Chapter 11
2-3 weeks pa raw ang hihintayin ko sabi ng Beebly PH. Pero ilalapag ko na rito ang magiging book cover nito roon 'cause 'di ko na kayang magtago hahahaha! Kung gaano ka-light itong story, ganoon naman ka-dark ang cover and aylabet! Napakaraming pasasalamat sa artist na si Ms. Heynette. Ang galing-galing! ㅠㅠ
Chapter 11
Even before I was allowed to drink, I had always been fascinated with wine. Bata pa lang kasi ako ay exposed na ako sa manufacturing business nina Mommy at Daddy. Naalala kong panay ang tanong ko noon kung saan ginagamit ng mga tao ang mga boteng ginagawa at binebenta nila. And then, siyempre, my growing interest was piqued even further when I saw their wine collection.
But I never imagined I'd have the opportunity to see a massive cellar like the one Keeno had suddenly presented to me. Kung ganito na kalaki rito, ano na lang kaya ang nasa Cebu? Walang-wala ang wine room ko rito. Ang laki at ang lawak! Kung gaano kalaki ang buong building, ganoon din kaluwang ang space na inilaan para sa underground cellar.
Paglabas na paglabas namin, ang unang bumungad sa amin ay ang cartwheel na may naka-display na dalawang magkaibang laki ng bote ng wine at dalawang goblet. It was like an invitation for us to drink and, at the same time, a summoning to an entirely different world. Dahil ganoon ang pakiramdam nang muli kong ilibot ang aking paningin.
Tila isang library ang buong paligid. Ang kaibahan lang, sa halip na libro ang makikita ay puro mga wine ang naroon. Lahat ng boteng ginamit ay alam kong galing sa Tuazon Classics, iba't iba lang ang laki at disenyo. Bawat bote, may logo ng Ortega Winery. At hindi ko pa man natitingnan lahat, hindi na maarok ng utak ko kung gaano karami ang nandito.
Nagtuloy-tuloy sa pagpasok si Keeno. Ako naman, hindi magkamayaw ang mga mata sa pagpaparoo't parito at hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa bawat boteng nadadaanan ko ng tingin. Hindi ko na mabilang nang maayos kung ilang shelf—na magkabilaan—ang nilampasan namin ni Keeno. Pero nang marating namin ang pinakadulo, nakita ko ang magkakapatong na barrique. Floor to ceiling. Napapagitnaan iyon ng malaking wine closet na gawa sa salamin ang double doors kaya kahit sarado ay kitang-kita ko pa rin ang mga mamahaling wine sa loob.
Nang buksan iyon ni Keeno, hindi ko na napigilan.
"Wow..." I breathily whispered.
What was inside was a collection of some of the Ortega Winery's early releases. At nasa pinakagitna niyon ang Prince of the Ortegas. Ginawa iyon ng mga magulang niya nang ipinagbuntis siya kaya halos kaedad niya iyon. Kaya may Prince din sa pangalan niya. Siya ang nag-iisang anak at siya rin ang nag-iisang lalaki sa kanilang magpipinsan. Siya ang nag-iisang magdadala ng kanilang apelyido.
Ang red wine na iyon ang minsan kong pinang-asar sa kanya. Sobrang natawa kasi talaga ako nang maikuwento noon ni Xandie na pangarap daw niyang gamitin iyon sa mismong araw ng kanyang kasal. Sa sobrang suplado niya kasi, hindi halatang may romance na dumadaloy sa dugo niya. Ang akala ko kasi, puro dark chocolate at wine.
Napaawang ang mga labi ko nang makita kong umangat ang libre niyang kamay at inabot iyon. Dahil walang umiimik sa aming dalawa, halos dinig ko ang ginagawa niyang pagnguya sa chocolate bar. Kumakain pa rin siya hanggang dito at mukhang ine-enjoy iyon.
Gumagala pa rin ang paningin ko sa paligid namin kaya bahagya akong napaigtad nang maramdaman ang lamig na tumama sa kanang braso ko. Bumalik ang tingin ko kay Keeno at ganoon na lamang ang pamimilog ng mga mata ko nang makita kong inaabot niya sa akin ang Prince of the Ortegas.
Almost immediately, itinulak ko ulit iyon sa kanya at nagsasalubong na ang mga kilay nang iangat ko ang tingin sa kanya. "Uy, buwisit. Eh, 'di ba, gagamitin mo iyan sa kasal mo?"
Nasa bote ang tingin niya habang ngumunguya pa rin ng tsokolate. Hindi ko alam kung nag-iisip siya o talagang ine-enjoy niya lang ang kinakain. He shrugged his shoulders and offered me the bottle again.
"Seryoso ka?" nahihindik pa ring tanong ko bago ko sinalat ang noo niya. "May sakit ka ba? Ba't parang may iba sa 'yo? Ito naman, masyadong sineryoso 'yong sinabi ko. Ginu-good time lang naman kita no'n!"
He lifted his gaze and stared straight into my eyes, giving me that expressionless look again. Nakukulitan na naman siguro sa akin. "Eh, kung tanggapin mo na lang kaya?"
Napanguso na ako at inalis na ang palad sa noo niya. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang bote. "Eh, paano na ang kasal mo?" malungkot kong bulong.
"Kasal ko iyon. Problema ko na kung ano'ng iinumin ko roon. Ikaw, mas atat ka pa sa akin, eh wala pa naman akong pakakasalan."
Mas lalo akong nalungkot sa narinig mula sa kanya. Parang ang kirot naman no'ng pakinggan. Naghahalo ang kirot at lungkot sa dibdib ko. Kaya ba binibigay na niya sa akin 'to kasi alam niyang hindi na niya mapapakasalan ang taong mahal niya dahil may mahal na itong iba? Nagpapaubaya na ba siya?
Ang... lungkot naman. Palagi akong nabubuwisit sa kanya pero nakakalungkot pa rin.
"Oh, ano na? Tatanggapin mo lang naman. Hindi mo na kailangan pang pag-isipan nang malalim. Kusa ko naman 'tong ibinibigay."
Muli kong inangat ang tingin sa kanya. "Ginu-good time lang talaga kita no'n, pro—"
"Gusto mo ba o ano?"
'Yong tono niya, parang nagbabanta na kaya napayuko na naman ako. Walang imik kong tinanggap ang bote mula sa kamay niya. Nang mahawakan ko iyon, mas lalong bumigat ang loob ko. Ibabalik ko 'to sa kanya someday, promise. Ayokong ipagkait ang isa sa mga pangarap niya kahit mortal na magkaaway kami. Gustong-gusto ko kapag napipikon siya sa akin pero hindi naman 'yong ganitong madedehado pati ang gusto niyang mangyari sa kasal niya. Ireregalo ko na lang 'to sa kanya.
Hindi ko alam kung ilang segundo akong napatitig sa hawak na bote. Pero nang muli akong mag-angat ng mukha, sinalubong ako ng titig niya't nakataas pa ang kanang kilay habang patuloy sa pagnguya. Hindi ko alam kung nang-aasar ba o ano pero kung oo, effective.
Nayakap ko ang bote habang sinasamaan siya ng tingin. "Alam mo ba? Staring without consent should be prohibited." My voice was laced with mockery, naaalala kung kailan at saan niya sinabi iyon noon sa akin.
He coughed out a chuckle. "Kung ano-ano pang kaartehan, hindi na lang mag-thank you nang maayos at diretso." He clicked his tongue. Pagkatapos ay walang sabi-sabing inabot ang dulo ng face towel na nakasabit sa kaliwang balikat ko at pinunasan ang ilang pawis sa leeg ko.
Palihim akong napasinghap dahil naramdaman kong tumama ang dulo ng daliri niya sa balat ko. Hindi ko alam kung dahil ba nasa ilalim kami ng kanilang building at solo namin ang buong space pero mas naramdaman ko ang presensiya niya kahit hindi naman kami talagang magkadikit.
Nagsimula na namang magwala ang dibdib kong kapapahinga lamang kanina. At nadoble lang iyon nang umangat ang kamay niya para ayusin ang ilang hibla ng buhok kong dumidikit na sa gilid ng mukha ko dahil sa pawis. Ni hindi ko alam kung bakit muli akong pinagpapawisan gayong malamig naman dito sa loob ng cellar.
"Thank you sa chocolates."
Muli kong nahanap ang titig niya.
"Gano'n mag-thank you. Baka lang hindi mo alam kung paano," aniyang ibinaba na ang kamay. He popped another piece of chocolate into his mouth in an annoying manner.
Muli akong napairap. This time, pati sa sarili ko ay naiinis na rin ako dahil wala na yatang balak mag-slow down ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
"Come on, Princess. Say it."
"Nang-aasar ka ba?" nabubuwisit nang tanong ko.
"Alam mo, 'yang pride mo..." Itinuro pa niya ako pero napahinga na lang nang malalim matapos lunukin ang kinakain. Pagkatapos ay ipinakita niya sa akin ang bitbit niyang box na puro crumpled wax paper na lang ang laman. "Ubos ko na. Gawan mo pa ako ulit."
Natawa na lang ako nang pagak. Bumabalik na naman ang kakapalan ng mukha niya.
Nagkibit siya ng mga balikat bago ako nilampasan. "Aasahan ko bukas sa desk natin."
"Desk ko iyon, uy!" habol ko sa kanya.
"We share it kaya desk natin, office natin," mariing sambit niya habang patuloy sa paglalakad. "Aasahan ko bukas. In return, may breakfast ka ring aabangan. Deal? Kung ayaw mo, you can just say thank you. Sa mismong harap ko at maririnig ko nang malinaw. Say it sincerely."
"Oh, akala ko ba, kusa mo 'tong binibigay? Ba't namimilit kang mag-thank you?"
"Hindi kita pinipilit. Nakikipag-negotiate ako sa 'yo. 'Yang wine, gusto kong ibigay sa 'yo. 'Yong kahapon, ayokong iwan ka nang ganoon ang lagay. Ginusto kong asikasuhin ka nang kusa. Kaya lang, sa taas ng pride mo, gusto ko ring makarinig ng thank you galing sa 'yo. Wala namang mahirap do'n. 'Yang pride mo lang talaga ang problema."
"Hindi naman ako—"
"Don't shout. You're going to disturb them," he cut me off, referring to the shelves and barriques of wine.
Napakagat ako nang mariin sa pang-ibabang labi habang sinusundan siya ng masamang tingin. Patuloy siya sa paglalakad at nang matanto kong wala na siyang balak tumigil o balikan ako, napilitan na akong sumunod. Knowing him, baka bigla na naman niya akong pag-trip-an at maisipan na lang bigla na ikulong ako rito.
Busangot na ang mukha ko nang maabutan ko siya sa loob ng elevator. Lalo na nang makita ko pa ang multo ng matagumpay na ngisi sa kanyang mga labi. "Saya mo naman masyado," sarkastikong bulong ko pero dinig naman niya dahil kaming dalawa lang dito.
"Kaninong kasalanan? Pinakain mo ako ng tsokolate. My endorphin levels are boosted." He smirked.
Napangiwi ako at muli siyang sinamaan ng tingin. Ako pa ang sinisi at idinadamay pa ang mga endorphin niya. Ang sabihin niya, nati-trigger ang mga iyon kapag iniinis niya ako. Kasi... same.
Naibuga ko na lang ng hangin ang inis ko paglabas ko ng teritoryo niya. Hinayaan ko na siyang bumalik sa opisina niya pero hanggang ngayon, tila naririnig ko pa rin ang mapang-asar niyang boses at halakhak. Parang sirang plakang nagpapaulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi niya.
Kung tutuusin, tama nga naman siya. Nagpunta ako rito para ibigay ang tsokolate bilang pasasalamat. Ang ibig sabihin, nagpunta nga ako rito para magpasalamat. Hindi ko lang masabi nang diretso sa mukha niya kaya idinaan ko sa chocolate bar na alam kong kinahihiligan niya. Ang akala ko, gets na niya iyon at palalampasin na niya. Nakalimutan ko saglit na allergic nga pala kami sa isa't isa. Hindi na ako dapat nagulat na ipinamukha niya sa akin na hindi ko kayang magpasalamat sa kanya nang diretso.
Sapul na sapul na naman ang pride ko.
Humigpit ang hawak ko sa ibinigay niyang wine habang dinaramdam ang puso kong walang tigil pa rin sa pagpapapansin. I took another deep breath and then started running again. Hindi ko alam kung saan na ako pupunta. Kung uuwi na ba, kung babalik sa Kitchen o kung dadaan muna at magpapalamig ng ulo sa shop ni Xandie.
But I didn't want to talk to anyone. Kaya nang makita kong sarado ang Xandie's World ay dumiretso na ako ng takbo pauwi. I ran faster in hopes of outpacing the fast beating of my heart. I ran faster until I could no longer hear and feel it... until exhaustion overtook me.
Bagsak ang katawan ko pag-uwi. Hindi ako nakapag-agahan at hindi rin nakapag-lunch. Malapit nang magpaalam ang araw nang magising ako at ang unang bumungad sa akin sa pagmulat ng mga mata ko ay ang Prince of the Ortegas na inosenteng nagpapahinga sa nightstand. And just like that, muling dumagsa sa utak ko ang lahat ng nangyari kaninang umaga. At ang puso ko, hindi na naman nagpaawat.
Bumangon ako at naghanda ng makakain. For the first time, I ate dinner alone habang kaharap ang bote ng wine. Hindi ko nga alam kung bakit binitbit ko pa iyon sa kusina gayong wala naman akong balak buksan at inumin iyon.
Ako lang mag-isa sa loob ng condo ko pero pakiramdam ko, may kasama ako sa dami ng bumubulong sa utak ko. I needed real people to shut them up. I needed real noise to silence my raging heart.
Kaya nang matapos akong kumain ay nasa cellphone na ako't kausap sina Rhyne at Czeila.
"Holy—Princess! Your hair!" Czei shrieked.
Oo nga pala... 'yong buhok ko. Ngayon pa lang nila ako ulit nakita mula nang kulayan ko ang buhok ko out of frustration.
"How is it possible that it looks natural and better than your original hair color?" Rhyne asked in her usual monotone. Ang dating tuloy, parang hindi naman ito interesadong malaman kung ano ang sagot sa tanong nito. Hindi ko rin tuloy mabatid kung compliment ba iyon. I mean, compliment naman talaga, but it certainly didn't sound like that at all.
"True! Ang ganda, Princess! Bagay na bagay sa 'yo!"
"I agree."
Pansamantala kong nakalimutan ang bumabagabag sa akin at natawa na lang dahil kung gaano kataas ang energy ni Suarez, ganoon naman ka-flat itong si Sandoval.
Mabilis ko nang inilatag kung ano ang pakay ko. Si Czei, game na game naman lagi. Si Rhyne, kung ano-ano pa ang pinapansin, hindi na lang um-oo agad.
"Ba't mukhang kagigising mo lang pero parang pagod ka pa rin?" naniningkit ang mga matang tanong nito habang naghahanda ako ng susuotin. Nasa harap ito ng computer at mukhang kahit nasa bahay na ay may dala pa ring trabaho. Mula sa pinagpuwestuhan nito ng cellphone ay kita ko ang isang tasa ng umuusok na kape sa gilid ng keyboard.
"Still working, Rhyne? Tama na iyan at magbihis ka na! Pagdating namin diyan, dapat ila-lock mo na lang ang pinto," salo ni Czei unknowingly sa pamumulis ni Rhyne.
"Ubusin ko lang 'tong kape. Mabilis naman akong magbihis."
"Paano mo uubusin 'yan agad, eh umuusok pa?" nagigimbal nang tanong nito.
Hindi ko napigilan ang tawa ko roon. "Czei, you are insulting the queen of caffeine. For all we know, baka makadalawang tasa pa 'yan bago natin masundo."
"I really don't get how she could take that. My heart would almost immediately beat double time kahit nakadalawang higop pa lang ako," patuloy na litanya nito habang katulad ko ay pumipili na rin ng susuotin.
"Si Asher, Rhyne, hindi sasama?"
"Hindi. Tulog pa. Pagod 'to."
"Ay, bakit pagod?" nakangisi nang tanong ko.
Sinamaan agad ako nito ng tingin. "Ikaw muna. Ba't mukha kang pagod? Balita ko, may singkit daw na nagluluto these days sa Kitchen." Nang mamilog ang mga mata ko, umangat ang sulok ng mga labi nito at maangas akong tinaasan ng kilay.
"Hoy! Kanino mo iyan nalaman?!"
"Kailangan palang secret?"
"Kay Dalmatian! Narinig kong nabanggit niya kay Mama na naparaan siya roon. Tinanong ko kung nakita ka niya. Lalaki raw ang in-charge kahapon at singkit!" She wiggled her beautiful eyebrows annoyingly.
"Ortega ba ang apelyido ng singkit na ito?" patuloy na pang-iinis ni Rhyne.
Napangiwi ako. "Alam mo, ikaw. Tantanan mo kami ni Keeno, ha? Ibang singkit ang pagtuunan mo ng pansin."
"Ay, may kami na..."
I caught Czei making faces and hiding her smile kaya itinuro ko rin ito. "Isa ka pa, ha?"
"Wala naman kaming sinabing si Keeno. Grabe 'to. Ang dami kayang Ortega sa mundo!"
Nagpatuloy ang pang-aasar nila hanggang sa makarating kami sa Mico Moco. Kung hindi lang talaga ayokong mapag-isa ngayon, lalayasan ko 'tong dalawa, eh. Si Rhyne pa naman, tahimik kung tahimik pero kung makapang-inis, deadly. Aakyat lahat ng dugo mo patungo sa bumbunan. Si Czeila naman, makulit. Hindi ka rin titigilan. Napaka-deadly ng kombinasyon.
Mabuti na lang at natahimik din ito nang dumating ang mga pagkain sa lamesa namin. Si Rhyne, sumisimple ulit ng trabaho sa cellphone nito. Kagaya ko, hindi rin ito napapakali nang walang ginagawa kaya hinayaan ko na. Mas mabuti nang iyon ang pagtuunan nito ng pansin kaysa ako na naman ang pag-trip-an.
Monday ngayon kaya walang scheduled gig ang Lyricbeat. Hindi rin sumama si Asher sa amin. It was more like iniwan namin dahil hindi ginising ni Rhyne nang umalis kami. Kapag ganitong wala ang banda, may daily playlist na pinapatugtog si Kuya Mico and it was always a bomb! Napaka-effective ilihis ang utak ko mula sa mga bagay na kanina pa bumabagabag sa akin.
Not until I received a phone call from my cousin.
"Hello?" Maluwang pa ang pagkakangiti ko nang sagutin iyon dahil nagpaparamihan ng inom ang dalawa kong kasama pero biglang tumiklop si Czei nang ilapag ni Rhyne sa harap nito ang wine.
"Not fair!" dinig ko pang reklamo ni Czei.
But I quickly tuned it out the moment I heard a silent sob from the other end of the line. Nagsalubong agad ang mga kilay ko at bahagyang lumayo sa ingay. "Hello, Xandie? Umiiyak ka ba?"
Nasagot ang tanong ko nang marinig ang basag na boses nito.
"Princess..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top