Chapter 19

Hello po, everyone! I'm sorry kung two days late ang update, drained ako sa dami ng nangyari last week. I hope all is well sa inyong lahat. Sana'y healthy and safe ang bawat isa rito.

May bagong book cover nga pala ang Wattpad version ng Keeno's Princess. Huhu. Ang ganda-ganda. Made with love by madammm xxsoteria ♥️ Writer din po siya sa platform na ito. She writes English stories pero mayroon ding written in Filipino. Marami na siyang naisulat kaya 'di kayo mabibitin. Enjoy reading! :)


Chapter 19

Hindi natuloy ang paglalasing namin nina Rhyne at Czeila kagabi. Sa halip na magpakalunod sa alak, coffee party ang kinahinatnan. Hindi nga ako nalasing sa alak pero sabog naman ako sa kape. Ang sakit ng ulo ko paggising kinabukasan, parang dinidikdik na minamartilyo. Ang sama tuloy ng timpla ko pagpasok ko sa Kitchen. Naka-plaster sa mukha ko ang tila permanente nang simangot at hindi iyon nawala kahit nang batiin ako nang magiliw ng mga kasamahan kong chef.

Not until halos tumalsik ang kaluluwa ko mula sa katawan nang hahawakan ko na sana ang seradura ng pinto pero hindi na natuloy dahil biglang bumukas iyon.

"Whoa!"

Pakiramdam ko, bigla akong binuhusan ng isang batya ng malamig na tubig. Napanganga na lang ako nang tila isang aparisyon na biglang sumulpot sa harap ko ang matangkad na bulto ni Keeno. Sinakop niya nang tuluyan ang dadaanan ko sana. At lalo lang akong natuod sa kinatatayuan ko nang sa halip na batiin ako dahil ngayon lang siya nagpakita ulit, nilampasan lang niya ako na parang hangin.

Hindi niya ako pinansin! Ni hindi niya ako sinulyapan...

I let out a scoff. Lumingon ako agad para sundan siya ng tingin. Ang buwisit ay nagdire-diretso lang papasok sa kusina, naka-uniform pa't lahat. Nahagip ng mga mata ko ang nananantiyang tingin ng mga kasamahan namin. Muli akong natawa nang pagak sa hindi pagkapaniwala.

Pagpasok ko sa opisina, naroon na rin ang mga gamit niya sa desk at malinis na ulit iyon... pero wala ang nakasanayan kong breakfast kapag nandito siya. Sa panggagalaiti ko, naibagsak ko tuloy pasara ang pinto.

My God... Hindi ba siya nagche-check ng email niya? Hindi ba niya nabasa? Kung hindi, then he should! Kung oo naman, hindi na kinakaya ng utak ko kung gaano kakapal ang mukha niya! Bakit kung kailan ayoko nang makita ang pagmumukha niya rito sa Kitchen, saka naman siya magpapakita? Bakit no'ng ilang araw akong naghintay sa pagbabalik niya, hindi siya nagpakita? No'ng mag-text ako, na katakot-takot na bargaining pa ang ginawa ko sa sarili kong pride, hindi siya nag-reply. Pagkatapos ngayon ay bigla na lang siyang susulpot dito na parang walang nangyari?

Bad trip na hinaklit ko ang sariling swivel chair bago pabagsak na naupo roon. Hindi naman ako naglasing nang nagdaang gabi pero pakiramdam ko, magkaka-hangover ako. Sa sobrang sama ng loob ko, sinamaan ko ng tingin ang bakante niyang upuan. Hindi pa nga ako nakuntento at itinulak ko iyon palayo.

Hindi ako sumabay sa breakfast ng team. Sa halip na kumain, ang pinagtuunan ko ng pansin ay ang pagche-check ng mga pinagpo-post kong job advertisement sa iba't ibang site na hindi ko na natingnan mula nang dumating si Keeno sa restaurant. Ang huling update ko sa mga iyon, maliban sa mga na-take down ko, may nakakuha na sa job order na nire-require namin. Ang kaso, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mabubuwisit lang lalo. Kung kailan kasi hindi na available, saka naman dumagsa ang inquiry. Hindi ko alam kung nagbabasa ba 'tong mga 'to o nasa nature lang talaga ng mga tao na gustuhin ang isang bagay na nakuha na ng iba.

Kahit punong-puno ng iritasyon, sinubukan ko pa ring isa-isahin ang mga curriculum vitae na natanggap. Right before we started preparing for breakfast service, may na-sight akong isa at nag-inquire agad ako kung interesado pa rin ito. I was kind of hopeful nang lumabas ako para simulan na ang trabaho sa kusina. Pero pagbalik ko para tingnan ulit iyon, naglaho ang katiting na pag-asa ko.

Kunot-noong tiningnan ko ang schedule namin para sa susunod na buwan. Tatlong linggo na lang at babalik na si Chef Daphne. Kaya naman na siguro namin kahit wala kaming mahanap na papalit kay Keeno? Nakaya nga namin nang isang linggong wala siya, eh! Nairapan ko tuloy ang schedule.

Buong araw kaming hindi nagpansinan. More like, ako na ang hindi namansin sa sumunod na mga oras. Dinaanan niya nga lang ako kaninang umaga na parang hindi ako nakita samantalang tapat na tapat ako sa pinto. Ang akala niya, hindi ko kayang gawin iyon? Bakit? Sino ba siya? Sa kanya lang naman ako namumukod-tanging allergic sa buong buhay ko. Dapat nga ay matuwa pa ako na siya na ang nauna at nagkusang umalis sa restaurant. Mababawasan na ako ng sakit sa ulo. Mababawasan na rin ang gawain ko dahil hindi ko na kailangang gumawa pa ng chocolate bar araw-araw.

Ang kaso... the whole week na hindi siya nagparamdam, laging masakit ang ulo ko. The whole week na wala siya sa Kitchen, gumagawa pa rin ako ng chocolate bar. Reklamo ako nang reklamo pero ginagawa ko pa rin naman. Kaya mas lalo akong nabubuwisit ngayon kapag naiisip ko. Lalo na at mukhang hindi naman siya apektado sa pang-iignora ko sa kanya. Mapuputukan na lang yata ako ng ugat dito, wala pa rin siyang pakialam.

The more na nabuwisit ako, the more akong naging desididong ignorahin ang existence niya. I survived the first day and the next. Pero sa kada araw na lumilipas, parang unti-unti ring napapatid ang pasensiya ko at halos araw-araw masakit ang ulo ko. Ramdam ko na nga ang pananahimik ng mga kasamahan namin sa tuwing nasa iisang space kami. Pero siya, mukhang hindi pa rin apektado.

Kung pukpukin ko kaya 'to ng rolling pin, tingnan ko nga kung mananatili pa rin siyang unbothered.

Nawala lang ang atensiyon ko sa kanya nang may dumating sa restaurant na hindi ko inaasahan. Saktong kakalagay ko pa lang ng breakfast combo sa kitchen hatch nang masilip kong bumukas ang pinto ng restaurant. Iniluwa niyon si Kuya Inigo na may kasunod na lalaking nakasuot ng charcoal suit at halatang kabado nang ilibot ang paningin sa paligid.

I immediately washed and dried my hands. Pagkatapos ay nagpaalam na muna ako kay Chef Kathrin na lalabas lang ako saglit. Hindi ko na pinansin ang paglingon sa amin ni Keeno at nagmamadali na akong lumabas ng kusina.

Kitang-kita ko ang pag-aliwalas ng mukha ni Kuya Inigo nang makita ako. Bumilis ang mga hakbang nito palapit sa akin. Pero bago ito tuluyang makalapit, nagawa ko pang pasadahan nang mabilis ang ayos nito. He was wearing his usual getup when I knew he was also working but had to step out of his restaurant—a bucket hat, a plain black shirt, khaki-colored cargo pants, and a pair of combat boots.

Malaking tao si Kuya Inigo. Lahat ng lalaki sa pamilya, talagang sinalo ang tangkad ni Tito Dan. Pero sa apat na lalaking magkakapatid, ito ang pinakamatangkad. Sa katunayan, mas matangkad pa ito kaysa sa ama. Mala-Kim Woo Bin ang katawan nito at kapag naka-civilian, aakalain mong retired military officer sa klase ng tindig. 'Yong parang controlled pero at the same time ay relaxed.

Sa lahat ng kuya ni Czeila, ito ang masasabi kong pinakamabait. Rugged ang dating ng kaguwapuhan nito kaya madalas ay ilag ang hindi nakakakilala rito. Pero para sa mga katulad kong parang kapatid na rin ang turing dito, he had the warmest smile, the kind that made you feel that you were finally home. Nakakapawi ng pagod. Nakakahawa ng saya.

Dati, palaging nagpapahaging si Tita Jessie na gusto raw ako nito para sa panganay na anak. Guwapo kung guwapo si Kuya Inigo, carbon copy ng ama. Lahat naman silang magkakapatid, puro mga guwapo. Si Czeila rin, sinalo ang lahat ng magandang genes ng mga magulang.

Pero hindi kasi ako mahilig sa guwapo. Mas gusto ko 'yong cute and soft ang features pero manly ang dating. Mas gusto ko 'yong hindi agad mapapansin ang hitsura sa isang tingin pero kapag tinitigan ko, hindi nakakasawa at gumuguwapo lalo. May mga lalaki kasing sobrang guwapo to the point na hindi na ako naguguwapuhan. Or maybe, sa sobrang tagal na naming magkaibigan ni Czeila, immuned na ako sa hitsura ng mga kuya nito.

Pero siyempre, that wouldn't be the case for people who'd see him for the first time. Patunay niyon ang ilang paglingon na nahagip ng tingin ko mula sa mga taong kumakain ng agahan sa Kitchen. At itong si Kuya Inigo, mukhang hindi man lang aware sa paligid at sa atensiyong nakukuha nito.

"Kuya..." bati ko rito bago pasimpleng inilipat ang tingin sa kasama nito. Ngumiti ako at bahagyang tumango. "Good morning."

"Good morning, Chef!" magalang na ganting-bati nito, halatang mas lalong naging kabado.

Naramdaman ko ang paglapat ng magaang palad ni Kuya Inigo sa ulo ko kaya bumalik ang tingin ko rito.

"Good morning, Princess. I'm so sorry for coming unannounced," apologetic na sabi nito. "I actually sent you an email." Pagkatapos ay binalingan nito ang kasama at idinantay ang palad sa kaliwang balikat nito. "This is Chef Dakila."

"Chef..." nahihiyang sambit ng... mukhang binatilyo na ito. Mukhang fresh graduate.

"Hello," magiliw na bati ko ulit sabay lahad ng kanang kamay. "I'm Princess." Nang tanggapin nito iyon, muli akong ngumiti. Pagkatapos ay muling binalingan si Kuya Inigo. "Pasensiya na, Kuya. Hindi na ako nakapag-check ulit ng email. Laging busy sa kusina, eh."

"No worries. Naiintindihan ko naman. Kailangan niyo ba ng extra pair of hands?" Dumako ang tingin nito sa maliit na hallway patungo sa kusina.

"Actually..."

"Okay lang ba kung ite-train mo si Chef Dakila? Fresh graduate, but he's exceptional. Medyo clumsy nga lang..." natatawang wika nito at tinapik-tapik pa nang marahan ang balikat ng kasama nitong kung hindi lang siguro kami kaharap ay talagang mamimilipit sa hiya. "You can scold him as much as you want. Ikaw ang bahala. He'll get by. Actually, dalawa dapat sila, but I could only cater one as of the moment. Okay lang ba kung dito na lang muna siya? I don't want to waste this talent. At kung magustuhan mo man siya, it's totally fine with me kung gusto mong i-absorb dito."

"Kuya..." Nasa kalagitnaan pa lang ito ng sinasabi nito, parang gusto ko na itong dambahin ng yakap! Kung wala lang kami sa mataong lugar ngayon, baka nga nagawa ko na. Hulog ito ng langit! Pati na rin ang kasama nito. Paano nito naamoy na problemado ako ngayon at kailangan ko talaga ng tulong?

"Here's his resume," anito sabay abot sa akin ng itim na folder.

Halos mangiyak-ngiyak na ako nang buksan iyon. I scanned through the pages at hindi pa man ako nangangalahati, hindi ko na mapigilan ang pamamangha kung gaano kakulay ang resume nito. Not literally... but figuratively. Right after graduation, naging suki ito ng iba't ibang culinary competition at seminar. Same year kami gr-um-aduate pero mas malaman ang resume nito.

"Okay lang ba, Princess?" nananantiyang tanong ulit ni Kuya Inigo.

Muli akong nag-angat ng tingin pero diretso agad iyon sa kasama nito. "Chef Dakila, what made you want to become a chef when you know it is a physically demanding job?" seryosong tanong ko. "Dito sa Kitchen, we serve thrice a day—breakfast, lunch, and dinner. We work for 12 to 13 hours. Sa loob ng mga oras na iyon, except for the breaks in between, bihira ka lang makakaupo. Hindi tayo nakakakain on time. Kapag nasa loob tayo ng kusina, we are constantly moving around. We would be lifting heavy pots of food, carrying large bags of food, or even a sack of rice, and on top of that, we could be injured and burned, kahit ano'ng pag-iingat natin."

Isang malalim na hininga ang hinugot at pinakawalan ni Chef Dakila.

Pakiramdam ko, hindi lang ako ang nahigit ang sariling hininga sa paghihintay ng isasagot nito. Kuya Inigo also remained silent.

"Being a chef is a physically demanding job... but it's not a job when you love what you do—not just the food you cook but also the process and the frustrations that come with it."

Nakahinga ako nang maluwang. Kapagkuwan ay muli kong inilahad ang kanang kamay rito. "Welcome to Kitchen Princess, Chef Dakila."

Mula nang buksan ko ang restaurant sa publiko, pagdating sa kusina, lagi akong energetic kahit pagod. Nitong nakaraan lang naman ako naging matamlay nang biglang mag-leave si Keeno nang hindi nag-iiwan ng valid reason. Kaya ngayong may bago akong pagkakaabalahan, ramdam ko ang pagtaas ulit ng fighting spirit ko.

At bakit hindi? After impressing me with his resume, I was surprised na gusto na nito agad magsimula. The kid—kasi kahit alam ko at nakita ko sa resume nito na isang taon lang ang pagitan naming dalawa at sabay pa kaming gr-um-aduate, mukha talaga itong binatilyo lang na ubod ng tangkad—had a uniform ready. Nice... I could tell that he was eager to work and learn.

Binigyan ko ito ng oras para magpalit. Binigyan ko na rin ng extra uniform namin para next time ay iyon na ang susuotin nito. Nang sumunod ito sa akin papasok sa kusina, isa-isa kong ipinakilala rito ang magiging mga kasama nito—mula sa acting sous chef namin ngayon na si Chef Kathrin hanggang sa dishwasher at busser namin.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtitinginan ng mga ito nang i-skip ko si Keeno lalo na at nasa gitna pa naman siya nakapuwesto. Maging siya ay napatingin din sa akin at batid kong nagsalubong ang mga kilay.

Sa halip na balikan siya, inakay ko na agad si Chef Dakila para ma-orient sa kusina namin. Inisa-isa ko ang mga working station namin; itinuro ko ang dishwashing area; lagayan ng mga kitchenware; ang iba't ibang menu sa breakfast, lunch at dinner service; wine cooler, emergency exit at first aid kit; at dinala ko rin ito sa storage room.

Sa unang araw nito, hinayaan ko lang itong mag-observe muna sa amin. Pero kagaya ko ay hindi rin yata ito mapakali nang walang ginagawa. Kahit wala pang inuutos ay may ginagawa na ito. Alam din nito i-anticipate kung ano ang mga posibleng kailangan namin. Gusto ko iyon dito. Iyon nga lang, tama si Kuya Inigo na medyo clumsy nga ito. Sa isang araw, hindi iilang beses na may nabubunggo ito sa kusina. So far, wala pa namang life-threatening na nangyayari so all was well.

At saka, palong-palo naman sa skills kaya keri lang. I had seen his knife skills; they were almost as smooth as Keeno's. The kid knew how to grip the knife properly, as well as how to cut, dice, mince, chiffonade, and julliene. Wala akong problema sa paggawa nito ng stock o broth. When you are in a culinary school, isa iyon sa pinaka-basic na halos araw-araw mong gagawin. Familiar din ito sa five French mother sauces—Bechamel, Veloute, Espagnole, Sauce Tomate at Hollandaise—na dapat lang naman talaga kasi kahit hindi kami French restaurant, as a chef ay importante pa ring malaman iyon because it would help you read the menu, decide what to order, and determine what kind of wine might pair best with your meal. May ibang customer pa naman talaga na nagtatanong talaga tungkol doon at hindi puwedeng wala itong maisasagot.

He knew how to handle, cook, and store perishable food items safely, including how to check their freshness and doneness while cooking. Kneading the dough was also easy for him. Plus, he had excellent customer service. Marunong makihalubilo sa mga tao at mabilis na nakapag-adjust sa routine namin.

Sa dalawang bagay lang talaga ito tumagilid—sa kapasidad na manatiling safe sa loob ng kusina dahil sa taglay nitong clumsiness, at sa egg department. Sa lahat pa naman ng pinakaimportante, iyon ang hindi nawawala sa sine-serve namin. Scrambled egg; poached egg; fried egg, sunny side up, over easy, over medium, over hard; soft-boiled and hard-boiled egg; omelette; baked egg... Name it, at napakabihira ang mga araw na wala kaming naluluto ni isa sa mga iyon.

At ayoko muna itong hayaang tumanggap ng order hangga't hindi nito nama-master ang mga iyon kahit hanggang ninety percent lang. Kung kaya pa nitong iangat sa ninety-nine percent, mas mabuti. Kung hindi, practice muna nang practice at hindi ito puwedeng magsawa.

Sa lahat ng eksenang iyon, even with the things Chef Dakila had been good at, hindi talaga pumalya si Keeno sa pang-eeksena. Sa lahat ng bagay, ultimo sa pinakamaliit na detalye, palagi siyang may nasasabi. Hindi nga niya pinalampas ang paggamit nito ng paborito kong kutsilyo. Eh, hindi pa naman kasi alam ni Chef Dakila ang tungkol doon. At saka, wala naman akong golden rule na ako lang dapat ang gagamit sa paborito ko.

Ang sabi ko kay Chef Dakila, kapag may kailangan ito, ako ang unang lalapitan. Kapag hindi ko kayang sumagot dito, si Chef Kathrin ang sunod nitong lalapitan. Pero ang Keeno, katatawag pa lang sa akin ng bata, humaharang na. Siya ang sumasalo sa lahat ng tanong at kailangan nito samantalang hangin na lang naman siya para sa akin ngayon. Last week ko pa t-in-erminate ang kontrata niya. Wala na siyang responsibilidad sa Kitchen. Hindi ko lang alam kung bakit parang hindi siya makaintindi gayong siya naman ang nagsimula. Hindi ba't dapat ay masaya na siyang pinakawalan ko na siya?

Tiningnan ko siya nang masama habang sinusundan ng tingin kung paano niya inakay papunta sa working station niya si Chef Dakila. Hindi na kami magkatabi ng puwesto ngayon. Nakipagpalit ako kay Chef Gido dahil desidido akong ignorahin ang existence niya. Ayoko na ng kahit anong klase ng interaction sa kanya kaya nga ang sama ng tingin ko sa kanya ngayon. Natanggal lang iyon nang marinig ko ang pigil na tawa ni Chef Kathrin. Nalipat tuloy rito ang irap ko.

"Chef," natatawa pa ring sambit nito. "'Yong irap, hindi ko alam kung kanino at sino ang pinagseselosan mo. Puwedeng si Sir Keeno kasi inaagawan ka ng apprentice... pero puwede ring si Chef Dakila kasi nasa kanya ang atensiyon ni Sir Keeno." Nagpatuloy ito sa pagtawa habang hinahanda ang chicken sisig.

"Gusto mo bang gawin din kitang sisig?"

Tawa lang ang isinagot nito sa akin.

Napanguso ako at ipinagpatuloy na lang din ang niluluto.

"Chef Princess, puwede po bang patingin ng—"

"Ako na!"

Lumipad na naman ang masamang tingin ko kay Keeno.

Napansin niya iyon kaya napatingin din sa akin at saka ako pinagtaasan ng kanang kilay.

"Hindi ka ba busy?" sarkastikong tanong ko kasi alam kong kaliwa't kanan ang ginagawa niya. Master siya pagdating sa multitasking.

"Ah, sa wakas! Namansin din!" sarkastiko ring banat ng buwisit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top