Chapter 8
Chapter 8
When I told Xandie and Justin about the dare I supposedly had with Keeno, it was only to save him kasi literal na nanigas siya sa kinatatayuan nang makaharap bigla ang dalawa. Ang sabi ko, mas marami akong nai-serve na order sa Kitchen kaysa sa kanya. Pagkatapos ay ginatungan naman niyang kailangan niya raw akong ipagluto bilang punishment. Na sinabi ko namang madodoble kung hindi niya magagawa within the day.
I had no idea we could lie so well together. Hindi namin iyon pinag-usapan beforehand kasi ang plano nga niya, takasan ang dalawang magkasintahan. Kung ano lang ang pumasok sa utak ko no'ng time na alanganin siya, iyon ang lumabas sa bibig ko. Dinugtungan naman niya nang walang kahirap-hirap.
Sa sobrang in sync namin, mukhang nakalimutan niyang walang katotohanan iyon.
"Halika na't ipagluluto pa kita."
At sa hindi ko na alam kung ilang beses na pagkakataon, inunahan na naman niya ako sa paglalakad nang hindi hinihintay ang sasabihin ko.
Ilang saglit pang napaawang ang mga labi ko sa gulat bago ako natatawang sumunod sa kanya. Mapang-asar ko siyang hinampas sa balikat nang muli kong maabutan. "Dinibdib mo naman masyado! May I remind you na wala namang dare na naganap? Pero siyempre, kung gusto mo akong ipagluto, hindi naman ako magrereklamo!" Ginantihan ko ng malaking ngisi ang sama ng tingin niya.
"Magluto kang mag-isa mo." Nagpatuloy siya sa paglalakad palabas ng aisle na ilang beses na naming naikot kanina.
"Ang sensitive naman nito!" pangangantiyaw ko pa rin habang nakabuntot sa kanya.
Hindi na niya ako ulit kinibo hanggang sa makapila kami sa checkout counter, hanggang sa makabayad kami at hanggang sa makabalik kami sa kanyang kotse. Natatawa pa rin ako pero hindi ko na ulit tinukso dahil paglapat pa lang ng likod ko sa upuan, naramdaman ko agad ang pagod na kanina pa inirereklamo ng likod ko. Pagka-recline ko sa upuan, hindi ko na namalayan at tuluyan na akong iginupo ng pagod.
Nagising lang ako ulit nang marinig ko ang boses niyang may kausap sa cellphone.
"Yes po, Tito. Iniuwi ko na."
Nag-unat ako ng mga braso at nang mapalingon siya sa akin habang ang kaliwang kamay ay nasa manibela, inaantok na nginitian ko siya. It was meant to be the kind of smile that usually annoyed the hell out of him, pero dahil hindi pa bumabalik lahat ng energy ko, ang hina ng dating na parang nilalambing ko siya. Eww.
Ipinikit ko na lang ulit ang mga mata ko at hinintay siyang matapos sa pakikipag-usap na sa tingin ko ay kay Tito Vince. Sa loob-loob ko, napailing na lang ako. Talagang tinawagan niya para i-check sina Xandie at Justin siguro.
Umiba ako ng puwesto, paharap na sa pinto ng shotgun seat. Hindi pa nag-iisang segundo nang muli akong magmulat dahil parang hindi naman na umaandar ang sasakyan. Napabangon ako bigla nang makitang nasa labas na pala kami ng building ng condo.
Nilingon ko agad si Keeno pero hindi man lang siya nabahala sa naging reaksiyon ko. Tinapunan niya lang ako saglit ng tingin habang patuloy pa rin sa pagtango sa kung anong sinasabi sa kanya ni Tito Vince mula sa kabilang linya.
"Kanina pa ba tayo rito? Ba't hindi mo ako ginising?"
"Hindi ko naman po 'to ihuhulog sa bangin. She'd kill me first before I could even try."
"Hoy!"
Tinangka ko agad kunin mula sa kanya ang hawak na cellphone ngunit mabilis siyang umilag. Inilipat niya iyon sa kaliwang tainga at nagpatuloy pa rin sa pakikipag-usap kahit gusto ko na siyang sabunutan.
And I did.
"Ow!" malutong na reklamo niya. On instinct, dahil nasaktan siya sa ginawa ko, naiangat niya ang kanyang kanang braso at hindi sinasadyang nabigwasan ako sa mukha ko.
"Ouch!" sigaw ko sabay hawak sa ilong.
Nanlalaki ang mga matang dinaluhan niya ako. Nabitiwan niya ang kanyang cellphone at hinawakan niya ako agad sa kamay para alisin iyon sa mukha ko. He looked at my entire face frantically. Pagkatapos ay nagsalubong na naman ang mga kilay sa iritasyon nang makitang hindi naman niya natanggal ang ilong ko. "Kung bakit ba naman kasi ang kulit, eh!" Nagdadabog na pinulot niya ang nabitiwang cellphone.
Hinampas ko siya sa kanang balikat. "At ikaw pa ang galit? Wow!"
"Sorry na!" sambit niya pero halata namang labas sa ilong.
Tinawanan ko lang siya nang pagak at matapos kong irapan ay kinalas ko na ang suot na seatbelt. Halos magkasabay kaming bumaba ng sasakyan kaya lumipad na naman sa kanya ang matalim kong tingin. Kung hindi ko lang naalala kung bakit kami magkasama ngayon ay baka nga nag-walk out na ako nang tuloy-tuloy papasok sa building.
Naunahan niya ako papunta sa likod ng sasakyan. Busangot ang mukhang ibinaba niya ang tailgate ng kanyang Hummer and then effortlessly unloaded my groceries. Tatlong kahon ang mga iyon na kahit katamtaman lamang ang laki ay punong-puno naman kaya mabigat.
Sinubukan kong buhatin ang pinakamaliit na naglalaman ng female hygiene products pero mabilis niyang inagaw iyon mula sa akin. He piled it on top of the first two boxes. Pagkatapos ay walang kahirap-hirap na binuhat.
Tiningnan niya ako nang mariin na parang sinasabing, "Ano pa'ng hinihintay mo? Lead the way, brat." And his irritation was still very evident on his face.
Napairap at napahalukipkip na lang ako bago siya tinalikuran. Tahimik siyang sumunod sa akin paakyat sa unit ko. Pagkabukas ko ng pinto, agad niyang inilapag sa loob ang mga kahon. May sasabihin pa nga sana siya pero agad ko nang hinarangan. "Okay na. Goodbye!" pagtataboy ko sa mariing boses bago siya pinagsarhan ng pinto.
Natapos ang araw ko sa pagdi-dinner nang mag-isa at masama ang loob. Ni hindi na ako nag-abala pang magluto ng matinong dinner. Naghanda lang ako ng isang Maggi Kari at nilagyan ng isang itlog pagkatapos kong ayusin ang mga pinamili namin. I put in a good amount of rice cake, fish cake, and gochujang. It was super tasty, but not really a good choice for a healthy dinner. I could already imagine waking up tomorrow with a bloated face.
Pagkatapos kong ligpitin ang mga pinagkainan ko, pinagdiskitahan ko naman ang nabili kong hair dye. Ginger blonde ang kulay niyon. I had a natural light brown hair kaya kahit hindi ako gumamit ng bleach ay alam kong gagana iyon. Twenty minutes ko lang hinayaan iyon sa ulo at pagkatapos ay naligo na ako't ginamitan iyon ng kasamang shampoo at conditioner sa package.
Satisfied naman ako sa kinalabasan. Mas naging matingkad 'yong tingnan dahil sa taglay kong kaputian. Excited tuloy akong ipakita iyon kay Xandie at sa mga kaibigan ko. Gumaan na ang loob ko bago ako natulog dahil doon.
But then, at around four in the morning, naalimpungatan ako sa biglaang paghilab ng puson ko. Naunahan ko pa ang alarm ko at namaluktot na lang upang maibsan kahit papaano ang sakit. Sinubukan kong tumayo para magtungo sa bathroom at baka epekto lang iyon ng dinner ko nang nagdaang gabi pero pag-upo ko pa lang, agad kong naramdaman ang pag-ikot ng paningin ko kahit madilim ang buong kuwarto. Pinagpapawisan din ang noo ko kahit bukas ang aircon.
Naibagsak ko ulit ang katawan sa higaan at napadaing nang idiin ko ang palad sa puson. Fighting against the drowsiness and the abdominal pain, I tried to recall my menstrual cycle. Mukhang mapapaaga o napaaga na ako ng isang linggo.
Pumikit ako nang mariin. I took several deep breaths and curled myself into a ball. Naiibsan kasi ang sakit sa bandang ibaba ng tiyan ko kapag naiipit iyon. Hinintay kong humupa ang sakit pero mukhang ayaw magpaawat kahit kalahating oras na ang lumipas. Dadatnan na yata talaga ako. Kapag gano'n, talagang wala akong magagawa kundi hintayin ang sarili kong sumuko. Hangga't hindi nangyayari iyon, hindi giginhawa ang pakiramdam ko.
All I could do was wait.
Pikit ang mga matang inabot ko ang cellphone mula sa bedside table at saka lang nagmulat nang mahawakan ko iyon. Hinanap ko ang pangalan ni Chef Kathrin at agad akong nagpadala ng message para ipaalam dito na hindi muna ako makakapasok for breakfast service. Hindi rin ako sigurado kung aabot ako sa lunch time but I would try.
It's that time of the month.
Iyon lang ang sinabi ko at alam kong maiintindihan nila agad iyon. Sanay na silang minsan sa isang buwan ay nagkakaganito ako. Every first day ng bisita ko.
Napahinga ako nang malalim nang muli kong ilapag ang cellphone ko sa nightstand. Naka-silent na iyon para makatulog ako nang maayos. Mabuti na lang at may Keeno kami ngayon sa Kitchen. I wouldn't worry too much na iwan saglit ang restaurant. Buwisit iyon sa buhay ko pero alam kong hindi iyon pabaya sa trabaho.
Hinayaan ko na ang sariling muling tangayin ng tulog. Kada kalahating oras ay nagigising ako pero dahil nanghihina pa rin ay nakakatulog din ako ulit agad. May time pa ngang naalimpungatan ako sa tunog ng doorbell pero hindi ko nagawang pagbuksan dahil hindi ko kayang bumangon. Tinakasan din ako agad ng kamalayan kaya hindi ko rin alam kung imahinasyon ko lang iyon o panaginip.
Alas diyes na ng umaga nang muli akong magising. Ilang segundo muna akong napatitig sa wall clock bago rumehistro sa utak ko na may kumakatok sa pinto ng kuwarto ko. Napadaing ako nang muling maramdaman ang sakit sa puson ko. Nahihilo pa rin ako nang magawa kong maupo pero pinilit ko na ang sariling tumayo dahil mukhang walang balak tumigil ang kung sinumang nasa labas dahil sinusubukan na rin no'ng pihitin ang doorknob. Hindi lang magawang buksan dahil may barrel bolt akong in-install.
"Sandali..." paos na saway ko. Halos walang tunog na nilikha iyon kaya alam kong imposibleng narinig ng nasa labas. Kung hindi iyon si Xandie o Tito Vince, si Rhyne o Czeila. Silang apat lang naman ang may spare key sa unit ko. Ang kaso, wala naman akong napagsabihan ni isa sa kanila tungkol sa dysmenorrhea ko ngayon.
Nasa puson ko pa rin ang kanang kamay habang nanghihinang kinalas ko ang lock. Patuloy pa rin ang pagkatok mula sa labas at pakiramdam ko, kumakatok na rin iyon sa sentido ko kaya parang nananakit na rin. "Wait lang..." pigil ko.
Nang magawa kong pihitin ang seradura, kasabay ng pagbukas ko roon ay naramdaman ko ang pag-ikot ng paningin ko. Pikit-matang naisandal ko agad ang noo ko sa hamba ng pinto.
"Princess..."
"Xandie, ang sakit ng ulo ko..." daing kong naiiyak na dahil pakiramdam ko, hindi na lang puson at ulo ko ang masakit sa akin. Parang bugbog-sarado ang buong katawan ko at hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako nasasanay sa sakit gayong buwan-buwan ko namang nararanasan iyon.
Wala akong nakuhang sagot mula sa bagong dating. Nang magmulat ako, mukha ni Keeno ang tumambad sa akin, tulala sa hitsura ko. Nagsimulang magreklamo ang kalooban ko dahil alam kong hindi kaaya-aya ang ayos ko ngayon at sa lahat ng puwedeng makakita, bakit siya pa? Itatanong ko pa lang sana kung paano siya nakapasok sa unit ko nang biglang tila hinalukay ang laman ng tiyan ko.
Bago ko pa man napigilan, nasuka na ako sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top