Chapter 8
Sam's POV
Natapos ang klase namin umuwi agad ako sa bahay. Sobrang napagod akong nakikinig sa mga lessons kanina. Tapos nag quiz pa kami, eh wala pa naman kaming masyadong nile-lesson. Dalawang subject lang naman ang ni-quiz namin. And sa kasamaang palad yung first class na math! Naging last class pa. Buti sana kung hindi palaging nagpaparecite. Late kaming umiwi kanina! Dahil nga hindi nakasagot yung isa kong kaklase! Ang nakakainis pa! Pag hindi nya talaga na solve yun hindi talaga nya kami pauuwiin! Buset na titser yun kung sya kaya di ko pauwiin. Tssk
'I'm sorry'
'I'm sorry'
'I'm sorry'
'I'm sorry'
Nagpaulit ulit sa tenga ko yung narinig ko kanina. Nagulat talaga ako dun! Hindi ko inaasahan na magsosorry sya saken. At napaka sincere ng pagkakasabi nya.
* F L A S H B A C K! *
Umalis na si miss Swing. Natatawa ako sa apelyido nya.haha. Sa dinami dami kasi ng apelyido bakit Swing pa?haha. Naaalala ko nung bata ako lagi akong sumasakay ng 'Swing' at si kuya naman lagi ang taga tulak ko. Napangiti ako, pinipigilan ko lang ang tawa ko. Alangan namang tumawa ako, baka sabihin pa nilang abnoy ako. Tatawa tawa mag isa.haha
"hey" napatingin ako sa lalaking pumunta sa harapan ko. Pamilyar yung boses na yun. Nagsimula nanamang kumulo ang dugo ko. Si Kyrous. Tinignan ko sya at nakayuko syang nakatingin sakin. Inabot nya sakin yung phone ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis kasi, sakto sanang kukunin ko na ng ilayo nya ulit yung phone ko!
"nang aasar ka ba?! Kanina ka pa ah!" sigaw ko sa kanya. Pero tatawa tawa parin ang loko
"what's funny?!" inis na tanong ko
"nothing" sagot naman nya at pinalobo pa yung bunganga nya para lang mapigilan yun tawa nya
"ibabalik ko lang to, just say 'please'" nakangising sabi nya. Ramdam kong nagsalubong yung kilay ko!
"kung ayaw mong ibigay!" sigaw ko "sayo nalang!" dagdag ko pa saka ako naglakad palabas ng room.
"Sam!" rinig sigaw ni Clyde pero hindi ko pinansin yun at nagdere-dretso lang sa paglalakad. Pumunta ako sa garden.
'mukhang ito na ang magiging tambayan ko ah?'
Lagi nalang pag mainit ang ulo ko dito ako pumupunta. Mas maganda ng dito at least may mga halamang nagpapagaan ng loob ko. At dahil nadin sa sariwang hangin. Buti nalang at vacant namin sa susunod kaya, dito muna ako, para hindi makita yung buset na yun. Wala bang araw na hindi nya ako guluhin? Nakakabwiset ang king ina.
"hey"gulat akong napatingin sa side ko at nandun nanaman ang king ina!
"ano nanaman ba?!" sigaw ko. Hindi ko parin maiwasang hindi mapasigaw pag sya ang kausap ko. Kung pwede lang sanang manapak ng kahit sino baka nasapak ko na to. "hindi mo ba ako titigilan?ano bang problema mo sakin?" tanong ko. Pero parang walang emosyon yung mukha nyang nakatingin sakin. Hindi nya ako kinibo. "kung pumunta ka ulit dito para asarin ako, umalis kana. Dahil makita ko lang yang mukha mo, napipikon na ako!" dagdag ko pa pero hindi parin sya sumagot!
Mukha akong tanga dito kakasigaw sa kanya tapos sya nakatingin lang sakin? Pwede na bang manapak? Sabihin nyo lang, sasapakin ko talaga to! Nakakainsulto kasi yung ano ano na sinasabi mo tapos dedma lang sa kanya. Yung para bang wala syang narinig. Hindi man lang sumagot! Buti kung pipi,ok pa sana yun pero hindi naman! Mapipi ka sana! Buset ka!
"tss, nice salita ako ng salita dito tapos wala ka man lang sasabihin?!" di makapaniwalang tanong ko.
"you're too loud, hindi ba pwedeng hinaan yung boses mo!" mahinang sigaw nya sakin. Buti naman at nagsalita na. Hihilingin ko talaga na mapipi nalang to kung di pa sya sumagot.
"ano ba kasing ginagawa mo dito?!" inis paring sigaw ko "nananahimik ako,ok?! So 'please' lang layuan mo na ako,kung talagang gusto mo lang akong mapikon, then ok ikaw na panalo. Kasi lahat ng ginagawa mo napipikon ako. Kaya naman ngayong alam mo ng napipikon na ako, siguro naman titigilan mo na ako, nakakaaasar lang eh" sabi saka ako tumayo.
Lalagpasan na sana sya nung hawakan nya yung braso ko. Nagulat akong napatingin sa kanya. Seryoso parin yung mukha nya!
"ano nanaman?! Nakiusap na nga ako diba?! Sinabi ko na yung gusto mong marinig?right?kaya pwede ba? 'please' layuan mo ako" madiing sabi ko pa. Hinila ko yung braso kong hawak nya at saka naglakad.
"I'm sorry" natigilan ako sa sinabi nya. Hindi ako tumingin sa kanya at nanatili akong nakatalikod. "I'm sorry" pag uulit nya. Ramdam na ramdam mo yung sinseridad sa kanya kahit hindi kapa nakatingin sa kanya. Ramdam na ramdam mo yun dahil sa pananalita nya. Nasanay ako sa natatawa nyang pagsalita, nang aasar, seryoso,nampipikon. Pero iba talaga to. Totoong totoo to.
* E N D O F F L A S H B A C K *
Hmm. I didn't expect that. After a minute hindi ko namalayang nakatulog pala ako.
"Samy..." malambing sa sabi ni mom. Alam kong si mom yun, kasi boses palang nya alam ko na. "Samy, wake up baby" sabi pa nya habang hinahaplos yung pisngi ko.
Laging ginagawa to sakin ni mom basta nakakatulog ako, antukin kasi ako. I miss her doing this. Ilang taon kong hindi ginanto ni mom. I miss everything here. Sana pala hindi na ako pumayag na mag aral don, mas gustuhin ko pa sanag dito nalang ako nag aral, pero alam kong para din naman yun sakin. Alam kong ayaw lang nila akong masaktan kaya nilayo nalang nila ako.
"Samy" sabi nya saka nya hinalikan ang noo ko. "wake up baby,magdidinner na tayo" malambing nyang sabi kaya napangiti ako. I miss this, so much. Napangiti naman sya nung makita nyang nakangiti ako. "take a shower first, pinagpawisan kapa naman kanina" dagdag nya, malumanay parin ang pagkakasabi.
"ok po, mauna na po kayo sa baba, susunod nalang po ako" nakangiting sagot ko naman
"ok we'll wait for you"
"opo" sagot ko, saka ako pumunta sa banyo at naligo.
'huh, lamiggggggg'
Pagkababa ko nadatnan ko sina mom,dad, at kuya. Hindi pa sila nag uumpisang kumain at halatang hinihintay nila ako. Nag uusap palang sila nung maramdaman nila ang presensya ko, tumingin silang lahat sakin pero naupo lang ako.
"how's your school?" bilang tanong ni dad habang kumakain kami. Hindi naman na ako nagulat kasi alam kong tatanungin nila yun. Late kasi silang umuwi kahapon, kaya hindi nila natanong.
"ok naman dad" nakangiting sagot ko
"wala naman bang nang aaway sayo?" tanong nya, natawa naman ako ng bahagya
"tss, alangan makipag away ako don. Wala pa akong kakampi" nakangising sagot ko. Tinaasan naman nya ako ng kilay.
"so...pagmeron kanang kakampi makikipag away kana?" sarkastikong tanong nya.
"of course..........not!" natatawang sagot ko
"sagutin moko ng maayos Sam, hindi ako nakikipagbiruan" seryosong usal nya. At napatahimik naman ako, napayuko at the same time. Nawala ang mga ngiti sa labi ko, hindi ko alam na seryoso pala sya! Kala ko nakikipagbiruan din eh.
"hindi naman kasi yun, syempre pag may kakampi na ako, may magliligtas na sakin, p-para hindi na lumaki kung sakaling may gulo diba? Kung sakaling kilala ng magiging kaibigan ko yun aaway o kaaway ko, edi mapagsasabihan nya, that's what I want to say dad" paliwanag ko, hindi naman na sya kumibo, at nagbuntong hininga nalang.
"oh how's your teachers?" pag iiba ni mom sa usapan "terror ba sila?" tanong nya
"hindi naman mom, yung iba lang" nakangiting sagot ko. Hindi ko na pinansin pa yung pagiging seryoso at ngumiti nalang ako "and one of them told me I'm beautiful" masayang sabi ko pa
"tch" dinig kong singhal ni kuya "naniwala ka naman?" nakangiwing tanong nya. Sinamaan ko naman sya ng tingin at natawa pa sya.
"ang sama mo!" mahinang sigaw ko sa kanya
"why?" natatawang sabi nya
"maganda naman talaga ako ah" nakangusong sabi ko
"spell ASA?" natatawa parin sya!at nakakapikon yun!
"ang sama mo talaga. Ikaw kaya, ang pangit mo!" inis na sigaw ko sa kanya
"hey, wala naman akong sinasabing pangit ka ah" nanlalaki ang mata nyang sabi sakin
"pero ganun ang dating sakin nun!" natawa naman sya sa sinabi ko
"di inaamin mo rin na pangit ka...hahaha" tawa pa nya. Sinamaan ko pa sya lalo ng tingin.
Yung mukhang ulol na aso na sya dahil sa ngisi nya. Nakakatawa yung mukha nya. Bwahahahahaha. Ngumisi din ako pabalik sa kanya.
Pinagpatuloy ko yung pagkain ko, habang hindi maalis ang ngisi ko. Natatawa parin ako hanggang ngayon.
'hahahahahahahahahahahahahahhahahahhaha'
'isa pa, hahahahhahahahhahahahhahahahahhaha lol'
'may naisip ako,bwahahahahaha'
"pangit!" tawag ko kay kuya, pero parang hindi nya narinig kasi nag uusap si dad and mom hindi ko naman masyadong maintindihan kase about business yun. "pangit!" sigaw ko pa at napatingin si kuya sakin "bwahahahahhahahahahhahahhahhahahhahahahahhahahahhaha!" malakas na sigaw ko
"Sam?"nagtatakang tanong ni mom, hindi ko namalayang nakatingin na pala silang lahat sakin. Napatingin ako kay kuya at konti nalang at aapoy na ang mga mata nya sobrang sama ng tingin nya sakin, napangisi parin naman ako "why are you laughing?" nagtataka paring tanong nya.
"nothing mom" natatawang sabi ko pa.
Pagkatapos kong kumain tumayo ako at agad na tumakbo sa kwarto ko. Mahirap na baka kurutin ako ni kuya.
"Sam wag kang tumakbo katatapos mo lang kumain!" sigaw ni mom, pero wala na syang nagawa dahil nakalayo na ako sa kanila.
Pagkatapos naming kumain hindi na ako bumaba. Dahil baka makasalubong ko lang si kuya at kurutin nya ako. Ang hilig pa namang mangurot yun.
Hindi pa naman ako inaantok kaya naman naglaro muna ako. Lagi kong ginagawa to. Pag hindi pa ako inaantok naglalaro or nagbabasa lang ako. Minsan naiiwan kong nakabukas ang ilaw dahil hindi namamalayang nakatulog pala ako.
While I'm updating may nagpop sa phone ko. And nung tignan ko yun, may nagfollow sakin. Ito kasing nilalaro ko online game. It's ML o mas kilalang Mobile Legend. Natutunan ko to sa mga pinsan ko. Nakikita ko silang nagkukumpol kumpol, lalo na yung mga pinsan kong lalake. Nainggit ako kaya, yun I download it. Sa una lagi akong napapatay dahil hindi ko pa naman alam ang ginagawa ko, hanggang sa matuto rin ako at naglelevel up naman. Minsan binubuhat lang ako ng mga kasama ko, yun bang, lagi silang nakakapatay tas, sila yung laging umaalalay sayo. Sila yung mga malalakas.
Then, I open my chat box at hindi ko inaasahan na may nagchat sakin.
'KingClay'
I visit his profile.
'hmm,master 1. 3 star'
Mas mataas sya sakin. Master 1 din ako pero 1 star palang.
*KingClay*
'follow back'
Yun ang nakalagay sa ni-message nya sakin. Sya yung nagfollow. So yun. I follow him back. Hindi ko alam kung totoong lalaki ba sya? Or what? I just saw it,from his profile. Basta nakalagay is lalaki. Makikita mo naman dun kung lalaki or babae, pero meron din naman yung hindi naglalagay. Walang nakalagay na picture. Yung hero lang yung picture nya. Ako is picture ni Panda! Kaya hindi ko kilala.
'KingClay invite you to join in Rank game'
Biglang nagpop sa gilid ng phone ko, hindi pa naman ako nagsisimulang maglaro, I'm still updating. Para mas lalong lumakas, pero wala ding silbi yung lakas mo pag malakas yung kalaban mo. Haha.
May lumitaw na red ulit sa chatbox ko, means may nagchat.
*KingClay*
'accept it'
Galing ulit sa kanya.>_<
*reply*
'ok'
I accept it. Naglo-load na. Medyo natagalan pa sakin, naglolog! Mobile data lang kasi ang gamit ko. Ayoko kong magconnect. Baka pinatay nadin nila yung net. Kaya tiis tiis muna sa data.
Nagsimula na kami maglaro. I always go to the mid lane. Lakad ako ng lakad.
'First Blood' *KingClay*
Edi sya na magaling. Si KingClay ang unang nakapatay. Inagaw nya sakin yung dapat ako ang pumatay. Konti nalang eh. I use Miya as my hero. Sya yung lagi kong ginagamit. Medyo kabisado ko na rin sya. Gumagamit din naman ako ng iba, sa costom ngalang. Madalang ko lang gamitin yung ibang mga hero. Actually may 20 hero na ako. Naubos yung perang naipon ko dahil don.
'nice one'
Nakapatay ako ng dalawa. I saw him go at the bottom lane. At nasa middle lane naman ako....He use Alucard as his hero..I use Alucard also pero madalang lang. Miya or Balmond palang ang kabisado ko. Haha. Hindi naman kasi ako masyadong naglalaro, pag nabobore lang ako.
'you have been slay
Shacksssz! Namatay ako. Hindi ko nakitang dalawa pala sila don!King ina lang!
I've 5 kills,1 death, 7 assist. Hindi pa tapos ang laban.
'request back-up' *KingClay*
'initiate retreat' *JhonK*
Bumalik ako sa tore namin. Meron pa kaming limang toreng hindi pa napapatumba ng kalaban. Meron naman silang dalawa pang natitira.
'attack' *Kev05*
Wala nang naiwan para magbantay sa tore namin. Lahat kami ay sumugod na. I've already 11 kills, 2 deaths, and 9 assist. Hehez. Nagpatuloy ang laban. Lumalaban padin naman sila. Pinanood kong lumaban si KingClay and he did a great job. Ang galing nya pero mas magaling padin ako. Bwahahahaha. He has 10 kills, 1 death , and 10 assist.
Almost thereeeeeeee............
'V I C T O R Y!!!!!'
We won!!! And of course. Im the MVP
*KingClay*
'nice game, congrats YourQueen'
*reply*
'congrats also,you did also a great job^o^'
*KingClay*
'next game?'
*reply*
'when?'
*KingClay*
'now'
'ambilis naman nitong magreply'
Hindi ko namalayang napangiti pala ako, eto yung gusto ko. Yung mangyaya sakin ,at hindi yung ako pa ang nagyayaya.
*KingClay*
'1v1?'
*reply*
'sure...pero bukas nalang siguro'
*KingClay*
'why?'
*reply*
'I have to sleep early and I have class tomorrow'
*KingClay*
'you have class? Or natatakot ka lang?'
Hindi ko man sya nakikita pero alam kong nangisi to ngayon. Hindi ko man alam yung mukha nya, alam ko na yun. A gamer is a gamer. Isa lang ang takbo ng utak, ang maipanalo ang game. Para na rin makapagyabang sa mga kaibigan.
*reply*
'ba't naman ako matatakot sayo?MVP here'
Pagmamayabang ko. Haha. Minsan lang ako magyabang. Magyayabang ako dito dahil hindi ko naman kilala, mabuti san kung kilala ko. Hindi ko kayang magyabang kung kilala ko o nakakasalamuha ko. Mahihiya lang ako. Haha
*KingClay*
'ba't ayaw mong makilaban kung ganon?'
*reply*
'may klase pa ako bukas at ayokong malate'
*KingClay*
'ok. I'll wait for you'
*reply*
'wala kabang pasok?'
*KingClay*
'meron. Pero alam ko ang oras ko,tss'
'so sinasabi mong hindi ko alam ang oras ko? At antukin ako?......but......you're right hahaha. Antukin nga ako'
Natawa ako sa iniisip ko.Gawd. Alam agad nya. Hindi naman ako laging nagpupuyat, masarap lang talagang matulog, lalong lalo na pag malamig. Hehekz.
Hindi ko na sinagot at natulog na ako. Inaantok narin naman ako. If ever man na hindi pa ako inaantok, surely na makikipag 1v1 ako sa kanya. Napanood ko na sya kanina eh. And according to his performance, magalaing naman sya. But still hindi ako natatakot.
Manalo, matalo ka man sa laban. At least sinubukan mo syang kalabanin. Hindi yung sumuko ka agad. Give it a try, hindi mo naman alam kung mananalo ka or matatalo diba?
Thanks for reading^_^
Love lots❤❤❤
-xkimminyx-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top