Prologue
Notice: This is a work of fiction. Names, places, characters, and event are just product of my imagination. I'm not the best author to write the best story. Expect some errors and wrong grammars in this story. Hope you all like it!
-----------------------------------------------------------------
Third Person POV
Masayang nagbakasyon ang pamilya Louise sa pribadong isla. May isa silang anak na lalaki. Sobrang kulit nito pero minsan masungit at seryoso.
Napag isipan ng pamilya Luoise na magbakasyon dahil ito ang gusto ng kaisa isa nilang anak.
Spoiled kasi ang kanilang anak kaya lahat ng gusto nito, binibigay nila. Minsan kasi wala na silang oras dito, sa sobrang kabisihan sa kanilang trabaho.
Iniwan nila ang kanilang anak sa kanilang kasambahay at driver sa gilid ng dagat.
Naglakad lakad silang mag asawa sa gilid ng dalampasigan. Masaya sila dahil sa pagkakataon na nakapagbonding silang pamilya.
Minsan, wala na din silang oeras para sa isa't isa kaya hindi na nadagdagan ang kanilang anak.
Laging kinukulit ng anak nila na gumawa ng kapatid pero kahit anong gawin nila, walang nabubuo.
Laging umiiyak ang anak nila, ngunit wala silang magagawa. Minsan nagtatampo na din ang kanilang anak dahil wala daw itong kalaro.
Nagsasawa na din kasi ito na laging matatanda ang kalaro nya. Laging mga kasambahay o di kaya ay driver.
Meron din naman syang pinsan pero ang iba nasa ibang bansa, yung sa ibang lugar dito sa Pilipinas.
Habang naglalaro ang bata, pinapanood lang naman ito ng kanilang kasambahay at driver. Tumayo ang medyo may katandaan ng lalaki--ang kanilang driver. Mag asawa ang kasambahay na ito at ang driver. Naglakad lakad ang lalaki sa dalampasigan.
Nang makalayo ito sa kanyang asawa at alaga. Napag isip isip nyang bumalik, ngunit napatigil sya sa paglalakad ng makarinig sya ng iyak ng bata.
Sa una natakot sya, pero hinanap din nya ito dahil hindi na tumigil sa pag iyak. Pagkalapit nya sa may bato, may nakita syang batang sanggol.
Agad na nilapitan nya ito, naawa sya ng makitang may mga lumot sa damit ng bata. Basang basa din ito, nanginginig sa lamig ang bata dahil basa ang kanyang damit.
Agad nyang binuhat ang bata at dinala sa kanyang asawa. Pagbalik nya sa kinaroroonan ng kaniyang asawa. Bumalik na ang kanyang amo.
"ano po yan manong?" tanong ni Catherine Louise, ang ilaw ng tahanan ng Louise family.
"bata anak..... Halina kayo dalhin natin sa loob ng bahay" sabi ng driver. Agad naman nila itong sinunod.
Matagal na silang nagtatrabaho sa mga Luoise kayat parang pamilya na ang turing nila sa isat isa.
~~~
"manong" pumasok si Catherine sa kwarto ng mag asawa
"oh hija bakit?" tanong ng matanda habang kalong kalong ang sanggol
"manong pwede ko bang syang buhatin?" tanong ni Catherine. Kaya binigay naman ito ng matandang lalaki. "manong, pwede bang kami nalang ang mag alaga sa bata?" tanong nya pa.
Nagkatinginan naman ang mag asawa dahil don "matagal na po kasing hinihiling ni Gaby na magkaroon ng kapatid" dagdag pa nya. Naintindihan naman ito ng mag asawa kaya't pinaubaya nila ito.
Minsan kasi inaaway na ni Gaby--anak ni Nick at Catherine ang mga kasambahay na kalaro nya. Nagsasawa na daw kasi ito sa kanila.
~~~
Habang nasa kwarto ang mag asawang Louise. Pinagmasdan nila ang sanggol na bata.
"napaka ganda nya" bulong ni Nick
"hmm... Ano kaya ang ipapangalan natin sa kanya?" tanong sa kanya ni Catherine "maynakita akong letter S sa damit nya nung matagpuan sya ni manong" dagdag pa nya
Habang nag iisip silang mag asawa, narinig nilang bumukas ang pinto kaya nilingon nila yon. Nakangiting pumasok ang batang lalaking anak nila.
"mom, dad. Is that my sister?" tanong nya. Napangiti ang mag asawa at tumango "what her name?" tanong nya pa
"hindi pa nga namin alam baby" sabi ni Nick
"ahhh ahhh. I want her name to be Samantha! mom dad" masiglang sabi ng anak nila.
"sure baby, if that's what you want" sabi ni Catherine saka ngumit.
Nang araw nayon, hindi na muling nagreklamo ang bata. Lagi nyang binabantayan, hinahalikan, niyayakap ang sanggol.
Simula din ng araw na yon, tinuring na nilang isang tunay na kapamilya nila ang bata. Hanggang sa dumating ang batang iyon sa buhay nila. Mas naging masaya sila, ang dating Gaby na laging nang aaway ng maids at laging nakabusangot. Ngayon palangiti na at masayahing bata.
Yun lang pala ang hinihintay ng anak nila, kaya pala ganon nalang ang pinagbago nya at dahil yon kay Samantha.
Thanks for reading^_^
Love lots❤❤❤
-xkimminyx-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top