Chapter 5
Sam's POV
After naming kumain bumalik na ako sa room kung saan don yung next class ko. Hindi pa sumunod si Clyde kasi nag aalboroto daw yung tiyan nya.
'antakaw naman kase'
While waiting for the next teacher kumuha muna ako ng paper and ballpen. I draw what am I thinking. Isang babae na kung saan tinitignan nya yung papalayong lalake. I can draw, actually I consider my self as an artist. I have a lot of sketch in my room. Yung isang sketch pad ko ay ni isa wala pang nakakakita non maliban sakin. Hindi ko yun nilalabas. Nakalock yung kabinet kung san ko yun nilagay.
Kaya ayaw kong ipakita sa kanila kasi don ko dinodraw yung mukha nung mga naging crush ko. Pag naging crush ko ang isang tao lagi ko syang naiisip kaya naman dino drawing ko nalang para kahit makalimutan ko at least maalala ko din pag nakita ko yun.
Nagsimula akong magdrawing nung 5 years old palang ako. Mahilig talaga ako sa mga arts lalo na kapag makulay. Nung alam ko na talagang magdrawing, hindi naman na talagang perfect pero para sakin perfect yon. Gaya nga ng sabi ko kanina dino drawing ko yung mga naging crush ko. Nagsimula akong magdrawing sa sketch pad kong yun nung mag first year highschool ako. Then una kong drinowing yung una kong naging crush sa highschool, sa una medyo nahihirapan pa naman ako pero ok naman na yung sa sumunod. Every month ata ako nagpapalit palit ng crush kaya marami na akong nagdrawing. Minsan pag tinitignan ko yung mga yon natatawa ako,tinatanong ko yung sarili ko 'naging crush ko ba talaga to?'. Hindi ako makapaniwala. Actually 2 pads na yon. Dinodrawing ko lang naman kasi yung kabesado ko yung mukha.
"ehem!" may pumekeng umubo sa harap ko
Tumambad sakin yung pinakamatangkad na lalaki kanina sa first class. Sya yung Kyrous diba? Sya nga. Walang emosyon yung mukha nyang nakatingin sakin. Diretsong nakatingin yung mga mata nya. Nilabanan ko yun pero kalaunan ako din ang umiwas, masyadong malalim yung mga mata nya, masyadong seryoso!
Inayos ko ang upo ko.
"who are you?" walang ganang tanong nya
"non of your business" nakangising sagot ko saka ako tumayo. Hindi ko alam na break pala. Kaya pala antagal ko ng naghihintay dito. Tsk
"Im asking you properly so you should answer me properly" walang emosyong sabi nya
"is that so?" nakangising tanong ko ulit,aakmang aalis na ako pero hinawakan nya yung braso ko
"wag kang bastos, I'm asking you" nakita kong seryoso talaga sya at medyo naiinis narin. Nahhh dont care!
"what's your question again?" tanong ko saka ko hinila yung braso kong hawak nya,nabitawan naman nya agad
"who are you?" diretsong tanong nyA
"why do you wanna know?" I asked back
"don't answer me with a question also" wala paring emosyong sabi nya.
"answer me first then I'll tell you my name" nakangising sagot ko.
'mapikon ka dali!!hehe'
Ni walang sabi sabing nilayasan nya ako!haha.
'level 1 complete! Napikon kaya umalis nice.hehehehe. Victory!!!!! Wala ako sa mood kaya pabalang akong sumagot sayo,pareho lang naman ata tayo diba?'
Hindi ko alam kung matatakot na ba ako or what? Parang wala lang naman sakin yun haha. Napikon nga eh.
Wait?! Bakit pala sya nandito? Kaklase ko ba ulit sya?
'what a wonderful world'
Naghintay ulit ako ng ilang minuto. Wala pa yung mga kaklase ko.tss. Tinignan ko yung oras. Matagal pa 30 minutes more. Hindi na ako lumabas. Wala pa din si Clyde. Nilabas na nya ata lahat ng kinain nya. Buti nalang at hindi ako kumain ng masyado. Actually Im on my diet kasi nga mataba na daw ako. Sabi ni mom sakin. So I need to diet.
"huh! Buti nalang tumahan na!" nagulat ako kasi biglang may nagsalita sa likod ko. Tumingin ako sa kanya, medyo pinagpapawisan pa. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mag aalala kasi medyo namumula na yung mukha nya.
'kain ka pa ng marami, marami akong pera dito'
"sobrang takaw mo kase" mahinang bulong ko pero narinig nya ata
"ano sabi mo?" tanong nya saka sya pumunta sa harapan ko. Sa likod sya ng pinto namin dumaan kasi mas malapit don ang hagdan abd don narin naman yung direction ng cr ng boys.
"wala, sa susunod kasi wag masyadong matakaw ah" nakangising paalala ko
"sabihin mo kase pag ayaw mong manlibre hindi yung napipilitan ka" biglang sabi nya
"ano connect don?" takang tanong ko
"kasi masama ata loob mo na nilibre ako kaya masama din kinalabasan" nakangusong sabi nya
"hoy! Walang kinalaman ang sama ng loob don!" sigaw ko
"oh di inaamin mo din na masama loob mo na nilibre ako?" tanong nya
"hindi! Baka napadami lang nakain mo kaya nagkaganyan yang tyan mo! Wag mo nga akong sisihin!"sigaw ko pa
"basta masama parin loob mo" sabi pa nya
"hindi nga! Bahala ka jan" saka ko sya tinalikuran
"uyy joke lang! Sa susunod ulit ah?" nakangiting tanong nya
"sige ba basta sana sasakit yang tiyan mo ulit" nakangising sagot ko
"ang sama nito" nakangusong tanong nya
"hahahahahahahahahahaha! Hahahahahahahaha!!" napatingin kami sa kung sino na akala mo sa kanya ang mundo para tumawa ng ganong kalakas. "hahahahaha-------" napahinto sya "opppss, sorry" paumanhin nya, tinakpan pa nya yung bibig nya. Yung tatlong lalaki kanina. Yung Jaden nanaman yung nag iingay.
Nang walang ano ano'y lumapit sya samin.
"Hi" nakangiting bati nya "I'm Jaden Balera and you are?" nakangiting inabot nya sakin yung kamay nya. Ngumiti ako pero hindi ko pa tinatanggap yung kamay nya.
"Samantha Louise" sagot ko saka ko naman inabot yung kamay nya
.
"Hi" ulit nya "transferri ka right?" tanong nya ngumisi naman ako
"what do you think?" nakangising tanong ko
"hahaha, why am I still asking if I already knew the answer?" parang tangang tanong nya sa sarili nya. Ngumisi pa naman ako lalo pero hindi ko pinahalata, parang normal lang na ngiti ang ginawa ko. "nice to meet you Sam" dagdag pa nya, bahagya namang lumaki ang mata ko! Alam agad nya yung nickname ko! I like that.
"nice to meet you too" nakangiti paring sagot ko
Tinignan ko yung mga kasama nya at parang walang pakealam yung isa, Francis. Yung isa naman nakatingin sakin pero walang emosyon yung mga mata nya.
"so san ka galing na school?" tanong nya "wait!" pagpipigil nya sakin "let me guess" nakangiting sabi nya. And that smile! Ang cute! Hinawakan nya yung baba nya at kunwaring nag iisip "I think sa Andrew's International School?" tanong nya habang nakangiti parin.
"nope"
"uhm sa Northern University" sagot sya
"nope"
"St. Catherine University" sabi nya habang nakaturo pa sakin na animoy siguradong sigurado sya sa sinabi nya. Napailing naman ako.
"nope, galing ako sa Malcolm University" sagot ko naman. Nagtaka naman yung mukha nya
"ah san yun?" tanong nya
"ah sa America" sagot ko naman nanlalaki naman yung mata nya
"wow! Wait--diba yun yung sikat na School sa America?" tanong nya pa!
"uh yeah?" pagsang ayon ko nalang
"wow cool!" sabi pa nya na bahagyang tumatawa.
Pagkatapos non dumating yung teacher namin. Wala na ring nag ingay kasi masungit yung teacher namin. Ayaw nya pa yung maingay. Marami naman na akong nakilala dito sa bago kong school may nagpapakilala. Minsan ako din naman yung nakikipagkilala. Minsan si Clyde naman yung nagpapakilala sakin sa mga kaibigan nya and even sa mga kakilala nya.
Hindi ko alam na pagkatapos pala ng class na to. Lunch na pala. Hindi na ako sumama kay Clyde kasi naman kakain lang namin kanina. Im still full. Sya naglunch nanaman kasi ubos na daw yung kinain nya kanina kakacr. Tsk. Mamaya sasakit nanaman yung tiyan nya sa dami nanaman ng kinain nya.
Hindi pa ako nakakagala dito sa school kaya naman gagala ako. Hahanap nadin ako ng tambayan ko.
Habang naglalakad ako marami naman akong nakakasalubong na mga studyante hindi na masyadong marami kasi baka nasa canteen na silang lahat o baka gumala sila sa malls. Maraming tumitingin sakin kasi nga bago ako dito. Napatungo nalang ako. Napadaan ako sa napakalawak na field.
'ganda'
May mga naglalaro ng soccer, may mga naglulunch doon, may mga nagde-date at marami pang iba. Medyo malayo to sa classrooms ng forth year highschools. So malayo na to sa gym and office. Magkaibang direction kasi sila. Bumalik nalang ako sa room, masyadong maraming mga tao sa paligid.
Napag isipan kong pumunta nalang sa roof top.
'wew!much better'
Mas maganda pala dito, may mga halaman din naman. Much more relaxing dito kaysa sa baba kanina, kasi naman maingay don. At least here? Peaceful. Walang bench dito hindi gaya ng school ko dati na meron. So I sat down on the floor,malinis din naman.
Nilabas ko yung phone ko then I saw a text messages
From kuya:
How's your day?
Compose message:
Ok naman kuya, may nakilala naman na ako
Sent!
Then inopen ko pa yung ibang messages
From dad:
How's your school?
'parang pareho lang naman ah'
Compose message:
Ok naman dad, actually ok na ok
Sent!
I play a song>_<
'Your Song'
by parokya ni Edgar
"It took one look
And forever laid out in front of me
One smile and I died
But I do need to be revived by you
There i was
Thought i had everything figured out
Goes to show just how much i know
'bout the way life plays out..."
Hindi ko alam kung bakit yan ang napindot ko basta nagkusa ang kamay ko. I usually play rock pero ngayon malumanay lang gusto ko para naman bumagay sa atmosphere. Tahimik at ang sarap ng simoy ng hangin saktong sakto may music. Refreshing! Nakakaantok ang lamig ng hanging dumadampi sa balat ko, pero kailangan kong pigilan ang sarili kong makatulog dahil baka hindi na ako magising ng maaga at baka magising ako pero madilim na. Tulog mantika pa naman ako.
"I take one step away
Then i find myself coming back to you
My one and only, one and only you...ooh.
Now i know
That i know not a thing at all
Except the fact that i am yours
And that you are mine"
Everytime kasi na magpatugtog ako narerelax ako. Hindi ako nakakaisip ng mga hindi magandang pangyayari ang naiisip ko lang yung mga magaganda. Inaalala ko lahat ng mga magagandang nangyari sa buhay ko. And I thank to God because He gave me mom and dad.
"Ooh
They told me that it wouldn't be easy
And i know
That i am not the one to complain...
I’ll take one step away
then i find myself coming back, to you
my one and only....... one and only you..."
May mga bagay din namang ayaw ko ng alalahanin, pag inaalala ko pa ksai ang mga bagay na iyon nasasaktan lang ako, pumapatak nalang ang luha ko sa tuwing maaalala ko ang mga nangyaring yon. Minsan nagagalit nadin ako sa sarili ko dahil andali kong maluha, andali kong umiyak. I hate my self from being too emotional. Kung pwede lang ay ayaw ko ng umiyak, dahil kinakaawaan nila ako at ayoko yon.
Tinignan ko ang oras, may ilang minutes pa. Bakit ba antagal tagal ng oras ngayon? Dahil ba pasukan?tsk boring! Pinatay ko na yung pinapatugtog ko at naglaro nalang ako. When I'm bored I always play mobile games or nagpapatugtog ako. Pampalipas lang ng oras. Dahil kapag ginagawa ko ang mga yon hindi namamalayan ang oras, at dahil don hindi na ako mag iisip ng kung ano ano na makakasama pa sa health ko. Naglalaro ako ngayon ng online games.
"ay! Ambob* naman" sabi ko pa dahil umaalis yung kasama habang naga-attack yung mga kalaban kaya naman ako lagi yung tinatamaan buti nalang at nakakaalis pa naman ako doon. "ay shacksss! Nagrequest back-up na nga eh bat dipa kasi pumunta sakin?antanga!" sigaw ko pa, nakakainis tong mga kasama ko dahil nagrequest kana nga hindi parin sila pumupunta sa pwesto ko kung saan 3 na yung kalaban ko, malalakas pa naman. At dahil don namatay ako! "ambob* talaga!" sigaw ko pa habang naghihintay dahil may 15 seconds bago ulit makapaglaro "tss weak talaga, anong ginagawa ng special skill mo kung dimo ginagamit?bob*" sabi ko dahil talagang nababadtrip na ako sa kanila, hindi man lang nila ako tulungan.
"are you crazy--?"
"ayyyyyy" muntik ko ng mahulog yung cellphone ko dahil sa gulat. Naramdaman ko naman yung pagsasalubong ng kilay ko "what are you doing here?!" sigaw na tanong ko sa kanya
"are you crazy?" pag uulit pa nya
Thanks for reading^_^
Don't forget to vote and comment..:)
Love lots❤❤❤
-xkimminyx-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top