Chapter 13

Chapter 13

Hindi agad ako nakatulog pag-uwi ko. Nakailang biling at baling pa ako sa higaan bago ko napagpasyahang tawagan si Tito Vince—sa hindi ko na mabilang na pagkakataon—para siguraduhin na safe and sound na si Xandie sa bahay ng mga ito. Nasikmatan na nga ako nito dahil sa pangungulit ko. Nakuntento lang ako nang sabihin nitong natutulog na ang pinsan ko.

"Siguradong tulog, Tito? Humihilik na? Sure?"

"Oo nga! Ang kulit, Princess, ha! Ano ba? Inaway niyo ba 'to ni Keeno? Namumula ang ilong pag-uwi. Pero ang sabi, inaatake lang daw ng rhinitis."

Gustong-gusto kong magsumbong na si Justin ang dapat na sisihin nito pero pinigilan ko ang sarili dahil hindi ko pa alam ang buong kuwento. Hindi ko rin alam kung alam ni Keeno ang buong pangyayari but seeing how he got furious a few hours ago, mukhang naikuwento na nga sa kanya ni Xandie.

Pagkatapos kong putulin ang tawag, ibinato ko na ang cellphone ko sa sofa para hindi na ako ma-tempt na tumawag pa ulit. Mag-a-alas onse na ng gabi at dapat ay natutulog na rin ito. At ako rin dahil maaga pa akong bababa sa Kitchen.

Kinabukasan, pagpasok ko pa lang sa opisina, may nakahanda nang breakfast sa desk ko. Napabuga na lang ako ng hangin nang lapitan ang tray roon. Mula nang magtrabaho si Keeno rito, hindi ko na talaga naunahan iyon sa pagpunta rito. Lagi akong maagang bumababa pero palagi pa rin siyang nauuna. Hindi ko alam kung natutulog pa ba iyon. Sa lagay na iyon, alam kong nagwo-work out pa siya bago magtrabaho.

Hindi ako nag-dinner kagabi kaya hindi na ako nagdalawang-isip na tanggapin ang inihanda niyang pagkain. Mabilis kong inubos iyon para masimulan na rin ang inventory. Nang damputin ko ang Kit Kat, saka ko lang naalala ang mga napag-usapan namin kahapon habang nasa ilalim kami ng building niya. Tumupad siya sa usapan samantalang ako ay nakalimutan agad na hiniling pala niyang gawan ko siya ulit ng chocolate bar.

Whatever. Hindi naman talaga usapan iyon dahil siya lang ang nagdesisyon at naglatag ng mga kondisyon. Ni hindi niya pinakinggan ang pagtanggi ko. Makausap nga siya ulit tungkol doon. At sisingilin ko na rin ng buong detalye tungkol sa nangyari kay Xandie kagabi.

Nang magsimula ang breaksfast service, for the first since natuto akong magluto, ako lang yata ang distracted sa aming lahat. My eyes couldn't stop wandering around at magpapahinga lang kapag nakikita ko na si Keeno. At bihira lang iyon because he was busier than me. Hindi ko makita ang Keeno sa kanya na gusto kong iyakan kagabi. Kung makakilos siya ngayon, parang hindi siya nasaktan kagabi. He didn't look bothered at all. O siguro, ganito lang talaga siya ka-dedicated kapag oras ng trabaho.

Ilang beses ko siyang sinubukang lapitan at kausapin pero ang hirap niyang hulihin dahil halos hindi nababakante. Palaging may hawak, palaging may ginagawa, palaging may niluluto. Lunch service na nang sumuko ako at nag-concentrate na rin sa sariling gawain. Lalo na nang malaman ko mula kay Chef Kathrin na kada break, sa halip na magtrabaho siya sa loob ng opisina ko kagaya ng nakasanayan, nagpaalam siyang pupunta muna sa main office ng Ortega Winery. Hindi ko tuloy alam kung iniiwasan niya ako o talagang marami lang siyang ginagawa ngayon.

In between cooking and serving orders, panaka-naka ang silip ko sa katapat na shop nang makita kong bukas iyon. Nang magsara kami pagsapit ng alas dos ng hapon, dinalhan ko ng pagkain si Xandie at maayos naman nitong tinanggap iyon. And just like Keeno, umaakto rin ito na parang walang nangyari. Hindi tuloy ako makatiyempo ng tanong at hindi ko rin alam kung kaya ko ba kasi natatakot din akong bigla na lang itong umiyak. Iyakin pa naman ito. Kaya nga, pakiramdam ko ay mababaliw ako nang sa paglipas ng mga araw ay ganoon pa rin ang kilos nito.

She was acting nonchalant, pero alam kong may mali. Kasi kung okay ito, paano nito ipapaliwanag ang ilang araw na nitong getup? Xandie loved cosplaying. At mula nang buksan nito ang pangarap na shop, wala itong absent sa part na iyon.

Ngayon lang... at ilang araw na ang lumipas. Hindi ako sanay na makita ito sa shop nang naka-simpleng T-shirt lang at pants or shorts.

Sa sumunod na tatlong araw, pakiramdam ko, naka-on repeat ang mga nangyayari sa akin. Pagdating ko sa trabaho, ang unang bubungad sa akin ay ang breakfast na gawa ni Keeno. Walang palya mula nang sabihin niyang gagawan niya ako araw-araw. Pagkatapos ay magiging abala kaming lahat sa pagluluto. Pagsapit ng breaktime, mag-isa na naman ako sa opisina dahil pupunta na naman siya sa opisina niya. Babalik para sa lunch service at muli na namang aalis sa oras na magsara kami.

Sa ganoong oras naman ako pupunta sa shop ni Xandie para dalhan ito ng makakain. At kagaya ng mga nakalipas na araw, parang walang problema kung pakitunguhan ako nito. Pero sa halip na mapayapa, lalo akong nababahala. Nahihilo na ako kung sino ang uunahin kong corner-in sa dalawa kasi mukhang pareho silang iniiwasan ako. Pakiramdam ko, naiipit ako at wala akong magawa kundi hayaan sila.

On the third day, I couldn't take it anymore. Hindi ko na kayang hayaan silang magpanggap na walang problema kung ramdam ko naman na mayroon. Kaya naman pagkasarang-pagkasara namin sa restaurant, nagpaalam na ako kay Chef Kathrin para sundan si Keeno sa opisina. Kung hindi ko gagawin iyon, alam kong tatakas na naman siya.

I locked the door as soon as I got inside. Narinig niya iyon dahil mula sa mga papeles na inaayos niya sa desk ay napaangat siya ng tingin. Pagod na tinanggal ko ang suot na spit guard at toque. "Puwede na ba tayong mag-usap?"

"Bakit naman hindi?" patay-malisyang tanong niya. Nakataas pa ang kanang kilay ng buwisit.

No'ng isang gabi, gusto ko siyang iyakan bilang pagdamay. Ngayon, gusto ko na lang supalpalin kasi naiirita na ako sa pananahimik niya. Akala niya siguro, hindi ko mahahalatang lagi siyang madaling-madali na tumakas. Ayoko ng ganitong tinatakasan nila ang dapat na harapin at pag-usapan.

"Really?" pabalang ko nang tanong. "Because you have been avoiding me, and do not even try to deny it kasi kahit buwisit ka, kilala kita."

"I am not avoid—"

I clicked my tongue to dismiss his attempt to reason out. "Hindi pa rin kayo bati ni Xandie?"

"Hindi naman kami nag-away."

"Sa akin mo sasabihin iyan, eh nandoon ako nang pagalitan mo iyon? Hindi pa rin ba kayo nag-uusap? Naii-stress na ako sa inyong dalawa, Keeno, ha! She's acting like you at nakakaubos na ng pasensiya. Ngayon pa kayo magkakaganyan kung kailan ang tanda-tanda niyo na. Ang alam ko, ang may problema, sina Xandie at Justin. Pero bakit sa inyo ako nangungunsumisyon?"

Napabuga siya ng hangin. "Hindi nga kami nag-away, Princess," ulit niya.

"Don't give me that bull—"

"Kailan ka nga ba naman naniwala sa akin?" tila mapait na tanong niya bago iyon sinundan ng pagak na tawa. "We parted ways that night on good terms. I already said I was sorry for adding fuel to the fire and making her cry more. Dumidistansiya lang ako ngayon because I'm honoring her request na hayaan muna siyang ayusin ang relasyon nilang dalawa ng boyfriend niya. On her own. And you wouldn't want me to meddle as well kasi sa oras na makita ko ang Aniston na iyon, talagang hindi ako magtitimpi at—"

"Oh, no, you wouldn't!" mariing sambit ko. "Hayaan na muna natin—"

"And that is exactly why I am keeping my distance. Now, puwede na ba akong umuwi? Hindi pa tapos ang trabaho ko—"

"Almost eleven na. Eight to six lang kayo," paalala ko.

"My workplace is also my house. I can work any time I want."

"Puntahan muna natin si Xandie."

"Nag-uusap kami araw-araw—"

"Eh, bakit sa akin, umiiwas ka?"

Dagli siyang natigilan pagkarinig sa tanong ko. Dumiin ang titig niya sa akin bago humalukipkip. "We talk every day here... And we're talking now."

"I cornered you... kaya tayo nag-uusap ngayon. Kung hindi, malamang ay kanina ka pa nakauwi. That's what you have been doing in the past three days, Keeno."

"And you have been keeping tabs..."

'Yong frustration kong tatlong araw kong tiniis, ayaw nang magpapigil lalo na nang mahimigan ko pang tila natutuwa siya. "Funny iyon? Hindi! Lumalayo kayo pareho sa akin pero pakiramdam ko, ipit na ipit pa rin ako. Hindi ko alam kung sino ang uunahin kong damayan—"

"And it should be Alexandie, of course. She's your cousin."

"But you're hurt, too!"

Dumaan ang pagkalito sa kanyang mga mata, and I almost grabbed my own hair in frustration. I couldn't believe it! Ang galing niyang magpanggap, and he looked really convincing! Kung hindi ko lang alam ang totoo, talagang maniniwala ako.

"Oh! Ide-deny mo na naman? Come on! Alam kong mahal mo ang pinsan ko—"

"Princess, I'm n—"

"Convince me all you want pero hindi ako maniniwalang okay kayo hangga't hindi ko nakikitang nag-uusap kayong dalawa sa harap ko! Kaya tara na habang hindi pa natutulog si Tito!"

Hindi ko na hinintay pa ang irarason niya at agad na akong pumasok sa mini room para magbihis. Ni hindi ako inabot ng limang minuto pero paglabas ko ay wala na siya. Hindi ko na napigilang magmura at nagkukumahog na lumabas ng opisina. Mabilis akong nagpaalam kay Chef Kathrin at sa iba pa naming mga kasamahan. Nagngingitngit na ako nang lumabas ng restaurant pero agad ding natigilan nang makita ko siyang nasa tapat ng kanyang sasakyan.

Nakapamulsa ang dalawa niyang mga kamay habang nasa kabilang kalsada ang tingin. Sumunod ang tingin ko roon at napakunot-noo nang makitang sarado na ang shop ni Xandie ngunit parang may tao pa sa loob. May ilaw pa rin kasing nababanaag mula sa loob. Bahagya akong nabuhayan ng loob dahil at least ay hindi na namin kailangang bumiyahe papunta sa San Juan at sagutin ang mga posibleng tanong ni Tito Vince sa nangyayari.

Mabigat ang mga hakbang na nilapitan ko si Keeno. "Uy," mahinang untag ko kahit inis pa rin ako.

Napatayo siya nang tuwid nang lingunin ako.

"Tara na?"

Hindi siya umimik at tumango lang. Umikot siya papunta sa likod ko at bago ko pa man mahulaan ang gagawin niya, nabuksan na niya ang pinto ng shotgun seat. Pagkatapos ay muli akong tiningnan.

Puwede naman kaming tumawid na lang pero hindi na ako nagreklamo dahil nananakit na rin ang mga binti ko. Tahimik akong lumapit sa kanya at pumasok sa loob. Agad niyang isinara ang pinto pagkaupo ko. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaikot siya sa harap at mabuksan ang pinto ng driver's seat. Iniwas ko lang ang tingin nang pumasok na rin siya at pumuwesto sa harap ng manibela.

Tahimik niyang ini-start ang sasakyan at agad pinaandar iyon. Umikot pa kami dahil one way. Nang lagpasan niya ang Xandie's World, muntik pa akong magreklamo kung hindi lang niya agad iniliko ang kotse patungo sa madalas naming ginagamit na shortcut. At nakahinga rin ako nang maluwang nang muling mamataan ang neon signage ng logo ng shop.

Nakababa na ang roll up doors pero nang ihinto ni Keeno ang kanyang sasakyan sa tapat niyon, saka namin nakitang hindi nag-iisa si Xandie sa loob ng shop. Mula sa double doors na gawa sa salamin, kitang-kita ko kung paano niyakap ni Justin nang mahigpit ang pinsan ko. Iyon ay kahit halos hindi na kita ang buong mukha nito dahil sa suot na itim na sumbrero.

Mas lalo kong naramdaman ang katahimikan sa loob ng kotse ni Keeno. Madilim sa kinapupuwestuhan namin pero mula sa gilid ng mga mata ko, kitang-kita ko kung paano siya huminga nang malalim. Kanina pa niya pinatay ang makina ng sasakyan ngunit nasa manibela pa rin ang kanyang mga kamay habang ang tingin ay nasa loob ng shop.

Mukha pa rin siyang kalmado pero ramdam ko ang epekto ng tagpong iyon sa kanya. Bumabalik ulit 'yong frustration na naramdaman ko no'ng gabing pinuntahan ko sila ni Xandie sa kanyang pad. Hindi ko na alam kung sino sa amin ang gusto kong kastiguhin. Kung ako ba sa pagpupumilit kong dalhin siya rito gayong alam kong may lihim siyang pagtingin sa pinsan ko o siya dahil pinaninindigan pa rin niyang hindi siya apektado.

Ako ang nasasaktan para sa kanya.

"Alam kong masakit..." hindi ko na napigilang sambit. "Pero huwag kang iiyak, Keeno, ha?"

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Nilingon ko siya at nang makita kong nasa shop pa rin ang tingin niya ay hindi ko na napigilang iangat ang kanang kamay ko at tinakpan ang mga mata niya. Tila nabasag ang puso ko nang hinayaan niya ako.

"Huwag mo na lang muna silang tingnan, please..." Napalunok ako dahil ramdam ko ang panginginig ng sarili kong boses. "Sorry kung naging makulit ako. Hindi na dapat kita dinala rito. Sorry, Keeno..."

Ramdam kong napahugot siya ng malalim na hininga. Nangilid ang mga luha ko at tuluyan siyang hinarap para mas matakpan ko nang maayos ang mga mata niya. Gusto ko rin siyang yakapin para aluin. Pero pakiramdam ko, wala akong karapatang gawin iyon dahil ako naman ang naglagay sa kanya sa sitwasyon namin ngayon. I felt so awful. Hindi ko na siya dapat pinilit pa.

"Princess, it's not really—"

Umiling ako agad kaya nahinto siya. "Please, huwag mo nang itanggi. Ang tagal mong itinago iyan. Ngayong may napagsabihan ka na, hindi mo pa ba lulubusin? Pipigilan mo pa rin kahit alam ko na?"

Muli siyang napabuntong hininga. "Princess, I'm not—"

"Umiyak ka na nga lang kasi. Ang dami mo pang irarason, eh!" hindi ko na napigilang sikmat sa kanya. Lalo akong naluha sa muling pag-atake ng guilt. Naramdaman ko ang buga ng hininga niya dahil sa bigla niyang pagtawa nang mahina. Hindi ko na napigilan ang iyak ko at nahampas ko siya nang mahina sa balikat gamit ang kaliwang kamay. "Why are you laughing?!"

Nagpatuloy ang mahina niyang tawa bago ko naramdaman ang hawak niya sa palapulsuhan kong nasa harap ng mukha niya. "And... why are you crying?"

Muli akong nainis dahil kagaya ng nangyari kanina sa opisina sa Kitchen, nahimigan ko na naman ang tuwa sa kanyang boses. He was supposed to be the one crying over his broken heart, but I was the one who ended up doing that for him... pagkatapos ay tatawanan lang niya ako nang ganito?

"Because you are not crying!"

"Princess, kakabanta mo lang sa akin kanina na huwag akong iiyak. And now you want me to cry? At bakit ako iiyak?"

Kumawala na ang isang hikbi mula sa lalamunan ko at naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa akin pagkatapos niyon. "Hindi ba masakit?" tanong ko sa basag nang boses.

"Masakit."

"Then... cry..."

Pakiramdam ko, sa bawat patak ng mga luha ko, unti-unting nauubos ang natitira kong lakas. Hindi na ako nakapalag nang maramdaman kong ibinaba niya ang kamay kong nakatakip sa mga mata niya. And then the next thing I knew, he already had me wrapped in his arms, giving me the comfort I should have been giving him in the first place.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top