Chapter 7

Sam's POV

Goodmorning beautiful! Second day of school ngayon. At hinihiling kong hindi ko na makikita yung lalaking yun kahit kailan.


"Samy?hindi ka paba nakaligo?pupunta na yung kuya mo kasi susunduin pa daw nya yung girlfriend nya" nagulat ako sa sinabi ni mom, at agad na napabalikwas ako.

"girlfriend?!" hindi makapaniwalang tanong ko. "I thought hindi pa sya sinagot?" dagdag na tanong ko pa.

"kakasagot lang daw kaya, nagpapakaboyfriend. How sweet" sabi ni mom na animoy kinikilig. "right baby?" tanong nya pa.

"sweet nga, pero hindi man lang ako inantay para sana ipakilala na nya sakin, tss" nakangusong sabi ko.

"kase naman, ambagal mong magpalit and gumising...alam mo namna ang kuya mo,walang pasensya sa pahihintay" sabi naman ni mom

Minsan talaga naiisip ko buti, may pasensya syang naghintay, at nanligaw? Sa pagkakaalam ko 5 months na nyang nililiwagan yun. Buti nakapaghintay sya?hahaha. Tsk tsk tsk. Ni hindi nya man lang sinabi kung ano pangalan, taga saan. Pag tinatanong puro basta ang sagot nya,

'basta makikita nyo rin'

'basta mame-meet nyo rin'

'basta makikilala nyo rin'

Ganyan, ganyan lagi ang sagot nya samin. Ayaw nya pa daw ipakilala dahil gusto nya pagpinakilala na nya, girlfriend na daw nya.


*S••••C••••H••••O••••O••••L*

Naglalakad ako ngayon papunta sa room namin. Actually kahapon in- announce nila na sa isang room nalang daw kami mags-stay. Hindi na daw kami papalit palit ng room, thankful naman akpolo kase nakakapagod mag akyat-baba sa hagdan buti sana kung may elevator, kaso wala! And isa pa yung una daw na naging classmate ko yun na daw yung permanent na parang section na. So may section na kami. Section B. We're not that smart but other teachers considered us in Section A na pareho daw kaming magagaling.

Saktong iaangat ko na sana yung paa ko sa hagdan ng may humarang sa dadaanan ko. Hindi ko na tinignan kung sino pa ito. Ako na ang nagpaubaya kaya naman, pumunta ako sa kabilang side para makadaan pero sumunod naman sya sakin.

'hindi naman siguro sinasadya,nagkataon lang siguro na sya na ang mag gigive way'

Nung muli akong pumunta sa kabilang side, sumunod naman sya, malumanay ko parin syang tinignan.

'watdapak!'

Natatawa yung mukha nyang nakatingin sakin. Hindi ko na yun pinansin at maglalakad na sana ako nung harangan nya ulit yung dinadaan ko.

"ano ba?!" sigaw ko

"easy" natatawa nyang sagot

"'excuse me!hindi mo naman na siguro pag aari tong hagdan no? Kaya pwede ba? Chupi!" saka ko isinenyas yun kamay kong umalis sya. Pero hindi parin sya umalis.

'umagang umaga nasira nanaman ang araw ko, nakakabwiset talaga tong lalaking to'

Nakangiting nakatingin sya sakin.

'mukhang ulol na aso lang'

"say 'please' first at padadaanin na kita" nakangiting sabi nya parin.

"excuse me?!"hindi makapaniwalang tanong ko "sorry pero wala sa vocabulary ko yan" nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya. At natawa naman sya sa sinabi ko.

"mula ngayon sanayin mo na ang bibig mong magsalita ng 'please' dahil wala ka ng magagawa, hindi kita padadaanin dito" sabi nya, natatawa pa din.

'ano bang nakakatawa?may dumi ba sa mukha ko?shackss'

Ngumisi ako sa kanya. Patakbo akong pumunta sa side para makadaan nakatatlong palapag palang ako, hinila na nya yung bag ko! Porket matangkad ginaganyan ganyan mo na ako ah. Humanda ka, pag ako talaga napikon. Say goodbye to Earth.

Natatawa talaga sya at hindi ko napigilan ang sarili kong palihim na natawa, dahil sa ginagawa nya kundi sa mukha nya! Mukha syang ulol na asong nangiting nakatingin sakin. Megawd!

"baka kagatin mo ko nyan?" mapang asar na tanong ko. Mukhang hindi nya naman nakuha yung joke ko dahil nagtaka yung mukha nya "mukha kang aso alam mo ba yon?" natatawang tanong ko at buong pwersang hinila yung bag kong hawak nya. At nung nagawa ko yon mabilis akong tumakbo palayo sa kanya, mukhang hindi namna nya inaasahan na gagawin ko yun kaya hindi na nya ako nahuli pa. Nung makita kong hindi na sya sumunod, naglakad nalang ako. Hingal na hingal padin ako dahil sa pagtakbo ko kanina. Tinuon ko yung dalawang kamay ko sa tuhod ko dahil napagod talaga ako don.

'buset na yun, ginawa pa akong runner para lang makalagpas sa kanya. Isa pa talaga,makikita mo"

Nakarating na ako sa room at wala pa si Clyde. Wala pa yung mga kaklase kong iba nasa 9 palang kami ngayon, kilala ko naman na yung iba kasi sa ibang subject classmate ko rin sila and nagpakilala kami sa iabng subjects. May bago kasing mga teachers. I was about to message Clyde pero may umagaw ng cellphone ko. At sa kamalas malasang Earth sya nanaman. Kyrous!!!!!!

"ano ba akin na nga yan!" sigaw ko sa kanya habang inaabot yung kamay nya, tinataas nya kasi yung kamay nya kung saan nandon yung cellphone ko! Paulit ulit akong nagtatalon talon para lang maabot yon pero sa tangkad nya mahihirapan talaga akong kunin yon.

"ngayon, sabihin mo na yung 'please', if you want me to give your phone back" nakangising sabi nya.

"tss,ano bang problema mo sakin?" napipikong tanong ko, natawa naman sya

"wala naman"

"then why are doing this?" tanong ko pa

"nothing, gusto ko lang talagang asarin ka" natatawang sabi nya! Ramdam na ramdam ko naman ang pagsasalubong ng kilay ko.

"and you think? Natutuwa ako sa pinaggagawa mo?" hindi makapaniwalang tanong ko

"wala akong pakealam kung natutuwa ka or hindi basta ako natutuwa, tuwang tuwa" sarkastikong sabi nya "gusto ko lang, makitang napipikon ka" dagdag nya pa

"well,congrats!" sigaw ko sa mismong mukha nya dahil sa sobrang napipikon na talaga ako. "you did a great job!" sarkastiko pang dagdag ko.

Umalis ako don ng hindi ko nakuha yung phone ko, hindi ko na din kasi naisip na nasa sakanya pa pala yung phone ko. Dahil narin sa sobrang inis ko.

'ano bang problema nung taong yun?wala naman akong ginawang masama'

Pumunta muna ako sa may garden. At nagpapasalamat naman ako dahil walang tao don. Pansin ko lang wala masyadong taong nagpupunta dito, mas maraming tao sa field kahit napakainit.

Nagsimula na ang klase pero hindOK padin ako bumalik sa classroom, nababadtrip parin ako hanggang ngayon. Parang ayoko ng pumasok kasi nandun yung bwisit na lalaking yun! At ang masama pa, kaklase ko sya sa lahat ng subject, makakasalamuha ko sya sa lahat ng subject! Bakit pa kasi nila pinalitan?tssk.

Wala naman sigurong madaming nile-lesson kasi second day palang ng pasukan. At nawalan na din ako ng ganang makinig. At baka hindi din ako makakapagfocus kasi nandun yung bwisit talagang lalaking yun. Maiisip ko palang na magkakasama kami sa iisang room. Kumukulo na ang dugo ko, makita ko lang sya.

Hinintay kong magtime para sa susunod na klase. Ilang minutes pa bago magsimula. Kaya naman bumalik nako, binagalan ko yung lakad ko para saktong dadating ako dun time na. Habang naglalakad ako, inaaliw ko yung sarili ko sa mga nakikita ko. Para naman kahit konti mabawasan yung inis ko at makalimutan yung ginawa nya.

Tsaka wala akong balak na kunin yung cellphone ko, sa kanya nalang yun kung gusto nya, kahit mukhang mayaman naman. Ayoko ng makipagpikunan pa dahil ako din naman ang talo, madali akong mapikon sa totoo lang. Lalo na kapag pinagkakaisahan nila ako. Yun ang pinakayaw ko. Yung wala man lang kumakampi sakin, at lalong lalo pag silang lahat pinipikon ako. I hate it.

Nakarating ako sa class ng wala na nga yung teacher, napatingin sakin si Clyde ng gulat saka sya mabilis na lumapit sakin.

"san ka galing? May class tayo kanina ah?" tanong nya

"nagpalamig lang" pagsisinungaling ko. Nanlalaki naman yung mata nyang tumingin sakin.

"nagpalamig lang? Kailangan pa talagang um-absent?!" hindi makapaniwalang sabi nya "bakit nga?" pangungulit nya pa

"nabadtrip ako kay K-Kyrous eh" sagot ko. Nagtaka naman syang tumingin sakin

"bakit?ano bang ginawa nya para mabadtrip ka?" tanong nya pa

"kinuha lang naman nya yung cellphone ko" ramdam ko parin yung pagsasalubong ng kilay ko

"tss,kinuha lang nabadtrip kana?" di makapaniwalang tanong nya "at kailangan mo pa talagang mag absent?ha!" dagdag nya pa "pwede mo namang pakiusapan diba?" sabi poa nya

"ilang ulit akong nakiusap pero hindi padin nya binigay" walang ganang sagot ko

"tss, hindi pa din talaga nagbabago yung isang yun" napapailing na saboh nya, nagtaka naman akong tumingin sa kanya "basta kapag gusto ka nyang asarin, walang makakapigil sa kanya. Pero parang, hindi parin sya natutuwa sa mga ginagawa nya" sabi nya at nanlalaki naman ang mata ko.

"anong hindi natutuwa?!" gulat na tanong ko "tssk, tuwang tuwa nga nung kunuha nya yung phone ko" nakangising dagdag ko pa.

"talaga?" di makapaniwalang tanong nya "dati kasi, pagnang aasar sya,yun na yun. Nang aasar lang. Ni hindi nya nga pagtawanan. Once na napikon kana, ngingisi lang yun pero hindi tatawa. At hindi na nya ulit gagawin yon kasi ibang tao naman ang aasarin nya,hanggang sa mapikon, hanggang sa maghahanap ulit ng iba. Ganun ang ugali nya" pagkwekwento nya


"pero bakit sakin ilang ulit na nya akong inasar? Napipikon din naman ako ah?" tanong ko, pero hindi nya ako sinagot nanatili lang syang nakikinig sakin "yun nga lang hindi ko pinapakitang pikon na pikon na talaga ako" nakangiwing dagdag ko


"yun na nga eh, pag nakita nyang hindi ka napipikon gagawa at gagawa sya ng mga bagay na talagang ikapipikon mo, mapikon ka lang, dapat ipakita mong napipikon kana talaga para tigilan ka na nya"


"pinakita ko na nga eh" namamaktol na sabi ko "hindi ko na nga sa pinansin dahil napipikon na ako, umalis pa nga ako diba? Hindi din ako um-attend sa class. Kasi alam kong makikita ko din sya at pagnakikita ko sya mas lalao akong napipikon. Nilayasan ko na nga sya,tsk" naiinis na sabi ko

"hahaha"tawa nya naman "hayaan mo na ganyan talaga yan, yun lang naman ang magpapasaya sa kanya eh" sabi nya pa at natigilan naman ako

'ano ibig nyang sabihin? Na yun lang ang magpapasaya sa kanya?ehhh ano bang pakealam ko diba?tsk'

"a-anong ibig mong s-sabihin------"


"good morning" basta nalang pumasok yung teacher namin. Hindi ko pa sya kilala kasi hindi ko sa naging teacher nung dating sched.


Mataray ang mukha nya,yung para bang isang tingin nya lang mapapasindak kana? Ganun yon! Ramdam mo din ang autoridad sa pananalita nya. 'Good morning' palang yun pero parang sinasabi na nya igalang nyo ako, respetuhin nyo ako. Ganun! Medyo may katandaan na. Siguro nasa 50 plus na sya. Pero yung mga datingan nya mukhang teenager, pero bagay naman sa kanya, actually, maganda sya. Siguro napakaganda nya nung dalaga dahil makikita mo naman na hanggang ngayon ay hindi pa din kumukupas.


"ggggooooddddd mmmooorrrnnniiinngg missss!" malakas na bati ng mga kaklase ko, sumunod naman ako pero mahina lang.

"is that how you greet your teacher?" dire-diretsong tanong nya habang nakataas pa ng bahagya ang mga kilay nya! Napatungo ang lahat,syempre pati ako. Mahirap na baka mapansin ako.

"is that how you greet your teacher?!" pag uulit nya.


"nooo miss" napapahiyang sagot namin!

"then greet properly!" sigaw nya


"goood morning miss" mabilis naming sagot habang nakayuko parin

"chin up!"sigaw pa nya

"g-good morning miss" sabi pa namin ng nakatingin na sa kanya.

"sittdaawwwnnn!" madiing sabi nya. Seryoso parin yung mukha nya. Hindi yun nagbago! "ok" pag uumpisa nya "sa mga hindi pa nakakakilala sakin. I'm Katrina Swing" pagpapakilala nya. "magtanong lang kayo kung ano ang gusto nyong malaman sakin" malumanay na sabi nya pa.

Pero... ni ISA walang nagtanong. Lahat kami ay natatakot sa tono ng pananalita nya. Nakayuko kaming lahat.

"all of you!" biglang sigaw nya. Nagtataka naman kaming tinignan sya. At the same time natatakot kami. "introduce yourself!" sigaw nya pa kaya napabuga nalang ako ng hangin!

'huhhhhh,kala ko kung ano na!'

"good morning miss I'm Angelica Corpuz" sabi nung babaeng nasa una

"I'm Joshua Lim"

"I'm Joyce Lavin"

"I'm Mark Cruz"

"I'm Jian Rein Medina"

Sunod sunod lang ang pagpapakilala. Masabi lang yung pangalan uupo agad, dahil natatakot silang baka may kasunod pang tanong.

"I'm Clyde De Leon" confident nyang sabi. Tumungo ako kasi malapit na ako

"I'm Kyrous Callily Axton"  Napatingin ako sa nagsalita,tss. Hindi ko napansing nandito na pala sila bago pa dumating si miss. Pasulpot sulpot talaga

"I'm Jaden Balera miss" nakangiting pakilala ni Jaden

"Im Francis Morrison"

Nung ako na tumayo lang ako ng hindi pinapahalatang natatakot ako!

"Good morning miss. I'm Samantha Faye Louise" mabilisang sabi ko. Nagulat ako kasi bigla syang ngumiti sakin. Uupo na sana ako ng......

"wait" nagulat ako kasi pinigilan pa nya akong umupo. Nakangiti parin sya sakin! "Your so beautiful" nasabi nya nalang at mas ikinagulat ko yun. Tumungo ako dahil sa hiya!

"t-thank you m-miss" ngiting sabi ko nalang.

Napatingin ako sa lalaking tumayo at sya yung cute na guy. Hindi padin sya umiimik kasi nakatingin parin si miss sakin. Kaya hindi pa sya nagsasalita!

'ano bang problema ni miss sakin?may dumi ba sa mukha ko?tongeng sasabihan naman ba ako ng maganda pag marumi yjng mukha ko?boplaks!pero ang ganda ko daw,yiehhhhh'

"ehem" pekeng ubo nung cute guy,napatingin naman sa ka ya din miss. Pero wala man lang emosyon yung mukha nya. But still, ang cute nya!

"uhm. Proceed" saka nya sinenyasan

"I'm Alrey Antonio" sabi nya saka umupo

'hmm,Alrey Antonio. Nice name huh? And it fits to him. Ang cute din ng pangalan'

Pagkatapos magpakilala, wala ng nagatanong. Hindi nadin nagtanong si miss kaya...

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS




Thanks for reading^_^

Love lots❤❤❤

-xkimminyx-





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top