Chapter 12

Chapter 12

Dahil sa inis ko kay Keeno at sa sarili kong reaksiyon kanina, right after I went out of his building, hindi ko na inisip pang magkakaroon pa ako ng pagkakataong bumalik doon. Kung may pagpipilian, hindi ko na gugustuhin pang muling pumasok doon.

But not when I knew my cousin was in there crying her eyes out when she called me up without even telling me why.

Nang lumakas ang mga hikbi nito, ilang beses ko itong tinanong kung ano'ng nangyayari, kung nasaan ito at kung bakit patuloy ito sa pag-iyak. Kahit isa ay wala akong nakuhang matinong sagot. Napapamurang pinatay ko ang tawag at hinanap ang pangalan ni Keeno sa contacts. And that was how I found out that Xandie was in his place.

While on my way to them, I couldn't help but question myself for not noticing that something was wrong with my cousin. Bakit hindi ko agad naisip iyon nang makita kong sarado ang shop nito kanina? Hindi ito nagsasara ng shop nang walang mabigat na dahilan lalo na at Monday.

Nang makaakyat ako sa pad ni Keeno—na hindi ko alam kung paano ko nahulaang nasa tamang palapag na ako dahil pinindot ko lang ang up button nang dalawang beses mindlessly, bungad na bungad sa akin kung paano siya nagpipigil ng galit habang nakatingin nang mariin kay Xandie.

Kagaya ng opisina niya sa ibaba, dalawa sa apat na sulok ng kabuuan ng pad ay gawa sa salamin ang dingding kaya kitang-kita namin ang night lights mula sa siyudad. The rest of the interior ay puro kahoy na. Navy blue ang kulay ng nakalatag na carpet sa gitna ng living room. Gawa naman sa kahoy ang dalawang mahabang sofa na pinagtabi kaya naging L-shaped. Side table ang naghihiwalay sa mga iyon. An egg chair in a shade of the same color was situated in front of the couches. A floor lamp was right beside it. At sa gitna ng mga iyon ay nakapuwesto ang hugis-convex pentagon na coffee table. It was made of maple hardwood.

Kuyom ang isang kamao ni Keeno habang nakahalukipkip at nakasandal sa dingding na salamin. He appeared to have glued himself against it on purpose para siguro ay hindi niya masindak ang umiiyak na si Xandie na ngayon ay nakaupo sa isa sa dalawang mahabang sofa.

Malakas at panay ang hikbi nito habang nakatakip ang mga kamay sa buong mukha. Yumuyugyog din ang mga balikat dahil sa matinding pag-iyak.

"Xandie..." hinihingal na tawag ko pero si Keeno ang lumingon.

Madilim at malamig ang titig niya. Halata roon ang poot pero ramdam kong hindi para sa akin.

Naramdaman ko ang panginginig ng mga binti ko nang magsimula akong humakbang patungo sa kinauupuan ng pinsan ko. Naupo ako sa tabi nito at agad itong niyakap. Pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin kay Keeno na mariin pa rin ang tingin sa amin. "Ano'ng nangyari, Keeno?"

Umigting ang mga panga niya bilang sagot.

Hinagod ko nang marahan ang likod ng pinsan ko. "Xandie, please tell us what happened," masuyong pakiusap ko.

Umiling lang ito habang walang patid pa rin sa pag-iyak. Saglit nitong ibinaba ang mga kamay bago ibinalot sa akin para gumanti ng mahigpit na yakap. "Princess..."

Napatingin ako ulit kay Keeno at kitang-kita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata nang magtama ang mga paningin namin. Muli siyang napatiim-bagang bago nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko, may biglang pumiga sa puso ko dahil doon. May namumuo nang ideya sa utak ko kung bakit umiiyak si Xandie pero ayokong buuin dahil nararamdaman ko na rin ang pangingilid ng mga luha ko.

"Si Justin..."

Napapikit ako pagkarinig sa pangalang iyon. No... He promised...

"What did I tell you, Alexandie?"

Muli akong nagmulat nang marinig ang tila pagod na boses ni Keeno. Kalmado lang iyon pero ramdam pa rin ang galit. Nakaharap na siya sa salamin at kahit hindi ganoon kaliwanag sa puwesto niya ay bahagya ko pa ring nakikita ang repleksiyon niya. He looked sad and angry... and defeated at the same time. Nakapamulsa na ang dalawa niyang kamay at mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Huwag kang magpapakita sa akin kapag pinaiyak ka niya."

"Keeno," pigil ko sa kanya. "Please..."

"You waited for so many years. At hahayaan mo lang ang sarili mong magmukhang tanga nang ganito?"

Napailing ako. Obviously, ayaw niyang makinig.

"Paano kung totoo iyon? Then may kasalanan siya. Pero paano kung hindi mo sasabihin ang mga nalaman mo? Kung totoo iyon, that would mean hinahayaan mo lang siyang gumawa ng kasalanan at babalik iyon sa 'yo. It would be your fault, too. Hindi lang ikaw ang magiging dehado, makakadehado ka rin. kung ayaw mong ako ang humarap sa lalaking iyon, kausapin mo siya. At kung patuloy siyang mananahimik pagkatapos no'n, then drop him. Kasi kung mahal ka nga niya, kung naiparamdam niya iyon sa 'yo nang maayos, wala ka ngayon dito, umiiyak at puno ng pagdududa."

"Keeno, tama na, please..."

"Naiintindihan mo ba kung ano ang ipinupunto ko, Alexandie?"

Clearly, he was ignoring me, and I hated how it tugged at my heart painfully. Alam niyang nandito ako pero pakiramdam ko, hindi niya ako makita. Or maybe my presence wasn't really that important for him to acknowledge.

"I don't want to break up with him, Keeno," pahayag ni Xandie sa basag na boses. Bahagya itong kumalas mula sa akin para tingnan ang matalik na kaibigan. "Alam mong naghintay ako nang matagal."

"At paano ka nakasisiguro na siya ang para sa 'yo? Paano kung iba pala ang dapat na hinintay mo? Paano kung hindi pa ito ang tamang oras? Paano kung hindi pa pala iyon dumarating?"

Napalunok ako nang marinig iyon mula sa kanya.

"Kausapin mo muna siya, Xandie. Tingnan natin kung valid 'yang mga pagdududa mo. If yes, then don't settle for a love that makes you doubt. You should know when to give up. You should know when to choose yourself. You can't just rely on an old love readi—"

"This isn't about that anymore, Keeno." Umiiyak pa ring umiling nang paulit-ulit si Xandie. Basag na ang boses nito but it was full of conviction. "I stopped caring about that. I am in love with him, siya man ang nasa hula o hindi, totoo man ang hula o hindi." Tuluyan itong kumalas mula sa pagkakayakap sa akin at sa namumugtong mga mata, tumingin ito nang diretso sa akin. Pagkatapos ay muling ibinalik iyon kay Keeno. "Hindi niyo ako naiintindihan."

"Xandie, I believe in you... But if he makes you doubt, that makes me doubt him, too," malungkot na amin ko sa mahinang boses.

Nang tingnan nito ako ulit, alam kong nasaktan ito sa narinig mula sa akin. Pero wala akong planong bawiin. Ayokong bawiin. Mahal ko ito pero ayokong magpatuloy ito sa isang pag-ibig na may halong pagdududa. Ayokong magmahal ito nang pikit ang isang mata. Wala akong ibang hangarin para rito kundi kaligayahan lang. And I had seen how happy she was with Justin. Pero kung ganito naman ang kapalit, ayoko na lang.

Napabuga ng hangin si Keeno at muling tumalikod. Sa pagkakataong iyon, nakapamaywang na ang isa niyang kamay. I knew he'd had enough. He already said his piece, and since Xandie didn't seem to want to accept that, wala na siyang balak idugtong pa. Sa katunayan, it already felt like he was dismissing us.

"Gusto ko nang umuwi, Princess," nanlulumong sabi ni Xandie na sinundan ng isang mahinang hikbi.

Muli kong nahagod ang likod nito kasabay ng isang malalim na hininga. Tumango ako. "Okay. Uwi na tayo."

Umiling ito agad. "I want to go home alone. Huwag mo munang iwan si Keeno. Calm him down, please..." Tila gusto pa ngang magmakaawa.

"No. Ihahatid kita," giit ko.

"Please..."

"Xandie..."

Wala akong nagawa nang tumayo ito pagkatapos magpunas ng mga luha. "I'll be okay. Dito ka muna. I'll go ahead. Hahanapin na ako ni Tito kung magtatagal pa ako nang ilang minuto." Hindi na nito hinintay pa ang sagot ko. Matapos nitong tingnan nang ilang sandali ang kaibigan, bagsak ang mga balikat na tinungo nito ang elevator.

I helplessly looked at Keeno. Pero mukhang wala rin siyang balak pigilan ang pinsan ko. Hindi siya natinag sa kinatatayuan at ni hindi man lang ito sinundan ng tingin.

"Keen—"

Hindi ko na iyon natapos dahil bumuga na siya ng hangin at bago ko pa man madugtungan ay mabilis na siyang sumunod kay Xandie. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa gulat. Pero nang maalala ang galit sa mukha niya, tumayo na agad ako para sundan ang dalawa.

Ngunit dagli rin akong natigilan nang sa pagliko ko patungo sa elevator, naabutan kong yakap na ni Keeno si Xandie. Nasa tapat na ng elevator ang dalawa. Umiiyak ang pinsan ko habang nakayakap nang mahigpit sa kanya.

Agaran ang pagsikip ng dibdib ko dahil sa tagpong iyon. Nahigit ko ang sariling hininga kaya napilitan akong umatras at bumalik sa sala. Dahan-dahan kong pinakawalan ang hanging namuo sa dibdib ko. I thought the hurt would disappear... but it lingered, and I had no idea why.

Napasandal ako sa gilid ng sofa at sinubukang pakalmahin ang sarili. But just when my heartbeat finally almost slowed down, it spiked up right away the moment I felt something touch my right elbow. Si Keeno ang nalingunan ko. At hindi ko alam kung bakit mabilis na nangilid ang mga luha ko nang masilayan nang malapit ang kanyang mukha.

Matamlay ang ngiting pinakawalan niya.

"Si Xandie?"

"Umuwi na." He sighed. He looked really drained. Ni hindi pa nga siya nakakapagpalit ng damit.

Napabuntong hininga ako bago siya hinarap.

Seeing Keeno defeated and pissed off had always been my kind of entertainment. Seeing him defeated this way, though, wasn't fun. Sa lahat ng naging away namin, never siya nagpatalo. Tumatagal ang bawat away namin kasi pareho kaming ayaw magpatalo. Manalo man o matalo sa lahat ng klase ng argumento, he always made sure that he'd put up a fight first. Minsan nga, kahit nasa akin ang huling halakhak, pakiramdam ko ay siya pa rin ang nanalo kasi magaling siyang mangdikdik ng pride. Alam niya rin kung kailan aatras nang hindi nagmumukhang talunan.

Pero ngayon, mukhang wala siyang balak lumaban. He was choosing to surrender and accept defeat kahit wala pa siyang ginagawa. Alam kong nasasaktan siya at hindi ko alam kung bakit nasasaktan din ako dahil doon. Hinintay kong sisihin niya ako sa pangungunsinti ko noon kay Xandie pero hindi niya ginawa. He wasn't even crying. His eyes weren't even showing any sign that they wanted to cry. And that made me want to do the deed for him.

At hindi ko alam kung bakit!

I wanted the irritable Keeno. I don't like this version of him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top