Chapter 1
Chapter 1
Hindi ko pa man nabubuksan ang double doors ng Xandie's World—ang anime shop na pag-aari ni Xandie, napasimangot na ako. Gawa sa glass ang pinto kaya mula sa labas, kita ko na agad ang pagmumukha ng buwisit na si Keeno. Hindi pa man kami tuluyang naghaharap, parang sinasalang na sa apoy ang kaluluwa ko.
O baka dahil mainit lang talaga ang panahon ngayon, 'tapos ay bigla pang iinit ang ulo ko dahil sa kanya. Ganoon naman lagi. Hindi pa bumubuka ang bibig niya pero kumukulo na agad ang dugo ko sa inis.
Pagkatulak ko sa pinto, sinalubong ako agad ng paboritong air freshener ni Xandie. Kahit hindi ako mahilig sa anime, isa iyon sa mga nagustuhan ko sa shop nito. Ganoon na ganoon din kasi ang amoy sa bahay nito. Magkatapat lang ang shop nito at ng restaurant ko at sa tuwing nao-overwhelm na ako sa pagod, coming here was like coming home to her and Tito Vince—sobrang relaxing.
Malaki ang Xandie's World, may dalawang palapag. Pagpasok sa shop, ang unang bubungad sa iyo ay ang reception desk. Doon nakalagay ang business name at logo nito, kapareho ng makikitang signage sa labas ng shop. Sa likod niyon ay makikita ang isang pinto na may kurtinang nakatakip patungo sa opisina ni Xandie at locker room ng mga staff. Sa dingding niyon ay naka-display ang business permit at pati na rin ang licensing agreement from the copyright holders at trademark owners.
Sa right side ng shop matatagpuan ang iba't ibang merchandise kagaya ng figurines, toys, posters, pins, mugs, T-shirts, jackets, blankets, pillows, shoes, key chains, bags, tapes at marami pang iba. Sa left side naman makikita ang mga rack at cabinet kung saan naka-display ang iba't ibang anime costume. May malaking fitting room din na may floor-to-ceiling na salamin.
Library naman ang tema sa second floor. Hitik sa comic books at graphic novels ang mga shelf doon at nagkalat ang iba't ibang cushioned seats kung saan puwedeng tumambay ang mga gustong magbasa sa shop. May mini coffee station din doon na self-service. Bukod sa mga iyon, nagkalat din ang iba't ibang life-sized figurine sa kabuuan ng shop. Lima ang nasa itaas at tatlo ang nasa first floor. Puro mga character galing sa paborito nitong anime.
On top of all of that, isa rin talaga sa mga dahilan kung bakit patuloy na dinadayo ng mga tao ang shop ay ang daily getup ni Xandie. Mula nang mamulat kasi ito sa anime, nakahiligan na nito ang pagko-cosplay at dinala nito iyon hanggang sa shop. Every day, iba-iba ang suot nito at madalas ay ginagawi talaga ito ng mga estudyante mula sa iba't ibang universities.
May kulay-pulang couch malapit sa fitting room at doon nakapuwesto sina Xandie at Keeno. Prenteng nakaupo ang buwisit samantalang ang pinsan ko ay nakatayo sa harap niya. Masyadong invested ang dalawa sa pinag-uusapan kaya hindi ako agad napansin. Dressed like Ino Yamanaka from head to foot, may nirereklamo yata ang pinsan ko at pinagtatawanan lang iyon ni Keeno.
Babati na sana sa akin ang receptionist na naka-duty ngayon pero agad kong sinenyasan na huwag mag-iingay. Tumango ito at nagkasya na lang sa ngiti at matipid na tango.
"Tigilan mo ako," dinig kong naiinis nang sita ni Xandie sa best friend nitong buwisit.
"What?" natatawang tanong naman niya. Kunwari pang maang-maangan pero halata naman sa tawa niya na talagang nang-aasar siya. Kung gaano kaluwang ang ngisi niya habang nakatitig sa reaksiyon ng pinsan ko, ganoon naman kabilis naglaho iyon nang mapabaling siya sa akin at tuluyan akong napansin.
"Ano? Ano?" I mouthed arrogantly. Ready na akong unahan siyang manghamon ng away.
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya pero bago pa man siya makaganti, napalingon na sa akin ang pinsan ko.
"Princess!" Umaliwalas agad ang mukha nitong kanina lang ay nakabusangot.
Agad kong pinalitan ng maluwang na ngiti ang irap ko kay Keeno kanina at sinalubong ang yakap ni Xandie. Itinaas ko ang bitbit na malaking box ng milk selection ng Haigh's Chocolates.
"Kailan ka pa dumating?" tanong ni Xandie bago ako pakawalan. "Kumusta sina Tito at Tita?"
"Hayun at wala na yatang balak umuwi rito. Ayaw nang iwan ni Mommy sina Lola Ava," nakangusong sagot ko. Ilang oras pa lamang ang lumilipas mula nang makabalik ako galing Australia.
"Cute talaga ni Tita. She is such a baby pagdating kina Lola. Dinaig pa niya si Tito."
"Sinabi mo pa." Grandmother ko kasi si Lola Ava kay Daddy pero mula nang ikasal sila ni Mommy, si Mommy na madalas ang napagkakamalan ng mga taong anak ni Lola Ava dahil mas close na ito sa matanda.
Nilapag ko ang dalang box sa refectory table at nang makita kong umabot agad doon ang kamay ni Keeno, tinampal ko iyon at sinamaan siya ng tingin.
"Ba't hindi ka muna nagpahinga? Tara sa office, kahit umidlip ka lang muna."
Muli kong binalingan si Xandie. "Buong biyahe naman, tulog ako. Walong oras din iyon. Pagod na akong magpahinga," natatawang sambit ko.
Bumuntong hininga ito, halatang nag-aalala pa rin. "Kailan pa ba nauso iyon sa 'yo? You hate taking a break. You're always on the go. Magkakasakit ka niyan kapag palagi mong sinasagad ang sarili mo."
Hayy, ang Ate baby Xandie ko, the perpetual worrier... Nginitian ko ito at hinagod ang likod. "And you always worry. Alam mo namang mas magkakasakit ako kapag walang ginagawa."
Naroon pa rin ang pag-aalala sa mukha nito pero natawa na rin dahil sa sinabi ko. Alam nito iyon. No'ng minsang napilit ako nitong magbakasyon kasama si Tito Vince, inilayo ng mga ito sa akin ang phone ko para hindi ako makapangulit sa iniwan kong team sa Kitchen Princess. Ang lagay tuloy, lahat ng energy ko na dapat sana ay nailaan ko sa trabaho, si Keeno ang tumanggap. Kahit si Tito Vince, hindi magawang umawat kapag nagsalubong na ang init ng mga ulo namin ni Keeno. Unang gabi pa lang tuloy ay nilagnat na ako.
"At saka, palalampasin ko ba ang birthday mo? Alam kong ayaw mo ng party, so... tara sa Kitchen! I prepared your favorites!"
Biglang tumikhim nang malakas si Keeno kaya dagling nawala ang ngiti ko.
Hindi rin iyon nakatakas sa atensiyon ni Xandie kaya agad din nitong binalingan ang kaibigan. "Keeno," she warned.
"Hello," ngising-asong bati niya sa akin habang prente pa rin ang pagkakaupo, sinadyang ignorahin ang warning ng pinsan ko.
"Keeno, I'm telling you—"
"What? It's just a greeting, Xandie. It's harmless. Hindi naman mahina 'yang prinsesa niyo." May himig ng pangungutya ang boses niya at sarkastiko pa ang pagkakaangat ng sulok ng kanyang mga labi.
Napaikot ako ng mga mata. Hindi nga harmless pero enough naman para gisingin ang inner demon ko. Kahit hindi gano'n kakomportable ang puwesto ko sa plane, kumpleto ang tulog ko. Maganda ang gising ko. Masaya akong bumalik ng Pilipinas. Pero ewan ko ba, nasilayan ko lang talaga ang pagmumukha niya, parang buong daigdig, gusto kong kalabanin. Nagiging masama ang tingin ko sa lahat ng bagay.
Kanina, kaya ko pang magtiis sa pairap-irap lang. Ngayong kinausap na niya ako, parang gusto ko biglang sungalngalin ang nguso niya! Kung wala lang talaga rito si Xandie!
At mukhang alam nga niya ang epekto sa akin ng greeting na iyon kaya matagumpay siyang ngumisi. Madalas kaming magtalo sa lahat ng bagay pero sa bagay na iyon kami magkasundo. Masaya ako kapag napipikon ko siya at ganoon din siya. Kaya ang ending, mag-aaway ulit kami at walang gustong magpatalo.
Kahit ang cute tingnan ng mga mata niyang mas lalong naningkit dahil sa mala-demonyong pagkakangisi, gusto ko pa rin siyang balatan ng buhay. Ganoon ako ka-allergic sa existence niya!
"Hindi ba?" nang-uusig pang dagdag niya habang nakataas ang kilay sa akin. Kapagkuwan ay tumawa na mas lalong nagpapanting sa mga tainga ko. "Welcome back, my princess." And then he bowed down... which was clearly a form of mockery toward my name.
Agaran ang pag-akyat ng lahat ng inis ko sa katawan sa ulo ko. Huhubarin ko na sana ang suot na wedge shoes para ibato sa kanya kung hindi lang agad na humarang sa harap ko si Xandie at sunuod-sunod na pag-iling ang ginawa.
Napabuga ako ng hangin at saglit na napapikit. Pagmulat ko, naroon pa rin ang ngisi ni Keeno sa likod ni Xandie, talagang natutuwa sa reaksiyon ko. "Xandie, kailan mo ba itatakwil iyan? Malapit na akong maging kriminal sa buwisit na iyan, ah!"
"Keeno kasi," naiinis na ring saway ni Xandie.
"Wala naman akong ginagawa, ah. Chill ka nga lang. Hindi pa ako nagsisimula," aniyang napahalakhak na. "Save your energy, Princess!"
"Huwag mo akong matawag-tawag sa pangalan ko," mariing banta ko.
"Ah, bakit? Kulang ba ng my?" Nagngiting-aso na naman siya.
"Masuka ka nga sa pinagsasabi mo! 'Kadiri 'to!"
Malakas na napabuntong hininga si Xandie habang paroo't parito ang tingin sa aming dalawa ng best friend nito. Hindi ko alam kung naiiyak ba ito sa walang katapusang bangayan namin o napagod nang manaway.
Si Keeno kasi talaga ang dapat sisihin! Ewan ko ba kung ano na naman ang nakain niya at tinatawag ako ngayon sa pangalan ko. Usually naman, allergic din iyan sa pangalan ko. Kung ano-anong tinatawag sa akin, huwag lang ang pangalan ko. Buwisit na buwisit ako sa kanya no'n kapag hino-hoy o uy niya lang ako. Ang dali lang kasing bigkasin ng pangalan ko. Common name na nga, eh. Pagkatapos ay mangho-hoy lang siya? Wala talagang modo!
Pero nang tawagin naman niya ako sa totoo kong pangalan for the first time, halos mamula ang buong katawan ko sa inis! Napansin niya agad iyon kaya magmula no'n, nawili na siyang tawagin ako para lang pikunin ako. Ang sama talaga ng ugali kahit kailan! Paano ko ba 'to naging crush noon? Kapag sumasagi sa utak ko, gusto kong kastiguhin ang sarili ko. Ang pangit ng taste ko noon. Yuck!
As if on cue, bigla na lang umaktong nasusuka ang damuho.
Napairap ako. "Ganyan nga! Ilabas mo na lahat pati bituka mo."
He stopped and sneered.
My God... Bihira akong magka-jet lag pero mukhang ganoon na nga ang mangyayari ngayon dahil sa kanya.
"You two, stop na, please," saway sa amin ni Xandie, mas lalong pumagitna para hindi ko tuluyang masugod ang kaibigan nito. "Birthday na birthday ko, awat na muna. Sa Kitchen na tayo, Princess. Tara na, please? And Keeno, please behave na muna. I-celebrate na muna natin ang pagkakakita ko sa prince charming ko. Okay? Please?"
Bumalik ang tingin ko kay Xandie nang marinig ang sinabi nito. "Ano'ng nakita mo na?" When she smiled sweetly, namilog ang mga mata ko. "Hindi nga? Seryoso? Nakita mo na? Paano?!"
Mas lalong naging malambing ang ngiti nito na halos mag-isang linya na ang mga mata at sunod-sunod na tumango. "Nakita ko na, Princess!"
"OMG! Paano?!"
Hindi ko mapigilan ang pag-igkas ng excitement sa sistema ko dahil sa nalaman. Mga bata pa lang kasi kami, close na close na ito sa namayapang tiyahin nito sa mother side. Nang magdalaga ito, panay ang kuwento rito ni Tita Rin tungkol sa lalaking nakatakda para rito. Mahilig kasi iyon manghula at ilang taon namang pinanghawakan ng pinsan ko. Prince charming pa nga ang tawag nito. Another reason kung bakit sa kabila ng maraming sumubok na manligaw rito, wala ni isa man ang nagtagumpay.
"Alexander Justin Cubillo Aniston..." pakantang sambit nito bago nito sinimulang isa-isahin ang detalye ng unang pagkikita ng dalawa.
Panay ang yugyog ko rito sa gitna ng kuwentuhan dahil maya't mayang natitigilan dahil sa kilig. Hindi ko rin tuloy tinitigilan ng pang-aasar. For a while, I forgot about the birthday brunch. I forgot why I came here. I forgot about Keeno. Not until bigla siyang mahagip ng tingin ko nang lumipat siya ng puwesto para maabot ang dala kong box ng tsokolate.
Xandie continued talking... pero ako naman ang nawala sa moment dahil muling naagaw ni Keeno ang atensiyon ko. I watched him open the white box and take his time choosing the piece he liked. Nang damputin niya ang nasa pinakasentro, pinanood ko naman siyang titigan iyon nang ilang sandali bago kagatan.
Something was off. It was like he was taking his time on purpose. Na para bang may iniiwasan siyang pagbigyan ng atensiyon kaya ibinibigay na lang sa tsokolateng hawak. Parang tanga. Hindi ko naman first time magdala ng Haigh's Chocolates. Sa tuwing uuwi ako galing Australia, hindi iyon nawawala sa mga pasalubong ko dahil paborito ni Xandie. Eh, hindi naman siya nawawala sa tabi ni Xandie kaya kung ano'ng naibibigay ko sa pinsan ko, nakikinabang din siya. Kaya ano'ng idinadrama niya riyan at mas uunahin pang namnamin ang bawat kagat sa kinakain kaysa ang makinig sa kuwento ng best friend niya? Parang tanga talaga.
Inaya ko nang lumipat si Xandie sa Kitchen dahil mukhang mahaba-haba pa ang ikukuwento nito. Nakita ko agad ang pagliligpit ni Keeno sa white box at mukhang sasama yata sa amin kaya dagli kong iniharang ang palad ko para pigilan siya. "Ops, hindi ka kasali," mariing sabi ko habang mariin din ang tingin sa kanya. "Hindi ikaw ang may birthday, ah. Paalala ko lang. Makikikain ka na naman kahit hindi kita iniimbita."
He lazily let out a deep breath, na para bang ayaw na niyang magsayang ng energy para makipagbardahan pa sa akin. "Birthday ng best friend ko," aniyang in-emphasize pa ang bawat kataga. "Natural lang na dapat ay nando'n ako."
"Then may I remind you? Pinsan ko 'to."
"Pakialam ko?"
"Ayan na naman kayo, eh," problemadong sabad ni Xandie. "Ba't ba hindi kayo mapakali kung hindi kayo nag-aaway?"
"Pagsabihan mo 'yang best friend mo, Xandie," gatong ko pa.
"Ayaw akong pakainin ng pinsan mo, Xandie," hindi makapaniwalang remind niya.
"Kung gusto mong sumama at kumain, huwag mo nang awayin, Keeno."
Nanlaki ang mga mata niya nang sa halip na kampihan siya, siya pa ang napagsabihan.
I smiled triumphantly pagkasukbit ko sa braso ni Xandie. Inaya ko na agad itong umalis at pagkahakbang namin, humabol ako ng lingon kay Keeno para belatan siya. "Serves you right, buwisit!" walang boses kong pang-aasar.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top