung bakit ginagawa iyon ng binata kaya kahit anong pag-iisip niya ay wala siyang maapuhap na sagot doon.

Napahilamos ito sa mukha. Kasunod niyon ay malalim na bumuntong-hininga ito. "Fine! I'll tell you. But, can we go home first? Let's talk about this in my room, Lauri."

Muntik ng manlaki ang mga mata niya.

In his room? Oh, my- gaga ka, Lauri! Ano'ng akala mo niyayaya ka niyang mag sex? Gusto lang niya na roon kayo mag-usap. Iyon lang!

Natigilan siya dahil sa naisip. Kung nakababasa siguro ng isip ang binata ay baka pinagtatawanan na siya nito. Stupid Lauri!

Tumikhim siya saka tinaasan ng kilay ang binata. "At bakit? Hindi ba pwede rito?"

Luminga ito. "Kanina pa tayo rito, Lauri. Hindi ka ba nilalamok?"

Natigilan siya saka napalinga rin. Niyon niya lang napagtanto na naroon pa pala sila sa parking lot ng Complex. Napabuga siya ng hangin. Nakakahiya! Paano kung may nakakita sa kanila roon? Panay pa naman ang sigaw niya kanina. Baka isipin pang couples sila na may lover's quarrel!

Para tabunan ang kahihiyang nararamdaman ay inirapan niya ang binata saka ito tinalikuran at sumakay sa kotse niya. Nang isasara na niya ang pinto ay naunahan na siya nito. Nagsuot siya ng seatbelt habang pinpanood itong naglalakad palapit sa kotse nito. Nang makasakay ito ay saka niya binuhay ang kotse at pinaandar.

Sa daan ay ang mga sinabi nito ang laman ng isip niya. Bantay na niya si Eman noon pa man? Kaya alam ng mga magulang niya kung nasaan siya palagi at ang mga pinag-gagagawa niya. Iyon ay dahil kay Eman. Magaling nga ito dahil hindi man lang niya ito napansin. Kahit nga ang pagbabantay nito sa unibersidad ay hindi niya napapansin.

Kung gano'n, mali ang mga naiisip niya tungkol kay Isaak. Buong akala niya ay ito ang nagsabi ng ginawa niya noon, at ito ang nagpapaalam sa mga magulang niya ng lahat ng mga kilos niya. Ilang taon niyang dala ang galit niya rito dahil lang sa mga maling akala?

Nagalit ako sa maling tao? You really are stupid, Lauri!

Gusto niyang mainis sa sarili. Kung sana nagtanong siya rito noon. Pero pinangunahan na siya ng galit.

Mabilis silang nakarating sa subdivision. Sa tapat ng bahay nila siya pumarada, at ang binata ay sa tapat ng mga ito. Nang makababa ay nakita na niya itong nakatayo sa tapat ng kotse nito. Agad siyang tumawid ng kalsada. Nakita niya pa ang pagtingin ni Isaak sa kaliwa't kanan habang tumatawid siya.

"Wala ba sila Tito Lauro?"

Napalingon siya sa kanilang bahay. Madilim doon. Tanging ang mga ilaw sa garden ang bukas. "Wala. Nasa office si Daddy. Si Mommy, may date kasama ni Tito Bryan."

Iyon ang text ng mommy niya kanina. Himala nga dahil niyon lang ito nagsabi na makikipagkita sa kanyang Tito Bryan. Noon ay nalalaman na lamang niyang magkasama ang mga ito kapag nagpo-post ang Tito Bryan niya sa social media nito.

Tumango ang binata saka binuksan ang gate. Pinauna siya nitong pumasok, kahit sa main door. Tahimik ang buong bahay pagkapasok nila.

"Wala rin sila ninang?"

"Si Daddy at si Ismael, for sure, nasa opisina rin. At baka kasama nila Tita Barbara si Mommy. I really don't know."

"At nasa Austria naman si Isaiah." Tumango si Isaak. Buti pa ang isang iyon pagala-gala lang, isip-isip niya.

Hinugot ni Isaak ang cell phone nito sa bulsa ng jeans nito at sinilip iyon habang paakyat sila. "Oh, nag chat si mom. Magkakasama nga sila."

"Ibinabalita pa ni ninang sa inyo ang lakad niya?" natatawa niyang tanong. Ang mommy niya hindi na siya nagulat dahil bumabawi iyon sa kanya. Pero ang kanyang ninang ay hindi niya akalaing ganoon ito.

Napapabuntong-hiningang tumango ang binata. "Yeah! Napakabait niyang ina. Bawat kilos niya ay ibinabalita niya sa amin. We even have a group chat."

Malakas siyang natawa. "Ganoon din daw kasi ang gawin ninyo."

Napailing ito. "We're too old for that, Lauri."

Nakangiti pa rin nang inilingan niya ito. Naalala niya ang tagpo ng kanyang ninang at ni Isaak noon sa kusina ng mga ito. "I'm sure mapapanatag si Ninang kung gagawin ninyo iyon. Lalo ka na dahil sa takbo ng trabaho mo. Simpleng pagsasabi na okay ka lang, siguradong maluwag na sa dibdib niya. Ang pag-aalala ng mga magulang ay hindi natitigil kapag tumanda na tayo, Isaak."

Napangiti siya sa mga nasabi niya. Sa isip niya habang sinasabi iyon, sigurado na siyang kahit ganoon ang samahan nila noon ng kanyang mga magulang ay nasa puso ng mga ito ang pag-aalala tuwing malayo ang mga ito sa kanya.

Natigilan siya sa paglalakad nang mapansin ang pagtigil ng binata. Nakatitig ito sa kanya.

Mahina siyang natawa. "What?"

Ngumiti ito at umiling. "You're cute," sabi lang nito at napangisi saka siya tinalikuran.

Kunot-noo at nakangiting naiiling na sumunod siya rito. Pumasok sila sa kwarto nito. Muli niyang naamoy ang perfume ng binata pagkapasok na pagkapasok niya roon. Nakatigil si Isaak sa tabi ng couch at nakatingin sa kanya. Nilapitan niya ito.

"Sit down first."

Sinunod niya nga ito. Sinundan niya ito ng tingin nang lumapit ito sa wooden rack na puno pa rin ng mga regalo. Kinuha nito ang nasa pangawalang shelf sa taas, sa gitna niyon ang isang kuwadradong regalo. Kunot-noo niya itong sinundan muli ng tingin nang lumapit muli sa kanya. Inilapag nito ang regalo sa center table at umupo sa tabi niya.

"Was it uncomfortable for you every time I asked where you were going?" malumanay na panimula nito.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Kinda, pero lamang ang galit ko dahil nga buong akala ko inuutusan ka nila mommy noon."

"I'm sorry, Lauri! I was... just scared... I'm worried about you."

"Bakit ka naman mag-aalala sa akin?"

Kinuha nito ang regalo at ibinigay iyon sa kanya. "That night of your graduation day, I went to your house to give you this."

Tulala niyang natitigan ang regalong hawak nito habang iniisip ang mga sinabi ni Isaak. That night... Dahan-dahan niyang inangat ang tingin dito. Nakita niya ang lungkot sa mukha nito.

"Nakita mo?"

"Yes, Lauri."

Napalunok siya. Nakita nito ang pangyayari na naging isa sa mga kahinaan niya? Ano pa bang hindi nito alam? Lahat yata ng bad days niya ay alam nito. Parang gusto niyang makaramdam ng hiya.

"Hindi ko nagawang ibigay ito, obviously. But I was so worried about you that night that I couldn't sleep. Habang nakatingin sa labas ng veranda, nakita ko ang paglabas mo sa bahay ninyo. Lumala ang pag-aalala ko kaya sinundan kita."

"At sumakay ako sa jeep katulad ng palagi kong ginagawa noon."

Tumango ito saka muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

Nangunot ang noo niya. "Dahil lang doon kaya palagi mong itinatanong ang bawat lakad ko?"

Nangunot din ang noo nito na lalo niyang pinagtakahan. "I saw you, Lauri. Noong tumawid ka ng kalsada. You would have been hit by that truck if Eman hadn't been fast."

"Wha-What? Mabubunggo? Ako? Ng truck?"

"Hindi mo ba naaalala?"

Napalinga siya. Pilit hinahanap ang pangyayaring sinasabi nito. Inalala niya ang gabing iyon mula sa umpisa. Mula sa pagtatalo nila ng kanyang mommy, ang paglabas niya ng alas dose ng hating gabi, ang pagsakay niya ng jeep at ang pag-iyak doon kahit pa pinagtitinginan siya ng ilang sakay niyon, ang pagbaba niya sa tabi ng tulay malapit sa subdivision, ang paglalakad sa kahabaan ng kalsada, ang gusgusing aso...

"That dog..."

"What?"

Ibinalik niya sa binata ang tingin. "I was going to get that stray puppy when he crossed the road pero may humila nga sa akin. Mabuti na lang nakatawid siya bago dumaan ang truck."

"What?"

"I-re-rescue ko lang sana 'yong puppy."

Hinahapo ito at mariin ang titig sa kanya. Ilang segundo pa ay nakikita na niya ang pag-alala sa mga mata nito.

Inabot niya ang kamay nito. "What's wrong, Isaak?"

"I... I thought... I thought..." Mariin itong napapikit at mariing sinapo ang mukha nito. "Paano kung nabangga ka? Ha?"

Malumanay naman ang salita nito pero para bang galit ito at parang mali pa ang ginawa niya bagay na ikinainis niya.

"Eh, ano'ng gusto mo? Hayaan ko 'yong aso?"

Napatayo ito. Rinig niya ang mariing pagmumura nito.

"Ano bang ikinagaganyan mo, ha? Hindi naman ako nabangga, ah?" asik niya.

"Dahil akala ko sinadya mo ang tumawid, Lauri!" sabi nito kasabay ng pagharap sa kanya.

Muli siyang natulala rito at napanganga sa gulat. Hindi dahil sa sigaw nito, kung 'di dahil sa sinabi nito.

"A-Ano kamo?"

"A-Akala ko..." Mariin itong napapikit.

"Y-You thought I was going to kill m-myself?"

Tumitig ito sa kanya. Takot, pag-alala at galit. Hindi niya napigilan ang pagtalon ng puso habang nakatitig sa mga mata nitong may ganoong mga emosyon. Kung paano nito nagagawang ipakita ang mga emosyong iyon nang sabay-sabay ay hindi niya alam. At gusto niyang paniwalain ang sarili na napakahalaga niya para sa binata kaya ganoon na lamang ang mga emosyong nararamdaman nito.

Nilapit niya ito at hinawakan sa mga braso. Tiningala niya ito. "I would never do that, Isaak. Mahal ko pa rin naman ang buhay ko kahit maraming hindi magandang nangyayari. Bakit mo ba naisip na gagawin ko 'yon?"

"Dahil natakot ako, Lauri. Na ang lahat ng lungkot na palagi kong nakikita sa mga mata mo at ang nangyari noong gabing iyon ang magtutulak sa 'yo na gawin iyon. Takot na takot ako nang makita kita sa kalsadang iyon, Lauri!"

Ramdam niya sa bigat ng hinga nito, at sa garalgal nitong tinig kung gaano kabigat ang nararamdaman nitong iyon na hanggang ngayon ay dala pa nito.

Pinutol niya ang espasyo sa kanilang dalawa at niyakap ang binata. Nakapikit niyang dinama ang napakalakas na tibok ng puso nito.

"Kalimutan mo na iyon, Isaak. Huwag mo ng isipin pa iyon dahil hindi ko kailanman gagawin iyon. Kaya hindi mo na kailangan matakot pa, Isaak."

"I'm sorry, Lauri, k-kung nag-isip ako ng ganoon sa 'yo—"

"Shh. It's okay, Isaak. It's okay." Mas hinigpitan niya pa ang yakap niya rito. Ilang saglit lang ay ramdma niyang nakapulupot na rin ang mga braso nito sa kanyang katawan. Isang maginhawang hininga ang napakawalan niya habang dinadama iyon.

Si Isaak ang unang nagbigay ng mainit na yakap sa kanya sa mga panahong hindi niya kailanman inaasahan. At ngayon, ang yakap nito ang nananatiling pinaka-mainit, na kahit ang puso niyang punong puno ng lungkot at galit noon ay nagawa niyong tunawin.

⊱╼╼╾╾


"SALAMAT, Isaak!" malapad ang ngiti niya nang lingunin ang binata.

"Nagustuhan mo ba?" Nakangiti nitong inabot ang pisngi niya at marahan 'yong hinaplos. Para na namang may nagsasayaw sa loob ng katawan niya dahil sa ginawa nitong iyon.

"Sobra!" Ibinalik niya ang tingin sa regalo nito sa kanya. A four year late gift pero mas naapreciate niya. Siguro kung noon niya natanggap iyon, baka hindi ganoong kasaya niyang tinitingnan iyon.

Hinaplos niya iyon habang naroon pa rin sa loob ng box. Isa 'yong silver sewing machine bookmark. Hugis letrang J ang bookmark. Mayroong tatlong jade stone bago ang maliit na sewing machine, at sa mismong sewing machine ay nakaukit ang pangalan niyang Lauri.

"I'm glad you liked it, Lauri!"

"No, I love it!" Nilingon niya ito. "Pero hindi ko ine-expect na magbibigay ka sa akin ng regalo pagkatapos ng mga pagsusungit ko noon," natatawang aniya.

Itinaas nito ang kanang binti sa sofa at humarap sa kanya. "Do you want to hear another secrets?"

Umangat ang kilay niya roon. Another secrets again? Ano pa kayang ipang-gugulat nito sa kanya. "Na ano? Na magkapatid talaga tayo?"

Umasim ang mukha ng binata. "Don't say bad words, Lauri."

Malakas siyang napahagalpak ng tawa sa sinabi nitong iyon. "Grabe ka naman! Ayaw na ayaw mo maski ang maging kapatid ako?" natatawa pa ring aniya.

Napairap ito habang natatawa saka napailing.

Ginaya niya ang pwesto nito. Ipinatong niya pa ang isang braso sa ibabaw ng backrest ng sofa. "Eh, ano ba kasing sikreto 'yan?"

"You're beautiful!"

Saglit siyang natulala. Ramdam niya ang paglundag ng kanyang puso at ang pamumula ng kanyang pisngi. "Iyon?" Pabirong inirapan niya ito. "Matagal ko na 'yong alam, Isaak."

Mahina itong natawa.

"What is it?"

"Those gifts... para sa iyo ang lahat ng iyon."

Napanganga siya at natulala nang ituro nito ang rack ng mga gifts.

"All for your birthdays since you turned seventeen, for your high school graduation, Christmas and New Years."

"No way."

Naalala niya, parang naging tradisyon na noon sa both families nila ng binata na magbigay ng regalo sa isa't isa tuwing may okasyon. Natigil lang ang pagbibigay niya ng regalo kay Isaak simula noong nagalit na siya rito, at maski ito ay hindi na nagbibigay ng regalo sa kanya na hindi naman ganoong big deal sa kanya noon. Pero ngayon, halos lumundag ang puso niya sa kilig.

"Seriously?" hindi makapaniwalang tanong niya kay Isaak habang nasa mga regalo ang tingin. Para sa akin lahat ng iyon? Samantalang noon lang pinagtatakhan niya pa kung para saan ang mga 'yon.

"Naiinip na sila rito, Lauri. Baka raw pwede mo silang iuwi," natatawang ani ng binata habang siya ay hindi pa makahuma sa gulat.

Sinamaan niya ito ng tingin. Mabilis na nawala ang ngiti nito.

"Ayaw mo ba? Okay lang naman na dito lang ang mga iyan."

Napasimangot siya. "Wala akong pangbigay sa 'yo."

Natulala ang binata. Kasunod niyon ay napakalakas na tawa.

"I really don't mind, Lauri."

Bahagya niyang inilapit dito ang mukha. "What is the other secret?"

Bigla siyang kinain ng kaba sa sikretong iyon. Huwag naman sanang may girlfriend na ito. Kaya ba ipinapauwi na nito ang mga regalong iyon sa kanya dahil baka makita iyon ng nobya nito? Pero bakit naman ipapaalam pa nito sa kanya na may girlfriend ito? O baka naman kukunin siya nitong abay sa kasal nito?

Oh, no! I can't!

Kung bakit naman kasi ang mga iyon ang pumasok sa isip niya tuloy ay kumakabog nang husto ang puso niya sa kaba. Pero mukhang pinagbibigyan siyang i-delay ang kung ano mang sasabihin nito. Dahil bago pa man ito makapagsalita ay narinig na nila ang malakas na tunog ng cell phone niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top