Chapter 14

Chapter 14

Hindi pa man sumisikat ang araw, nasa Kitchen na ako. Ang ilap ng antok sa akin ngayon. Hindi ko alam kung dahil iyon sa dami ng nailuha ko, sa kirot ng dibdib ko na hindi ko alam kung paano papawiin, sa yakap na ibinigay sa akin ni Keeno o sa hindi pa rin pagre-reply sa akin ni Xandie.

Pakiramdam ko, nagkabaligtad kami ni Keeno. Ako na ngayon ang napa-paranoid sa mga kaganapan. Dati naman kasi, open sa akin si Xandie tungkol sa lahat. Ngayon, pakiramdam ko, ang dami na nitong inililihim sa akin. This must have been what Keeno felt when he found out that we had all met Justin at siya na lang ang hindi. Kasi ngayon, dahil sa mga inaakto nilang dalawa, pakiramdam ko ay may hindi sila sinasabi sa akin. And I didn't like the rift it was creating between us. Lalo na sa amin ni Xandie. At alam kong hindi iyon maaayos kung hindi ko rin aayusin ang sa amin ni Keeno.

Nakaka-drain ng energy umiyak. Hindi ako iyaking tao pero kapag naiiyak ako, ang kasunod niyon ay tulog. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ngayon, kahit nararamdaman ko na ang antok at ang bigat ng talukap ng mga mata ko, hindi ko magawang matulog. Bumangon na nga ako at kahit nasa kalagitnaan ng gabi ay nag-work out ako. I tried to exhaust my body in the hopes of exhausting my mind, but it was futile. Ayaw magpatalo ng utak ko.

Ang ending, matapos kong magpahinga, naligo na ako at nagbihis. Pagkatapos ay bumaba na para magtungo sa Kitchen. Kagaya ng nakasanayan, nilakad ko lang iyon at habang palapit nang palapit, iniwasan kong tapunan ng tingin ang kabilang street para hindi ko makita ang Xandie's World... para hindi ko na maalala pa kung ano ang mga naganap nang nagdaang gabi. As if naman may magagawa pa iyon kung buong gabi na ngang pinagninilayan ng utak ko ang mga nangyari.

Ang pinaka-effective para iwasan ang mga iniisip, abalahin ang sarili. It was proven ineffective na sa akin sa nagdaang mga oras pero sasamantalahin ko na lang din ang pagkakataon para maging productive. First time kong maunahan si Keeno sa Kitchen at literal na mag-isa lang ako ngayon sa restaurant kaya bawat tunog na nililikha ng galaw ko, ume-echo sa paligid.

Sa kusina lang ang tanging bukas ang ilaw kung saan gumagawa ulit ako ng chocolate bar. This time, dinamihan ko na ang ginawa para mabigyan na rin si Xandie. Okay, fine. Parang bribe na rin to get her to talk. Mahilig din iyon sa tsokolate gaya ni Keeno.

After stocking them up in the mini fridge, saka lang ako naupo sa harap ng desk para sana simulan na ang pag-aayos ng schedule namin for the next fifteen days. Pero paglapat pa lang ng likod ko sa malambot na backrest, iginupo na ako ng antok.

Sa wakas.

Sa muli kong pagmulat, binati ako ng nakahandang breakfast sa desk ko. Umuusok pa ang fried rice na nakalagay sa wooden bowl at ang hot chocolate sa tabi niyon. Napatuwid ako ng upo sabay hinat ng mga braso nang maramdaman ko ang mahinang pagbagsak ng coat sa kandungan ko. Bumaba ang tingin ko roon at saka lang nanuot sa pang-amoy ko ang bango ng pabango ni Keeno.

Nandito na siya? Ano'ng oras na kaya?

Hinarap ko ang breakfast sa desk at tinikman ang ulam na naroon. Habang nginunguya iyon, nahagip ng paningin ko ang Kit Kat.

Nandito na siya.

Napabuntong hininga ako bago tumayo. Paglabas ko, sarado pa ang restaurant. Bukas pa rin ang ilaw sa kusina pero may ibang tao na roon.

Keeno, in his own chef's uniform, was already at his station, cutting, dicing, and chopping the ingredients we would need for breakfast service.

Napasandal ako sa hamba ng cased opening sabay halukipkip. Dumako ang tingin ko sa paligid at nakitang nakahanda na ang mga utensil at equipment na gagamitin namin for the day.

Normally, I'd be irritated if someone who wasn't working in my kitchen touched my things without my permission, but because it was Keeno, I didn't. I trusted him with the dishes he could serve without tasting them kasi alam kong may talent talaga siya sa pagluluto. Hindi ko lang ma-acknowledge noon nang harapan kasi buwisit na buwisit ako sa kanya. At ganoon din siya sa akin kaya naman ni sa hinagap ay hindi ko naisip na mapapapayag ko siyang magtrabaho sa kusina ko. Minsan nga ay nagugulat pa rin ako kapag nakikita ko siyang nakabihis bilang chef. Hindi ko namamalayang tumatagal ang titig ko sa kanya.

Kagaya ngayon.

"Good morning."

Kung hindi pa siya nagsalita, hindi ko pa mamamalayan na napapatitig na naman pala ako.

Napakurap ako nang ilang beses... bago napatikhim sabay tuwid ng tayo. Inalis ko sa pagkakakrus ang mga braso at patay-malisyang iniwas ang tingin. Dumako iyon sa malaking wall clock sa pinakasentro ng kusina. Four-thirty pa lamang ng madaling-araw.

"Good morning," I mumbled. "Ano'ng oras ka dumating?"

Natural na singkit ang mga mata ni Keeno dahil sa dugong Intsik mula sa lola niya sa father side pero kita ko pa rin kung paano iyon lalong naningkit nang titigan ako nang ilang segundo. Parang may hinuhuli sa akin na kung ano. Pero pagkaraan naman nang ilang sandali, siya rin ang naunang kumalas. Ibinalik niya ang kanyang atensiyon sa kutsilyong hawak—which was my favorite knife, by the way—at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Ikaw, ba't sa opisina ka natulog? Inihatid kita kagabi pauwi. Ba't ang aga mo ngayon? Hindi ka ba natulog?"

"I did. Naabutan mo nga ako, 'di ba?" patay-malisyang sagot ko habang palapit sa kanya.

"Nakatulog ka. Hindi mo balak matulog pero nakatulog ka."

"Hindi mo sinagot ang tanong ko," sagot kong malayo sa pamumulis niya nang sumandal ako sa station kong katabi lang ng kinapupuwestuhan niya. Kita kong muli niya akong nilingon pero hindi ako nag-angat ng tingin. Sa halip ay sumunod ang mga mata ko sa kanyang mga kamay. Napansin ko ang maliit na band-Aid sa dulo ng kaliwang index finger niya. Bukod doon ay kita ko rin ang ibang maliliit na sugat sa ibang parte ng kanyang kamay.

I transferred my gaze to my own hands.

Dahil sa trabaho, magaspang ang mga kamay ko. I had lots of cut marks and tiny scars. May malaki akong peklat sa kaliwang forefinger nang minsan kong maisama iyon while cutting meat. At the base of my left thumb, may malaki ring marka roon ng mahabang hiwa when I tried to remove the apple's stem with a paring knife. Nanginginig na ako no'n sa gutom kaya nawalan ako ng kontrol sa kutsilyo at namalayan ko na lang na biglang bumaon ang tip sa daliri ko. May maliliit din akong burn scars. And then I also had a raised callous at the base of my right forefinger. Chopping mark ang tawag doon na nakukuha namin at namumuo over time dulot ng paghawak namin ng kutsilyo araw-araw. Ang sabi ng mga nakilala kong senior sa field, hindi raw iyon totally babalik sa dati even after years of retirement.

My hands were not really as pretty as other women my age, but I liked them because I treated my scars as my badge of honor, a proof of my hard work and passion for cooking. They were like a symbol of my years of experience in the kitchen—mula pa noong matuto akong magluto hanggang ngayong halos kalahating taon na akong graduate from college—which motivated me to cook more and cook better in the future.

Pero iba ang pakiramdam na makita ang mga sugat na iyon sa ibang tao, lalo na kung alam kong ako ang dahilan. Bumabalik ang bigat ng dibdib kong panandaliang naipahinga ko kanina.

"I arrived at four," pagkaraan ay sabi niya.

That was two hours before our usual call time. No wonder at talagang never ko siyang naunahan noon. Ngayon lang dahil hindi naman ako nakatulog sa condo. Kalahating oras pa lamang ang lumipas, and within that time period, nagawa na niya akong ipaghanda ng almusal.

"Ako, alas tres," sagot ko na rin sa kanina pang tanong niya bago ako nagtungo sa fridge.

Inilabas ko mula roon ang mga baguette dough na inialis ko galing sa freezer ng nagdaang gabi. Pagkatapos ay tinungo ko ang oven para i-preheat iyon to 425 degrees. Habang hinihintay na uminit iyon, inihanda ko na ang tray at nilagyan ng parchment paper. Pagkatapos ay inilabas naman ang mga dough mula sa kani-kanilang sealing bag. I placed three of them in the tray after making three long lengthwise slashes in each baguette.

Habang abala sa mga iyon, dinugtungan ko ang sagot ko. "I couldn't sleep," mahinang amin ko.

"You should've slept more. Ang kuripot mo talaga sa pahinga para sa sarili mo," aniyang patuloy rin sa ginagawa. Hindi ko alam kung ano na ang sina-slice niya ngayon kasi nakatalikod kami sa isa't isa dahil sa kanya-kanyang pinagkakaabalahan.

Ako naman ngayon ang hindi umimik. I opened the oven and placed the tray on the bottom oven rack, closed it again, and then set the timer for fifteen minutes. Iniwan ko na iyon para asikasuhin naman ang ilang tray ng itlog.

"May inihanda akong breakfast..."

Hindi ako ulit sumagot. Tahimik akong naghanda ng panibagong breakfast for one. Hindi naman na siya nangulit pa at sa sunod na mga sandali ay tahimik kaming nagtrabaho. Kinibo ko lang siya ulit nang matapos kong ayusin sa tray ang mga iniluto ko—egg fried rice na may sunny side up sa ibabaw, danggit, salted eggs and tomato salad, at sliced mango. Nagtimpla rin ako ng black coffee. Halos pareho lang iyon sa inihanda niyang breakfast para sa akin. Naiba lang sa fried rice dahil mahilig siya sa garlic at sa inumin dahil hot chocolate ang lagi niyang inihahanda para sa akin.

"Kain tayo." Hindi ko siya nilingon pero alam kong natigilan siya dahil nawala ang ingay ng pagtama ng kutsilyo sa cutting board. Tumunog na ang oven kaya inilabas ko na muna ang mga baguette. Pagkatapos ay saka ko binitbit ang tray at nagsimula nang humakbang palabas ng kusina. "Sabay na tayo."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dumiretso na ako patungo sa opisina. Hindi ko alam kung susunod siya... pero bahala na. I placed the tray on his space on our desk. Hindi ko na nilingon pa ang pinto at dumiretso na ako ng upo sa swivel chair. Inilipat ko sa upuan niya ang kanyang coat na nakatupi na.

Dinampot ko ang chocolate drink na ngayon ay wala nang init. I sipped on it slowly, and when the door of my office opened, natuon agad doon ang paningin ko. Pero bago pa man makapasok si Keeno ay ibinaba ko na agad ang tingin sa pagkaing nasa harap ko.

Tahimik akong sumubo. From my peripheral vision, I saw him head towards his swivel chair. Nang maupo siya, saka naman ako tumayo. Sa likod niya ako dumaan at nakita kong pasimple niya akong sinundan ng tingin pero hindi pa rin ako kumibo. Kunwari ay hindi ko napapansin.

Tinungo ko ang mini fridge at kumuha ng isang chocolate bar. Nang humarap ako ulit para bumalik, nakatingin pa rin siya sa akin na para bang nag-aabang sa susunod kong gagawin. Hindi ko pa rin siya tiningnan nang diretso at nang mapatapat ako sa gilid niya ay saka ko inilapag sa tabi ng kanyang pagkain ang tsokolate.

Patay-malisya akong bumalik sa kinauupuan kahit ang totoo ay nararamdaman ko na ang panlalamig ng mga kamay ko. Hindi ko alam kung dahil iyon sa lamig ng buga ng aircon o dahil gutom na ako at kulang pa sa tulog.

Binalikan ko ang pagkain ko. Ang awkward namin bigla dahil halos dinig pati ang pagnguya ko sa sobrang katahimikan. Habang kumakain, binuksan ko na ang computer para magpatugtog ng mga kanta ng Lyricbeat. Mahina lang naman pero sapat na para pawiin kahit papaano ang dead air sa pagitan naming dalawa.

Tahimik naming tinapos ang kanya-kanyang agahan. Binubuksan ko na ang wrapper ng Kit Kat nang pasimple kong sinilip kung ginalaw na niya ang ginawa kong tsokolate. Wala akong binago sa timpla at ingredients kasi alam kong nagustuhan niya ang ginawa ko no'ng nakaraan. Nakita kong nakalahati na niya ang isang buong chocolate bar na doble ang laki sa kinakain kong Kit Kat. Sa lagay na iyon, binabagalan pa niya ang bawat nguya. Naririnig ko kasi kapag kumakagat siya at matagal bago ang kasunod. Pagkatapos ay sinasabayan pa niya ng pag-inom ng kape. Inuugoy-ugoy pa nga niya ang kinauupuan niya.

Bakit sa aming dalawa, parang ako ang mas malungkot tingnan? Parang ako lang ang affected gayong wala naman akong hidden feelings or something para sa kaibigan. Bakit parang okay lang siya? I mean, mas okay nga na maayos siya pero napa-paranoid pa rin ako. Pakiramdam ko, palagi akong may kasamang bomba at hindi ko lang alam kung kailan sasabog. Nakakapraning!

Ako ang naunang natapos kaya agad ko nang iniligpit ang mga pinagkainan. Bago lumabas, binuksan ko muna ang drawer ko at kinuha mula roon ang ginagamit kong O'Keefe's hand cream. Walang imik na iniabot ko iyon sa kanya.

"Thank you," mahinang sambit niya bago ako lumabas ng opisina.

"Thank you," bulong ko naman pagkatapos kong isara ang pinto.

Napapabuntong hiningang bumalik ako sa kusina. Mabilis kong hinugasan ang mga pinagkainan ko. Nagsa-slice na ako ng baguette nang magsimulang dumating ang mga kasamahan namin. Bumalik na rin si Keeno at matapos ang nakasanayang batian ay nagsimula na rin sa kanya-kanyang working station.

Our day went on as usual. Kapag nasa food business ka, hindi puwede ang babagal-bagal at hangga't maaari ay bawal ang pumalpak. Sanay kaming kumilos nang mabilis without messing up the quality of our dish. Kalmado pa rin ang lahat sa kabila ng rush. Pero pagsapit ng alas nuwebe y media ng umaga, tatlong minuto bago matapos ang breakfast service, tila binudburan ng asin ang lahat ng nasa Kitchen—staff man o customer.

At bakit hindi kung bigla ba namang dumayo nang walang pasabi ang nag-iisang AJ Aniston?

Global star na kinahuhumalingan ng halos lahat. Artista, musikero at modelo sa iisang katauhan. Maituturing nang household name ang buong pangalan nito. At bakit nga naman kasi hindi mapapansin agad kung naka-formal attire pa ito na parang kagagaling lang sa business commitments at dumiretso na rito sa amin? Malakas ang dating nito kaya kahit may suot na sumbrero at facemask ay napansin at namukhaan pa rin ng karamihan.

"Holy shit! Si AJ Aniston!" patiling bulong ng isa mula sa malaking grupo na nakapuwesto malapit sa pinto. Nakasilip lang ako mula sa kusina pero nakita ko pa rin kung paano sumunod ang tingin nito sa papasok na si Justin.

"Oh, my God! Chef! Ano'ng ginagawa ng isang AJ Aniston dito?! Pakisampal nga ako!" bulalas ni Chef Celine, isa sa mga commis chef namin.

Naabutan ko naman ang nagtatanong na tingin sa akin ni Chef Kathrin. Bakas din sa mukha nito ang hindi pagkapaniwala.

Napuno ng bulungan ang buong restaurant. Pero mabuti na lang at kalmadong sinalubong ni Keeno ang hindi inaasahang bisita. Kinabahan ako kasi ang ine-expect ko ay may suntukang magaganap. Pero ang kaswal lang ni Keeno nang igiya niya ang daan patungo sa opisina ko. Too casual and comfortable that anyone would think that he was the owner of this diner.

But no, hindi ako magpapalinlang sa galing niyang umarte. Mabilis akong nagpaalam kay Chef Kathrin para sundan ang dalawa. Baka mamaya niyan, kapag hinayaan ko ang mga iyon, wala na akong dadatnang matinong opisina.

Much to my surprise, naabutan kong nakaupo na si Justin sa single sofa at inaalok na ni Keeno ng malamig na tubig mula sa mini fridge. Napatikhim ako kasi ang ine-expect ko, nananakal na ang buwisit.

Sabay na napatingin ang dalawa sa akin. Hilaw na ngiti ang naibigay ko kay Justin kasi hindi pa rin nabubura sa utak ko kung paano umiyak ang pinsan ko dahil dito. Pero kahit ganoon ay ayoko pa rin namang maging rude kaya tinungo ko ang mini fridge para kumuha ng chocolate bar. Itong Keeno, kumuha na ng tubig, hindi pa sinamahan ng makakain.

Natigilan lang ako sa internal monologue ko nang bigla niyang pigilan ang kamay kong aabot sana sa tsokolate. Nilingon ko siya at nangunot ang noo ko nang makitang magkasalubong din ang mga kilay niya. Pagkatapos ay umiling.

"Those are mine," bulong niya.

Ha?

Hindi ko na nailabas ang reaksiyon ko kasi muling bumukas ang restaurant at si Chef Kathrin ang nalingunan namin. Binitiwan na ako ni Keeno nang makita ang mga sliced fruit na dala nito.

"Thank you, Chef Kath," sabi pa niya na halata ang tuwa sa boses.

Masaya yata na safe na ang mga chocolate bar niya. I had no idea na maramot pala siya. Kung hindi lang namin kasama si Justin, baka napangiwi na ako nang todo.

"Kain," tila utos niya sa bisita bago ako hinawakan sa braso at isinama paupo sa mahabang sofa.

Sinimplehan ko siya ng irap pero walang emosyon lang niya akong tiningnan bago iyon muling itinuon kay Justin.

Napatikhim ito, ramdam yata na bad shot kaming dalawa rito.

Tama lang dahil baby namin ang pinaiyak nito. Matanda nang isang taon sa akin si Xandie pero baby pa rin namin iyon. Iyakin ang pinsan ko pero iba ang iniyak no'n dahil dito. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan habang buhay ako.

Walang imik nitong inalis ang suot na mask at sumbrero. Tumambad sa amin ang kabado nitong hitsura. Pagkatapos ay ipinahinga na nito ang mga kamay sa magkabilang tuhod na parang batang naghihintay ng hatol mula sa mga magulang dahil alam nitong may ginawa itong kasalanan.

Halos sabay kaming napahalukipkip ni Keeno. Naramdaman niya rin yata na may dalang bomba itong kaharap namin.

"Kung ayaw mong kumain, sumagot ka na lang nang maayos," warning niya rito. "Ano'ng ipinunta mo rito?"

Nilingon ko siya. Ba't parang tunog-tatay siya instead of being the friend who was secretly in love with his best friend na biglang pinuntahan ng taong mahal ng mahal niya?

"Nandito ako para humingi ng paumanhin sa inyo," panimula ni Justin sa accent nitong pinipilit gawing tunog-pinoy. "I'm sorry kung hindi na namin kayo nasabihan... I already have Tito Vince's blessing, and I also want to gain both of your approval."

Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng kanang kilay ko.

"Buntis kasi ang best friend ko."

"Ano?!" react ko agad at napatuwid ng upo. "At ano? Ikaw ang tatay?! Punye—"

"No!" Umiling-iling pa ito.

"—ta, sumagot ka nang maayos!"

"Ano kasi..."

"Ano'ng ano kasi?!" Naibagsak ko ang nakakuyom na kamao sa coffee table, dahilan para tumalbog nang kaunti ang tubig sa baso at mga prutas sa wooden bowl.

"Some douchebag got my best friend pregnant and ran away. She's already in her second trimester, and some of the paparazzi caught sight of us during one of her prenatal checkups. Those pictures—although our faces have been blurred out—have circulated rapidly. In tabloid papers, on national TV, and even in online entertainment headlines... naming me as the father of the child."

Naihalukipkip ko ulit ang mga braso habang magkasalubong pa rin ang mga kilay. Kinakabahan ako sa idudugtong nito. Muli kong nilingon si Keeno at mariin lang ang titig niya sa lalaki. Malamig pero ramdam kong tila bomba ring sasabog sa oras na magkamali ng salita ang kaharap namin. Hindi ako mapakali. Huwag lang nitong sasabihin na iyon nga ang pinalabas ng mga ito?!

"My management quickly took action on what happened. The pictures were taken down in no time, but we couldn't beat the online community. The pictures somehow found their way into my girlfriend's hands. At hindi ko pa malalaman kung hindi ako umuwi. Umuwi ako agad after what happened para ikuwento sa kanya ang mga nangyari sa personal pero ayaw na niya akong harapin."

"Binalaan na kita noon," malamig na sagot ni Keeno, nakahalukipkip pa rin at madilim ang tingin dito. "And you promised na wala akong makikitang luha sa mga mata niya."

"And I intend to keep that promise, dude!" mariing sambit nito. Magkahalong lungkot at desperation ang kalakip ng boses nito. "I am in love with her! Ayoko ring umiiyak siya, and it is my fault dahil hindi ko agad sinabi sa kanya. It kills me every time naiisip kong napaiyak ko na siya. It kills me every time I hear how she's trying so hard to keep her cries from me. It hurts to see in her eyes how she doubts every word coming out of my mouth but keeps hers shut about it. She doesn't even want to hurt me... kahit nasaktan ko siya... I know I deserve those doubts, but I don't want to lose her."

"Oh, tapos?" Keeno's voice was still icy, clearly unmoved by Justin's words.

"Kaya namanhikan na ako agad."

"What?!" Pumiyok pa ako sa sobrang gulat. "At pumayag si Xandie?!"

"Hindi pa. Nililigawan ko pa ulit. Tito Vince was still hesitant, but he still gave me his blessing. I came here right away to ask for your support as well. Marriage is the only thing I can give Xandie to remove her doubts. Kahit hindi agad-agad... kahit pahirapan niya ako araw-araw, gusto ko pa rin siyang pakasalan."

"Saglit nga lang! Hinay-hinay nga. Ano'ng kasal? Bakit kasal agad?!" reklamo ko. Hindi iyon ang inaasahan kong marinig mula rito. Nakahanda na ang palad kong manampal, pagkatapos ay bigla nito akong babanatan ng panliligaw, pamamanhikan at kasal?!

Keeno let out a dry chuckle. "Tingin mo naman, kaya no'ng burahin ang pagdududa ng kaibigan ko? You won't impress her with marriage. Napakadali na lang ngayon makipaghiwalay. You have the means and the money; annulment is as easy as a blink of an eye to you."

"As easy as that pero hindi ko gagawin. Hindi ko rin iyon inalok to impress her. Inalok ko iyon kasi gusto ko. Kasi mahal ko siya. Kasi sigurado ako sa kanya. I grew up in a broken family, with both parents constantly cheating on each other throughout their marriage. Hindi ko gagawin iyon sa pamilyang gusto kong buuin kasama si Xandie."

Nalaglag ang panga ko sa mga narinig. Ilang segundong nagsukatan ng mariing titig ang dalawa at wala akong magawa kundi ipaglipat-lipat ang tingin sa kanila. Pinasok na yata ng mantika ang utak ko. Nahihirapan akong iproseso ang nangyayari.

Namamanhikan ba si Justin... sa amin? Gusto na niyang pakasalan ang pinsan ko? Right away?! Saglit lang!

Hindi ko na alam kung paano natapos ang usapan na iyon. Hanggang makaalis si Justin, hindi ko pa rin nahihila ang utak ko mula sa kinasadlakan niyon. Hindi pa rin mapakali ang buong team dahil sa biglaan nitong pagsulpot. May mga hindi pa rin mapigilang magtanong sa akin pero hindi ko nabibigyan ng sagot na maayos.

Lumilinaw lang ang takbo ng utak ko kapag nahahagip ko ng tingin si Keeno. Bakit parang ang kalmado pa rin niya? I was right sa kaba ko kanina. Bomba nga ang dala ni Justin at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-get over kung paano nito iyon pinasabog sa harap namin. But Keeno still looked so relaxed and composed, sa kusina man o sa opisina, pagkain o papel man ang kaharap, while munching on his chocolate bar.

Ako ang nababalisa sa kawalan niya ng reaksiyon. Ramdam kong nagpipigil siya ng galit kanina habang kaharap si Justin. Pero ngayon, wala na akong makitang bakas niyon. May reaksiyon naman siya, but not what I was expecting. Parang mas naging magaan ang aura niya ngayon.

Hating-hati ang utak ko sa kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Kung seryoso si Justin sa mga sinabi nito sa amin, at kung later on ay tatanggapin iyon ni Xandie, then I'd be happy for her. For them. At kung ganoon nga ang mangyayari, may parte naman sa akin ang malulungkot para kay Keeno. Ngayon pa nga lang, bumibigat na ang dibdib ko. And it wasn't even helpful na parang okay lang siya sa kabila ng nangyari kanina sa opisina.

Hindi ko magawang mapanatag to the point na kahit gusto nang magpahinga ng katawan ko kasi kulang ako sa tulog, ayaw magpaawat ng utak ko. I ended up on a video call with Rhyne and Czeila.

"Czei, sigurado kang ayaw mo talaga sa Dalmatian mo?"

"Hindi ko iyon Dalmatian," pupungas-pungas na sagot nito at mukhang nagising ko yata. Kalahati ng mukha nito ay natatakpan ng comforter.

"Okay, so no talaga, ha?" paninigurado ko bago binalingan si Rhyne na kahit hatinggabi na ay nagkakape pa rin at nakaharap sa computer. "Ikaw, Rhyne. Si Asher? Ayaw mo talaga? May gusto iyon sa iyo, sinasabi ko sa 'yo."

Walang emosyon nito akong tiningnan.

"Mga bru, any chance any one of you could be attracted to Keeno?"

"What?" inaantok na tanong ni Czei, nakangiwing ulit ni Rhyne... at histerikal na hiyaw ng utak ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top