Chapter 7

Chapter 7

"Keeno!"

"Halika na," seryosong aya niya. Binalikan niya ang naiwang cart at itinulak iyon patungo sa kabilang direksiyon. Ni hindi na nga ako hinintay at tila atat na atat makalayo.

Humabol ako agad. "Keeno, ang arte mo, ha!"

Sa ibang pagkakataon, kapag sinabihan ko siya ng gano'n, hihinto siya at babatuhin ako ng irap. Pero ngayon, wala. Talagang iiwan niya ako rito kung hindi ko siya pipigilan o susundan. Napilitan akong bilisan ang mga hakbang ko kahit pa ramdam kong nagreklamo agad ang paltos sa kanang paa ko.

"Hoy, Keeno! Saglit nga lang! Ang arte naman nito—"

Hindi ko na natuloy ang litanya ko dahil hindi ko pa man naaabutan si Keeno ay bigla na lang sumulpot sa unahan niya ang dalawang taong gusto niyang takasan.

"Keeno!" maluwang ang ngiting tawag sa kanya ni Xandie. Kahawak-kamay nito ang boyfriend.

Natigilan siya. More like nanigas sa kinatatayuan dahil tumigil yata siya sa paghinga at hindi na umaangat-baba ang bandang likod ng dibdib niya. Bago pa man iyon mahalata ni Xandie ay nilapitan ko na siya't agad na isinukbit ang kaliwang braso sa kanyang kanan.

"Uy, Xandie! Nakauwi na pala si Justin! Hello!" masayang bungad ko na sinamahan pa ng kaway. Pasimple kong hinigpitan ang pagkakakapit sa braso ni Keeno para gisingin siya. Bahagya ko pang inihilig ang ulo ko sa balikat niya. Hindi pa nga ako nakuntento at kinurot ko na rin nang maliit. Ewan ko lang kung naramdaman niya iyon dahil wala akong nakuhang reaksiyon mula sa kanya.

"Hi, Princess. Long time, no see, ano?" ganting-bati ni Justin na medyo slang pa nga ang pagkakabigkas sa nag-iisang Tagalog sa sinabi nito.

Ilang beses ko na rin itong nakaharap at namamangha pa rin talaga ako sa ganda ng kulay ng mga mata nito. Kitang-kita ang pagkislap niyon kahit may suot itong itim na sumbrero at may nakasabit pang mask sa kanang tainga nito. Ang daling malaman ng emosyon nito roon. Kahit hindi ito ngumiti, mararamdaman pa rin na masaya ito.

"Wow! I don't know what to think about this," nasisiyahang puna ni Xandie bago pinaglipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Keeno. Nasa titig nito ang panunudyo. "Parang no'ng isang araw lang, nagkakalmutan pa kayo sa harap ko. Ano'ng mayroon?"

Hindi sumagot ang kasama ko. At mukhang wala yatang balak sumagot kaya para hindi halata na wala siya sa mood ay bahagya ko siyang itinulak pagilid. That earned a glare from him. Sa wakas naman at nagpakita na siya ng reaksiyon! Ang akala ko, tuluyan nang naestatwa.

Mapang-asar ko siyang nginisihan at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa malaking braso niya. Nang ilipat ko iyon sa mga kaharap, hindi ko na napigilan ang tawa ko kunwari. "Natalo siya sa dare. Mas marami ang nai-serve kong dish sa Kitchen kanina."

"Sa Kitchen?" namimilog ang mga matang tanong ni Xandie sa gulat.

Kagaya kina Rhyne at Czeila, kahit dito ay hindi ko pa naikukuwento ang tungkol sa pagpa-part time ni Keeno sa restaurant. Hindi ko binanggit kahit nakakausap ko naman ang mga ito nang madalas dahil ang akala ko nga, nanti-trip lang ang buwisit na katabi ko.

"Nagluluto ka sa Kitchen, Keeno?" hindi makapaniwalang dagdag na tanong ni Xandie sa kanya.

Dahil halos yakap ko na ang braso niya, ramdam ko ang pasimple niyang paghugot ng malalim na hininga. Ang akala ko nga ay hindi na naman siya sasagot pero mabuti na lang at tumango na this time.

"OMG! Babe, sa Kitchen tayo next time!" baling nito sa boyfriend nitong kanina pa nakatingin kay Keeno. Napansin nito agad iyon kaya muli nitong tiningnan ang kaibigan. "Oo nga pala. Sorry, nakalimutan ko. Keeno... si Justin pala." Namula nang bahagya ang mga pisngi nito at naroon din ang magkahalong hiya at kilig sa ngiti nito. "Boyfriend ko."

"Dude," bati agad ni Justin na mukhang kanina pa nakaabang sa pagpapakilala sa kanila. Inilahad nito ang kanang kamay.

"And Jus, si Keeno."

"Her best friend since birth, right?" Ngumiti ito. "Palagi ka niyang naikukuwento sa akin."

Pasimple kong kinurot ulit si Keeno dahil nasa ere pa rin ang kamay ng kaharap namin at nakakahiya naman kung hindi niya iyon tatanggapin. Hindi ako sigurado kung dahil ba sa kurot ko kaya siya sumunod. Bahagyang lumuwang ang pagkakahawak ko sa kanyang braso dahil inangat na niya iyon upang tanggapin ang inaalok na palad ni Justin.

"Keeno Ortega," seryosong pagpapakilala niya. Ang lalim ng boses niya, buong-buo. Ang suplado tuloy ng dating. Lalo na at hindi man lang siya gumanti ng ngiti.

"It's nice to finally meet you, dude." Muli itong ngumiti.

"Yeah." Hindi ko alam kung sarkastiko iyon o ano. "Ang akala ko, pinagtataguan mo na ako, eh."

Napangiwi ako sa narinig mula sa kanya. Walang hiya talaga, eh kung makatago nga siya kanina! Pagkatapos ay aangas-angas siya ngayon?

Justin let out a chuckle. Mabuti na lang at chill 'to. "Believe me, I wanted to meet you right after I met Princess and Tito Vince. Pero busy ka raw and I've got a lot of commitments din na hindi na kayang i-last minute cancel. Kauuwi ko lang about an hour ago."

I heard Keeno snort. Mahina lang iyon at hindi ko alam kung napansin ng dalawang kaharap namin.

"Okay lang naman iyon, babe. Naipaliwanag ko naman sa kanya nang maayos ang situation at naiintindihan naman niya," malumanay na sabad ni Xandie.

Gusto ko tuloy bigwasan 'tong si Keeno. Hindi na lang mag-behave. Ito na nga't pinagtatanggol pa siya ng pinsan ko kahit alam naman naming tatlo na hindi ganoon ang nangyari. Hindi na nahiya at nagsusuplado pa.

"Basta ba't wala akong makikitang luha na tutulo sa mga mata niyan," seryoso pa ring sambit niya. Diretso ang tingin niya kay Justin. Mas matangkad ang boyfriend ni Xandie kaysa sa kanya pero mas maangas ang titig niya. "Kasi kung mayroon, kahit mangilid lang ang mga luha niyan, ibabalik talaga kita sa pinanggalingan mo."

Nahampas ko siya bigla sa braso.

"Keeno naman," pigil sa kanya ni Xandie.

"Mabuti nang malinaw tayo rito, Alexandie. I'm not going to sit still once na paiyakin ka ng kung sinu-sino lang. Kayo ni Princess."

Sa loob-loob ko, napangiwi na lang ako. Ang kontrabida talaga niya kahit kailan. Hindi na nga nahiya kahit kaharap namin si Justin. Idinamay pa ako sa pagpapakamartyr niya sa pag-ibig.

"Don't worry," ani Justin na chill pa rin at natatawa. "Mahal ko 'to, dude. Alam kong hindi kita mapapaniwala nang basta-basta 'cause these are just mere words. I'll be bothered, too, if you accept me right away. Allow me to gain your trust kahit gaano katagal."

Nahuli ko ang pigil na ngiti ni Xandie sa tabi nito. In an attempt to hide that, bahagya pa itong nagtago sa likod ng kanang balikat ng nobyo habang magkahawak-kamay pa rin. Napangisi ako at binalingan ang katabi ko. Kunot-noo pa rin siya kay Justin dahil yata sa sinabi nito at kita ko kung paano iyon lumipat sa ginawa ni Xandie. Mas lalo tuloy nagsalubong ang mga kilay. Pikang-pika ang buwisit.

At mukhang wala na naman siyang balak umimik kaya sinalo ko na naman. "Anyway! Saan na kayo after dito?" Maliit na cart lang kasi ang tulak ng mga ito at mga ingredient lang ang nakita ko roon for spaghetti.

"Sabay na kayo sa amin! Ipagluluto niya raw kami ni Tito Vince," masayang aya ni Xandie.

"Oh! Su—"

"Hindi. Natalo ako sa dare. Ipagluluto ko pa 'to." Sabay kiling ng mukha sa akin. "Hindi puwedeng ipagpabukas."

"Ha?!"

Sinamaan niya agad ako ng tingin.

'Yong gulat na ngiwi ko, nauwi na lang sa awkward na tawa. "Oo nga pala! Sorry, Xandie! Hindi puwedeng hindi ngayon kasi mado-double ang punishment bukas. Okay lang ba'ng next time na lang, Justin? We'll make sure na sasama kami!"

"Sige na. Mauna na kami."

"Keeno..."

"Sa bahay agad, ha. Tatawag ako kay Tito."

Hindi ko na napigilan ang muling pagngiwi nang tumalikod siya agad pagkatapos magbigay ng warning kay Xandie. Ni hindi na niya tinapunan man lang ulit ng tingin si Justin. Ang rude talaga. Hindi man lang marunong makisama kahit pakitang-tao na lang sana.

Ilang segundo ko pang pinagmasdan ang pigura niyang papalayo na habang tulak ang cart namin bago ko ibinalik sa dalawa ang atensiyon ko. "Pasensiya na kayo. Huwag mo nang alalahanin iyon, Xandie. Ako na'ng bahala. Enjoy your dinner! Mag-ingat kayo sa daan. Mauuna na ako't pipingutin ko pa ang isang iyon!"

"No worries!" nakangiti pa ring wika ni Justin. "Ako na ring bahala kay Xandie. Ingat kayo."

Inabot ko sa braso si Xandie para aluin. Pagkatapos kong muling magpaalam ay hindi na ako nag-aksaya ng oras at hinabol na ang buwisit na si Keeno. Sa kabilang aisle ko na siya naabutan at dire-diretso pa rin siya sa paglalakad. Wala talagang balak na hintayin man lang ako samantalang nasa kanya lahat ng grocery ko.

Binilisan ko ang mga hakbang at agad siyang hinigit sa braso para pigilan nang sa wakas ay maabutan ko rin. "Uy! Ano ka ba? Alam mo, ang rude mo talaga!"

Hindi man lang siya nag-slow down sa paglalakad kahit alam niyang hiningal ako sa paghabol sa kanya.

"Atat na atat makalayo?" sarkastikong tanong ko habang pilit na sinasabayan ang mga hakbang niya. "Alam mo, hindi mo naman kailangang maging ganoon ka-rude sa tao. Narinig mo na ngang gusto ka rin niyang makilala, 'di ba? Ang lambing pa nga ng pagkakasabi. Conyo na makata. For a while, bigla nga akong nagduda na baka kayo pala ang magkakatuluyan!" Hindi ko na napigilang mapahalakhak.

Tumigil siya bigla kaya bahagya akong bumangga sa braso niyang kanina lang ay halos yakap-yakap ko. Wala na namang ekspresyon ang mukha niya pero sa diin ng titig niya, alam ko nang isang hirit ko na lang ay baka mabigwasan na niya ako rito. Pero siyempre, hindi iyon sapat para patigilin ako sa pang-aasar. This was what I had been waiting for simula nang artehan niya ako ng silent treatment.

"What?" I flashed him a smirk. "Ang lambing ng mga sinabi niya sa 'yo na parang pati ikaw, gusto ring ligawan. Pero ikaw, gusto pa rin talagang i-push 'yang pag-iinarte mo. Napaghahalataan tuloy na may pusong nasasaktan somewhere in..." Mapaglaro kong itinuro ang kaliwang bahagi ng dibdib niya. "There."

Tinaasan niya ako ng kilay, nanghahamon.

"Akala ko ba, ayaw mong ipaalam?" Sarkastiko ulit ang ngiting sumilay sa mga labi ko. "You were so obvious."

"Hindi ako nagseselos."

"At sa akin mo talaga sinasabi 'yan?"

"Paniwalaan mo kung ano'ng gusto mo. Not my problem. You think I would beg para lang maniwala ka?" It was his turn to drop a deadly smirk. Deadly as in galit na galit. I was amazed na kaya pa nga niyang hindi ako sigawan.

Natawa ako nang pagak. At tingin naman niya, talagang maniniwala akong hindi kapag inangasan niya ako nang ganito? Inamin niya sa akin na may gusto siya sa pinsan ko. Inamin niya mismo sa mukha ko na mahal niya si Xandie. Kaya imposibleng hindi siya nakaramdam ng selos gayong nakita na niya kung gaano kasaya si Xandie kapag kasama si Justin.

Sinasabi niyang sa sobrang taas ng pride ko, hindi ko na alam kung saan ilulugar. Eh, ganoon din naman siya. Pati sa sarili, hindi maamin na nagseselos nga siya.

Muli akong natawa nang makita kong dumampot siya ng isang box ng Kit Kat at padabog na iniitsa iyon sa tinutulak na cart.

"Halika na't ipagluluto pa kita."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top